Share

Chapter 9

Author: Huxeia
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-21 03:07:20

Dalawang linggo na ang lumipas mula noong bagyo, at sa loob ng panahong iyon, naging ganap na estranghero si Ridge.

Tumatango lang ito kay Yumi kapag nagkakasalubong sila sa hallway. Ibinabalik nito ang mga reports niya na may malinis at maayos na marka in red ink. Kakain ito ng hapunan at didiretso na sa kwarto pagkatapos maghugas ng pinagkainan nito. At ni minsan, hindi nito nilabag ang mga hangganang siya mismo ang nakiusap na huwag nitong tawirin. Walang kakaibang tingin. Wala ni isang kilo
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 10

    Naglakad si Yumi.Hindi nagmamadali, pero hindi rin mabagal. Maingat ang bawat hakbang niya, gaya ng isang babaeng may dalang tray ng mga basong punong-puno at kailangang siguraduhing walang mababasag. Nanlalamig ang mga paa niyang nakatapak sa sahig. Sa mga bintana, sumisilip ang mga ilaw ng siyudad, parang mahahabang gintong guhit na unti-unting dumudulas sa dilim. Self, ano 'to, horror movie? Bakit parang ang haba ng hallway? Dati tatlong hakbang lang 'to.Ang tibok ng puso niya lang ang tanging naririnig niya sa katahimikan ng penthouse. Mayumi. Modest. Graceful. Hindi tumatakbo papunta sa kwarto ng ibang lalaki. Sige, hindi naman siya tumatakbo. Naglalakad lang, technically.Nilampasan niya ang unang pinto, ang kuwarto ni River—madilim, maayos, at puno ng mga gamit na walang anumang kakaiba. Sumunod ang guest room, kung saan minsan siyang natulog na para bang walang anumang kailangang pagbayaran kinabukasan.Bahagyang nakabukas ang pangatlong pinto. Isang manipis na guhit ng liwa

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 9

    Dalawang linggo na ang lumipas mula noong bagyo, at sa loob ng panahong iyon, naging ganap na estranghero si Ridge.Tumatango lang ito kay Yumi kapag nagkakasalubong sila sa hallway. Ibinabalik nito ang mga reports niya na may malinis at maayos na marka in red ink. Kakain ito ng hapunan at didiretso na sa kwarto pagkatapos maghugas ng pinagkainan nito. At ni minsan, hindi nito nilabag ang mga hangganang siya mismo ang nakiusap na huwag nitong tawirin. Walang kakaibang tingin. Wala ni isang kilos na maaaring magpahiwatig na gusto nitong lumabag sa mga kundisyong itinakda niya.Ang tanging lamat sa maayos nilang pag-iIwasan sa isa't isa ay dumating noong Biyernes, sa warehouse sa Valenzuela.Pumasok si Yumi sa malamig na malamig na storage room, suot ang hiniram na parka. Umuusok ng parang puting ulap ng kanyang hininga sa hangin. At doon niya nakita si Ridge sa pinakadulong bahagi ng silid, kasama ang mga trabahador. Nakatupi hanggang siko ang mga manggas nito habang may buhat na mabig

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 8

    Ang hindi inaasahan ni Yumi ay ang makumpara ang kambal at kung gaano karami ang mapapansin niya.Si River, buong mukha ang nakangiti kapag tumatawa. Habang si Ridge ay bihira lang matawa. Usually, isang maikling buga lang ng hangin sa ilong, with the faintest hint of amusement in his eyes. Kapag nasa penthouse, si River madalas naghu-hum ng sintunado sa halos lahat ng ginagawa niya. Si Ridge naman kung wala sa study, nakatayo sa bintana na may hawak na baso ng tubig, looking at the city like it owed him an explanation. Si River, babe ang tawag sa kanya, magaan at walang kahirap-hirap. Si Ridge naman, Mayumi. Buong pangalan niya, binibigkas ng mabagal at maingat na para bang pinag-iisipan pa nito ang bawat letra bago pakawalan.Pagkatapos ng unang linggo, may listahan na siya ng mga pagkakaibang hindi naman niya sinadyang mapansin at maalala.Si River, kung makaupo, nakahilata at halos nakahiga na sa furniture. Si Ridge naman, umuupo ng diretso ang likod na para bang bawat upuan ay

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 7

    Yumi worked at Villarama Cold Chain, her job is simple to explain: siguraduhing maayos ang kondisyon ng mga freezer at truck ng kumpanya, at nananatiling malamig ang mga ito. She had earned it on her own merit, bago pa niya makilala si River. She repeated that to herself every morning like a mantra, lalo na ngayon.Buong Sunday night siyang nagpakahirap ayusin ang mga reports niya, siniguradong kahit bagyo, lindol, o kung anumang disaster, hindi matitinag ang mga iyon.At 8:42 a.m. ng Monday nang sa wakas ay pindutin niya ang send button. Eleven seconds later, may reply na agad sa inbox niya. Received. Briefing at nine. Conference Room A.Eleven seconds. Wala ba siyang buhay?Nasa twelfth floor ng isang glass tower sa Pasig ang company head office. Amoy coffee at ambition ang buong opisina. Aligaga ang lahat dahil noong Biyernes may isang email ang natanggap ng lahat ng empleyado na nagsasabing: Mr. Ridge Villarama will lead the quarterly restructuring. All department heads and staff

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 6

    Nagising si Yumi bago pa magbukang-liwayway sa guest room, baliktad ang suot niyang robe at parang may isang sakong bato ang puso niya.Alas-kuwatro ng madaling araw ng palihim siyang bumangon mula sa kama ni Ridge. Nakayapak at walang ingay na pinulot ang mga gamit niya sa dilim na parang isang magnanakaw na nakawan ang sarili niyang gabi.Hindi siya nito pinigilan. Idinilat lang nito ang mga mata at pinanood siyang umalis, habang ang isang braso nito ay nakapatong pa rin sa bakanteng espasyong kaninang kinaroroonan niya.Nang huminto siya sa may pinto, naghintay siya na baka may sabihin ito, kahit ano, kahit isang salita lang. Pero walang dumating.At ang katahimikang iyon ay sumunod sa kanya sa hallway na parang isang multong ayaw siyang tantanan.Pumasok si Yumi sa kwarto kung saan nagpaalam sa kanya ang nobyo kagabi. Now the ceiling stared back at her at unti unting nagsi-sink in ang realization ng pinasok niyang sitwasyon kagabi. Okay, Yumi. Ground rules. One: hindi na mauulit.

  • Unwrapped by the Wrong Twin Brother   Chapter 1

    Mayumi Cruz had been planning this morning for three weeks. Waxing, check. Lingerie bought with her entire 13th-month pay, check. Courage? Teka, nasaan na ang courage? She found it somewhere between the lobby and the elevator of River Villarama's penthouse building, and she held on to it like a free Wi-Fi password.Mang Berto, the guard in the lobby, gave her a knowing smile. "Good morning Ma'am Yumi, ang aga niyo po." "Surprise po," she whispered, and he gave her a thumbs-up like she was marching off to war. Grabe, pati si Kuya Guard, supportive.In the elevator, she stared at her reflection and counted to ten. Kaya mo 'to, girl. One year kang naghintay. Her mother had once told her that Mayumi meant modest and graceful, mahinhin, a name for a quiet girl who never raised her voice. Sorry, Ma. Today your mahinhin daughter will finally become a lady na.One year with River. Twelve months of dinners, slow kisses beside his car, and "I can wait, Yumi. Kahit gaano katagal." He never pushe

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status