Share

Chapter 32

“Let’s just go, fuckers, we’re wasting the time.”

“W-What?” hindi makapaniwalang tanong ni Damien habang tumawa naman si Detective France. “What did you call me, baby?” dugtong niya pa.

Mas lalo pang lumakas ang halakhak ni Detective France na umalingawngaw sa buong paligid. Umirap na lang ako sa kawalan at tinaasan ng kilay si Damien.

“Alright! France, l-let’s go!” ani Damien.

Agad namang hinablot ni Damien ang braso ni Detective France kaya nahinto siya sa pagtawa niya. Napapailing na lang ako na sumunod sa kanila. Hindi rin nagtagal ay nasa tabi ko na rin si Damien at mariing hinawakan ang kamay ko.

Habang naglalakad sa loob ng kagubatan ay inililibot ko rin ang paningin ko. Wala pa naman akong makita na kahina-hinala. Puro matataas na puno lang ang nasa paligid at tunog ng huni ng mga ibon. Tirik din ang araw pero dahil sa mga puno na nandito ay hindi man lang kami nasisikatan.

Mga kalahating oras na siguro kaming tahimik na naglalakad. Walang nangahas na magsalita sa kanilang dalawa kahit ako ay pinili ko na lang din maging tahimik at magmasid sa kagubatan na ito.

Nabanggit sa akin ni Manong Liher na rito rin ang daan paalis ng El Kanjar, ‘di ba? Pero paano? Sa laki ng kagubatan na ito ay mahahanap ko ba ang daan paalis sa lugar na ito? Saan ko umpisang hahanapin ang daan sa napakalawak na kagubatan na ito kapag nagkataon?

This forest has no any trance of having a way out of here in El Kanjar. Maybe it was hidden? A hidden track? This was frustrating the hell out of me.

Sa patuloy na paglalakad namin ay dalawang kaisipan ang pinagkakaabalahan ko sa isipan ko. Una ay ang pagmamasid tungkol sa Heart Forest Crime at pangalawa ay kung paano ko mahahanap ang daan paalis sa lugar na ito. Pero habang tumatagal ay wala akong makuhang sagot kung paano makakaalis sa lugar na ito, parang wala naman yatang daan na palabas dito dahil purong kagubatan lang ang buong paligid, parang walang katapusan.

“Stop.” Rinig ko ang boses ni Detective France.

Tiningnan ko siya sa harapan namin at nakahinto siya sa isang puno na mayroong palatandaan na isang adhesive tape na ginawang hugis krus sa may sanga ng puno. Kanina ko pa napapansin na ‘yong daan na tinatahak namin ay may palatandaan na ganiyan sa mga puno. Si Detective France ang may gawa nito?

“You marked this?” tanong ko sa kaniya.

“Yup,” tipid na sagot niya at naglabas siya ng isang maliit na adhesive tape sa kaniyang bulsa. “May mga bakas ng sapatos noon sa nilakaran natin, sinundan ko at dito ako nahinto.”

“Hanggang dito lang talaga?” tanong pa ni Damien.

Detective France shrugged his shoulders. “I don’t know, I don’t have much time everytime I went here kaya hindi ko pa alam kung may kasunod pa ang mga bakas,” sagot niya.

“Then, let’s check it,” sabi ko.

“That’s why we’re here.” He smiled.

Hindi ko na naman maiwasan na hindi maalala ang pagkapamilyar ng kaniyang mukha sa akin. Hindi ko pa rin matandaan kung saan ko na nga ba siya nakita.

Pinangunahan pa rin ni Detective France ang daan habang nakasunod kami ni Damien sa kaniyang likuran. Puro tuyong dahon ang natatapakan namin ngayon kaya wala pa kaming makitang sumunod na mga bakas.

“We’ll go straight first,” Detective France informed.

Walang nagsalita sa amin ni Damien at sumunod na lang sa kaniya. Wala rin namang ibang daan dito kung hindi ang dumiretso kami dahil puro puno ang nasa kaliwa’t kanan namin. Ilang puno pa ang nalagpasan namin hanggang sa wala ng mga tuyong dahon ang inaapakan namin.

“Ang sumunod na tanginang bakas,” mura na naman ni Detective France.

Napailing na lang ako dahil hindi ko talaga inaasahan sa kaniya ang ganiyang pananalita. Nagmumura rin naman ako pero nakakapanibago lang kay Detective France.

Lumapit kami ni Damien sa kinatatayuan ni Detective France na pinakatitigan ang bakas. Gaya nga ng sabi niya sa amin, sa mga bakas na ito niya raw nakuha na isang lalaking may edad ang nasa likod ng Heart Forest Crime.

Mariin ko rin iyong tinitigan, may kahabaan ang bakas at may pagka-malapad din. Hindi nga nalalayo sa edad na binasehan ni Detective France na nasa middle 40’s ang suspek.

Gaya ng ginawa ni Detective France sa ibang puno, ay nilagyan niya rin ng marka ang punong malapit sa bakas gamit ang adhesive tape na dala niya at nagpatuloy kami sa paglalakad namin. Ilang oras na siguro ang lumipas sa kalalakad namin dito sa kagubatan at patuloy pa rin si Detective France sa pagmamarka ng mga puno.

“Are you tired?” tanong sa akin ni Damien.

I just shook my head as I gave him a smile. Marahan ko ring pinisil ang kamay niyang nakahawak sa akin. Ngumiti naman siya dahil doon at sumunod na lang ulit kay Detective France.

Pansin kong mababa na ang sikat ng araw kaya napatingin ako sa wrist watch ko. Alas kwatro na ng hapon pero nandito pa rin kami sa kagubatan.

“France, it’s already 4pm,” Damien informed him.

“I know, let’s go further. I have this feeling that we might discover something right now,” Detective France said.

It’s his instincts. He’s a detective after all.

“What?” reklamo ni Damien.

“Let’s just follow him.” Tumingin ako kay Damien at sinalubong naman niya ang mga titig ko.

“It’s dangerous...” he worriedly said.

“You’ll protect me, right?”

“Yes, of course!” sagot niya.

I smiled. “Then, let’s follow him. I know the feeling that I didn’t follow my guts, we fell into a trap...” Halos pabulong na lang ang pagkakasabi ko sa huli.

“Alright, I’ll be by your side, hmm?” malambing na sabi niya at tanging tango na lang ang isinagot ko sa kaniya.

“Let’s go.” Tumango ako kay Detective France, tumango rin siya pabalik at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang nagpapatuloy kami sa paglalakad ay hindi ko rin maiwasan na hindi kabahan. Parang nagkaroon na rin ako ng antisipasyon nang dahil sa mga sinabi ni Detective France.

Ilang minuto pa kaming naglakad hanggang sa huminto si Detective France at nakatuon ang paningin sa kaniyang harapan. Sinundan ko rin ang tinitingnan niya at ganoon na lang ang pagsinghap ko nang makita ang isang bahay na nakatayo sa kagubatan na ito. Mula rin sa kinatatayuan namin ay naaamoy ang masangsang na amoy na nagmumula sa bahay na iyon.

Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng tunog ng camera. Napatingin ako kay Detective France na kinuhaan ng litrato ang bahay gamit ang cellphone niya.

“Found your hidden gem.” Detective France smirked.

“What’s your plan?” tanong naman ni Damien at iniikot ang paningin sa kabahayan.

“I’ll come back here tomorrow. I’ll raid the house,” sagot ni Detective France.

“Sasama pa rin kami,” singit ko.

Bumagsak ang mga paningin sa akin ni Damien. Nabasa ko roon ang pagtutol pero binigyan ko siya ng isang determinadong tingin hanggang sa mapabuntonghininga na lang siya.

“Let’s bring Dearil also,” aniya.

Napangiti naman ako habang tumango naman si Detective France.

Heart Forest Crime...

So, this is your sacred place. I wonder what’s inside this house?

Masangsang ang amoy na umalingasaw mula sa bahay na ito kaya hindi maganda ang kutob ko sa kung ano mang madadatnan namin sa loob.

We’re near...

Heart Forest Crime will end...

ASHTRIZONE

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status