Share

Chapter 21

Nanatili akong nakatulala sa transparent jar na nasa harap ko. Paano nalaman no’n ang bahay ko?  Tapos, paano siya nakapasok dito sa loob?

Ayon kay Manong Liher doon sa labas ay hindi makakapasok ang kahit na sinong tao kapag walang badge ng El Kanjar Village.

Hindi kaya... taga rito rin siya? Kapitbahay ko lang pala siya? Damn! Am I still safe here? May CCTV kaya itong bahay? Ang tanga-tanga ko! Bakit ba hindi ko iyon inasikaso noong una? Dapat kaligtasan ko muna ang iniisip ko! I was reckless! Hindi na ako nakakapag-isip ng tama ngayon!

I was taken aback when I heard a beep sound of a car. My forehead creased when I saw an unfamiliar car in front of my house.

Sino naman ‘to? Siya na ba si gago?

Nanatili lang akong nakaupo sa hamba ng pintuan at hinintay ang paglabas niya. Ganoon na lang ang pagkunot ng noo nang makita ang kung sinong bumaba sa magarang sasakyan na iyon.

Ano ang ginagawa nito rito? Hindi ba’t nasa opisina siya? Bakit nandito ‘yan? Wala ba siyang trabaho? Hindi naman siya ang tinawagan ko dahil ayokong makaabala kay Damien! Pero ano’ng ginagawa niya rito?

Nagmamadali naman siyang lumapit sa akin pero mariin lang akong nakatitig sa kaniya. Ano’ng ibig sabihin nito? Damien? Siya ang taong tumatawag sa akin?

“Anveshika! Are you okay? Are you hurt?” sunod-sunod na tanong niya nang makarating siya sa harapan ko, bahagya pang hinihingal.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” I gritted my teeth. Nag-uumpisa na akong mainis. From the start, he was lying to me?

His forehead creased. “What? You said you received a threat that’s why I came here.”

“Stop spitting bullshits, Damien!” I darkly hissed.

His eyes widened like he was very shocked of what I’ve just said. I faked a laugh.

“Pretending?” I sarcastically said.

“Anveshika—“ I cut him off.

“Ano pa ang kasinungalingang sasabihin mo?” mariing tanong ko.

“Did he tell you?” naguguluhang tanong niya at bakas pa rin sa mukha ang gulat.

Ano ba ang pinagsasabi niya? Sino naman ang magsasabi sa akin? Nababaliw na ba siya?

“Are you nuts? After all, ikaw lang pala ang tumatawag sa akin? Araw-araw tayo magkasama, Damien! Bakit hindi mo masabi sa ‘kin?” galit na tanong ko.

“Ako nga ang tumatawag sa ‘yo pero ngayon lang tayo nagkita, Anveshika!” kunot noong asik niya.

I sarcastically laughed. “Really? Sino‘ng niloloko mo rito, Damien? We even have this freaking kissing relationship!” I hissed.

“Wala akong alam sa sinasabi mo and I am not Damien!” asik niya. Mukha na rin siyang napipikon dahil sa pagkakunot ng noo niya.

Siya pa talaga ang may karapatang magalit? Really, Damien?

“Ano na naman ba ‘to? Ikaw ngayon si Dearil tapos mamaya kapag n*******n mo na ako ay ikaw na naman si Damien? Gano’n ba? Ha?!” I yelled.

“Fuck! Calm down, Anveshika,” malumanay na sambit niya at akmang hahawakan ang mga braso ko pero umatras ako palayo sa kaniya.

“Don’t you dare to fucking touch me!”

“Shit! Kuya! What have you done?” bulong niya pero tanging mura lang ang narinig ko. Maya-maya ay hinugot niya ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa at mabilis na nagtipa roon.

Dinampot ko ang kutsilyo na nasa lapag at mahigpit na hinawakan iyon.

“Bakit ka ba nandito? I don’t need you here,” madilim na sabi ko.

“I was worried!” He was shocked when he saw me holding a knife. “Fuck! Put that knife down, Anveshika.”

“Umalis ka na, Damien.”

“Put the knife down,” utos niya pa rin.

“I won’t. Leave,” sagot ko.

“You might hurt yourself! Damn it! Nasa’n ka na ba, Kuya?” Binulong niya ang mga huling kataga kaya hindi naging malinaw iyon sa akin.

“Hindi ka pa rin aalis?” Itinutok ko na sa kaniya ang hawak kong kutsilyo.

Seryoso ko lang siyang tiningnan dahil hindi talaga ako natutuwa na nandito siya ngayon sa harap ko. Hindi ko kailangan ang tulong niya. Kahit kailan ay hinding-hindi ko kakailanganin iyon! Baka puro kasinungalingan pa ang mapala ko sa kaniya!

“Anvesika, calm down. I’ll explain everything,” pangungumbinsi niya pa.

I rose a brow and smirked. “Ano naman ang ipapaliwanag mo? Paniguradong puro kasinungalingan na naman ‘yan!” I coldy said.

“No, of course not! Please put the knife down. We will talk about this, okay?” pagpapakalma niya sa akin.

“You think I’ll follow you? Wala tayo sa kompanya mo kaya hindi mo ako sekretarya na mauutusan mo ngayon!” asik ko.

He let out a frustrated sigh. He keeps on murmuring something that I can’t hear nor understand.

“Fine! Fine! Just calm down, Anveshika. We will explain everything to you,” kalmadong sambit niya.

“Umalis ka na lang. Hindi kita kailangan dito.”

Umupo ulit ako at pinakatitigan ang transparent jar. Wala naman na akong ibang nakita roon maliban sa puso na may tama ng baril at maliit na sticky note. Hahawakan ko sana ang transparent jar nang may pumigil sa akin.

“Don’t touch it. Baka finger print mo pa ang makita,” saad niya.

I just rolled my eyes. Pero tama nga naman siya. Naalala ko pa na hinabilin din iyon sa akin ni Kuya noon. Pinakatitigan ko na lang iyong maliit na sticky note.

You’re next, Anveshika.

—L.J.H.F.C

Dugo ang ginamit na pansulat doon. Paano kaya no’n nalaman ang pangalan ko? Sa pagkakaalam ko ang mga tao sa kompanya, iyong tumatawag sa akin na lalaki na nasa harap ko at si Manong Liher ng El Kanjar Village ang nakakaalam ng pangalan ko.

Posible kayang nasa kompanya ang totoong salarin sa krimen na ‘to? Kung nandoon man, bakit hindi man lang iyong mahuli ni Damien?

Sino ka ba? Hindi naman ikaw ang pinakaproblema ko rito pero dahil dito sa ginawa mo ay dinagdagan mo lang ang problema ko! Mabuti sana ay kung may maitutulong ang suspek na iyon para makabalik ako sa amin!

Gusto ko lang naman na makauwi at makita ang mga kaibigan ko... Gusto kong maayos ang lahat at buhay akong babalik sa mga kaibigan ko...

“Calm down...” bulong ni Damien at hinawakan ang kamay kong nanginginig na dahil sa sobrang pagkakakuyom. Pati ang maliit na sticky note ay nagusot na sa palad ko.

“I am not fucking scared to you... Magpakita ka sa akin at magpapatayan tayo. Uunahin kitang patayin para makabalik na ako sa amin...” gigil na bulong ko.

“We’re here, okay? We’ll keep you safe...” bulong niya pa. Nanatili ang paghawak niya sa nakakuyom kong mga kamao. Hindi ko rin namalayan na natanggal na niya sa pagkakahawak ko ang kutsilyo.

Umangat ang paningin ko sa kaniya. Mataas pa rin siya sa akin kahit nakaupo siya sa harap ko. I can see anger and determination in his eyes.

“Pagbabayaran niya ang gumawa sa ‘yo nito. So please, trust us...” pagmamakaawa niya.

“What?” Nalito ako sa sinabi niya.

“We will do anything to protect you, Anveshika. Pagkatiwalaan mo sana kami,” sambit niya.

My forehead creased. “Kami?”

He nodded and he was about to speak when I heard a baritone voice behind us. My heart started to pound fast upon hearing that voice.

“Get you fucking hands off her, Dearil Samien.” Agad naman na bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Dearil at agad na lumayo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status