Aria's POVNaupo kaming apat sa sofa na magkaharap, lamesang salamin lang ang pagitan. Ako at si Ezekiel ang magkatabi, kaharap ko sina Damian at Helena.Helena looked at me—her smile triumphant, victorious. Para bang ako ang talunang hindi niya kailangang sabihin sa harap ng lahat.Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Ang tanging maririnig ko lang ay tibok ng puso kong pilit kumakawala."Who are you?" malamig na boses ni Damian ang pumunit sa katahimikan. Nakatingin siya kay Ezekiel—hindi sa akin—na para bang ako ay hangin lang."I'm Ezekiel Rivera." Kita ko ang bahagyang pag-igting sa mukha ni Damian, mabilis din iyong nawala."What's your relationship with Sienna?" His voice sharpened on that name. Sienna. Hindi my wife—gaya ng lagi niyang ginagawa sa ibang mga investors.Parang may pumunit sa loob ko.My throat tightened. My eyes flicked to Helena. Nakapandekwatro ang upo, nakatingin kay Damian with a quiet boldness. Para bang may lihim na kasunduan sila.Who is she t
Aria's POV"I'll be having a conference meeting." He informed me—nakaayos ang tie niya, suot ang suit, at kumapit pa sa hangin ang signature perfume niya. Para bang hindi siya papunta sa meeting, kundi sa isang event na mas importante.I narrowed my eyes, kahit alam kong hindi niya kita.Kararating lang niya ngunit aalis na naman.Wala na lang akong sagot. Hinayaan ko siya. After all, we weren't tangled in each other's lives anymore. Kaya I shrugged it off, at ipinagpatuloy na lang ang trabaho ko bilang weekend housewife.He didn't even bother to say goodbye. Tumalikod lang siya at umalis wearing a tailored Brioni suit—every line cut to demand silence and respect.Napairap na lang ako at nagsimulang tipunin ang mga maruruming damit para ibigay sa mga kasambahay.Maarte si Damian pagdating sa gamit niya. Hindi puwedeng iba ang humawak ng kwarto niya—ako lang. Kaya ako rin mismo ang nagdadala ng mga damit niya sa laundry.Pero habang pinupulot ko ang mga damit niya isa-isa, bigla akong
Aria's POVPagbukas ko ng pinto, sinalubong ako nina Glenda—may dalang balloons, cake na may nakasulat na Happy Birthday Ma'am, at mga lalaki na isa-isang nag-abot ng rosas."Happy birthday!" sabay-sabay nilang bati.Natigilan ako. Hindi ko inasahan na gagawa sila ng sorpresa para sa akin—lalo pa't ni minsan ay hindi ko naman nabanggit sa kanila ang birthday ko. Ramdam ko ang kirot sa lalamunan, gusto kong maluha sa effort nila.Hinila ako ni Inday nang nakatayo lang ako, halos nakanganga habang nakatitig sa mga dala nila."Pasensya ka na, ma'am, at iniwan ka namin dito kanina." Nakabusangot si Inday pero agad din ngumisi. "Kasi inisip namin, baka nasa date ka na ni Sir sa fancy restaurant."Sabay tango ng lahat, halatang excited sa imahinasyon nila na magkasama kami ni Damian. Kung alam lang nila... hindi pa rin siya umuuwi."Yeah," bahagya akong lumunok at pilit na ngumiti. "We've been dating kanina," sagot kong may halong pagsisinungaling.Ayoko mang magsinungaling, wala akong maga
Aria's POVPag-uwi ko sa bahay, sinalubong ako ng malamig na hangin at nakabibinging katahimikan. Muli akong binalikan ng katotohanan—mag-isa lang ako.Walang may gusto sa akin.Parang kutsilyong tumarak sa dibdib ko. Mahapdi, alam kong mag-iiwan ng peklat.Naglinis lang ako ng katawan at agad na nahiga. Siguro dala ng pagod, mabilis akong nakatulog—walang iniisip, walang kasama.⸻Kinabukasan, bigla kong naramdaman ang lungkot. Napatingin ako sa calendar sa gilid ng kama—August 22 na pala.Napangiti ako ng mapait. Wala ni isa sa mga maid ang nagpa-iwan, nag-leave silang lahat. Si Damian, hindi rin umuwi. At walang nakakaalam...na kaarawan ko ngayon. Parang isang normal na araw lang at hindi espesyal.Ano pa bang bago? Walang nagse-celebrate ng birthday ko. Hindi naman ako espesyal.Nagdesisyon akong maligo muna bago mag-bake ng cookies at cupcakes para lang may magawa. Puwede mama akong bumili na lang gamit ang pera ni Damian, pero gusto kong malibang kahit papaano. Ayokong malunod
Aria’s POV“Ezekiel,” mahina kong sambit ng pangalan niya, at saka ko sinipat ang kabuuan niya. Hindi ako makapaniwala—tama ang hinala ko.Sandali akong napatigil. Nakalimutan ko kung bakit nga ba ako narito.Pero ang enerhiya niya… hindi tumutugma sa akin. Tahimik lang siya, nakatitig, parang sinusuri ang bawat galaw ko.Biglang bumigat ang dibdib ko. He wasn’t the same Ezekiel I used to know. Kaya bahagya akong yumuko, halos umamin sa pagitan ng mga salita ko.“S-sorry,” ang tanging lumabas sa labi ko. Tumango lang siya. Kaya naupo ako sa kabilang side, pinilit gawing pormal ang mukha ko.Tandaan mo, Aria. Hindi ka puwedeng magkamali rito.“So—” hindi ko pa natutuloy ang sasabihin nang marinig ko ang mahinang tawa niya.“I’m sorry,” sabi niya habang natatawa pa rin. Tumikhim siya, pero ramdam ko pa rin ang ngisi sa gilid ng labi niya. “Aria,” tawag niya ulit, malalim, parang dagat na may alon pero laging kalmado.Ramdam ko ang pamimigat ng gilid ng mata ko. Pigil. Iniiwasang maging
Aria's POV"I don't need you, Laura," Damian told her when she entered the office and informed him about the meeting."S-sir?" she stuttered, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Noon pa man ay siya na ang laging kasama ng lalaki kahit saan.Laura was Damian's personal assistant."She's coming with me." Hindi ko na kailangang iangat ang ulo ko para malaman na ako ang tinutukoy ni Damian."But sir..." she protested, her voice already sounding defeated. "You can't do this to me!""Yes, I can," malamig niyang sagot, boses na parang walang makakapagpabago ng desisyon niya. "I can even fire you on the spot if you disobey my instructions." Walang bahid ng kahit anong awa sa kanyang tinig.Mabibigat ang bawat hakbang ng babae. Rinig na rinig sa apat na sulok ng opisina ang tunog ng kanyang heels hanggang huminto siya malapit sa akin."You wished for this, right? You want this!" she snapped.Tiningnan ko siya. Namumula ang mga mata niya, at halos umuusok ang ilong habang nakatitig sa a