Share

Kabanata 25

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-07-15 21:55:38
Napangiwi si Vionne nang magising. Parang may tumambol sa loob ng ulo niya. Agad siyang napahawak sa sentido, pilit inaalala kung anong nangyari kagabi. Naramdaman niyang may matigas na bagay na nakadikit sa likod niya, kaya agad siyang lumingon.

Halos lumuwa ang mata niya nang makita si Levi na nakayakap, nakadikit, at mahimbing ang tulog sa tabi niya. Literal na nakaangkla ang isang braso ng binata sa baywang niya, at ang hita nito ay bahagyang nakapatong sa hita niya.

“Oh my God...” mahina niyang bulong sa sarili habang pilit inaangat ang braso ni Levi.

Sinubukan niyang umusod, pero imbes makaalis, mas lalong bumigat ang pagkakayakap sa kanya. Napatingin siya sa mukha ng binata. Mukhang tahimik na natutulog, pero ang totoo’y alerto na ang mga mata nito na nakatago lang sa likod ng mga pilikmata ang pagngiti.

Napabuntong-hininga si Vionne.

Kaya imbes kumawala, siniksik na lang niya ang sarili sa dibdib ni Levi at pinilit isara muli ang mga mata. Magkunwaring tulog.

Sa kabilan
Deigratiamimi

Bumabanat ma si Levi. 🤣

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Updated na pooo. Maraming salamat!
goodnovel comment avatar
jheny agustin
I want more update please. ayoko mag basa Ng ibang Novel. I already paid for this para makapag basa. Thank you for your understanding
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 35

    Kinagabihan, pagpasok ni Vionne sa kaniyang silid.“Levi! What the hell are you doing here?” gulat na tanong ni Vionne nang makita ang binata, nakahiga sa kama niya, parang kanina pa naghihintay.Hindi agad sumagot si Levi. Sa halip, inangat nito ang isa niyang braso para gawing unan habang ang isa naman ay nakapatong sa tiyan. Kumindat pa ito bago ngumisi. “Finally. Ang tagal mong mag-ayos. Akala ko pa naman sabik kang makasama ako ngayong gabi.”“Excuse me?” lumalim ang kunot sa noo ni Vionne habang inilapag ang hawak na towel sa side table. “Bakit ka nasa kuwarto ko? At saka paano ka nakapasok? Lumabas ka nga r'yan, ngayon din.”“Relax ka lang. Wala akong masamang balak. Gusto lang kitang i-congratulate.” Tumayo si Levi at dahan-dahang lumapit sa kanya. “Kanina habang kumakain tayo, hirap na hirap akong mag-focus. Alam mo ba kung gaano kahirap hindi tumingin sa 'yo habang suot mo 'yang shorts na 'yan at 'yang tube na parang sinadyang mang-inis?”Umirap si Vionne. “You're being inap

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 34

    Hindi na nakatiis si Vionne. Nakakailang na talaga ang lapitan nina Levi at Dianne. Parang hindi na para sa trabaho ang ginagawa ng dalawa. Napapadalas ang tawa ni Dianne, ‘yung tipong halatang pilit, samantalang si Levi ay hindi man lang umiwas sa mga haplos at hawak ni Dianne sa braso niya.Napapikit si Vionne sa inis. Ilang beses na niyang pinilit huwag pansinin pero mas lalo lang siyang naiirita. Kaya imbes na magbabad pa sa init ng ulo, tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa kubo malapit sa may tabing-dagat.Pagbalik niya, wala na siyang suot na pang-itaas. Two-piece na lang ang suot niya—kulay pula na may mga strings sa gilid. Wala siyang pakialam kung may makakita. Isa lang ang target niya—ang mapansin ni Levi.At hindi siya nabigo. Sa gilid ng paningin niya, nakita niyang napatigil si Levi sa pag-uusap. Nakatingin ito sa kaniya habang inaayos niya ang buhok niya gamit ang kamay. Si Dianne naman, halatang napahinto rin at napatingin sa suot niya mula ulo hanggang

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 33

    Pinilit ni Vionne na huwag ipahalata ang pagkirot ng dibdib habang pinagmamasdan sina Levi at Dianne na magkasabay na bumababa ng kotse. Magaan ang loob ng mga ito sa isa’t isa—masyadong magaan, na para bang walang ibang taong nasa paligid nila.“Hi, Vionne!” masiglang bati ni Dianne habang nakasuot ng maikling floral dress na tila sinadya talaga para sa beach setting. “Long time no see.”Napilitan si Vionne na ngumiti, kahit na mas gusto niyang iwasan ang kahit anong pakikipag-usap.“Engineer Dianne will oversee the renovation,” sabat ni Levi habang iniabot ang iPad sa dalaga, kung saan naka-flash ang floor plan ng resort. “She’s got experience managing coastal resort construction. We need the best.”Huminga nang malalim si Vionne bago nagsalita, pilit na pinapakalma ang sarili. “Okay. If that’s what you think is best.” Nilunok niya ang pait sa lalamunan, kahit alam niyang siya ang dapat mas may say sa proyekto—resort niya ito, alaala ito ng lolo niya.“Of course,” ani Dianne, sabay

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 32

    Maagang nagising si Vionne kinabukasan. Wala siyang ganang kumain. Wala ring gana makipag-usap kahit kanino. Umupo siya sa harap ng vanity mirror habang hawak ang cellphone. Tinititigan lang niya ang pangalan ni Rhaedon sa screen. Ilang beses niya na itong tinawagan pero walang sumagot. Ngayong umaga, hindi na siya papayag na balewalain lang. Tumawag ulit siya. Ilang ring lang at sinagot na rin ng lalaki. "Anong kailangan mo?" malamig na tanong ni Rhaedon. "Alam mo na ang kailangan ko," diretsong sagot ni Vionne. "Balak mo pa ba akong bayaran o gusto mong sa korte na tayo mag-usap?" "Don't provoke me, Vionne," sagot ni Rhaedon. "Wala ka sa posisyon—" "Hindi mo pera ang ginamit mo, Rhaedon!" singit niya. "You accessed my accounts without consent. Wala akong access for weeks dahil sa ginawa mong blockage at ngayon, gusto mo akong patahimikin?" Tahimik sa kabilang linya. Nakangisi si Vionne. "So, ganito na lang. Bibigyan kita ng dalawang araw. Ibalik mo ang pera ko. Kung hindi, I

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 31

    Maaga pa lang ay nagplano na si Vionne na ilibre ang buong team para mag-dinner. Gusto niyang pasalamatan ang lahat lalo na ang mga interns sa mahusay na presentation nila sa bagong project proposal. Pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, sabay-sabay silang nag-early out. Masaya ang bawat isa, may kanya-kanyang kwento habang nasa restaurant. Isang casual na lugar lang ang pinili ni Vionne. Gusto niya lang ng simpleng salu-salo. Nasa gitna siya ng maingay na tawanan ng mga staff nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-flash sa screen ang pangalan ni Levi. Napakunot ang noo niya. Sandaling nagdalawang-isip kung sasagutin o hindi. Pero sa huli, pinatay niya ang tawag. Ayaw niyang sirain ang gabi. Lalo na’t wala pa rin siyang sagot sa lahat ng bumabagabag sa kanya simula nang makita ang mga litrato nina Levi at Dianne. Naisip niyang baka isa lang siyang reserve. O baka nga lahat ng sweetness na ipinakita ni Levi noon ay bahagi lang talaga ng palabas. “Ma’am, okay ka lang?” tanon

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 30

    Pagkababa ni Vionne mula sa meeting, agad siyang tinawag ng assistant niyang si Carmela.“Ma’am, may update lang po ako—umalis na po ng bansa si Sir Levi. Emergency trip daw po. Kanina lang pong umaga.”Napahinto si Vionne. Hindi siya agad nakapagsalita.“Anong sabi mo?”“Umalis po si Sir Levi. Ang sabi sa admin ay may urgent na kailangang asikasuhin sa Singapore branch. Wala na pong ibang detalye.”Tumango si Vionne, pilit pinapakalma ang sarili. “Sige. Balik ka na sa desk mo.”Pagpasok niya sa opisina, deretso siya sa upuan. Binuksan niya ang cellphone. May tatlong missed calls galing sa finance department, pero wala ni isa kay Levi.Sinubukan niyang i-dial ang numero ng binata.Walang sumagot.Tinext niya.Vionne: Where are you? Bakit hindi ka man lang nagsabi?Walang reply.Sinubukan niya sa Messenger. Wala pa ring sagot. Online naman ang icon, pero walang response.Tumayo siya at nilapitan ang bintana. Ilang segundo lang siyang nakatayo roon bago niya muling kinuha ang cellphone.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status