Share

Chapter 26

“Hindi nga pwede! Sa ‘kin lang si Sir!” sigaw ko.

Dumapo ang palad ko sa bibig ko nang isigaw ko iyon. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig kay Rhianne na gulat ding nakatitig sa akin.

Inilibot ko rin ang paningin ko sa lugar at ganoon na lang ang pamumula ng mukha ko nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.

Fuck! What the hell did I just do?

Ano’ng sinabi mo, Anveshika?

Sa ‘yo lang ang boss mo?

Shit!

“A-Ano...” I trailed off.

Wala akong makuhang tamang salita para iligtas ang sarili ko sa matinding kahihiyan.

“What did you say, baby?” Napagitla ako nang biglang may mga braso na yumapos sa baywang ko at bumulong sa akin.

“S-Sir!” gulat na sabi ko at nanlalaking mga matang nilingon siya sa kanang balikat ko.

Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin at ipinatong niya pa ang baba niya sa balikat ko. Rinig ko naman ang pagsinghapan ng mga nakakita no’n ngayon. Maging si Rhianne na nasa harap ko ay natulalang nakatingin sa aming dalawa.

“A-Ano’ng ginagawa mo rito?” utal na tanong ko.

He chuckled. “I’m fetching you. Ang tagal mo.”

Hinampas ako ang braso niya. “Saglit pa lang akong nawawala, para kang tanga!”

“S-Sir Dearil!” ani Rhianne nang makabawi sa pagkagulat. “Good morning po!”

Natawa naman si Damien dahil sa ikinilos ni Rhianne.

“Dearil who?” taas kilay na tanong ni Damien.

Pasimple ko naman siyang kinurot sa tagiliran dahil tinatakot niya si Rhianne. Agad namang napasinghap si Rhianne nang mapagtanto kung sino ang kausap niya.

“S-Sir Damien?!” bulalas niya. Nakahawak pa siya sa kaniyang bibig at nanlalaking mga mata na tumitig sa akin. Tinanguan ko naman siya para kumpirmahin ang itinanong niya.

Rinig din ang singhapan ng mga empleyado na narito. Nagtaka pa ako dahil lahat sila ay tumayo at magalang na binati si Damien.

“Good morning, Sir Damien!” they greeted in chorus.

Kumalas naman sa pagkakayakap sa akin si Damien at pinakatitigan ang kaniyang mga empleyado.

“Good morning! Have a nice day everyone!” nakangiting sambit ni Damien.

Napangiti naman ako dahil doon. Akala ko ba naman ay tatakutin niya pa ang mga empleyado niya.

“Let’s go, baby...” bulong niya sa akin.

Tumango naman ako at humarap ulit kay Rhianne na tulala pa rin sa amin.

“Rhianne, mauna na kami,” paalam ko sa kaniya.

“A-Ah! Oo! Sige!” tarantang sagot niya.

Natawa naman ako sa kaniya.

Aalis na sana kami ni Damien nang makarinig kami ng isang sigaw. Napairap na lang ako sa kaniya.

“Kuya! Anveshika!” pagtawag niya sa amin.

Nagsinghapan ulit ang mga empleyado na narito dahil sa presensiya ng magkambal. Napailing na lang ako. Hindi ko alam na ganito ang epekto nila sa kanila. Hindi na yata humihinga ang mga taong narito ngayon.

“Good morning, Sir Dearil!” sabay-sabay na bati ulit ng mga empleyado.

“Good morning!” masiglang bati pabalik ni Dearil at humalakhak pa.

I just shook my head. Dearil and his signature laugh. Hindi nawawala sa kaniya ang pagtawa.

“Bakit n’yo ‘ko iniwan kanina?” tanong niya.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil baka may makakuha na nakatira na ako sa kanila.

Ang sarap talaga sampalin ng bibig nito!

“Usad pagong ka kasi!” pang-aasar sa kaniya ni Damien.

Nakarinig naman ako ng ilang pagtawa mula sa mga empleyado na narito. Napangisi naman ako nang may maisip.

“Rhianne,” pagtawag ko sa kaniya ulit.

“A-Anveshika?” lutang na sagot niya.

Mukhang mas lalo siyang naging tulala nang dahil kay Dearil. I smirked again.

“Dearil!” tawag ko naman.

“Bakit?” tanong naman niya sa akin.

“Si Rhianne nga pala, kaibigan ko rito,” pagpapakilala ko sa kanila.

Nakita ko pa ang pagpula ng mga pisngi ni Rhianne dahil sa ginawa ko.

“G-Good morning, Sir Dearil! Rhianne Jimenez po!” utal na pagpapakilala niya. Nanginginig pa ang mga kamay niya nang ilahad niya iyon sa harap ni Dearil.

“Nice to meet you, Rhianne! Dearil Samien,” marahang pagpapakilala ni Dearil at inabot ang kamay ni Rhianne. Mas lalo namang namula ang mukha ni Rhianne ngayon. Pasimple akong natawa sa kaniya.

“Let’s go?” bulong ulit ni Damien.

“Mmm.” I nodded.

“Dearil, come. We’ll talk about something,” pagtawag niya sa kaniyang kapatid. Tumango naman si Dearil at sumunod sa amin ni Damien.

Alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin. Tungkol iyon sa pagbabanta na nadatnan ko sa tapat ng bahay ko sa El Kanjar Village.

Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa opisina nila. Sinalubong kami ni Gian pero tanging ako na lang ang bumati pabalik sa kaniya dahil bigla na lang kasing sumeryoso iyong dalawa.

“Where’s the jar, Kuya?” tanong ni Dearil nang makapasok kami sa main office ni Damien.

“There.” Itinuro naman ni Damien ang isang itim na box na nakapatong sa center table sa sala ng opisina.

Agad naman kaming lumapit doon at umupo sa couch. Dahan-dahan iyong binuksan ni Dearil. I was expecting a disastrous smell welcoming us but nothing happened.

“It was injected,” ani Damien nang makita ang reaksyon namin ni Dearil.

Natawa na lang ako kay Dearil dahil nakatakip talaga ang isang kamay niya sa kaniyang ilong.

Damien parted his knees as his elbows rested on it. He intertwined his hands as he looks at the jar intently.

“Aside from the sticky note, is there any other traces left?” tanong ni Damien, malamang ay ako ang tinatanong niya roon.

Bigo akong umiling sa kaniya. “Wala na. I just heard three knocks on the door, tapos paglabas ko, ‘kala ko ay may tao. Isasara ko na sana ‘yong pinto nang napansin ko ‘yan sa may lapag,” kwento ko.

Tumango naman ang dalawa sa sinabi ko.

“The initials were L.J.H.F.C, may naiisip ka ba kung sino ‘to, Anveshika,” tanong sa akin ni Dearil.

Umiling ulit ako. “Wala akong kilala.”

“How does that asshole knew your place and name?” tanong ni Damien na madilim pa rin ang titig sa jar.

“I don’t even know...” mahinang sagot ko.

“Wait...”  Dearil trailed off.

Kinuha niya ang sticky note mula sa jar, pero maingat siya na hindi lalapat ang finger print niya sa jar.

“H.F.C means Heart Forest Crime?” tanong niya.

My forehead creased absorbing what he have just said.

“Probably,” sagot ni Damien.

“Then, how about the L.J?” tanong ko. Tahimik ang dalawa habang nakatitig sa jar. “That must be the suspect’s initials,” I concluded.

“Pwede...” wika ni Dearil.

But L.J.?

Wala naman na akong kilalang ibang tao rito mula noong malaman ko ang tungkol sa krimen.

Who are you?

ASHTRIZONE

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status