Mag-log inNagising si Yumi bago pa magbukang-liwayway sa guest room, baliktad ang suot niyang robe at parang may isang sakong bato ang puso niya.
Alas-kuwatro ng madaling araw ng palihim siyang bumangon mula sa kama ni Ridge. Nakayapak at walang ingay na pinulot ang mga gamit niya sa dilim na parang isang magnanakaw na nakawan ang sarili niyang gabi.
Hindi siya nito pinigilan. Idinilat lang nito ang mga mata at pinanood siyang umalis, habang ang isang braso nito ay nakapatong pa rin sa bakanteng espasyong kaninang kinaroroonan niya.
Nang huminto siya sa may p***o, naghintay siya na baka may sabihin ito, kahit ano, kahit isang salita lang. Pero walang dumating.
At ang katahimikang iyon ay sumunod sa kanya sa hallway na parang isang multong ayaw siyang tantanan.
Pumasok si Yumi sa kwarto kung saan nagpaalam sa kanya ang nobyo kagabi. Now the ceiling stared back at her at unti unting nagsi-sink in ang realization ng pinasok niyang sitwasyon kagabi. Okay, Yumi. Ground rules. One: hindi na mauulit. Two: act normal. Three: wala kang alam, wala kang nakita, wala kang naramdaman.
Kaso marami siyang naramdaman. At iyon ang problema.
Nasa nightstand ang silver bracelet na bigay ni River, inosente itong kumikinang at tahimik na pinapaalala sa kaniya how her boyfriend adore her. Parang may init pa iyon mula sa pulso niya. Inilagay niya sa drawer at itinago dahil hindi niya kaya iyong titigan.
Sa shower, kinuskos niya ang balat niya hanggang mamula, as if soap could wash away evidence. May sariling paraan ang katawan niya para pahirapan siya. Naalala nito ang lahat, down to the smallest detail: ang kamay ni River sa batok niya, ang mabagal nitong mga halik, at kung paano nagmukhang isang bagay na matagal na niyang hinihintay ang gabing iyon. Hindi man lang nagkaroon ng decency ang katawan niyang mag-selective memory. Mayumi daw. Mahinhin. Mahinhin na mahinhin ako kagabi, grabe. Hindi ka naman nag-iwan ng bad review, girl. Pero bakit five stars? Sumandal siya, idinikit ang noo sa malamig na tiles, saka naglabas ng isang malalim at malakas na daing. Apparently, pati water heater kailangan niyang idamay sa personal crisis niya.
Nagbihis na siya and by the time she walked into the kitchen, she had put together a face. Smile, check. Posture, check. Mga matang hindi pasimpleng sumusulyap sa kabilang dulo ng mesa. Check, more or less.
Abala si River sa pagprito ng pancakes, suot ang apron na may nakasulat na Kiss the Cook. Kung umasta siya, parang certified pancake expert na hindi pa kailanman nakaranas masunugan ng almusal. Paglingon ni River sa kanya, ngumiti ito ng buong-buo na parang wala siyang ibang problema sa mundo. "Good morning, my anniversary girl. Did you sleep okay? You were quiet last night."
"Pagod lang," sabi niya na hindi man lang siya nautal. Ang galing. Parang sanay na sanay na siyang magsinungaling. Wow. Congrats Yumi. Career growth.
Inilapit nito ang plato ng pancake sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Ang lambing sana at perfect anniversary morning after breakfast, kung alam niyang wala siyang atraso dito.
Nasa dulong bahagi ng mesa si Ridge, nag-i-scroll sa mga email niya, kalmado na parang rebulto. Plantsadong polo, maayos na buhok at mukha siyang nakatulog ng walong oras nang mahimbing sa kutson na gawa sa malinis na konsensya.
Hindi man lang siya sinulyapan. Walang kahit anong reaksyon.
Inangat nito ang tasa ng kape at uminom na para bang ang nangyari kagabi ay sa lang maliit na clerical error na naitama na niya sa records at hindi na kailangang balikan.
Ang galing naman umarte. Dapat siya ang nasa teleserye.
It should have felt like relief. That was the deal, wasn't it? One night, then silence. Pero bakit parang may nararamdaman siyang maliit na pagkapikon. Kagabi ang mga titig nito ay parang siya lang ang tao sa mundo, tapos ngayon dedma na. Ano ako furniture? Excuse me po?
"Oh, I forgot to tell you," sabi ni River habang umuupo sa silya sa tabi niya. "Ridge is staying for a few months. He'll help fix our Manila operations. Dito siya sa penthouse most of the time, since there are free rooms and the study."
Tuluyan na siyang nawalan ng gana.
"Great," sagot niya. "Wonderful. Love that for us." Medyo pumiyok ang boses niya nang sumagot. Napatawa si River, tuwang-tuwa sa sobrang enthusiasm niya, saka pinisil ang tuhod niya sa ilalim ng mesa.
Sa kabilang dulo, sa wakas ay nag-angat ng tingin si Ridge. Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo lang, dark and steady and unreadable, then went back to his phone.
One second lang. Pero ang puso niya, umasta na parang katatapos lang niyang umakyat ng 10 floors gamit lang ang hagdan. Walang elevator, walang pahinga at lalong walang dignidad.
Si River ang unang umalis. May tumawag mula sa head office nila sa Pasig, kaya napilitan itong umalis habang napapabuntong-hininga at paulit-ulit na humihingi ng sorry kay Yumi.
Sampung minuto pa ang lumipas bago sumunod si Ridge. Bitbit nito ang suit jacket sa isang braso. Nang magkasalubong sila sa hallway, bahagyang dumikit ang manggas nito sa kanya. Naamoy niya ang pamilyar na cedar scent nito, na bigla na lang bumalot sa kanya na parang isang alaalang walang pakundangang sumulpot kahit hindi naman siya invited.
Hindi ito huminto. Hindi man lang nagsalita.
Pagkasara ng p***o sa likuran nito, naiwan siyang nakatayo roon at parang may kung anong natapos na hindi man lang nila pinag-usapan.
Nag-vibrate ang cellphone niya mula sa counter, isang text mula kay River: Thank you for the best anniversary of my life. I love you. See you tonight. Biglang sumikip ang lalamunan niya. Napakasakit kahit simpleng paglunok lang.
Nang biglang gumalaw ulit ang telepono niya. An email this time, to her work account, from an address she had never seen in her inbox. From: Ridge Villarama. Subject: Manila Operations Review. Please send last quarter's safety reports to my office by Monday, 9 AM. Regards.
Professional. Polite. Completely innocent.
Tatlong beses niya iyong binasa. At sa bawat ulit, parang may sariling celebration ang puso niya. Traitor heart, absolute traitor.
Naglakad si Yumi.Hindi nagmamadali, pero hindi rin mabagal. Maingat ang bawat hakbang niya, gaya ng isang babaeng may dalang tray ng mga basong punong-puno at kailangang siguraduhing walang mababasag. Nanlalamig ang mga paa niyang nakatapak sa sahig. Sa mga bintana, sumisilip ang mga ilaw ng siyudad, parang mahahabang gintong guhit na unti-unting dumudulas sa dilim. Self, ano 'to, horror movie? Bakit parang ang haba ng hallway? Dati tatlong hakbang lang 'to.Ang tibok ng puso niya lang ang tanging naririnig niya sa katahimikan ng penthouse. Mayumi. Modest. Graceful. Hindi tumatakbo papunta sa kwarto ng ibang lalaki. Sige, hindi naman siya tumatakbo. Naglalakad lang, technically.Nilampasan niya ang unang pinto, ang kuwarto ni River—madilim, maayos, at puno ng mga gamit na walang anumang kakaiba. Sumunod ang guest room, kung saan minsan siyang natulog na para bang walang anumang kailangang pagbayaran kinabukasan.Bahagyang nakabukas ang pangatlong pinto. Isang manipis na guhit ng liwa
Dalawang linggo na ang lumipas mula noong bagyo, at sa loob ng panahong iyon, naging ganap na estranghero si Ridge.Tumatango lang ito kay Yumi kapag nagkakasalubong sila sa hallway. Ibinabalik nito ang mga reports niya na may malinis at maayos na marka in red ink. Kakain ito ng hapunan at didiretso na sa kwarto pagkatapos maghugas ng pinagkainan nito. At ni minsan, hindi nito nilabag ang mga hangganang siya mismo ang nakiusap na huwag nitong tawirin. Walang kakaibang tingin. Wala ni isang kilos na maaaring magpahiwatig na gusto nitong lumabag sa mga kundisyong itinakda niya.Ang tanging lamat sa maayos nilang pag-iIwasan sa isa't isa ay dumating noong Biyernes, sa warehouse sa Valenzuela.Pumasok si Yumi sa malamig na malamig na storage room, suot ang hiniram na parka. Umuusok ng parang puting ulap ng kanyang hininga sa hangin. At doon niya nakita si Ridge sa pinakadulong bahagi ng silid, kasama ang mga trabahador. Nakatupi hanggang siko ang mga manggas nito habang may buhat na mabig
Ang hindi inaasahan ni Yumi ay ang makumpara ang kambal at kung gaano karami ang mapapansin niya.Si River, buong mukha ang nakangiti kapag tumatawa. Habang si Ridge ay bihira lang matawa. Usually, isang maikling buga lang ng hangin sa ilong, with the faintest hint of amusement in his eyes. Kapag nasa penthouse, si River madalas naghu-hum ng sintunado sa halos lahat ng ginagawa niya. Si Ridge naman kung wala sa study, nakatayo sa bintana na may hawak na baso ng tubig, looking at the city like it owed him an explanation. Si River, babe ang tawag sa kanya, magaan at walang kahirap-hirap. Si Ridge naman, Mayumi. Buong pangalan niya, binibigkas ng mabagal at maingat na para bang pinag-iisipan pa nito ang bawat letra bago pakawalan.Pagkatapos ng unang linggo, may listahan na siya ng mga pagkakaibang hindi naman niya sinadyang mapansin at maalala.Si River, kung makaupo, nakahilata at halos nakahiga na sa furniture. Si Ridge naman, umuupo ng diretso ang likod na para bang bawat upuan ay
Yumi worked at Villarama Cold Chain, her job is simple to explain: siguraduhing maayos ang kondisyon ng mga freezer at truck ng kumpanya, at nananatiling malamig ang mga ito. She had earned it on her own merit, bago pa niya makilala si River. She repeated that to herself every morning like a mantra, lalo na ngayon.Buong Sunday night siyang nagpakahirap ayusin ang mga reports niya, siniguradong kahit bagyo, lindol, o kung anumang disaster, hindi matitinag ang mga iyon.At 8:42 a.m. ng Monday nang sa wakas ay pindutin niya ang send button. Eleven seconds later, may reply na agad sa inbox niya. Received. Briefing at nine. Conference Room A.Eleven seconds. Wala ba siyang buhay?Nasa twelfth floor ng isang glass tower sa Pasig ang company head office. Amoy coffee at ambition ang buong opisina. Aligaga ang lahat dahil noong Biyernes may isang email ang natanggap ng lahat ng empleyado na nagsasabing: Mr. Ridge Villarama will lead the quarterly restructuring. All department heads and staff
Nagising si Yumi bago pa magbukang-liwayway sa guest room, baliktad ang suot niyang robe at parang may isang sakong bato ang puso niya.Alas-kuwatro ng madaling araw ng palihim siyang bumangon mula sa kama ni Ridge. Nakayapak at walang ingay na pinulot ang mga gamit niya sa dilim na parang isang magnanakaw na nakawan ang sarili niyang gabi.Hindi siya nito pinigilan. Idinilat lang nito ang mga mata at pinanood siyang umalis, habang ang isang braso nito ay nakapatong pa rin sa bakanteng espasyong kaninang kinaroroonan niya.Nang huminto siya sa may pinto, naghintay siya na baka may sabihin ito, kahit ano, kahit isang salita lang. Pero walang dumating.At ang katahimikang iyon ay sumunod sa kanya sa hallway na parang isang multong ayaw siyang tantanan.Pumasok si Yumi sa kwarto kung saan nagpaalam sa kanya ang nobyo kagabi. Now the ceiling stared back at her at unti unting nagsi-sink in ang realization ng pinasok niyang sitwasyon kagabi. Okay, Yumi. Ground rules. One: hindi na mauulit.
Mayumi Cruz had been planning this morning for three weeks. Waxing, check. Lingerie bought with her entire 13th-month pay, check. Courage? Teka, nasaan na ang courage? She found it somewhere between the lobby and the elevator of River Villarama's penthouse building, and she held on to it like a free Wi-Fi password.Mang Berto, the guard in the lobby, gave her a knowing smile. "Good morning Ma'am Yumi, ang aga niyo po." "Surprise po," she whispered, and he gave her a thumbs-up like she was marching off to war. Grabe, pati si Kuya Guard, supportive.In the elevator, she stared at her reflection and counted to ten. Kaya mo 'to, girl. One year kang naghintay. Her mother had once told her that Mayumi meant modest and graceful, mahinhin, a name for a quiet girl who never raised her voice. Sorry, Ma. Today your mahinhin daughter will finally become a lady na.One year with River. Twelve months of dinners, slow kisses beside his car, and "I can wait, Yumi. Kahit gaano katagal." He never pushe







