Share

Veinte

Domino's Point Of View

Hindi ako mapakali sa apat pang oras na nasa loob ako ng classroom at nakikinig sa klase ng teacher na hindi ko na naman kilala. But he's teaching us gen math—na obviously ay alam ko na.

It's been four hours mula nang magsimula ang afternoon class, at thirty minutes pa bago matapos! It's already four thirty p.m.! At alas sinco ang usapan namin ni Xy. Siguradong mapipikon na naman sa 'kin ang babaeng 'yon kapag nahuli na naman ako sa oras na pinagusapan.

"D-domi, ayos ka lang? Masakit ba dibdib mong napaso kanina?" mahinang tanong ni Cel sa 'kin.

Akmang iiling na ako para tumanggi nang makaisip ako ng paraan.

Hinawakan ko ang dibdib atsaka umakto na nasasaktan. "O-oo eh, gusto ko na sanang umuwi at magpahinga. Matagal pa bang matapos 'to?" kunwari ay nahihirapang huminga na sabi ko.

Nataranta naman si Cel habang nakatingin sa 'kin, kinuha n'ya pa ang water bottle n'ya atsaka ibinigay 'yon sa 'kin.

Lihim akong napangiti nang bigla s'yang tumayo.

"Yes, Ms. Go
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status