แชร์

Chapter 309

ผู้เขียน: Yeiron Jee
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-09 22:26:37

Kusang tumulo ang luha sa mga mata ni Shane at hindi matanggap ang katotohanan. Ang bait ng daddy niya at lahat ay ginagawa para sa kanila ng ina niya pero nagawa pa rin ng mommy niya itong lasunin? "Bakit?" Ang tanging namutawi sa lalamunan niya at hindi rin alam kung ano ang tamang term na sabihin. Maraming katanungan sa isipan niya pero hindi mabigkas.

"Bullshit! Huwag nang naraming tanong!" Bulyaw ni Sergio sa dalaga. "Wala na tayong oras at huwag pairaling ang kalambutan ng puso mo! Isipin
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Tagulyangen Kaman
salamat sa update miss author..
goodnovel comment avatar
LV Villarino
thanks sa update
goodnovel comment avatar
Cristy Bathan
Salamat po sa update
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 309

    Kusang tumulo ang luha sa mga mata ni Shane at hindi matanggap ang katotohanan. Ang bait ng daddy niya at lahat ay ginagawa para sa kanila ng ina niya pero nagawa pa rin ng mommy niya itong lasunin? "Bakit?" Ang tanging namutawi sa lalamunan niya at hindi rin alam kung ano ang tamang term na sabihin. Maraming katanungan sa isipan niya pero hindi mabigkas."Bullshit! Huwag nang naraming tanong!" Bulyaw ni Sergio sa dalaga. "Wala na tayong oras at huwag pairaling ang kalambutan ng puso mo! Isipin mo ang kapakanan lamang ng iyong ina ngayon!"Mariing naglapat ang mga labi ni Shane at ipinikit ang mga mata. Gusto niyang idugtong sa sinabi ni Sergio na kasama ang kapakanan nito dahil kasabwat ito ng ina niya. Pero wala nang magawa ang sumbat at hindi makatulong ang pakipag away rito. Ayaw niyang malaman ng ama na ginago ito ng ina niya at tinangkaan ang buhay nito. "Ano anv dapat kong gawin?" Mukhang napilitang tanong niya rito.Bumuga ng hangin sa bibig si Sergio bago nagsalita. "Gumawa

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 308

    "Ano pa ang hinihintay mo riyan, suntok sa mata at bibig mo?" Naninindak na angil ni Kiana kay Shane habang pinandidilatan ito ng mga mata."Fuck you, bitch!" Bulyaw ni Shane dito saka nagmamadaling lumabas ng silid at baka totohanin ni Kiana ang banta nitong pananakit sa kaniya.Natatawang sinundan nila Karen at Kiana ang paglabas ni Shane. Mukha kasing hinagabol ito ng multo kung maglakad. Ilang sandali pa ay bumaling na ang tingin ni Kiana kay Babilyn. "Ito na po ang gamot na sinasabi ninyo. Inilabas ni Babilyn ang maliit na boteng may laman na gamot mula sa dalang sling bag."Thank you, mabuti at naunahan mo sinq Sergio." Pinuri pa ni Kiana ang katulong. "Nakasalubong ko nga po sa daan ang sasakyan nila. Tiyak na nagwawala na iyon siya at hinalughog ang kabahayan." Ngumisi si Babilyn at proud na nagawa ng mabilis ang trabaho."Good job, may bonus ka sa akin. Sa ngayon ay hindi ka na safe na mapag isa kaya dumito ka na at huwag humiwalay sa akin." Inakbayan ni Kiana ang katulong.

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 307

    "Fuck, bakit mo ako sinampal?" Galit na angil ni Shane kay Kiana."Para matauhan ka because you talk nonsense. Kami ang dapat magsabi niyan dahil tiyak na kagagawan ito ng demonyo mong ina!" Singhal ni Kiana dito.Sa halip na mainsulto si Shane sa tawag nito sa sariling ina ay kabaliktaran ang badarama. Napahakbang siya paurong at natakot sa nakikitang galit sa mga mata ni Kiana. Parang gusto siyang bugahan ng apoy ni Kiana. "Hi-hindi totoo iyang mga bintang mo!" Pagtatanggol niya sa ina pero hindi maiwasang mabulol. "Mahal na mahal ni mommy si daddy para gawin iyang sinasabi mo!""Sigurado kang mahal niya si daddy o ang pera?" Nang iinsultong tanong ni Kiana kay Shane.Halos magkulay kamatis na ang mukha ni Shane dahil sa galit at pagkapahiya para sa ina niya. Ayaw man niyang aminin ay tama ang sinasabi ni Kiana. Mukhang pera ang ina niya at practical. Isa pa ay walang ibang taong mahalaga dito kundi siya. Kaya nga sobrang mahal niya rin ang ina. Handa itong gumawa ng kasamaan para

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 306

    "Nasaan ako?" bulong ni Troy saka iginala ang tingin sa paligid.Mabilis na hinawakan ni Shane ang palad ng ama nang makitang gising na ito. "Dad, kumusta ang pakiramdam mo?"Pinakatitigan ni Troy ang kaharap. Ilang beses na ikinurap ang mga mata ngunit blur ang nakikita. "Bakit malabo? Bakit hindi ko nakikita nang malinaw ang paligid?" tanong niya at hinawakan nang mahigpit sa kamay ang anak.Natakot si Shane sa mga narinig at naging action ng ama. Nasasaktan din siya dahil humihigpit ang hawak ng ama sa braso niya. "Dad, nasasaktan po ako!""No... sagutin mo ang tanong ko!" Lalong hinigpitan ni Troy ang hawak sa kamay ng anak."Dad, humimahon po muna kayo st lalong lalabo ang mga mata mo kapag ganiyan ka." Sita ni Kiana sa ama habang pinakatitigan ito. Bakas sa mukha ng ama ang pangamba dahil hindi malinaw ang paningin. Natigilan si Troy nang marinig ang tinig ng isa pang anak. Saka niya lang naalala ang mga nangyari kanina da kompanya. "Kiana? Anak? Ikaw na ba talaga iyan at buhay

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 305

    "Masakit bang malaman na hindi ikaw ang mahal ng lalaking gusto mo at ngayon mo lang nalaman na matagal ka nang may kaagaw?" Nang uuyam na tanong ni Karen kay Shane.Nakangiting tumingin si Kiana sa kakambal, gusto niya ang katalasan ng dila nito ngayon.Pinakatitigan ni Denver ang asawa at nagulat na naman siya sa tapang na nakikita kay Karen. Mariing naglapat ang mga labi ni Shane at alam na niya kung ano ang nais iparating ni Karen sa kaniya."Sisihin mo ang malandi mong ina dahil kinakarma na siya ngayon at malas mong naging anak ka niya!" Pagpatuloy na ani Karen sa illegitimate na kapatid."No, hindi malandi ang ina ko at siya ang totoong mahal ni daddy!" Paghistirika na ani Shane at nanlilisik ang mga matang palipat ang tingin sa kambal.Nakakainsultong tawa ang pinakawalan ni Kiana at wala siyang awa na nadarama para sa half-sister. "Really? Ang ina mo ang mahal ni daddy? Kung totoo man iyan, bakit kailangang gawan nang masama ng iyong ina ang mommy ko?""Huwag mong pagbintang

  • VENGEANCE AND DESIRE   Chapter 304

    "Oh my, God! Ang anak ko!" Mukhang nasawian ng anak ang palahaw ni Rosita at nagkukumahog na nilapitan ang anak. Lalong lumakas ang hinagpis nito nang makita ang dugo sa gilid ng labi ng anak. "Paano mo naatim na gawin ito sa sarili mong pamangkin dahil sa babaeng iyan?" Sumbat ni Rosita kay Xavier habang duro ang babaeng pinuprotektahan nito."Magdahan dahan ka sa pananalita mo Rosita at baka iyang bibig mo ang sumunod kong paduguin!" Malamig at matigas na angil ni Xavier sa ginang.Takot na naibaba ni Rosita ang kamay at niyakap ang anak sabay tikom ng bibig. Nainsulto siya sa tawag sa kaniya ng binata dahil mas nakakatanda siya rito saka asawa siya ng nakatatanda nitong kapatid. Pero hindi niya magawang mag reklamo o sitahin ito dahil hindi siya tinuturing na kapamilya nito kung kausapin."Uncle..." nilapitan ni Denver ang ina at kapatid. "Ako na ang humihingi ng dispensa sa mga hindi magandang sinasabi nila." Pagpakumbaba niya rito upang hindi na mapahiya nang husto ang ina."Den

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status