LOGIN"Either makipag tulungan ka o hindi ay may iba kaming way na gagawin upang pumayag ang iyong ina." May kasamang pananakot na ani Kiana saka nagpatuloy na sa pagkain.Nanatiling tikom ang bibig ni Shane pero napaisip na rin. Ano pa ba ang dapat niyang ipaglaban? Alam niyang hindi nagbibiro si Kiana sa sinabi nito lalo na at hawak ng mga ito ang ina niya. Kung gustohing ipapatay ng mga ito ang ina niya ay madaling palabasin na nagpakamatay. "Nahuli na rin pala namin si Mr. Perez." Imporma ni Kiana kay Shane habang nakatingin sa sariling plato.Bumagsak ang mga balikat ni Shane at madidiin na rin sa kaso ang ina kapag nagsalita ang doctor. Kapag naging witness ang ina ay mabawasan nga ang kasong ipapataw rito. "Ano ang gusto niyong gawin ko?" Hindi tumitingin sa tatlo na tanong niya."Simple lang, magpanggap kang mukhang kawawa sa video at may nakaambang na kaso laban sa iyo dahil sa pagkasangkot sa nawawalang pera sa kaban ng kompanya." Sagot ni Kiana.Nakagat ni Shane ang ibabang labi
"Hayop kayo, kapag may nangyaring hindi maganda sa mommy ko ay hindi ko kayo mapapatawad!" Bulyaw ni Shane sa kapatid saka tumayo habang kuyom ang mga kamay at hindi na maipinta ang mukha dahil sa galit."Shut up!" Dumagundong sa apat na sulok ng dinning room ang boses ni Troy habang nagbabaga sa galit ang mga matang nakatitig kay Shane.Huminga nang malalim si Karen habang nanatiling tahimik sa kina upuan. Wala nang katahimikan ang hapag kainan sa tuwing kakain sila ng sama sama. Well, mula nang mamatay ang ina nila ni Kiana at pumalit si Tanya ay talagang wala ng katahimikan sa bahay na ito."Mas hayop ang ina mo at huwag mo nang kunsintihin!" Patuloy na bulyaw ni Troy sa ana. "Lahat na ng kasamaan ay taglay ng iyong ina at kapag nagpatuloy ka sa pag kunsinti sa kaniya ay kalimutan mo nang pamilya mo kami!"Pakiramdam ni Shane ay nanlamig ang buo niyang katawan. Tumulo ang mga luha niya pero hindi maibuka ang bibig. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman ng mga oras na ito
"Are you ready?" pabulong na tanong ni Ronald kay Tanya habang tumitingin kunwari sa paligid mula sa bukana ng pinto.Mabilis na tumango si Tanya at takot lumikha ng ingay. Alam niyang tulog na ang lahat dahil halos alas dose na ang oras. Ngayong gabi siya tatakas kasama ang binata. Wala siyang pakialam kung isipin ng lahat na nakipag tanan siya. Paglabas sa silid ay napatingin siya sa room ng anak. Naroon ito at nakangiting kumaway sa kaniya bilang paalam. Nalulungkot siya na mapawalay dito pero kailangan niya munang tikisin ang anak. Hindi na rin ito lumapit sa kaniya upang mayakap siya dahil baka mag iyakan pa sila. Patingkayad siyang naglakad hanggang sa makalabas sila ng bahay. Bumimuga nang hangin sa bibig si Shane nang hindi na makita ang ina. Ewan ba niya pero kinakabahan siya sa pag alis ng ina na para bang ito na ang last nilang pagkikita. Mabilis niyang iwinaksi sa isipan ang bagay na iyon at bumalik na sa silid upang matulog. Alam niyang mapabuti ang ina sa pupuntahan at
"Mommy!" Humagulhol ng iyan si Shane at yumakap ng mahigpit sa ina. "Ayaw ko na pong bumalik sa kulungan!"Awang awa na hinagod ni Tanya ang likod ng anak. "I'm sorry, anak, wala akong nagawa upang mapalaya ka agad kahapon. Mga hayop sila, pagbabayarin ko sila ng mahal sa ginawa nilang ito sa iyo!"I hate them, mommy! Ayaw ko na rin kay daddy!" Patuloy sa pag iyak na ani Shane. Hindi siya nakatulog sa kulungan kagabi dahil malamig ang sahig at walang sapin kahit manipis na banig. Pero sobrang maalinsangan din dahil wala kahit fan. Ang akala niya ay magtatagal pa siya roon. Kung mangyari iyon ay baka mas mauna pa siyang mamatay sa ama niya. Nagmakaawa siya sa ama at kapatid kahapon na pakawalan siya ngunit hindi naawa ang mga ito. Magkaibang selda din sila ikinulong ni Sergio kaya wala siyang nakakausap."Ano ba ang nagyari? Totoo bang kasama mo si Sergio na nakulong?" nag aalalang tanong ni Tanya. Pinunasan muna ni Shane ang luha sa mga mata bago kinuwento sa ina ang lahat ng nangyar
Nanlisik ang mga mata ni Tanya at hindi makapaniwala sa nakikitang picture. Paanong nahuli rin si Sergio kilala niya ang pinsan at tumanda na lang sila at maraming nagawang illegal na gawin pero wala lagi itong naiiwan na ebedensya. Maingat ang pinsan niya kaya paanong naguli ito? "No... alam kong may ginawa kayo at pinagbintangan sila! Sinasamantala ninyo na may sakit ako at ang mahinang anak ko lang ang kinakaya ninyo!""Estupida! Sa tingin mo iyang pinsan mo ay mahina?" Angil ni Troy da asawa. "Sisihin mo iyang gago at mamatay tao mong pinsan kung bakit nakakatulong ngayon ang bastarda mong anak! Isa pa ay wala kang sakit para samantalahin namin at ginusto mo iyang magpanggap kaya pinagbibigyan kita!"Ang sakit sa pandinig nang mga sinabi ng asawa lalo na ang pagtawag nitong bastarda kay Shane. Nanghihinang napa upo siya sa upuan at hindi alam ang gagawin dahil wala siyang kalayaang gumalaw. "Ano ang pakiramdam ng useless?" pormal na tanong ni Karen sa ginang."Ahhh fuck you all
Hindi mapakali si Tanya sa silid niya nang gabi na ay wala pa ang anak. Kinakabahan siya na baka may masamang nangyari dito. Nakakabaliw ang maghapong pag iisip nang kung ano na lang sa makitid na silid. Hinihintay niyang may katulong na magbukas sa silid niya upang kumain. Kailangan niyang makita si Ronald at humingi ng tulong dito upang makaalis na dito."Hoy, bilisan mo na riyan kung ayaw mong maubusan ng pagkain!" Pabulyaw na tawag ni Babilyn kay Tanya mula sa bungad ng pinto."Fuck you!" Angil niya dito sak sinugod upang dito ibunton ang galit na nadarama para sa lahat ng kaaway. Ngunit mabilis siyang hinarang ng lalaking bantay sa pinto niya saka pinusasan na parang kriminal. "Ah humanda kayo kapag ako ay nakatakas dito!"Binatukan ni Babilyn ang ginang. "Shut up, bitch!"Nanipa si Tanya upang gumanti ngunit ang bilis na nakalayo sa kaniya ang katulong. Parang sasabog na talaga ang dibdib niya dahil sa naiipong galit sa puso niya. Pakaladkad pa siyang pinalakad ng lalaki at nagm
Napailing ang doctor habang ninabasa ang result ng CT Scan. Ilang sandali pa ay huminga ito nang malalim matapos mabasa saka nagpalipat lipat ang tingin sa tatlong anak ng pasyente. "Ano po ang kalagayan ng ama namin, doc?" tanong ni Karen, bilang panganay na anak ay kailangan niyang maging matata
"Ano ang ibig mong sabihin Miss KIana"? tanong ni MR. Kim sa dalaga."Let's proceed po sa main topic natin." Iwas ni Kiana sa tanong ng ginoo. Tumikhim si Baron bago nagsalita. "Handling the position to Miss Kiana is not yet official dahil kailangan niyang gawin ito sa harapan ninyo. Pero binigyan
"Ano pa ang hinihintay mo riyan, suntok sa mata at bibig mo?" Naninindak na angil ni Kiana kay Shane habang pinandidilatan ito ng mga mata."Fuck you, bitch!" Bulyaw ni Shane dito saka nagmamadaling lumabas ng silid at baka totohanin ni Kiana ang banta nitong pananakit sa kaniya.Natatawang sinunda
"Ano ang ginagawa mo sa pinsan ko?" Galit na singhal ni Sergio kay Kiana at mabilis na nilapitan si Shane upang tingnan kung nasaktan ito."Pahara harang kasi sa daanan ko!" Mataray na sagot ni Kiana saka tumingin kay Tanya.Pinigilan ni Tanya ang magalit dahil mahalatang ok na ang pag iisip niya.







