Share

Chapter 31

Author: ashtrizone
last update Last Updated: 2021-12-31 04:25:17

Nang sandaling makarating ako rito sa El Kanjar ay tanging ang paraan lang kung paano makaalis dito ang siyang nasa isip ko. Pero nang magtagal ako rito, maraming nagbago.

Minsan ko nang inisip na huwag na lang umalis na lugar na ito dahil kila Damien at Dearil pero alam kong hindi matatahimik ang konsensiya ko kapag ginawa ko iyon. Nangako ako sa sarili ko na haharapin pa ang taong gumawa nito sa aming magkakaibigan. Pagbabayaran niya pa ang panglilinlang niya sa amin.

Sa pagdating ko rin dito ay inakala kong si Sir Vanmer ang siyang nakaharap ko nang sandaling tumapak ako sa Ravides Holdings pero nagkamali ako dahil hindi nga sila iisa.

Akala ko noon ay tanging iyon lang ang poproblemahin ko sa lugar na ito pero hindi ko rin akalain na maging ang isang krimen sa El Kanjar ay madadaanan ko rin. Ang nakakatawa pa ay hinahabol na ako ng suspek sa isang karumal-dumal na krimen na binansagang Heart Forest Crime.

Pagkakataon lang ba ang naglapit ng mga ito sa akin? I believe in the saying, Everything’s happen for a reason. Malakas ang kutob ko na may papel ang lahat ng nangyayari sa akin dito sa El Kanjar.

Mula sa pagkakakuha sa akin ng magkambal na Ravides hanggang sa ngayon, ang pagtutugis namin sa taong nasa likod ng Heart Forest Crime, nararamdaman kong may mahalaga silang gagampanan sa misteryosong puzzle na binubuo ko.

Hindi ko pa mawari kung ano talaga ang papel nila sa akin sa lugar na ito pero iyon talaga ang pakiramdam ko. Hindi basta-basta magku-krus ang mga landas namin nang walang dahilan.

“I’ll go to the forest again, wanna come?” tanong sa amin ni Detective France.

Nandito pa rin kami sa tapat ng bahay ko sa El Kanjar Village. Ibinigay ko na rin sa pangangalaga ni Detective France ang hairclip na napulot ko kani-kanina lang.

“What time is it?” tanong naman ni Damien.

“One pm,” agad na sagot naman niya.

Lumipat naman sa akin ang paningin ni Damien. Kahit hindi pa siya magsalita ay alam ko na kung anong nais niyang ipahiwatig.

“We’ll come,” sagot ko habang nakatitig kay Damien.

“Very well.” Detective France clapped his hands.

Sabay-sabay kaming umalis gamit ang sari-sarili naming sasakyan. Napag-usapan pa na dumaan muna sa Ravides Holdings para iwan ang sasakyan ko at kay Damien na ako sasabay.

Pansin kong tuloy-tuloy lang ang paglabas ng sasakyan ni Damien sa village. Hindi man lang siya nagbukas ng bintana. Napansin ko rin na ibang sasakyan ang gamit niya, kulay itim din kasi iyon kaya hindi ko masyadong napansin na iba iyon sa ginagamit niya lagi.

Baka nagsawa na isang sasakyan niya. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Nang nasa tapat na ako ng silid ni Manong Liher ay nagpaalam lang ako saglit at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Napatingin pa ako sa rear view mirror para tingnan si Detective France at nakita ko pang nag-usap pa sila saglit ni Manong Liher.

Oo nga pala, hindi ko naitanong kung paano nakapasok si Detective France sa village. Imposibleng papasukin lang siya dahil sa kilala siya ni Manong Liher, o baka dahil nagpakilala siyang pulis? Bakit ko pa ba pinoproblema ‘yon?

Argh!

Dumagdag pa sa pinag-iisip ko itong si Detective France dahil sa napakapamilyar niyang mukha.

Umiling na lang ako para mablangko ang isip ko. Hindi ko na lang iisipin kung sino ba talaga ang kamukha ni Detective France o kung saan ko man siya nakita, baka sakaling maalala ko kapag hindi ko isipin, may pagkakataon kasi na ganoon, kaya ganoon na lang ang gagawin ko.

Nang makarating kami sa Ravides Holdings ay ipinaiwan na lang ni Damien ang sasakyan ko sa harap ng building at pinasakay na ako sa sasakyan niya.

“Hindi ka naman yata excited?” pang-aasar ko sa kaniya nang makasakay ako sa sasakyan niya.

“May kasalanan ka pa sa ‘kin,” sagot niya.

I chuckled. “Ang layo ng sagot mo.”

“You won’t do something?” He pouted.

I rose an eyebrow as I was supressing my laugh. Nagpapalambing ang isang ‘to. Napailing na lang ako at inihinto ang pagkabit ng seatbelt ko.

Mula sa driver’s seat ay nakatagilid na siyang nakaharap sa akin at hinihintay ang sunod na gagawin ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa marahang pagtawa na siyang nagpahaba lalo sa nguso niya.

Agad na lang akong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang marahang h***k. I was about to pull away from him when he held my nape and he kissed me deeper.

I moaned when his tounge entered my mouth. We kissed torridly like we haven’t tasted each other for a month. His hands were now traveling althrough out my body. I was about to straddle on his hips when we heard a beep sound behind our car.

Nang dahil sa busina na iyon ay napahinto kami ni Damien sa ginagawa. Parehas pa kaming tumingin sa rear view mirror at nakita namin ang sasakyan ni Detective France.

Mariin akong napalunok pero natawa na lang din sa huli at umayos na rin ako ng pagkakaupo sa shotgun seat. Narinig ko pa ang bubulong-bulong na mga mura ni Damien habang may tinatawagan.

“Fuck you!” malutong na mura niya nang sagutin ni Detective France ang tawag niya.

Rinig ko pa ang malakas na halakhak ni Detective France sa kabilang linya pero agad na ring pinatay iyon ni Damien. Mahina na lang din akong natawa.

“Do we need to fucking go there?” iritadong tanong ni Damien.

Natawa ulit ako. “We need to.”

He frustratedly sigh. “I will fucking kill that asshole.”

Napailing na lang ako sa kaniya. Hindi rin nagtagal ay nanguna na ang sasakyan ni Detective France kaya sumunod na lang kami sa kaniya.

Hindi ko rin alam kung bakit ako, kami sumama kay Detective France. Sinabi niya rin na walang dapat ikabahala dahil wala naman daw sa kagubatan ngayon ang suspek ng Heart Forest Crime.

There’s something in me that was provoking me to go in the forest. It was a feeling or somewhat a dictation to me, a dictation that I need to go there for a discovery.

Pero ano naman iyon? May mapapala ba kami sa pagpunta roon?

Nabanggit din ni Detective France na pumupunta rin siya mismo rito sa kagubatan para sa kaniyang pag-iimbestiga. Sinundan lang namin ang sasakyan ni Detective France hanggang sa huminto iyon sa isang bukana ng kagubatan na tago sa highway. Nang bumaba siya sa sasakyan niya ay bumaba na rin kami ni Damien, hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya pa ako gaya ng nakasanayan namin.

“We’ll leave before the dawn,” Damien reminded.

Detective France chuckled. “Don’t you want some thrill with your life?”

I just shook my head. Ayan na naman siya sa mga pang-aasar niya.

“I will just kill you, asshole!” asik naman ni Damien.

“Then, I want some thrilling way, like not so fast killing?” Detective France smirked.

“Torture it is.” Damien smirked also.

I heaved a deep sigh. “Let’s just go, fuckers, we’re wasting the time.”

“W-What?” hindi makapaniwalang tanong ni Damien habang tumawa naman si Detective France. “What did you call me, baby?” dugtong niya pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Unraveled Puzzle   Epilogue

    "I can see the past... while Damien can see the future..."Nagimbal ako sa katotohanang sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon o tatanggihan.Sa likod ng mga asul na mga mata ko pala mahahanap ang mga taong hinahanap ko... pero masaya ba ako na silang dalawa iyon?Sa halip na magdiwang ay parang nalungkot ako sa likod ng nalaman ko mula kay Dearil.Bakit sa dinami-dami ng tao ay silang dalawa pa ang hinahanap ko?Ito na ba ang papel ng dalawang Ravides sa buhay ko rito sa El Kanjar?"H-How come?" utal na tanong ko."Remember our first phone call?" Tumango ako sa kaniya dahil naalala ko iyon. "I've mentioned your brother... I saw him on your past as long as what happened to your family..." sambit niya."Paano?" mahinang tanong ko."That day when we saw you on t

  • Unraveled Puzzle   Chapter 43

    Natagpuan ko na lang ang sarili ko ilalim niya habang siya ay nasa ibabaw ko na unti-unting pinapasok sa akin ang alaga niyang tila isang mandirigma na ngayon."Fuck!" I cried as I felt like there's something in between me got broke."I'm sorry... it's my gentle way already though it's really painful at first..." malambing bulong niya.Napatango naman ako habang pinupunasan niya ang luha na tumulo sa mata ko."Just tell me, if I can move, hmm? I won't move if it still hurts..." marahang sambit niya at sunod na sinunggaban ng halik ang labi ko.I returned the same ferocity. His tongue was poking my lips so I opened my mouth to let his tongue enter and taste every bit of my mouth. I moaned between the kisses.Ang mga kamay niya na akyat baba ang haplos sa aking baywang ay unti-unting nagtutungo sa aking dibdib. Napaliyad ako nang mar

  • Unraveled Puzzle   Chapter 42

    "Ay, tangina! Live porn na naman!"Napalingon kami sa may pintuan nang marinig ang sigaw ni Detective France. Natawa naman kami ni Damien at dahan-dahan niya akong ibinaba mula sa pagbuhat niya.Hindi ka siya nangalay?Ang bigat-bigat ko na kaya!Halos pakainin ba naman niya ako segu-segundo!Tingnan na lang natin kung hindi madagdagan ang timbang ko dahil doon!Pero siyempre, nasa tamang pangangalaga kasi ako kaya wala dapat reklamo, 'di ba?Argh! I'm crazy."Ang landi n'yo talagang dalawa!" akusa pa ni Detective France at pumasok na siya dahil nanatili pa rin siya pintuan kanina."Inggit ka, Detective France?" pang-aasar ko sa kaniya.

  • Unraveled Puzzle   Chapter 41

    "Baby..." magaang tawag sa akin ni Damien at pinisil ang mga kamay ko.Mapait akong ngumiti. "I'm fine."Ganito pala ang pakiramdam na matraydor ng isang taong itinuring mong kaibigan. Hindi sumagi sa isip ko na magagawa niya ito sa akin dahil sa mga kabutihang ginawa niya. Pagpapakitang tao lang ba ang lahat ng iyon?"That explains why you received the threat. There's a manual on the security's post revealing the house numbers at the village, I saw it. May bahay rin ako roon at may suspetya na ako sa kaniya simula noong nagtanong siya sa akin kung may kilala raw ba akong pangalan na Anveshika Ferolinoz," mahabang paliwanag ni Detective France na siyang nagpatango sa aming lahat.Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga rebelasyon na 'to."I forgot! The first victime of Heart Forest Crime was your HR Head, Maniro Derso." Napasinghap naman kami ni Dearil ha

  • Unraveled Puzzle   Chapter 40

    "Maraming salamat, Anveshika. Patawad din sa lahat ng nangyari..." malungkot na sabi ni Rhianne habang hawak ang kamay ko."You're not at fault, Rhianne," sabi ko sa kaniya.Umiling lang siya at malungkot na tumitig sa kabaong unti-unting bumaba sa ilalim ng lupa. Gaya ng ipinangako ko kay Manong Liher ay ginawa ko ang paglibing kay Lhianne Jimenez. Nalungkot ako nang sinabi niyang hindi siya pupunta ngayon dahil sa sobrang hiya niya raw sa anak niya, wala raw siyang karapatan na harapin ang anak niya dahil sa lahat ng kasalanang nagawa niya."Sobrang maraming salamat..." bulong niya.Ngumiti na lang ako sa kaniya. Lumapit na kami sa lumubog na kabaong sa lupa. Hawak pa rin ni Rhianne ang kamay ko at ramdam ko ang panginginig at panlalamig no'n kaya marahan ko iyong pinisil. Hawak-hawak ang putik bulaklak ay unti-unti namin iyong inihagis sa ibabaw ng kabaong. Ganoon din ang ginawa nina Damien at Dea

  • Unraveled Puzzle   Chapter 39

    Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero agad din iyong nagdilim nang makabawi siya at humalakhak."Hindi ko inaasahan na mas maaga mong malalaman. Pinahahanga mo ako, Anveshika." Marahan pa siyang pumalakpak. Napairap ako at bumaba sa sasakyan para makaharap siya ng maayos."What are you doing, Anveshika? Stay inside the fucking car!" Rinig ko ang boses ni Damien mula sa earpiece na suot ko.Napangisi ako. "What now, Liher Jimenez? The father of Lhianne and Rhianne Jimenez, right? Also, the mastermind behind the Heart Forest Crime," mariin kong sabi."Ano ngayon ang gagawin mo ngayong alam mo na?" nakangisi niyang tanong sa akin."You're busted." Nakangisi lang ako sa kaniya habang nakatitig at maya-maya lang ay narinig na namin ang sirena ng mga pulis.Nakita kong natigilan siya dahil sa tunog na iyon. Agad siyang humugot ng bari

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status