Warning: Brutal triggers.
Tinanaw ng isang lalaki ang paglayo ng sasakyan ng bagong babae sa lugar nila, ang El Kanjar.
"Mukhang hindi ka naniniwala. Tingnan natin kung hindi ka pa maniwala matapos ang gabi na 'to," bulong nito sa kaniyang sarili.
Pinanood din ng lalaki ang pag-alis ng dalawang sasakyan na nakabuntot sa babaeng iyon. Nakita niyang mga bodyguards ang sakay noon dahil bumaba ang isa sa kanila kanina at sumulyap sa sasakyan noong babae na pumasok sa village.
"Tingnan din natin kung magawa n'yo ba na mabantayan talaga siya ng maayos," mariing bulong niya pa.
Napangisi ang lalaki.
Noong una niyang nakita ang babae sa kagubatan ay inakala niyang wala itong buhay. Nakahandusay lang iyon sa lupa at madungis ang hitsura. Lalapitan niya sana iyong babae nang may nakauna sa kaniya.
Agad siyang nagtago sa likod ng isang puno. Sumilip siya at nakita niya ang dalawang lalaki na sinusuri ang babae.
"Humihinga pa siya, Kuya," saad noong isang lalaki.
"Get her," wika ng isa pang lalaki.
Pinanood niya na pagtulungan ng dalawang lalaki na mabuhat ang babae patungo sa sasakyan nila na nakaparada sa tabi ng highway.
Tinitigan niya ang mga lalaki pero nakasuot sila ng itim na face mask, pero ang mga mata nila ang nakakuha ng atensyon nito. Ang mga mata nila na kulay asul.
"Sino naman ang mga 'to?" tanong ng lalaki sa kaniyang sarili.
Ngayon lang niya nakita ang dalawang lalaki na ito na may kulay asul na mga mata. Sa tagal na niya sa El Kanjar ay hindi niya alam na may nilalang na ganito sa kanilang lugar. Pinanood niyang makaalis ang sasakyan, tangay ang babaeng kaninang nakahandusay sa kagubatan.
"Tsk, akala ko pa naman ay wala ng buhay 'yon. Tinuluyan ko na sana," bulong ng lalaki sa sarili niya. "Hindi na bale, susunod ka rin naman. Hindi ka magtatagal sa lugar na ito, hija."
Naglaho ang pagbabalik ng ala-alang iyon nang makarinig ang lalaki ng sunod-sunod na busina sa kaniyang harapan. May isang taxi na pala ang nag-aabang sa kaniya. Agad siyang sumakay rito at nagpahatid sa bahay niya.
Tingnan natin, hija. Matapos ang gabi na 'to, tingnan natin kung matagalan mo pa ang lugar na 'to. Sambit ng lalaki sa kaniyang isip.
Nang makarating siya sa bahay niya ay agad siyang nagbihis ng damit. Itim na pantalon, itim na pantaas at itim na combat boots. Nakasuot din siya ng itim na maskara pero kalahati lang ng kaniyang mukha ang natatakpan, mula noo hanggang sa kaniyang ilong.
Kinuha niya rin ang kaniyang baril. Nilagyan niya iyon ng panibagong magasin ng bala. Nang matapos ay isinuksok niya ito sa kaniyang tagiliran. Sunod na kinuha ay isang kutsilyo na inilagay niya sa knife holster sa kaniyang binti.
Nang matapos siya sa pag-aayos sa kaniyang sarili ay pinuntahan niya ang kaniyang sasakyan na walang plaka. Ginagamit niya ito sa tuwing ginagawa ang krimen. Sakay ang sasakyan ay tinungo niya ang kaniyang ipinatayong bahay sa isang tagong parte ng kagubatan.
Matapos niyang iparada ang sasakyan ay tiningnan niya lang muna ang bahay at saka siya nag-umpisang maglakad-lakad sa kagubatan para sa kaniyang biktima ngayong gabi.
Sa kabilang banda naman, ay may isang babae ang inihinto ang kaniyang sasakyan sa tapat ng kagubatan.
May nakita siyang isang magandang bulaklak. Balak niyang kumuha noon at maidagdag sa koleksyon ng halaman niya. Alam niyang delikado ang pagtapak sa kagubatan pero sinubukan niya ang kaniyang swerte.
Bumaba siya sa kaniyang sasakyan at may dalang supot na paglalagyan ng bulaklak na kukunin niya. Simple lang ang pananamit ng babae, nakasuot lamang ito ng statement shirt at maong na pantalon. Nasa middle twenties ang kaniyang edad.
Lumingon-lingon pa ang babae kung may ibang tao bukod sa kaniya. Nang makita niyang wala, ay inumpisahan na niyang magbungkal ng lupa kung saan nakatanim ang bulaklak na nakakuha ng atensyon niya. Nahirapan pa siya dahil wala siyang dala na pambungkal ng lupa pero buti na lang ay nakakita siya ng patpat.
"Mukhang sinuswerte nga ako ngayong araw," nakangiting sambit nito sa kaniyang sarili nang tumayo siya bitbit ang tangkay ng bulaklak na nailagay na niya sa supot.
Nakangiti siyang nag-umpisang maglakad paalis sa gubat. Tuwang-tuwa siya dahil walang nangyari sa kaniya. Isa itong malaking balita sa kaniya, sa pagtapak niya sa gubat na ito ay walang nangyari sa kaniya.
Pero ang lahat ng kaniyang iniisip ay nawala ng makarinig siya ng isang putok ng baril. Nanlaki ang mga mata niya. Nanuyo rin ang kaniyang lalamunan. Nakaramdam siya ng hapdi sa kaniyang katawan. Unti-unti niyang ibinaba ang kaniyang paningin at nakita niya ang pagkalat ng dugo sa suot niyang damit.
May tama siya ng baril sa kaniyang d****b.
Unti-unti niyang nabitawan ang supot na hawak at nabuwal siya sa kaniyang kinatatayuan, walang buhay na humandusay sa lupa.
Nakangisi namang nilapitan ng lalaki ang biktima niya ngayong gabi. Nakahandusay na ito at wala ng buhay.
"Ang lakas naman ng loob mo na tumapak dito?" pagkausap niya rito kahit hindi naman na siya masasagot noong babae.
Humalakhak ang lalaki bago kinuha ang kutsilyo na nasa binti niya. Inilapag niya rin ang dala niyang transparent jar na nagmula sa bahay niya rito sa kagubatan.
"Sayang ka, sino na ang mag-aalaga ng mga halaman mo? Mukhang mag-isa ka na lang sa buhay. Tsk. Tsk." Umiiling pa ang lalaki habang nagsasalita.
Itinapat ng lalaki ang kutsilyo kung nasaan ang puso ng babae. Dahan-dahan niyang itinarak ang kutsilyo roon. Agad naman na sumirit ang dugo sa kaniyang mukha pero mas lalo lang siyang natuwa sa ginagawa. Binutas ng lalaki ang d****b ng biktimang babae. Walang awa niyang kinuha ang puso noon.
Hawak-hawak niya ito at nakangiting tinitigan ang pusong hawak niya, hindi na ito tumitibok at naroon pa ang bala ng kaniyang baril. Umagos din ang dugo sa kaniyang braso pero balewala iyon sa kaniya.
"Kay gandang pagmasdan, hindi ba?" Nakangiti ang lalaki habang kinakausap ang walang buhay na babae sa harap niya.
"H'wag ka mag-alala dahil idadagdag ko lang naman ito sa koleksyon ko." Kinuha ng lalaki ang transparent jar na dala niya at inilagay sa loob noon ang puso ng kaniyang biktima.
Nakangiti niyang pinagmasdan ang puso na nasa loob na ng transparent jar. Dagdag na naman ito sa kaniyang koleksyon.
Hindi nagtagal ay tumayo na siya bitbit ang transparent jar sa isa niyang kamay dahil ang isa ay ginamit niya upang hilain ang bangkay ng babae papunta sa bungad ng kagubatan kung saan agad itong mapapansin kinabukasan.
Iniwan niya ang bangkay sa tabi ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa tabi ng highway. Hindi na siya nagtagal doon dahil naglakad na siya pabalik sa loob ng kagubatan patungo sa bahay niya rito.
Nang makarating sa bahay niya sa gitna ng gubat ay tinanggal na niya ang kaniyang maskara. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating ang isang silid.
Ang silid kung nasaan ang kaniyang koleksyon ng mga puso. Napangiti ang lalaki nang makapasok siya rito. Hindi alintana sa kaniya ang masangsang na amoy ng kwarto. Wala naman kasing gamot ang mga puso na nasa loob ng transparent jar sa loob ng kwarto na ito.
Inilagay ng lalaki ang dala niyang transparent jar sa tabi ng huling nabiktima niya. Nakangiti siya ng nakakaloko habang pinagmamasdan ang kaniyang koleksyon ng mga puso.
"Sa susunod ay nandito na rin ang puso mo, maghintay ka lang babaeng baguhan... Magiging isa ka sa kanila," nakangising wika nito sa kaniyang sarili.
ASHTRIZONE
Nabuga ko ang iniinom na kape matapos mapanood ang balita ngayong umaga.Isang babae ang natagpuang patay sa bungad ng kagubatan ngayong umaga. Gaya ng mga naunang krimen, natagpuan ang babaeng nagngangalang, Aranie Lacson, na butas ang dibdib at wala ang kaniyang puso katulad ng mga huling biktima. Ayon sa imbestigasyon, kagabi pa ang bangkay ng biktimang si Aranie. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy-tukoy ng pulisya ang suspek sa likod ng Heart Forest Crime kung tawagin.Napasapo pa ako sa bibig ko nang makilala ang sasakyan ng biktima.Hindi ako nagkakamali!That was the car I’ve seen last night!I remembered the plate number as it was making its u-turn! 
Warning: SPG | R18+Nagising ako nang maramdaman kong may nakadagan sa may baywang ko. May nararamdaman pa akong hilo pero hindi na kasingbigat tulad kanina. May kung ano ring nakapatong sa noo ko kaya kinuha ko iyon. Isa pa lang bimpo.I sighed. Inilibot ko ang paningin ko sa kinaroroonan ko ngayon. Hindi ako pamilyar sa kwartong ito.Nasaan ako?Sino na naman ang nagdala sa akin dito?Ang naaalala ko lang kanina ay nawalan ako ng malay sa harap ni Sir Dearil...Sandali...Nawalan ng malay...Sa harap ni Sir Dearil...Fuck!
Warning: SPG | R18+I groaned when he attacked my lips. He was kissing me deeply. His kisses were making me drank. I returned the same intensity he was giving me.I felt his tongue poking my lips and I gave its way to enter my mouth fully.Fuck!Nalalasing ako sa mga halik niya!This isn’t right!“S-Sir...”His kisses went to my cheeks down to my jaw then to my neck.“Please stop me, baby...” he said between his kisses.I tilted my head to the other side to gave him more access to it.I don&rs
Kinabukasan ay magaan ang pakiramdam ko nang magising ako. Nag-unat-unat pa ako ng aking mga braso pero wala pa akong balak na bumangon. Pikit mata akong yumakap sa katabi kong unan.Pero sandali...Bakit ang init ng unan na ‘to?Bakit may katigasan?Iginalaw ko pa ang kamay ko sa unan na iyon. Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko at pinapakiramdam ang unan na katabi ko.Naglakbay ang mga kamay ko pababa. Napakunot pa lalo ang noo ko nang maramdaman na mayroong mga bukol doon. Kinapa ko pa iyon at binilang.What the hell?Ano ‘tong anim na bukol?Wala sa sariling idinilat ko ang mga mata ko.Shit!
Hindi mabura ang ngiti sa mga labi ko habang nagmamaneho pabalik sa village.Grabe ang epekto ni Damien sa sistema ko!Ano’ng ginawa mo sa ‘kin?Natatawang napailing na lang ako sa isip ko. I just met him yesterday, right? Tapos ganito na agad ang nangyari sa amin.Damn! That was so aggressive of me!Never ako nagka-boyfriend at wala akong experience. Ah, yeah, Sir Vanmer was my first kiss. I don’t want to tell the story how that happened. Just thanks to my beloved friends.Nang makarating sa village, ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni manong guard. Siya na ulit ang bantay.“Good morning, manong!” bati ko sa kaniya.“Magandang umaga, hija. Hindi ka umuwi kahapon?” tanong niya.I nodded. “Opo, e. I stayed at my bo— I mean
Kinabukasan ay pumasok na ulit ako sa Ravides Holdings. I should thank Damien for taking good care of me.Argh!Naalala ko na naman ang nangyari!Nakakahiya, Anveshika!Parang wala akong sakit no’ng mga oras na ‘yon!I just shook my head.Nagtungo muna ako sa pantry para kumuha ulit ng kape. Napatingin ako sa mga katabing drinking machine.Gusto kaya ni Damien ng gatas o tea?I sighed as I get my phone on my coat’s pocket. I ringed Damien’s phone number.“Hey, good morning, baby.” Agad na namul
Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito, mula sa Messenger ang notification na ‘yon. Kinuha ko sa dashboard ng sasakyan ang cellphone.Bahagya akong napangiti dahil alam ko na kung sino iyan panigurado. Sila lang naman ang bumubuhay ng mala-sementeryo kong Messenger.Nabi Chase Alfelor:Club us! Later 6pm! See yah!Laszle Gamboa:Go bitch!Shanaya Lie Romero:Support!Gareth Cole Spencer:GegegegegeLacheska Faustino:Mukha talagang club.Napailing na lang ako. Hindi talaga nagsasawa sa club. Wala namang tumutol at nag-react pa nga sila sa chat ni Nabi.Nagkakasama-sama lang din kasi kami kapag day off namin sa trabaho o kaya naman ay may okasyon ang isa sa amin.I stormed out the car an
Agad akong napabangon dahil sa panaginip na iyon.Fuck! I still can’t believe that it was Sir Vanmer whom I kissed that time!Ang sarap sapakin ng mga kaibigan ko noong mga oras na ‘yon!Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at napagtantong nasa El Kanjar pa rin ako.I heaved a deep sigh. I really miss my friends.How are they right now?Are they safe?Nasaan kayo?Kumakain ba kayo?Kinuha ko ang larawan na natanggap ko ilang linggo n