Share

CHAPTER SEVEN

ISANG nahihiyang ngiti ang ipinaskil ni Pamela nang tuluyan ngang mapagbuksan siya ni Camella ng pinto. Nakita niya ang lantarang pagsimangot ng Ate niya sa kaniya. Bagama't nahihiya ay pinakapal na lang niya ang mukha. Wala kasi siyang ibang mapupuntahan.

Sa totoo lang, daig pa nila ang daga sa kahirapan. Tumawag kaninang pauwi siya ang bangko at sisimulan na raw ang pagkuha ng mga gamit sa kanilang mansyon. Maski ang hacienda nila'y tuluyan nang inilit ng pinagkakautangan ng ama niya. Lalong nadagdagan ang bigat na nadarama niya sa dibdib nang mapag-alaman niyang inilipat na ng ibang kulungan ang Daddy Crisanto niya. 

Sa ibang araw na lang niya dadalawin ang ama kapag nagkaoras siya. Sa ngayon ay kailangan niyang maghanap ng mapapasukang trabaho. Sa totoo lang, parang alanganin siyang makapasok sa kumpaniya ni Varun. Paano ba naman kasi, siya ang naging dahilan kung bakit ito naipakulong dati. Kung nagpigil na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status