Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

last updateLast Updated : 2025-05-22
By:  BITUING GRACIA'SUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.9
12 ratings. 12 reviews
42Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang CEO na isa rin sa mga pinuno ng mga sundalo, nakipag-kontrata ng kasal sa isang inosenteng babae. Dumaan ang ilang buwan ay unti-unti silang nahulog sa isa't isa. Subalit, bumalik ang kanyang Ina at ginawa ang lahat upang mawala sa buhay ng kanyang anak ang inosente na babae. Ngunit, walang ibang nagawa ang CEO kundi ang ipaglaban ang babaeng iniibig niya. Subalit, dumating sa puntong pinagtangkaan ng kanyang Ina ang buhay ng iniibig nito. Magagawa pa rin bang manatili ng CEO sa tabi ng iniibig niya? O pakakawalan na lamang niya para sa kaligtasan?

View More

Chapter 1

CHAPTER ONE

SHIENA CORDOVA POV.

Hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak, habang pinagmamasdan ang aking kapatid na hindi pa rin nagigising. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera ngayon, upang makabayad dito sa hospital at sa mga utang. Halos million na halaga ang kailangan para sa operasyon. Ngunit, saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga? Hindi ko na kaya, kailangan ko nang lumapit ngayon sa aking nobyo. Gagawin ko ang lahat upang mailigtas ang kapatid ko, maging kapalit man nito ang aking buhay.

"Alex, nakikita mo naman ang kapatid ko. Alam mong nalubog na rin ako sa utang. Maaari bang pautangin mo ako? Kailangan na kailangan ko ngayon ng pera, upang maoperahan na ang kapatid ko. Pakiusap Alex, pagbigyan mo ang hiling ko kahit ngayon lang..." pagmamaka-awa ko.

"Tsk! Ano ka ba! Wala ka na bang ibang malapitan? Kundi ako! Shiena! Mula nang dumating ka sa buhay ko, naging malas na lahat! Alam mo, wala kang kwenta ehh, kaya hindi mo maililigtas ang kapatid mo! Maghiram ka sa iba, pero sa akin huwag na huwag mo nang uulitin pa!" napakupot ang aking labi.

"Teka lang, Alex, pakiusap naman. Wala na akong ibang malapitan, pakiusap, Alex," sabay hagulhol ko sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang mga butil ng luha na tumutulo sa aking mga mata.

"Walang hiya! Huwag mo nga akong kapitan!" Kasabay nito ang kanyang pagtanggal ng aking kamay na nakawahak sa kanyang braso. Itinulak niya ako nang malakas, dahilan na nawalan ng balanse ang aking katawan.

Pinilit kong tumayo, ngunit nang maitayo ko na ang aking katawan. Bigla niya akong sinipa, dahilan din nito ang aking pagbagsak muli. Sobrang sakit ang natamo ko, nanginginig na pati ang mga tuhod ko.

"Tinawagan mo lang talaga ako, para papuntahin dito at mangutang! Mahiya ka, Shiena. Maghintay na tayo, kailanman hindi naman kita minahal. Akala ko nang una, maayos lang babae. Hindi pala! Kahit isang piso nga ay wala ka! Wala kang silbi sa buhay ko! Tapos, uutangan mo pa! Tsk! Walang kwenta!"

Napalingon ako sa paligid. Saksi ako sa mga matang masamang nakatingin sa akin. Sinabayan pa ng kanilang pagtawa. Ramdam na ramdam kong ikinakahiya ako nang lahat. Dahil, sa kahihiyan, hindi ko napigilan ang aking sarili na tumakbo papalabas ng hospital. Sa kakaiyak ko, halos matakpan na ang mga ko ng mga luha ko. Hindi ko makita nang maayos ang daan. Hanggang sa, naramdaman kong may kung anong bagay ang aking nabangga sa aking harapan. Dahan-dahan kong itinaas ang aking paningin. Malamig niya akong tinitigan.

"Tiyak akong, pinagtatawanan mo din ako," sambit ko sa aking isipan.

"Patawad, hindi ko po sinasadyang mabangga ka," nakayukong saad ko.

Hinintay ko siyang magsalita, ngunit kahit isang letra lang ay walang lumabas sa kanyang bibig.

"Patawad po, ulit."

Nagawa kong humakbang, ngunit hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. Hinawakan niya ang aking kamay. Ramdam ko ang init nito. Tila'y may gustong sabihin.

"May sulosyon ako sa problema mo, kung papayag ka. Ililigtas ko ang kapatid mo, sa isang kondisyon." Malamig pa rin ang kanyang boses, ganun din ang kanyang mata.

Kumabog ang aking dibdib. Tila'y naguguluhan at may halong tuwa. Totoo kaya ang kanyang sinasabi, paano naman niya ako matutulungan. Paano niya rin nalaman ang sitwasyon ng aking kapatid?

"Ano ba ang pi-pinagsasabi sa-sabi mo?" putol-putol na salitang lumabas sa aking bibig. Hindi kasi ako makapaniwala sa kanyang sinambit.

"Pag-usapan natin ang lahat, ngunit ayaw ko rito sa lugar na ito. Nais kong ikaw lamang ang makakaalam sa pag-uusapan nating dalawa, at hindi ito pwedeng marinig ng iba, maliwanag?" Mahina subalit madiin ang boses.

Napalunok laway ako, pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay. Suminghap siya at ibinigay sa akin ang isang maliit na tuwalya. Nahihiya akong tanggapin ito sa kanya. Subalit, sa kanyang itsura ay hindi siya pumapayag na hindi ko ito tanggapin. Kaya, kinuha ko na lamang at nagpasalamat. Ginamit ko ito, tila'y may kung anong dumampi sa aking dibdib. Gumaan ang aking pakiramdam.

Kalaunan, niyaya niya akong sumakay sa kanyang sasakyan. Subalit, nakaramdam ako nang takot baka kung ano ang gawin niya sa akin. Iniling ko ang aking ulo sabay yuko.

"Kung ganun, hindi ka ba sanay? Ayos lang, maglalakad-lakad na lang tayo. Huwag kang matakot, wala din naman akong gagawin sayo, isa pa hindi ako interesado sa katawan mo. Kaya, huwag mo sanang isipin na may masama akong gagawin."

Tanging tango ang aking pagsagot. Ngayon, naglakad-lakad nga kami. Ramdam ko ang malamig at tahimik na paligid. Hinihintay kong magsalita siya, dahil siya naman ang may gustong sabihin sa akin.

"Ngunit, kung hihintayin ko pa siya kailan ba kami mag-uusap? Bakit ba naman kasi, ang tahimik niya. Kanina lang, natuto naman siya magsalita. Tapos ngayon, wala na naman akong marinig sa kanya," sambit ko sa aking isipin habang napapangiwi na lamang ako.

Napapa-isip pa rin ako sa kapatid ko. Hindi ko nagawang magpaalam kanina. Kaya, dapat pala tapusin ko na agad ang dapat naming pag-usapan.

"Oo nga pala, ano na ang pag-uusapan natin?" tanong ko, upang masira ang katahimikan na ito.

"Simple lang naman ang gusto ko."

"Ano ba 'yon?" pagtataka ko.

"Pakasalan mo ako, at ibibigay ko ang lahat ng gastusin para sa kapatid mo. Susuportahan din kita."

Napahinto ako sa paglalakad, parang umatras ang aking dila, kasabay ng paghinto ng oras. Ano ang pinagsasabi niya, kasal? Hindi laro ang pagpapakasal, malaki din ang ibig sabihin nito. Ano ba ang akala niya sa akin papayag? Kung ganun, ano ang mangyayari? Kapag hindi din ako pumayag, tiyak na hindi magagamot ang kapatid ko. Ito lamang ang pwedeng maging sulosyon ko ngayon. Ngunit, paano ko haharapin ang lahat?

"Ano? Papayag ka ba o hindi? Ngayon ko lang sasabihin 'to, ngayon lang din ako nakipag-usap nang ganito. Kung tatangihan mo pa ang inaalok ko, baka hindi mo na ako makita pa. Kaya, ngayon pa lang ibigay mo na sa akin ang sagot mo."

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko alam, kung anong salita ang dapat maunang lumabas sa aking labi. Naghahalo ang aking pakiramdam, gumugulo na rin ang aking isipan. Papayag nga ba talaga ako??? Ano ang mangyayari, kung magiging asawa ko ang lalaking hindi ko naman mahal???

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
RIDA Writes
Recommended ...
2025-04-19 18:44:04
1
user avatar
Roxxy Nakpil
Highly reccommended ...️
2025-03-19 21:09:21
1
user avatar
Mairisian
Must read 🫶
2025-03-18 17:34:46
1
user avatar
Middle Child
more update miss A=)
2025-03-15 17:24:40
1
user avatar
Anoushka
Highly recommend 🫶🏻
2025-03-14 01:27:34
1
user avatar
M.A.B. Writes
Napakagandang kwento nito♡♡♡
2025-03-12 20:38:30
1
user avatar
Mairisian
Must read 🫶🏼
2025-03-12 01:40:52
1
user avatar
Deigratiamimi
highly recommended
2025-03-12 01:29:58
1
user avatar
KEEMUNKNOWN0920
recommended <,3
2025-03-11 23:08:51
1
user avatar
BITUING GRACIA'S
Readers, you may put your feedback here. Either it is bad or good feedback.
2025-03-11 17:24:53
0
user avatar
BITUING GRACIA'S
Dear Readers, I hope you will enjoy reading. If you have any suggestions, it's free. You can tell it here, and also you can PM me on my Facebook account ( Bituing Gracias)
2025-03-11 17:23:16
0
user avatar
FourStars
highly recommended ♡
2025-05-24 08:06:23
0
42 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status