Game Start~~~~Clementine POVNakatayo kami ngayun sa harap ng water falls. Sobrang ganda ng lugar at may mga insekto pang lumilipad."Nasa west side tayo." Napa lingon ako kay Fin na naka hawak sa lupa at naka pikit. Iminulat niya ang mga mata niya at tumingin sa akin kaya napa iwas ako ng tingin."Wala ka ba talagang kapangyarihan?" Napa lingon ako kay Fin na naka tingin sa akin. Napa tingin ako sa mga kasama namin na naka tingin sa aming dalawa."Woi Fin, wag mo ngang umpisahan ang gulo." Singit ni Liana."I'm just Asking her kung wala syang kapangyarihan para naman malaman ko kung sino may pakinabang." Napayuko ako sa sinabi ni Fin."Tara sa East Side." Napa tingin ako sa humawak sa kamay ko at nakitang si Creed yun."Bakit tayo pupunta sa East side kung nasa north side ang finish line?" Tanong ni Fin."May mga Gorbloyd sa north side na nag babantay sa harap ng finish line, mas mapapadali kung sa likod tayo pupunta."sabi ni Creed."Mas madali kung kakalabanin natin ang mga Gorblo
Avalon~~~Clementine POV"Malapit na tayo sa dulo ng Dark forest."sabi ni Van at napa lingon sa amin."Fin kaya mo pa ba? Nang hihina na ang apoy mo." Sabi ni Liana kaya napa tingin ako kay Fin na nasa likod ko.Tama si Liana, nang hihina na ang apoy ni Fin at nanlalanta na ang katawan niya. Halatang pagod na si Fin."Mag lakad na nga lang kayo."inis na sabi ni Fin. Kaya nag katinginan ang mga mag kakapatid saka nag lakad.Nag pahuli ako sa kanila saka pumantay kay Fin."Ano nanamang kaartehan mo?"tanong ni Fin sa akin."Mahina na ang katawan mo, pag pinilit mo pa baka mawalan ka ng malay."sabi ko. Inirapan niya lang ako at nag lakad ng tahimik.Napa lingon ako sa kaliwa ko at may nakitang kahoy, kinuha ko yun saka lumapit kay Liana."Liana, kaya mo bang mag cast ng spell para magkaruon ng foam na may gas to?"tanong ko. Tumingin siya sa hawak ko saka iniwasiwas ang kamay niya. Tumingin ako sa hawak ko at ngumiti."Thank you."sabi ko saka bumalik sa tabi ni Fin."Woi Fin, pahingi ng a
Semester Savanna~~~~Clementine POVNgayung oras gagawin namin ang planong naisip ni Leona.Gaya ng plano ay naging protector namin si Creed na ngayun ay nasa unahan namin.Sila Von at Van naman ay nag transform bilang wolfs para makapag ready if ever na aatake ang mga baby gorbloyd.Si Leona at Liana naman ay masa broom stick nila nakasakay at nag hahanda if ever na makasalubong namin ang mother gorbloyd.Tahimik lang ang pag lalakad namin dito sa semester savanna. Wala kaming ingay na dapat gawin kung ayaw naming makasalamuha ang mga Gorbloyd.Agad na napa tigil ang dalawang mga kambal."May Gorbloyd." Napa tingin kami sa paligid dahil sa sinabi ni Creed.Nanatili kong inaalalayan si Fin, nasa tabi niya ako habang naka akbay siya sa akin at ako naman ay naka hawak sa bewan nya.Tinalasan namin ang pandinig."Fuck." Mura ni Fin ng makita namin ang mga baby gorbloyd na pinapalibutan kami, pati sa likod namin ay meron kaya napa lunok ako.Mas lalo akong inilapit ni Fin sa kanya. Saman
Two Of Us~~~~Fin POVDinala ko sa isang kweba si Clementine ng mawalan siya ng malay.Hindi parin naaalis sa utak ko kung pano huminto ang oras kanina.Hindi ako ang may gawa non at mas lalong hindi ko kayang pahintuin ang oras, walang nilalang ang kayang mag pahinto ng oras.Napa tingin ako kay Clementine na wala paring malay.Saka bakit bilang nawalan ng malay tong si Clementine? At dumugo din yung ilong niya gaya nong dati.Iniling ko ang ulo ko saka tumingin sa ibang dereksyon.Imposibleng nag kataong tumigil ang oras non, sigurado akong may isang nilalang na nag patigil ng oras na iyon.Nakakapag taka lang dahil ako at si Clementine lang ang hindi tumigil nong oras na iyon."Fin." Napa lingon ako sa gawi ni Clementine na gising na pala."Oh, kumusta pakiramdam mo?"tanong ko at lumapit sa kanya."Medyo ayus na, nasan tayo?"tanong niya."Nasa kweba."sagot ko. Bumangon siya at tumingin sa paligid."Nasan yung mga kapatid mo?"tanong nya kaya umiwas ako ng tingin."Iniwan natin."sim
Kiss~~~~Fin POVUmiling iling siya habang naka tingin sa mga mata ko."Hindi ako ang may gawa niyan."sabi niya at tumulo ang mga luha.Agad akong napa lunok at pinunasan ang luha niya saka ko hinawakan ang mga kamay niya at nag simulang mag lakad palayo sa lugar na iyon habang ang oras ay naka hinto.Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung paanong ako ay gumagalaw kasama si Clementine, hindi ko alam kung bakit hindi ako humihinto gaya ng ilan.Patuloy lang kami sa pag lalakad palayo sa lugar na iyon, ng maka layo kami ay unti unti kong naramdaman ang pag dampi sa mukha ko ng hangin.Bumalik na ang pag galaw ng oras.Huminto kami ni Clementine sa pag lalakad at hinarap ko siya.Nag dudugo ulit ang ilong niya."Clementine..."tawag ko. Mukhang malalim ang iniisip niya dahilan para hindi niya ako marinig."Clementine." Muli kong tawag, tumingin siya sa akin. Agad ko siyang kinabig palapit sa akin at hinalikan ang kanyang mga labi.Halatang nagulat sya sa ginawa ko dahil nakita ko k
Messafara Falls~~~~Clementine POV"Nandito na tayo." Napa tingin ako sa harap namin at nakita ang isang falls, ang Messafara Falls."Oh, uminom muna kayo ng tubig bago tayo tumuloy sa pag lalakad."sabi ni Creed at tumingin sa akin."Ayus ka lang?"tanong niya. Ngumiti ako at tumango tango."Ayus lang naman siya." Napa lingon ako sa tabi ko at nakita si Fin, agad niya akong inakbayan at hinila palapit sa katawan niya.Yung puso ko, bakit ba kasi nag kakaganyan siya? Nakaka inis na dahil sa tuwing mag didikit ang mga balat namin ay nag wawala ang puso ko!Clementine, pinapa fall ka lang niyan kaya wag lang mahuhulog kung ayaw mong masaktan at maiwan sa ere okay?"Hoy, Fin ikaw nga umamin sa amin." Napa lingon kami kay Liana."May gusto ka ba kay Clementine?"tanong niya dahilan para magulat ako.Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Fin kaya napa angat ako ng tingin at saktong naka tingin din pala siya sa akin."Hindi ba halata?"tanong niya dahilan para mapalunok ako."So may gusto ka nga
End Game~~~Clementine POVMatapos ang awkward moment sa Messafara Falls ay nag patuloy na kami sa pag lalakad.Malapit na kami sa finish line kaya mas lalo naming binibilisan dahil baka maunahan kami ng ibang grupo."Ayun na ang light." Napa tingin kami sa harap namin at nakita ang light. Nasa gitna iyon ng apat na daan kaya napa ngiti kami.Agad kaming nag patuloy sa pag lalakad ng mapatigil sila Von at Van."Patay." Bulong ni Von habang naka tingin sa harap."Gorbloyd." Sabi ni Liana"Nandito din ang iba't ibang grupo ng kalaban natin." Dagdag ni Leona. Napatingin ako sa harap at nakita ang apat na daan na may nakatayong mga studyante ng Vampire High. Sa unang daan nandoon ang mga Wolf Vampire, sa pangalawang daan nandoon ang Pure Vampire. Sa pangatlong daan nandoon ang mga Witch vampire at sa pang apat na daan nandoon ang mga monster Vampire. Nasa harap naman namin at naka palibot sa Finish Spot ang mga gorbloyd hindi ordinaryong Gorbloyd dahil malalaki silang lahat.Mga Mother
End~~~Clementine POVMahigpit na hinawakan ni Fin ang kamay ko, patuloy lang ang pag daloy ng kaba sa buong katawan ko.Hindi ko alam ang gagawin, wala akong alam kung anong pwede kong maitulong at isa pa... Hindi ko kayang patigilin ang oras.Nag kakamali siguro si Fin dahil walang sino mang nilalang ang maaaring mag patigil ng oras.Isa lamang akong tao, normal na tao.Wala akong ibang kakayanan walang ano man.Sumugod na ang apat na grupo sa grobloyd at kasama don ang mga kapatid ni Fin. Agad kong pinigilan si Fin sa pag sugod.Tumingin sya sa akin ng may pag tataka."Fin... Hindi ko kaya."sabi ko kaya kumunot ang nuo niya."Hindi ko kayang patigilin ang oras."sabi ko at yumuko. Narinig ko ang mahinang pag tawa niya saka hinawakan ang baba ko at hinarap ako sa kanya. Ngumiti siya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko."Kaya mo. Mag tiwala ka lang sa sarili mo. Kaya mo at magagawa mo. Alam ko yun dahil nasaksihan ko kung pano mo nagawa yun."sabi niya kaya napatahimik ako.Impo