مشاركة

Chapter 165

مؤلف: Yeiron Jee
last update آخر تحديث: 2026-01-02 21:42:43

"Lahat ng bilin ko ay kailangan mong sundin kung ayaw mong sumugod ako na dis oras." Paalala ni Xavier sa dalaga saka hinalikan ito sa noo.

Tikom ang bibig na ngumiti siya sa binata saka tumango dahil may laman ang bibig niya. Ilang sandali pa ay kumatok si Leo sa pinto.

"Boss, dumating na po ang mga bisita." Boses ni Leo mula sa likod ng pintong nakasara.

"Paghintayin mo muna sa sala." Sagot ni Xavier saka sinubuan muli ang dalaga.

Umalis na si Leo at binalikan sina Denver, kasama ang asawa nito. Kung hindi niya lang alam na kasama ng amo ngayon ang babae nito ay mapagkamalan niya ang asawa ni Denver. Magkamukha talaga ang dalawa. Sana lang ay hindi mapansin ang pinagkaiba ng katawan ng dalawa. Medyo pumayat kasi ang tunay na Karen at si Kiana ay tama lang ang katawan. Mapapansin iyon kung pagtuunan nang husto ng pansin.

"Puwede mo na akong iwan dito at huwag paghintayin ang bisita." Inagaw niya ang hawak na kutsara ng binata.

Mukhang nag aalinlangan pa si Xavier pero sinunod din ang
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
Sana hnd mo Isama si malandi Doon Baka magulat Ka nlang wala Ka Ng asawang babalikan
goodnovel comment avatar
Nurissa Ubahin
umayos ka Denver,,,dhil kng nd lagot ka d lng Kay Kiana kng d pati sa uncle mo
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 176

    Napangisi si Shane nang makita ang dugo sa kamay ng kapatid. "Bitch, hindi lang iyan ang matikman mo mula sa akin kapag–argh!" Pumaling sa kaliwa ang mukha niya at hindi na natapos ang pagsasalita. Nakaramdam din siya ng hilo nang dumapo ang sampal ni Kiana sa kaniyang pisngi. Hindi nakuntinto si Kiana sa isang sampal lamang. Kung lalaki lang ang kaharap ay suntok ang matitikman nito sa kaniya. Magkasunod na sampal pa ang pinadpo niya sa magkabilang pisngi ni Shane saka hinila muli ang buhok upang patingalain ito. "Sino ang malandi, ang ina ko na legal na asawa o ang ina mong kabit?""Ahh, mommy, help me!" Hiyaw ni Shane at hindi alam kung alin ang unang sapuin, ang pisngi na ramdam niyang namamaga na o ang buhok na halos mabunot sa anit niya dahil sa higpit na pagka sabunot doon."Bitiwan mo ang anak ko!" Galit na sinugod ni Tanya ang babae at balak na hablutin din ang buhok nito. Ngunit hindi niya inaasahan ang pagtaas ng isang paa at yumama iyon sa tiyan niya. "Ahhhh!"Nanlaki ang

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 175

    "Ituloy mo na ang panakot kay Tanya upang ma distract ang isipan niya." Basa ni Ronald sa message ni Kiana."Ok." Maiksing reply ni Ronald saka tumingin sa paligid. Abala si Alex sa pakipag usap sa apat pa nilang kasama. Pasimple siyang umalis sa kinatayuan at mabilis na ginawa ang matagal ng gustong gawin."Saan ka galing?" tanong ni Tanya nang makita si Karen na kababalik lang sa sala."Sa kusina?" Patanong ding sagot ni Kiana sa ginang at nilingon ang pinanggalingan. Pagtingin niya kay Shane ay nagtataka ito. Ang alam kasi nito ay galing siya sa kaniyang silid at nasa second floor iyon. Sanay siyang kumilos ng mabilis at hindi nakakalikha ng ingay kaya hindi nito napansin kanina ang pagbaba niya ng hagdan. Pero nakita siya ni Xavier, hindi nga lang pinansin ang ginagawa niya."Di ba pumunta ka sa silid mo?" nagtatakang tanong ni Shane.Ininum muna ni Kiana ang tubig na nasa hawak na baso saka nag kibit balikat. "Ano ang problema at ipinagtataka ninyo kung saan ako nagpunta?"Tumik

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 174

    "Mom, tama na at pinagtatawanan na tayo ng babaeng iyan!" bulong ni Shane sa ina at nahihiya rin siya sa binata dahil obvious na hindi nito pagbigyan ang gusto ng ina niya. Kahit nga siguro masolo niya ito sa sala ay never siyang tapunan ng tingin at kausapin. Ang ipinagtataka niya lang ay bakit hindi na sinasabi ng binata na cancel na ang engagement nila. Patuloy kasi siyang umaasa dahil engage pa rin sila.Inis na itinikom ni Tanya ang bibig saka sinamaan din ng tingin ang asawa dahil wala itong ginagawa."Maiwan ko na muna kayo at may aasikasuhin lang ako sa library." Paalam ni Troy kina Xavier saka tinapunan ng malahulugang tingin ang asawa bago umalis.Pinalipas lang ni Tanya ang ilang minuto bago tumayo na rin. "Excuse me."Parang walang narinig si Kiana at hinayaang umalis ang ginang. Alam niyang susundan nito ang ama niya upang mag complains. "May kukunin lang ako sa room ko."Umaliwalas ang mukha ni Shane at natuwa dahil ma solo niya si Xavier. Hinayaan na ni Xavier na maka

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 173

    "Salamat sa laging pag secure sa kaligtasan ng anak ko. Nakakahiya na sa iyo kaya may kinuha akong bodyguard para sa anak ko at ibalik na sa iyo ang tauhan mo." Kausap ni Troy kay Xavier."Wala dapat na ikahiya at hindi kailangang ibalik ang tao ko sa akin. Ipinadala ko sa ibang bansa ngayon si Denver at sa akin niya ipinagkatiwala ang kaligtasan ng asawa niya." Pormal na tugon ni Xavier sa ginoo.Hindi natuwa si Troy sa narinig pero hindi niya ipanakita kung ano ang nadarama sa binata. Bumuntong hininga siya, "pero hindi na siguro kailangan na hanggang dito sa loob ng bahay ay nakabantay sila dahil safe dito ang anak ko.""Tama si Dad, pakisabi sa tauhan mo po na huwag na akong sundan hanggang dito upang bantayan dito sa loob ng bahay." Sang ayon ni Kiana sa ama. Gusto niyang malaman kung ano ang nais nitong gawin sa kapatid niya."Kung iyan ang gusto mo." Mukhang napilitang ani Xavier. "Pero dito lang sa bahay mo sila manatili sa labas nilang bantay mo."Nakangiting tumango si Kiana

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 172

    Lalong nagngitngit sa inis ang kalooban ni Shane nang makitang bumulong si Karen sa binata. Halatang nilalandi nito si Xavier pero hindi niya masita dahil tiyak na magalit lang sa kaniya ang binata. Mabilis siyang humanol sa binata at sumabay dito. Lunukin na lang niya ang pride ngayon at hindi isusuko ito."Xavier, hijo." Nakangiting bati ni Tanya sa binata nang makita ito. "Mabuti at napadalaw ka, miss ka na ng iyong fiancee." May diin ang huling salita na anito na para bang ipinamumukha kay Karen kung para kanino si Xavier. "Hinatid ko si Karen." Maiksing sagot ni Xavier za ginangTahimik lang si Kiana dahil iyon ang character ng kaniyang kakambal harap ng mga ito. Siya ang may gusto na huwag munang putulin ni Xavier ang pagiging fiancee nito kay Shane kung gusto nitong maka punta kahit anong oras sa bahay nila na hindi sila napaghinalaan."Bakit, nasaan pala ang asawa mo, Karen? Nakakahiya kay Xavier at naabala mo na diya nang husto. Sana ay tumawag ka sa akin at nasundo kita ku

  • VENGEANCE AND DESIRE    Chapter 171

    "Ako na ang bahalang kumuha ate." Lumayo na si Kiana sa kapatid at kailangan na rin niyang umalis."Mag ingat ka!" Paalala muli ni Karen at hinatid hanggang pinto ang kapatid.Saka sa kotse ni Xavier si Kiana kasama si Ronald. Ang ibang bodyguard ay nasa unahan at hulihan nakasunod sa kanila.Manaka nakang sinusulyapan ni Ronald ang dalawa na nasa backseat habang nagmamaneho. Mukhang mga puyat at tulog habang magkayakap. Napailing na lang si Ronald sa isipan niya at talagang nahulog na ang kaibigan sa lalaking balak lang gamitin noong una.Nagising si Kiana nang may humaplos sa pisngi niya. Pag angat niya ng mukha ay ang nakangiting mukha ni Xavier ang bumungad sa paningin niya. Nakahinto na pala ang sasakyan at wala na ang driver nila. "Bakit hindi mo agad ako ginising?""Don't worry, kararating lang din natin." Mabilis na kinintalan ni Xavier ng halik ang labi ng dalaga. "Behave at huwag basta kumilos ng mag isa kapag wala ako sa paligid. Kapag matigas ang ulo mo ay ikukulong na ki

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status