Masayang kumain ng breakfast ang magkapamilya. May ilang kwentuhan, asaran, at halakhakan sa hapag-kainan. Makikita ang saya sa bawat mukha ng mga naroon, lalo na ang mag-asawang Gomez. Ang makitang masaya ang mga apo at nag-iisang anak na babae. "Hija, bakit hindi mo subukang ibalik ang tunay mong mukha?" suhestiyon ni Mrs. Gomez sa anak. Napasulyap si Gretel kay Thirdy. Nagkatinginan silang dalawa. Si Thirdy ang sumagot sa sinabi na iyon ng magandang Ginang. "Tita, baka next month po ay aalis kami patungo sa Switzerland for her perfect face surgery." "Alright, balita ko rin isa ang country na 'yan kung saan nariyan ang mga mahuhusay na surgeon. And they provide world class cosmetic surgery," saad ni Mrs. Gomez. "Yes, Tita. Kaya do'n ko ipaaayos muli ang mukha ni Gretel," turan ni Thirdy. "Really daddy! Meaning ba niya'n maibabalik po ang dating mukha ni mommy!" bulalas ni Tharia na halatang mas excited pa sa kanila. "Yes, princess. God willing," sagot ni Thirdy. Matapos mag-
Back to normal ang buhay nina Gretel at Thirdy. Si Gretel nagtatrabaho sa flower shop habang si Thirdy ay focus sa kompanyang pinapalakad as a CEO. Balik normal ang pag-aaral nina Tharia at Tinay. Si Thirdy ang sumusundo sa dalawa, pagkatapos ay susunduin din niya si Gretel sa flower shop kung saan ito nagtatrabaho bilang manager. "Ma'am, okay na po ba lahat ng mga decorations para sa birthday party ng anak nina Mateo at Norain? Ang sabi daw po ay ngayon daw po ipadeliver ni ma'am Norain ang lahat. Para daw po ma-arrange na sa setting area. Sa malawak na hardin daw po kasi i-held ang naturang birthday party para kay Ms. Bea Montenegro." "Okay na lahat at pwede na rin iyang i-deliver," sagot ni Gretel habang nasa sariling laptop ang atensyon. "Ma'am, is it true na hindi pala iyan ang totoo mong mukha?" Hindi na napigilan ni Hermes ang pag-usisa. Napangiwi siya dahil sa sariling kapangahasan. Napangiti si Gretel. "Ikaw talaga Hermis napaka-Marites mo talaga. Well, yeah. Don't wor
Ngumiti si Gretel at niyakap mula sa likuran ang lalaking minamahal na ngayo'y nakasilip sa bintana. Masuyong hinarap siya nito at awtomatiko nitong inangkin ang kanyang mga labi, na siya namang tinugon niya ng walang pag-aalinlangan.Unti-unting binubuhay ng kakaibang init sa mga sandaling iyon ang kanilang laman. Ramdam ni Gretel ang naglumikot na mga palad ni Thirdy na ngayo'y malayang sumasaliksik sa bawat parte ng kanyang katawan. Napaungol siya sa pagitan ng kanilang halikan ng maramdaman niya ang masuyong pagpisil nito sa kanyang makinis at mayamang dibdib. Sending an intensifying electricity of desire. Pinakawalan saglit ni Thirdy ang mga labi nila ng dalaga. Pinakatitigan niya ang maamong mukha ng babaeng minamahal. "I love you so much, sweetheart. Alam mo bang halos mabaliw ako kahapon ng may marinig akong boses ng lalaki habang kausap kita sa phone?" seryosong saad ni Thirdy kay Gretel."Pakiusap, hind mo kailangang magselos dahil ikaw lang ang bukod-tanging lalaki na inii
Kinakabahan si Gretel sa mga oras na iyon. Nakakuha na siya ng ilang samples kay Thirdy, Tharia at Tinay at ibinigay sa kakilalang doktor ng kaibigang si Aialyn. Magkasama sila ngayon ni Aialyn. Hindi na nakasama pa sa kanya si Thirdy dahil sa importanteng meeting nito sa ilang board of directors. May narinig kasi siyang may bagong board na papalit sa namayapang board din. And she can't ignore the fact na may sabi-sabi na maganda daw ang naturang board. Kahit ano'ng pilit niya na isantabi ang naturang isipin pero bakit nga ba binabagabag siya niyo'n. "Okay ka lang ba?" pukaw ni Aialyn sa kanya. Napasulyap siya rito."Medyo, iniisip ko lang kasi iyong sinasabing may bagong board sa kompanya ni Thirdy. Some said na maganda raw ito at sobrang sexy. Aaminin kong hindi ko mapigilan ang mabahala. Well, may tiwala naman ako kay Thirdy, pero sa sinasabing new board, wala.""Kaya pala sambakol 'yang mukha mo?" nakangiting turan ni Aialyn."Hindi naman ako dating selosa, pero nang magbago si T
Nagising Gretel sa lamig ng aircon. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata kasabay ng pagkalam ng kanyang sikmura. Ang nakangiting mukha ng lalaking minamahal ang kanyang unang nabungaran. Sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. Saka niya naramdaman ang mainit nitong mga labi na sumakop sa kanyang mga labi. Tila kinikilig siya na hindi mawari. "Saan ka ba galing at parang pagod na pagod ang aura mo, sweetie?" tanong sa kanya ni Thirdy. At saka lang naalala ni Gretel ang pagkikita nila ni Norain kanina kasama ang ampon nitong si Dianah. "Sweetie, hindi ba't may ampon sina Mateo at Norain na kasing-edad ni Tinay?" "Yeah, pero hindi ko pa nakikita at isa pa hindi pala tayo nakadalo sa birthday party ni Bea nang isang araw. Kanina lang ay nangumusta si Mateo sa'kin. And I already send my apology. So, what about that kid Dianah, sweetie?" "Kung nakita mo lang iyong bata masasabi mong siya ang isa sa kambal natin," nakangiting tugon niya. "Huwag ka sanang magagalit, sweethe
Pagkatapos nilang maihatid sina Tharia at Tinay sa paaralan. Dumiretso na sina Gretel at Thirdy sa kanilang biyahe sa mansion nina Norain at Mateo. Ang tanging hiling ni Gretel na sana naroon si Norain. Makailang beses na niyang sinubukang tawagan ito pero hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. "Sumagot na ba?" tanong ni Thirdy."Hindi pa.""Kung pupunta tayo roon at wala sila sayang ang oras natin. Mas maigi iyong sigurado, isa pa may important meeting pa ako sa ilang client ko, sweetheart.""Kaya nga e. Isama mo na lang kaya ako sa opisina mo. Gusto ko ring kilatisin 'yong Niña na sinasabi mo."Ngumisi lang si Thirdy sa narinig mula kay Gretel. "Really?""Yeah, I am serious. Mr. Del Fuego," ani Gretel. "Hindi na lang muna tayo tutuloy?" tanong ni Thirdy."Nagbago ang isip ko. Ano'ng silbi ng P.I. na binabayaran mo kung tayo lang din naman ang mag-effort?" "Kaya nga, hindi ba't ikaw lang itong mapilit kanina?" nakangising turan ni Thirdy. "Wala pa rin bang balita?" tanong ni Gre
Si Gretel ngayon ang tagahatid at sundo sa mga anak. Eksaktong nagkita sila ni Aialyn sa paaralan. Palibhasa'y doon din nag-aaral ang mga anak nito sa paaralang iyon. Nakangiting sinalubong siya nito."Good morning! Here's the result," si Aialyn at ibinigay kay Gretel ang isang envelope."Salamat," nakangiting tugon ni Gretel at niyakap si Aialyn."Buksan mo na dali!" excited na tugon ni Aialyn."Mas excited ka pa yata sa'kin, a!" nakangiting turan niya."Siyempre, hindi ba't natagpuan niyo na ang isa? Sana si Tinay nga ang isa sa mga anak mo."Nakangiting binuksan ni Gretel ang envelope at tiningnan ang naturang resulta. Nag-uunahang tumulo ang kanyang mga mata at mabilis na niyakap si Aialyn. "Damn, iba talaga 'pag mother instinct. Si Tinay nga, look 100% match sila ni Thirdy. Dios ko, ang bait ng Dios sa'kin, Aia!" lumuluhang tugon ni Gretel.Nakangiting hinimas-himas ni Aialyn ang likod ng kaibigan. "Congratulations, I am so happy for you! Kinaawaan ka ng Dios, Gretel. Nakikita ka
Araw ng Sabado kaya naisipan ni Gretel na ipasyal ang mga anak. She's trying to contact Thirdy para sana humingi ng apology dito dahil sa ilang beses niyang hindi nasagaot ang mga tawag nito, wrong-timing na busy siya. Kasalukuyang dinala niya ang mga bata sa Manila Ocean Park. Mga ilang oras din ang itinagal nila sa naturang lugar. Napagod na nga siya at minsan panaka-naka ang kanyang pagkahilo. "Mommy sa oceanarium tayo!" masiglang tugon ni Tharia habang hawak ang dalawang kapatid na sina Tinay at Dianah, tulad din nito'y sobrang saya sa pagkakataong iyon. "Sure, sweetie. Tara!" sagot ni Gretel kahit pa nga sabihing hindi na maganda ang kanyang pakiramdam. Tiniis niya ang lahat para lang sa kasiyahan ng mga anak. Minsan lang kasi niya mailabas ang mga ito. Ang makitang nag-eenjoy ang mga ito ay kagalakan sa kanyang damdaming ina. "DAMN it!" malutong na mura ni Thirdy. Hindi natuloy ang kanyang flight dahil sa may aberya sa ilang mga airlines. Miss na miss na niya ang kanyang
Tulad ng pangako nila sa mga anak, sinamahan nila ang mga ito sa ilang mga rides. Halos 18 rides din ang sinakyan ng mga ito at talagang walang pinalagpas. Naaaliw nga lang sila sa mukha ng anak nilang si Tinay. Umiiyak pagkatapos ay tumatawa sabay sigaw. Si Gretel ang taga-kuha ng ilang videos, si Thirdy naman sa ilang mga pictures. There's a lot of rides. Tulad na lamang ng: Star Flyer, Star Frisbee, Surf Dance, Jungle Splash, Wacky Worm, Mini Pirate Ship, Telecombat, Zyklon Loop, Dragon Express, Wild River, Viking, Magic Forest, Music Express, Spring Ride, Giant Wheel, Blizzard, Tornado and Top Dancer.Mga ilang oras din ang iginugol nila sa looban ng Star City. Hanggang sa dumating nga ang gabi. Lahat ng rides ay nasakyan ng kanilang mga anak. Ang resulta, pagod na pagod ang mga ito. Halata sa mga anyo ng mga ito. Nailing na lamang si Gretel sa hitsura ng mga anak. Halata ang pagod at antok sa mga mukha nito. "Dinner na tayo?" tanong ni Thirdy."Yes, daddy!" si Dianah sabay hik
2 years later..... Nakatitig si Gretel sa sariling repleksyon. Awa ng Panginoon naibalik ang tunay niyang mukha na siyang hindi niya inaasahan. Napasulyap siya sa frame kung saan kapwa sila nakangiti ni Thirdy. Their wedding day. Yes, last year pagkatapos niyang manganak sumabak siya sa isang critical na operasyon para lang maibalik ang kanyang mukha. Pagkatapos ay ikinasal sila. Hindi niya akalain, that facelift surgery can be repeated successfully more than once, kung kinakailangan. And she was surprised. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang sunud-sunod na katok mula sa pinto ng kwartong kinaroroonan niya. Inaasahan na niya sina Tharia, Tinay at Dianah. Dinampot niya ang suklay at sinuklay ang mahaba niyang buhok. "Come in, girls." Mabilis na bumukas ang pinto at iniluwa nga roon ang tatlo. "Mom, dad's waiting for you downstairs," si Tharia. "Okay, malapit na ako matapos mga anak," ani Gretel sabay sulyap sa kanyang tatlong prinsesa na tulad din niya'y
"Sweetie, are you okay?" tanong agad ni Thirdy sa babaeng minamahal. "Ikaw talaga, ginulat mo 'ko. Parang walang amnesia ka lang, a, kung umasta," nakangiting tugon ni Gretel."Dahil, ayokong malungkot ka," sagot niya rito."Ang mabuti pa, tulungan mo nalang ako rito na dalhin ang mga niluto ko doon sa mesa," palatak ni Gretel nang nakangiti."Iyan lang pala? Sure!" Nakangising dinampot ni Thirdy ang ilang mga niluto ni Gretel at dinala sa round table kung saan naroon ang tatlo nilang prinsesa na naghihintay.Nakangiting pinagmamasdan ni Gretel si Thirdy. Hindi niya akalaing kung umasta ito ay parang wala lang. Hindi niya makakalimutan ang gabing kanilang pinagsaluhan. Sh*t! Naalala niya tuloy ang sinabi sa kanya ng mga kawaksi, blooming daw kasi siya. Argh! Siyempre, sino ba naman ang hindi maging blooming, e, nadiligan siya kagabi. Naks! At dahil sa isipin na 'yon, biglang nag-init ang magkabila niyang pisngi."Ma'am, 'yong tiyan niyo po ba ilang buwan na po 'yan?""Naku, manang hi
Nakatitig lang si Thirdy sa puting kisame habang nakahilata sa king size bed. He hated himself for not remembering anything. Tulad ng sabi ng kanyang kapatid, temporary lang naman daw ang pagkakaroon niya ng amnesia dahil sa painkillers na maintenance na iniinom niya.Ramdam niya ang kakaibang tibok ng kanyang puso nang masilayan ang larawan ng isang babae na nakita niya kanina. Inaalala niya ang sinabi ng batang si Tharia. Iyon daw ang dating mukha ng babaeng kaharap niya kanina. Gustuhin man niyang ipikit ang mga mata ay hindi niya magawa. Tanging hiling niya na sanay matapos na itong iniinom niyang painkiller. Mula sa sariling kama naisipan niyang bumalikwas ng bangon. Lumabas siya ng naturang kwarto. Tinungo niya ang living room, hindi niya inaasahang madatnan roon si Gretel. Ang fiancee niya kuno na kahit ano'ng gawin niyang alalahanin ito ay hindi niya maalala. Masasabi niyang mas pamilyar pa ang mukha no'ng babaeng nakita niya sa larawan.Nagulat si Gretel nang maramdaman ang
AAMININ niyang napuno ng galak ang kanyang puso nang makita ang lalaking minamahal. Pero hindi maipagkakaila ang ibang kinikilos nito. "Hindi ko pa nasasabi sa'yo ang bad news. Since nakita mo ang successful na operasyon ng kapatid ko, kung ano ngayon ang napapansin mo, 'yan ang bad news." "W—what do you mean?" kinakabahang tanong ni Gretel kay Celina. Nagpakawala ng isang marahas na hininga si Celina. "Dahil sa painkillers na ininom niya apektado ang kanyang memorya. I don't know kung ano ang pangalan ng naturang painkiller, but because of that the stem pain signals affecting chemical messengers in the brain. Na siyang naging dahilan ng pagkakaroon niya nang—amnesia." "N—no!" Malungkot na lumapit sina Tharia, Dianah at Tinay sa kanya. Dahil sa pagtrato ni Thirdy na tila hindi nito nakikilala ang mga anak. "Mommy, I think dad didn't recognize us," malungkot na tugon ni Tharia sa ina. Agad na nilapitan ni Celina ang mga pamangkin at niyakap ang mga ito. Ipinaliwanag niya kung
"Order ka na, sweetie." Nakangiting kinuha ni Tharia ang menu at mabilis na itinuro ang nais niyang kainin. "Mom, I want Creamy Parmesan Chicken Meatballs and Grilled Cheese Tomato Soup."Nakangiting napasulyap si Gretel sa waitress na nag-aabang din sa kanilang nais orderin. "Please give her what she wants, thank you.""Yes, ma'am.""Ikaw mom, ano ang iyo?" "Skillet Ravioli Lasagna is enough for me and pineapple juice, how about you, sweetie?" ani Gretel sa anak sabay sulyap sa nakangiting waitress."Same, mom. Pineapple juice.""Thank you, ma'am. A minute," nakangiting turan ng magandang waitress saka ito tumalikod palayo para ihanda ang kanilang order.Hindi naman nagtagal ay dumating ang order nila. Nilantakan agad ni Tharia ang masarap na dinner na nasa kanyang harapan. Magiliw na nakamasid lang si Gretel sa anak na halatang gutom na gutom.Hinarap niya na rin ang kanyang sariling pagkain. Napangiti siya at na-appreciate ang sarap ng naturang dinner nila. Makalipas ang ilang mi
"Ma'am, narito na po ang ilang mga papeles." "Pakilagay na lang dito sa office table ko, Steve." Napahilot si Gretel sa sariling sentido. Tambak na naman siya ng ilang mga papel. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang trabaho ng kanyang minamahal. Sa ngayon, nag-iisip siya ng ilang mga ideya. At ang mindset niya ngayon, she need to ensure that the company has enough money to be successful and be able to meet it obligations. "Coffee, Ma'am?" si Steve. "Yes please, Steve. Please, 'yong creamier," ani niya rito. Muli, may kumatok sa pinto. "Come in," sagot niya. "Mom?" si Tharia. Kunot-noo na nag-angat ng tingin si Gretel. Nagulat siya nang makita ito. "Wala kang klase? Sino ang naghatid sa'yo rito, bakit hindi mo ako tinawagan?" sunod-sunod niyang tanong sa anak. "Ayokong ma istorbo kita, mom. Tita Niña is the one who drive me here," sagot ni Tharia. "Really?" hindi makapaniwalang turan niya sa anak. "Wala rin po kasing klase sina Trace. Since nakita niya ako, sinabay na
"Nice meeting you, Ms. Gomez," ani Mr. Hanz. Isa ito sa mga kliyente na kailangan niyang harapin to discuss the proposal."Glad to see you, Mr. Hanz. I am expecting an old man honestly. But I'm surprise na mali pala ako," nakangiting saad ni Gretel sa gwapong kliyente na wagas kung tumitig sa kanya. Naiilang man ay hindi niya iyon ipinahalata. Iniisip na lamang niya na parte iyon ng pagiging negosyante. Hindi iyon mawawala lalo na at siya ang acting CEO at sa posturang kagalang-galang na meron siya ngayon. She looks so professional and gorgeous. Halos hindi nga niya makilala ang sarili. Hindi nakaligtas sa paningin ni Steve ang kakaibang kilos ni Mr. Hanz. Siyempre, bilang isang loyal na assistant ng amo niyang si Thirdy, it was his obligation to take charge by some assholes obvious dumb actions towards the woman who loves his boss. "Hello, Mr. Hanz. I am Steve, Ms. Gomez assistant," magalang na tugon ni Steve pagdakay ibinigay rito ang ilang folders. Medyo nagulat si Gretel sa big
“Ngayon ang alis nila, ayaw mo bang ihatid man lamang ng tingin ang jet plane na kanilang sasakyan?” tanong ni Hercules sa kanya. “No, mas lalo lang akong masasaktan. Lalo na at hindi pa siya gising. Masakit sa part ko, Hercules. Specially sa mga bata rin.” Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ng lalaking kausap. Nakatitig siya sa seryosong anyo nito. At nag-tama ang kanilang mga paningin. Matapang na sinalubong niya iyon. “I am ready to accept the offer. Iniisip ko na lang ang future ng mga anak namin. Total, para rin naman ito sa kanila.” “Glad to hear that, don't worry, Manong Abner will be the one who will pick them up from school while your under on a training.” "Salamat naman at may susundo sa mga bata kung gano'n, pwede bang dito sila ihatid?" "Sure, pwedeng-pwede." Medyo mahirap ang training pero pinakatatandaan iyon ni Gretel. Ginagawa niya ang lahat ng 'to para sa kanyang mga anak at sa taong kanyang minamahal. Napahaplos siya sa kanyang 'di-kalakihang tiyan.