Share

Chapter 25

Damien fell asleep after the heart-melting talk of his twin, Dearil. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya habang nakahiga siya tabi ko. Ang braso niyang mahigpit na nakapulupot sa baywang ko na para bang ayaw niyang umalis ako.

I just mentally shook my head. He looks at peace when he’s asleep. Aakalain mong walang matinding pinagdaanan.

When I first saw him at Ravides Holdings, I thought of him as a ruthless man. With his strict face plus his strong features that will make your knees wobbled. I never thought that he was too fragile inside. I heaved a deep sigh.

“I never thought that we had the same fate...” marahang bulong ko. “In my life, I thought that I was going to face all the battles alone, but my friends came. They lifted me up but you... Dearil was there but you chose to be alone... if I came here earlier, maybe we shared the same pains and agonies together?”

Napangiti ako nang mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Mabibigat ang paghinga niya kaya mahimbing na siguro ang pagtulog nito.

“Sleep tight, Damien.” Patuloy lang ako sa paghaplos sa malambot na buhok niya. Ilang minuto pa akong nanatili na katabi siya hanggang sa napagpasyahan kong bumangon muna.

Dahan-dahan kong inalis ang braso niyang nakayakap sa akin. Saglit pa siyang gumalaw pero agad ding yumakap sa unan na nahawakan niya. Napangiti ako roon.

Napatingin ako sa orasan na nakapatong sa bedside table. Alas otso pa lang ng gabi. Buti na lang at naghapunan na kami bago nakatulog itong si Damien dahil sa kaiiyak nila kanina ni Dearil.

Tahimik akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Tiningnan ko pa ang isang kwarto, ang kwarto ni Dearil dito sa penthouse, sarado iyon, baka natutulog na rin.

Nabanggit din kanina ni Dearil na may sarili siyang condo unit. Minsan lang din daw siya matulog dito. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon kaya hindi na ako nangialam tungkol doon.

Nagtungo ako sa kusina para makainom ng tubig. Tahimik ang buong bahay kaya kung saan-saan na naman napapadpad ang utak ko.

Tama ba itong nangyayari ngayon Natatakot ako sa posibleng mangyari. Paano kung madamay sila Damien at Dearil? Wala silang ibang ginawa kung hindi ang tulungan ako simula nang mapadpad ako sa lugar na ‘to.

Ayokong masuklian ang lahat ng mabubuting naidulot nila sa akin ng isang panibagong sakit. Ayokong masaktan sila...

Hindi ako papayag.

Naalala ko na naman ang nagpadala sa akin ng larawan naming magkakaibigan. Agad akong nagtungo sa sala. Nandoon pa ang mga gamit ko dahil hindi na namin naayos kanina dahil sa naganap na pag-uusap. Kinuha ko ang handbag kung nasaan ang larawan na iyon.

Napabuntong-hininga ako nang makita ko ang masasayang mukha namin sa larawan. Kahit masakit ang pinagdaanan ko noong araw na iyon ay nagawa pa rin nila akong pangitiin. Tiningnan ko ang likod ng larawan kung saan may nakasulat.

Fr: The game creator

Iyon ang tanging nakasulat sa likod ng larawan. Hindi ko maiwasan na mag-umpisang mabuo ang galit sa d****b ko.

Game creator? Siya ba ang dahilan ng pagpunta ko rito? Paano niya nakuha itong larawan? Nagkita na ba kami ng taong iyon? Paano niya nalaman ang nakaraan ko kung hindi pa naman kami nagkikita?

Sino ka?

“Anveshika?” Napagitla ako nang marinig ang boses ni Dearil. Napasapo ako sa d****b ko dahil sa gulat at nilingon siya.

“H’wag ka nga manggulat!” asik ko sa kaniya.

Humalakhak naman siya at nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan. Lumapit siya sa pwesto ko at tiningnan ang larawang hawak ko.

“What’s that?” tanong niya.

“Picture.” I rolled my eyes on him.

He chuckled.

Obvious naman kasi, nagtatanong pa. Umupo siya may arm rest ng sofa habang nakadungaw sa larawan na hawak ko.

“Who are they?” he curiously asked.

I sighed. “My friends.”

“Where are they?” tanong niya pa.

Umiling-iling ako. Hindi ko alam kung nasaan sila...

“I don’t know...” mahinang sagot ko.

“Oh, sorry about that,” malumanay na sambit niya.

Mukhang nakaramdam siya na ayaw ko munang pag-usapan ang tungkol sa kanila kaya tumahimik siya.

“Someone put this on my office table,” pagkwento ko.

“Kilala mo?”

I shook my head. Binaliktad ako ang larawan at ipinakita sa kaniya ang sulat naroon.

“Ito lang ang nakalagay.”

“The game creator...” Binasa niya ang nakasulat.

“Wala akong ideya kung sino siya, pero malakas ang kutob ko na kilala ako ng taong ‘yon,” sabi ko.

“Kaaway?” tanong pa ni Dearil.

“Maybe?” I chuckled.

Nagawa ko pa talaga na magbiro? Minsan na lang din naman ako magbiro kaya sulitin ko na.

“May nakapagbanggit din sa akin na may dalawang tao na nakakakita ng nakaraan at ang hinaharap. Naiisip ko lang na maaari nila akong matulungan makaalis sa lugar na ‘to,” mahabang sabi ko habang inaalala ang naging pag-uusap namin noon Manong Liher.

“You’ll leave?” he asked.

Malungkot akong nag-angat ng tingin kay Dearil. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Alam ko kung ano ang iniisip niya.

I sighed. “Hindi rito ang totoong pinanggalingan ko, Dearil. Aksidente ang pagpunta ko rito, kahit ako ay hindi ko alam kung paano ako napunta rito. I need to look for my friends. I need to find the asshole who was behind this shit that happened to us,” madilim na wika ko.

“B-But how about Damien?” alanganing tanong niya.

I smiled weakly. “I don’t want to hurt him, Dearil... but I know that I will still leave this place. I love Damien... but everything about us was just going to be left here,” bulong ko.

“Hindi papayag si Damien, Anveshika. And everything will not end here,” mariing sambit niya.

“Alam ko, Dearil. Pero darating ang araw at paniguradong wala siyang magagawa sa pag-alis ko sa lugar na ‘to,” sagot ko.

Bumagsak ulit ang tingin ko sa larawan. Hinihintay n’yo ako, ‘di ba? Ligtas naman kayo ‘di ba?

“They’re waiting for me. Magbabayad pa ang taong may gawa nito sa amin,” I firmly said.

“Anveshika,” tanging sambit ni Dearil.

Marahan kong hinaplos ang mukha ng bawat isa sa mga kaibigan ko.

“Magbabayad ang taong ‘yon. I will do everything to find that person. Hindi ako papayag na nagpapakasaya siya sa ginawa niya sa aming magkakaibigan...” determinado kong sambit.

“You’re really eager to leave here?” tanong pa ni Dearil. Marahan akong tumango kasabay ng isang buntong-hininga na may kahalong kirot sa puso ko.

“I have to. Kahit mas gugustuhin ko rito ay gusto kong makita ang mga kaibigan ko at pagbayarin ang nagpahirap sa amin...” malungkot na sambit ko.

Rinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Dearil. “I’ll try to help, Anveshika.”

“Thank you,” mahinang tugon ko.

Kinabukasan ay sabay kami pumasok ni Damien sa Ravides Holdings pero kaniya-kaniya pa rin kami ng sasakyan. Ayaw ko pa rin na maging laman ng balita sa buong kompanya nila. Napailing na lang ako sa isip ko.

Pinauna ko na si Damien sa opisina niya dahil pupunta pa akong pantry para kumuha ng kape. Nakapagkape na ako kanina pero hindi ko pa rin mapigilan. I just love drinking coffee. Kumuha na rin ako ng tea para kay Damien.

“Anveshika!” Rinig kong pagtawag sa akin ni Rhianne.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko siyang nakangiting papalapit sa akin. Bahagya naman akong ngumiti.

“Good morning!” masiglang bati niya.

“Good morning din,” bati ko pabalik.

Sa totoo lang ay nakikita ko sa kaniya si Nabi. May pagkamaharot at madaldal. I mentally sighed.

“Kay Sir Dearil ulit?” tanong niya nang mapansin ang dalawang tasang nakalagay sa maliit na tray.

“Yes,” sagot ko.

“Ang cool mo, Anveshika! Buti at pumayag siyang pagtimplahan mo siya! Ayieee!” she teased.

Ramdam ko naman ang pamumula ng pisngi ko pero tinaasan ko siya ng kilay.

“Ang issue mo!” asik ko sa kaniya.

“Talaga ba? Kinikilig ka lang kamo! Ang hot kasi ni Sir, ano?” hagikgik niya.

Kumunot naman ang noo ko. “Manahimik ka nga, Rhianne! Ano’ng hot ka diyan!” suway ko sa kaniya.

“Totoo naman kasi! Crush ko nga siya, e!”

“Ano’ng crush! Hindi pwede!” I exclaimed.

Humalakhak naman siya. Ramdam ko naman ang mas lalong pagpula ng mga pisngi ko at mabilis na pagtibok ng puso ko. Pansin ko rin na nasa amin na ang atensyon ng ibang empleyado na narito.

“Bakit naman hindi? He’s hot! Plus his handsome face! Feeling ko maglalaway na talaga ako sa kaniya!” tili niya pa.

“Hindi nga pwede! Sa ‘kin lang si Sir!” sigaw ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status