Kinagabihan, pagpasok ni Vionne sa kaniyang silid.“Levi! What the hell are you doing here?” gulat na tanong ni Vionne nang makita ang binata, nakahiga sa kama niya, parang kanina pa naghihintay.Hindi agad sumagot si Levi. Sa halip, inangat nito ang isa niyang braso para gawing unan habang ang isa naman ay nakapatong sa tiyan. Kumindat pa ito bago ngumisi. “Finally. Ang tagal mong mag-ayos. Akala ko pa naman sabik kang makasama ako ngayong gabi.”“Excuse me?” lumalim ang kunot sa noo ni Vionne habang inilapag ang hawak na towel sa side table. “Bakit ka nasa kuwarto ko? At saka paano ka nakapasok? Lumabas ka nga r'yan, ngayon din.”“Relax ka lang. Wala akong masamang balak. Gusto lang kitang i-congratulate.” Tumayo si Levi at dahan-dahang lumapit sa kanya. “Kanina habang kumakain tayo, hirap na hirap akong mag-focus. Alam mo ba kung gaano kahirap hindi tumingin sa 'yo habang suot mo 'yang shorts na 'yan at 'yang tube na parang sinadyang mang-inis?”Umirap si Vionne. “You're being inap
Hindi na nakatiis si Vionne. Nakakailang na talaga ang lapitan nina Levi at Dianne. Parang hindi na para sa trabaho ang ginagawa ng dalawa. Napapadalas ang tawa ni Dianne, ‘yung tipong halatang pilit, samantalang si Levi ay hindi man lang umiwas sa mga haplos at hawak ni Dianne sa braso niya.Napapikit si Vionne sa inis. Ilang beses na niyang pinilit huwag pansinin pero mas lalo lang siyang naiirita. Kaya imbes na magbabad pa sa init ng ulo, tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa kubo malapit sa may tabing-dagat.Pagbalik niya, wala na siyang suot na pang-itaas. Two-piece na lang ang suot niya—kulay pula na may mga strings sa gilid. Wala siyang pakialam kung may makakita. Isa lang ang target niya—ang mapansin ni Levi.At hindi siya nabigo. Sa gilid ng paningin niya, nakita niyang napatigil si Levi sa pag-uusap. Nakatingin ito sa kaniya habang inaayos niya ang buhok niya gamit ang kamay. Si Dianne naman, halatang napahinto rin at napatingin sa suot niya mula ulo hanggang
Pinilit ni Vionne na huwag ipahalata ang pagkirot ng dibdib habang pinagmamasdan sina Levi at Dianne na magkasabay na bumababa ng kotse. Magaan ang loob ng mga ito sa isa’t isa—masyadong magaan, na para bang walang ibang taong nasa paligid nila.“Hi, Vionne!” masiglang bati ni Dianne habang nakasuot ng maikling floral dress na tila sinadya talaga para sa beach setting. “Long time no see.”Napilitan si Vionne na ngumiti, kahit na mas gusto niyang iwasan ang kahit anong pakikipag-usap.“Engineer Dianne will oversee the renovation,” sabat ni Levi habang iniabot ang iPad sa dalaga, kung saan naka-flash ang floor plan ng resort. “She’s got experience managing coastal resort construction. We need the best.”Huminga nang malalim si Vionne bago nagsalita, pilit na pinapakalma ang sarili. “Okay. If that’s what you think is best.” Nilunok niya ang pait sa lalamunan, kahit alam niyang siya ang dapat mas may say sa proyekto—resort niya ito, alaala ito ng lolo niya.“Of course,” ani Dianne, sabay
Maagang nagising si Vionne kinabukasan. Wala siyang ganang kumain. Wala ring gana makipag-usap kahit kanino. Umupo siya sa harap ng vanity mirror habang hawak ang cellphone. Tinititigan lang niya ang pangalan ni Rhaedon sa screen. Ilang beses niya na itong tinawagan pero walang sumagot. Ngayong umaga, hindi na siya papayag na balewalain lang. Tumawag ulit siya. Ilang ring lang at sinagot na rin ng lalaki. "Anong kailangan mo?" malamig na tanong ni Rhaedon. "Alam mo na ang kailangan ko," diretsong sagot ni Vionne. "Balak mo pa ba akong bayaran o gusto mong sa korte na tayo mag-usap?" "Don't provoke me, Vionne," sagot ni Rhaedon. "Wala ka sa posisyon—" "Hindi mo pera ang ginamit mo, Rhaedon!" singit niya. "You accessed my accounts without consent. Wala akong access for weeks dahil sa ginawa mong blockage at ngayon, gusto mo akong patahimikin?" Tahimik sa kabilang linya. Nakangisi si Vionne. "So, ganito na lang. Bibigyan kita ng dalawang araw. Ibalik mo ang pera ko. Kung hindi, I
Maaga pa lang ay nagplano na si Vionne na ilibre ang buong team para mag-dinner. Gusto niyang pasalamatan ang lahat lalo na ang mga interns sa mahusay na presentation nila sa bagong project proposal. Pagkatapos ng mahabang araw ng trabaho, sabay-sabay silang nag-early out. Masaya ang bawat isa, may kanya-kanyang kwento habang nasa restaurant. Isang casual na lugar lang ang pinili ni Vionne. Gusto niya lang ng simpleng salu-salo. Nasa gitna siya ng maingay na tawanan ng mga staff nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nag-flash sa screen ang pangalan ni Levi. Napakunot ang noo niya. Sandaling nagdalawang-isip kung sasagutin o hindi. Pero sa huli, pinatay niya ang tawag. Ayaw niyang sirain ang gabi. Lalo na’t wala pa rin siyang sagot sa lahat ng bumabagabag sa kanya simula nang makita ang mga litrato nina Levi at Dianne. Naisip niyang baka isa lang siyang reserve. O baka nga lahat ng sweetness na ipinakita ni Levi noon ay bahagi lang talaga ng palabas. “Ma’am, okay ka lang?” tanon
Pagkababa ni Vionne mula sa meeting, agad siyang tinawag ng assistant niyang si Carmela.“Ma’am, may update lang po ako—umalis na po ng bansa si Sir Levi. Emergency trip daw po. Kanina lang pong umaga.”Napahinto si Vionne. Hindi siya agad nakapagsalita.“Anong sabi mo?”“Umalis po si Sir Levi. Ang sabi sa admin ay may urgent na kailangang asikasuhin sa Singapore branch. Wala na pong ibang detalye.”Tumango si Vionne, pilit pinapakalma ang sarili. “Sige. Balik ka na sa desk mo.”Pagpasok niya sa opisina, deretso siya sa upuan. Binuksan niya ang cellphone. May tatlong missed calls galing sa finance department, pero wala ni isa kay Levi.Sinubukan niyang i-dial ang numero ng binata.Walang sumagot.Tinext niya.Vionne: Where are you? Bakit hindi ka man lang nagsabi?Walang reply.Sinubukan niya sa Messenger. Wala pa ring sagot. Online naman ang icon, pero walang response.Tumayo siya at nilapitan ang bintana. Ilang segundo lang siyang nakatayo roon bago niya muling kinuha ang cellphone.