Share

CHAPTER FOUR

NAPASULYAP si Varun ng makarinig siya ng marahang katok mula sa pintuan.

Isang pamilyar na mukha ang sumungaw roon, kalakip niyon ang nakapaskil na sedaktibong ngiti.

Walang patumanging naglakad ito papasok sa kanyang opisina, hindi alintana ang pagsunod ng kanyang sekretarya rito.

"Sorry Sir, sinabi kong may kasalukuyan kayong kinakausap dito sa loob ng opisina pero pinagpilitan pa rin po niyang pumasok."agad na eksplika nito.

"It's okay Mrs. Francia."maiksi naman niyang tugon dito.

"Sige mauna na ako pre, may dadaanan pa ako. I'll call you later kapag may bagong update ulit."makahulugang saad nito, maiksi lamang sinulyapan ng binatang detective ang babae.

Nagpalitan lamang ng ngiti ang dalawa.

Matapos maisarado ni Gabriel ang pinto ay agad ng naupo sa upuan ito.

Isang matipid na ngiti ang iginawad ni Varun sa labi. 

"Ano na naman bang kailangan mo Camella, hindi ba't kasasabi ko lamang noong isang linggo na ako mismo ang pupunta sa condo mo."pag-uumpisa niya.

"Ano ka ba Varun parang hindi ka na nasanay, I just miss you babe. Maano naman kung paminsan-minsan ay pasyalan kita dito sa kumpanya mo."Maarteng saad nito.

"It's not like that, I just want to..."ngunit 'di pa niya natatapos ang sasabihin ay muli na namang nagsalita si Camella.

"Oh no, no. Parang sa tono ng boses mo'y parang ayaw mong nagpunta ako dito.

Why Varun may magagalit ba?"may lakip na selos ang tinig ng babae.

Isang buntong-hininga ang ginawa niya. Sa totoo lang marami pa siyang tatapusin ngayong araw para sa magiging presentation para bukas sa meeting. Ngunit dahil sa presensiya nito'y maaantala ang ginagawa niya.

Napakislot ang braso niya ng maramdaman niya ang paghawak ni Camella roon.

Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Napatutok ang paningin niya sa mukha nitong puno ng kukulerete.

Bagamat nasa late thirties na ang edad nito'y napanatili pa rin ang angkin nitong kariktan.

Ngunit hindi na katulad dati. Tila wala ng ka amor-amor sa binata ang nakikita.

Sa napakabatang edad deborsyado na si Camella, paano ba naman literal na sugarol ang napangasawa nito.

Ayon na rin sa source niya'y nagkandalugi-lugi rin ang negosyo ng napangasawa nito.

"Please Varun, I want to make up somethings between us. So give me a chance, I'll promise I will not let you go now."sumamo ni Camella rito.

Nanatili lamang ng ilang segundo ang pansin niya rito. 

"I'm sorry Camella but I have many things to do and I have to finish some important matter today. So if you don't mind, you can leave my office now."malamig niyang utos dito.

"Is that so babalik nalang ako sa ibang araw. I hope you will take me out then."maharot na anas nito kasabay ng mapanukso at bahagyang pagdampi ng halik sa sulok ng labi niya.

Matagal ng nakaalis si Camella habang patuloy pa rin siya sa pagbabasa ng mga dokumento ng muling gumitaw sa alaala niya ang tagpong naganap kanina.

Hindi niya aakalaing aayon sa kanya ang matagal ng plinaplano.

Ang planong magpapabagsak sa mga Juan sa kasalukuyan...

MATAMAN pa rin ang ginawang pagbabasa ng mga credentials si Varun ng mga empleyadong nag-aapply sa kanyang kumpanya.

Mag-aalasingko na ng hapon, tatlo na lang ang natitira sa final interview na siyang isinasagawa niya mismo sa kanyang opisina. Ilan na rin ang napipili ng binata. 

Karamihan sa mga nag-apply ay gustong maging secretary niya. Sa mga susunod na Buwan ay magleleave na ng resignation letter si Mrs. Francia.

Magmamigrate na kasi ito sa America, kasama ang buong pamilya nito. Wala namang kaso iyon sa kanya, ngunit nangangailangan siya ng ipapalit rito.

Agad na niyang pinindot ang button para sa intercom, upang tawagin ang huling aplikante. Minamadali na niya ang pagtatanong sa dalawang huling aplikante dahil halos alas-sinko imedia na rin. 

Ngunit ang mga salitang nasa labi na niya'y biglang nabitin ng maliwanag na niyang nabasa ang buong pangalan nito.

Nanatili lamang siyang nakatanaw sa labas, habang nakaupo sa kanyang swivel chair.

Dinig niya ang marahang pagkatok nito, ang pagbukas at pagsarado ulit ng pinto'y dinig niya.

Maski ang malakas na tambol ng kanyang puso ay nangingibabaw din.

"Goodafternoon sir."malamyos na tinig ang namutawi dito.

Bahagiya pang napapikit si Varun, tila ninananam nito ang mga salitang naringgan niya rito.

Nag-alis muna siya ng bara, bago niya iniikot ang upuan.

Sa una'y tila slow motion ang naganap, agad ang pagtatak ng magandang mukha ng dalaga sa binata. Na kahit madaming taon na ang lumipas  na hindi na niya ito nagisnan ay walang araw na hindi sumasagi sa isipan ng binata ang magandang mukha ni Pamela.

Kitang-kita niya rito ang pagkagulat, ngunit mas lamang ang kakaibang kislap sa mga mata nitong bilugan.

"Goodevening Pamela Juan, nice to see you again young lady." Puno ng kislap ang mga mata ng binata.

Ngunit hindi dala ng kung ano man emosyon. 

Kung 'di kislap ng pagnanasang makaganti sa mga napagdaanan niyang hirap sa nakalipas na taon sa kamay ng ama nitong si Crisanto Juan...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status