Lumaki si Thalina Corvella sa katahimikan, laging sumusunod sa bawat utos sa ilalim ng mahigpit na bubong ng simbahan ng kanyang tiyuhin. Kaya nang ipilit siyang ipakasal sa isang kilalang ruthless mafia, biglang gumuho ang tahimik niyang mundo. Evander Noctez is sin in human form, at ayaw na ayaw niyang mapalapit dito. Pero hindi sanay si Evander na tinatanggihan. Natikman na niya lahat ng uri ng ligaya sa mundo... maliban sa isang babaeng katulad ni Thalina. Untouched. Unbothered. At wala siyang pakialam kahit gano'ng makapangyarihan si Evander. Sa mundo ng sekreto, karahasan, at tukso, unti-unting nahuhulog si Thalina hindi lang sa dilim ng mundo ni Evander, kundi pati sa mga bisig nito. Pero kaya bang mabuhay ang pag-ibig kung puro kasinungalingan ang pundasyon? O tuluyan bang masusunog ang tanging bagay na gusto sana ni Evander na maging totoo?
Lihat lebih banyak“I see you like them…”Napalingon ako bigla sa boses na iyon."E-Evander!" Halos mabitawan ko na ’yung Bible sa sobrang gulat. Napakapit ako sa kuwintas na suot ko, gusto ko sana itong alisin, pero huli na. Nahuli na niya ako.“H-Hindi ko narinig na pumasok ka,” sabi ko habang humarap sa kanya. Nagtama ang tingin namin, at doon ko lang napansin na may bitbit siyang tray sa dalawang kamay.“Gumawa ako ng breakfast para sa’yo,” sabi niya sabay upo sa kama. “Sana magustuhan mo. Matagal na rin akong hindi nagluluto, pero don’t worry, may konting tulong naman ako from the chef.”Tumawa siya nang mahina, pero ako, kabado. Sigurado akong may mali dito.Akala ko pangit ang hitsura ng food, pero nang binuksan niya ’yung takip ay natulala ako. Kumalat agad ’yung amoy ng omelet at sausage sa buong kwarto. At sa hindi ko inaasahan, kumalam ang sikmura ko.“Sige na, tikman mo,” aya niya.Umiling ako nang bahagya.“Wala akong dahilan para lasunin ka, Thalina. Asawa kita,” dagdag niya, at ewan ko ku
Wala na ang mga bisita sa kasal. Naiwan akong mag-isa, kasama ang lalaking kinatatakutan ko.Tahimik na inutusan ni Evander ang mga stewards na dalhin ang gamit ko sa master bedroom. Nang binuhat na ng dalawang babaeng halos kaedad ko ang mga bag ko, agad ko silang pinigilan.Alam kong halos kasing edad ko lang sila, pero kahit gusto nilang tumanggi, hindi nila kayang bastusin ang bagong asawa ni Evander kung ayaw nilang mapahamak.“Are we going to to be in the same room?” tanong ko kay Evander, ramdam ang kaba sa dibdib ko.Natawa siya sa tanong ko. Pati mga stewards, pilit na lang pinipigilan ang ngiti nila. Tahimik silang nakatingin sa akin, halatang aliw na aliw.“Ang ibig kong sabihin... matutulog ba talaga tayo sa iisang kwarto?” ulit ko, this time mas seryoso.Napansin ni Evander na hindi ako nagbibiro.“Siyempre,” sagot niya. “Mag-asawa na tayo. Normal lang sa mag-asawa na matulog sa isang kwarto.”“Hindi!” Napalakas ang boses ko. Alam kong nakaka-offend 'yon, at kahit hindi n
Ako lang yata ang hindi nage-enjoy sa sariling kasal.Punong-puno ng makukulay na ilaw ang buong hall, at sa bawat mesa, may kandilang nakasindi. It was beautiful. It was loud. It was nothing like me. Pakiramdam ko ay hindi ako belong sa kanila. Daig ko pa ang isang bisita.Hindi ako nararapat dito.“Tonight is a special night! Eat and drink to your fill!” sigaw ni Evander Noctez habang nakatayo sa gitna ng crowd na parang hari sa sariling palasyo. Ngayon lang ata siya nakita ng lahat na ngumiti nang ganun.Nakaupo lang ako sa gilid, tahimik na pinapanood siya habang iniisip kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin sa piling ng isang ganung klaseng lalaki.Tumatawa siya na parang demonyo. Napa-irap na lang ako. Pero kahit ganoon, lahat yata ng tao rito ay gustong-gusto siya. Ako lang ang hindi.Pero aminado ako na ang gwapo niya. Peste. Bakit ba may ganitong lalaki? Yung sama ng ugali, pero ang lakas ng dating? Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Laging napapatingin ako sa kanya
Parang hindi ako makahinga habang nakatitig kay Father Ian, ang pari na kaptid ng yumao kong ama. Ang tiyuhin ko na nagpalaki at kumupkop sa akin nang maulila ako. Ang lalaking naging sandalan at naging tagapagtanggol ko. Pero ngayon, siya na mismo ang nagtutulak sa akin sa kapahamakan.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, at sunod-sunod na napalunok sa kaba.“U-Uncle, seryoso ka ba? Please tell me this is a joke? Hindi... mo naman magagawa iyan sa akin, hindi ba?”Umiikot pa rin sa utak ko yung sinabi niya. Hindi ko na alam kung nagpa-panic lang ako o kung bangungot talaga ang lahat ng ito.“This is final, Thalina...” sabi niya habang tumayo mula sa desk niya. “You’re marrying Evander Noctez. Hindi ka pwedeng tumanggi dahil naayos na ang lahat. That’s it.”I felt the sting in my chest, but I was too tired to cry again. I’d spent all night in tears, and by now, I was drained. Wala nang luha. Wala na akong lakas para umiyak.“Mali ito, Uncle,” mahina kong sabi. “Ikaw ang nagturo sa’kin na
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen