LOGINSUMISIGID ang amoy ng disinfectant sa aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame na parang ulap sa kalangitan.
‘Pumanaw na ba ako?’ iyon ang una kong naitanong sa aking sarili.
Biglang luminaw ang aking pandinig. Rinig na rinig ko ang IV drip na tumutulo. Dahan dahan kong itinaas ang aking mga kamay. Nakatusok sa kaliwang kamay ko ang dextrose.
Inilingon ko ang aking ulo sa kanan, walang tao. Sa kaliwa naman, wala din. Nag iisa pala ako sa silid na ito.
Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating dito, subalit malinaw sa akin ang alaala bago ako nawalan ng malay.
Ang sapilitang pagpapakain sa akin ng seafoods.
Ang tusong ngiti ni Veronica habang buhat siya ni Jansen.
At ako, habang nahuhulog sa upuan.
Natatandaan ko pa ang huling sinabi ko sa kanya nung kainin ko ang pagkaing ibinigay niya sa akin..
“Kakainin ko ito.. Pero bayad na ang utang na loob ko sayo.”
Huminga ako ng malalim. Panahon na talaga, para bitiwan ko ang lahat. Hindi ko kailangan ang taong itinuturing akong basura.
Noong magising ako mula sa aksidente, at nalaman kong nawala ang buong pamilya ko, halos madurog ang aking puso. At ng sabihin ng doctor na may taong nagligtas sa akin, agad ko siyang hinanap.
Malaki ang pasasalamat ko kay Jansen, dahil nabuhay ako, dahil sa kanya, subalit malungkot naman ako, dahil nawalan ako ng pamilya. Kaya isinumpa ko na, na si Jansen na ang magiging pamilya ko.
Noong una, ayaw niyang pumayag, subalit nagpumilit lang ako.
Mas lalo pa akong naawa, ng malaman kong mahirap lang sila, at kakatapos lang niya ng koliheyo. Nakuha niya pa akong tulungan, kahit hindi naman kailangan. Ang tingin ko noon sa kanya, ay isang anghel sa lupa.
Tahimik lang siya, malalim mag isip. Pero hindi iyon naging sagabal sa akin. Matapos magpagaling, tinanong ko siya kung ano ang mga pangarap niya sa buhay. Nais pala niyang mag negosyo. Co- incidence pa na pareho kaming kumuha ng kursong entrepreneurship. May masters nga lang ako ng Business Administration. Negosyante ang aking pamilya, kaya iyon ang kinuha ko.
Dahil na rin sa walang nagmamanage ng aming kumpanya, at hindi naman iyon ang venture ko, ibinenta ko ang aking shares. Pati ang aming malaking bahay ay ipinagbili ko na, saka ako bumili ng isang condo unit.
Nag umpisa kaming magplano ng business na dalawa.
Bago pa man kami mag umpisa, makapal ang mukha kong tanungin siya, kung nais ba iya akong maging girlfriend. Nag aatubili man, pumayag din siya.
Itinatag namin ang J and C Corporation.
Mahirap sa simula, dahil hindi naman laking negosyo si Jansen, subalit itinuro ko sa kanya ang lahat.
Ako ang tumayong Vice President, at siya naman ang Chairman.
Inalay ko sa kanya ang lahat, subalit may isang bagay akong hindi kayang ibigay sa kanya..
Ang aking katawan.
Sa exclusive school for girls ako nagmula, at mga madre ang aming mga guro. Kaya ang mga bagay na hindi pa ginagawa bago ikasal ay mahigpit nilang itinatagubilin.
Alisin daw ang lahat ng tukso, upang maiharap ka sa altar ng asawa mo, ng buong buo.
Akala ko, okay iyon kay Jansen.
Akala ko, suportado niya ako.
Subalit– katulad pala siya ng ibang lalaki, na mahilig sa laman.
At ang kalamigang ipinapakita niya sa akin ay may dahilan:
Maaaring pagrerebelde, o maaari ding pag iwas sa tukso.
Pero malinaw na sa akin ang lahat.. Pagrerebelde iyon, at pagpapakita sa akin, na kaya niya akong palitan kahit kailan.
Masakit iyon sa akin. Dalawang taon ko siyang sinubaybayan, sinunod, at pinagbigyan.
Kahit masakit na sa akin ang lahat, tinatanggap ko lang.
Subalit– may hangganan ang kabaitan.. Nakakapagod pala.
Naputol ang aking pagmumuni muni, ng pumasok ang isang nurse na may dalang record book kasama ang isang doctor.
“Miss Gray, kumusta na po kayo?” tanong sa akin ng doctor, “Hindi po ba kayo aware na allergic kayo sa seafoods?”
“Alam ko doc..” mahina kong tugon.
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata, malumanay siyang nagsalita, “maswerte po kayo, at nadala kayo dito on time. Kung hindi, baka nabarahan na ang inyong lalamunan dahil sa labis napamamaga.”
“Salamat po, doc..” bigla akong may naalala, “doc, sino po ba ang– ang nagdala sa akin dito?”
“Matangkad po siyang lalaki. Matangos ang ilong, may kaputian, saka may kapayatan na konti.” tiningnan niya ang record na hawak ng nurse. “Mr. Smith..”
Nangunot ang aking noo. Mr. Smith? May kilala akong Mr. Smith, subalit nasa abroad na iyon. Kaibigan siya ng kuya ko. Pero nung mamatay si Kuya, hindi ko man lang siya nakita.
‘Baka nagkataon lang,’ sabi ko sa aking sarili.
“Maayos ka na naman, Miss Gray, kailangan lang maubos ang iyong gamot. Maaari ka ng madischarge pagkalipas ng tatlong araw.”
“Ah, doc, may nag asikaso po ba ng bill ko dito?” tanong ko sa kanya. Kung wala, tatawagan ko si Shane. Subalit naalala ko, ang aking phone ay naiwan sa office!
“Ma’am, bayad na po ang hospital bills niyo. Nabayaran na po iyon ni Mr. Smith nung dalahin niya kayo dito kahapon.”
“Kahapon? Kahapon pa ako dito?” nagulat ako ng marealize ko na isang araw na pala ako sa ospital.
“Opo Ma’am. Buti po at nagising kayo agad,” sabi pa ng nurse, “usually po kapag ganoong allergic reaction, inaabot po yan ng tatlong araw bago magising.”
Matapos kong magpasalamat, umalis na rin sila. Naiwan pa rin akong nakahiga doon at nag iisip.
“Siya nga kaya yung kaibigan ni kuya noong college siya?”
May madalas ikwento sa akin si kuya na kaibigan niya. Subalit ang isang iyon ay parang bato. Hindi marunong ngumiti, at makipagkapwa tao. Hindi ko nga lubos maisip, na magiging magkaibigan sila ng kuya ko, dahil magkaiba sila ng personality.
Bago pa ako mabaliw, muli na namang bumukas ang pinto ng silid.. Pumasok ang isang matangkad na pigura.
POV: GiaDahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa isang napakahaba at napakalalim na tulog. Ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa aircon at ang amoy ng mga sariwang rosas sa bedside table ang unang bumati sa aking katawan. Subalit mas higit na nagpabilis sa tibok ng aking puso ang marahang pagdampi ng mga labi sa aking balat.May gumagalaw sa aking tabi. Habang nakatagilid ako nang higa, naramdaman ko ang malambot at mainit na halik na dahan-dahang gumagapang mula sa aking pisngi patungo sa aking leeg.Awtomatikong napapikit ako nang bahagya, pinalilitaw ang isang maliit na ngiti sa aking mga labi dahil sa pamilyar na haplos na iyon—isang haplos na kailanman ay hindi ko ipagkakamali sa iba. Haplos ng iisang lalaking nagmamay-ari ng aking puso at ng aking buong buhay.Dahan-dahan kong ipinaling ang aking ulo pabalik upang tingnan ang lalaking nasa aking likuran."Mmm..." pabulong kong usal habang pilit na ibinubukas ang aking inaantok na mga mata.Nakatitig sa aki
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bodega. Ang amoy ng pulbura, ang malansang singaw ng sariwang dugo, at ang nakabibinging katahimikan mula sa natitirang mga tauhan ni Anthony na nanginginig sa takot ang tanging naghahari sa paligid. Nakaluhod silang lahat, nakataas ang mga kamay, at nagmamakaawa ang mga mata para sa kani-kanilang mga buhay.Subalit sa aking mundo, walang lugar ang awa para sa mga taong sumuporta sa isang ulupong."Iligpit niyo ang lahat," malamig at walang kaabog-abog kong utos habang itinuturo ang bawat tauhan ni Anthony na nakatayo't nakaluhod sa paligid. "Wag kayong mag-iiwan ng kahit isang humihinga. Lahat sila... tapusin niyo.""H-Huwag! Pakiusap, Boss Black Mask! Sumusunod lang kami—"RAT-TAT-TAT-TAT-TAT!Bago pa man matapos ng isa sa kanila ang kaniyang pagmamakaawa, sumabog na ang sunod-sunod na putok ng mga awtomatikong baril mula sa grupo ng Hanson Clan. Ang bawat sulok ng bodega ay napuno ng mga hiyaw ng pighati at pagkabigla habang isa-isang b
"BWA-HA-HA-HA-HA-HA-HA!"Isang napakalakas, buo, at nakapanindig-balahibong halakhak ang sumabog mula sa aking lalamunan. Niyakap ng boses ko ang bawat sulok ng bodega, tawa na nagpatigil pati sa tibok ng puso ng mga taong nakikinig. Humawak pa ako sa aking tiyan habang yumuyuko sa labis na katuwaan, habang ang duguang bangkay ng kaniyang mga magulang ay nakahandusay sa kaniyang paanan.Ibinaba ko ang aking kamay at inayos ang aking amerikana. Tinitigan ko si Anthony na halos maglaway na sa matinding pag-aabang sa aking desisyon."Sabi ko 'mapag-iisipan ko', Anthony..." sagot ko habang pinalilitaw ang pinakamalamig at pinakamasamang ngisi sa aking mga labi. "...at nung pinag-isipan ko nang mabuti, naisip kong... ayaw ko pala. Ayaw kitang palayain."Napatigil ang mundo ni Anthony. Nangitim ang kaniyang mukha at nagdilim ang kaniyang paningin sa sukdulang pagkabaliw at panlulumo."MGA HAYOP KAYO! PAPATAYIN KITA!" sigaw ni Anthony.Sa gitna ng kaniyang matinding pagwawala, marahas niyan
Hindi makapaniwala si Anthony. Mabilis siyang umiling-iling nang paulit-ulit na parang isang batang nawawalan ng bait sa gitna ng matinding takot at panlulumo. Ang kaniyang mga mata ay pabalik-balik sa akin at kay Marcus, hindi matanggap na ang buong buhay at kapangyarihang akala niya’y hawak niya ay isa lamang malaking dula na ako ang may gawa."Mga hayop kayo!" sigaw ni Anthony, dumudura ng dugo habang pilit na itinataas ang kaniyang duguang mukha. "Ginago niyo ako! Marcus, put*ngina mo, ginago mo ako! Binayaran kita! Naniwala ako sa 'yo!"Bahagyang natawa si Marcus. Yumuko ito nang kaunti at tinitigan si Anthony nang may matinding pangungutya. "Hindi ka na namin kailangang gaguhin, Anthony... dahil sa umpisa pa lang, gago ka na talaga. Masyado kang naging uto-uto para isiping may halaga ka sa underworld."Bumaligtad ang sikmura ni Anthony. Sa gitna ng kaniyang kawalan ng pag-asa, dahan-dahan siyang gumapang sa malamig na semento patungo sa kinaroroonan ko. Ang dating mayabang at ma
"Ha-ha-ha-ha-ha!"Isang napakalakas, buo, at mataginting na halakhak ang umalingawngaw sa buong bodega. Hinalakhakan ko siya nang buong-puso—isang halakhak na puno ng sukdulan at walang-kapantay na panlalait at pang uuya, na nagpapatigil sa bawat taong nakikinig sa paligid. Ibinaba ko ang aking kamay mula sa aking mukha at pinalitan ko ng isang napakalalim na ngisi ang aking mga labi."Gawin 'yon?" pabalang kong tanong habang itinutuwid ko ang kwelyo ng aking suit. "Bakit ko naman gagawin 'yon, Anthony? Para kanino? Para sa isang katulad mong basahan? Para sa isang uto-utong hanggang ngayon ay nag-iilusyon pa ring may halaga siya sa mundong ito?"Nanginig ang buong katawan ni Anthony sa matinding pagkapahiya. Nanlilisik ang kaniyang mga mata at nagwala siya nang tuluyan sa kaniyang kinatatayuan."MGA BWISET KAYO! HAWAKAN NIYO SIYA!" sigaw ni Anthony, humaharap sa grupo ng Hanson Clan habang iwinawagayway ang kaniyang kamay. "Gawin niyo ang utos ko! Hawakan niyo 'yang hayop na 'yan!
Tinitigan ko si Anthony na halos maglupasay na sa katuwaan habang nakatitig sa limampung armadong tauhan ng Hanson Clan na nakapaligid sa aming lahat. Ang kaniyang mga mata na kanina ay puno ng matinding sindak at kawalan ng pag-asa ay muling nagliwanag sa isang klase ng kamangmangan. Akala niya talaga ay dumating ang kaniyang mga tagapagligtas. Akala niya ay matatapos na ang kaniyang bangungot sa kamay ni Black Mask.Impit, napakababaw, at napakatanga.Dahan-dahan kong itinaas ang aking dalawang kamay patungo sa likod ng aking ulo. Huminto ang lahat sa paggalaw. Napatitig si Marcus Hanson, napatitig si Anthony, at maging ang mga tauhan sa paligid ay mas lalong humigpit ang hawak sa kani-kanilang mga baril sa pag-aakalang maglalabas ako ng panibagong sandata.Subalit hindi baril ang hinawakan ko.Inabot ko ang tali ng itim na maskara sa likod ng aking tainga. Sa isang mabagal, pormal, at direktang paggalaw—dahan-dahan kong inalis ang maskara mula sa aking mukha.Ibinitin ko ito sa aki
“AKO naman talaga ang mahal ni Jansen. Ginagamit niya lang si Chantal para sa kanyang pag angat. Once na makuha na niya ang buong control sa company, itatapon na niyang parang basahan ang babaeng yun,” tinig iyon ni Veronica.Umaalingawngaw iyon sa loob ng banyo. Hindi man lang sila nagcheck muna
“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus







