Share

Kabanata 7

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-07-10 16:19:46

Nakapagbihis na si Vionne. Suot niya ang lumang shirt ni Levi at isang cotton shorts na halos hindi pa niya maalala kung saan nakuha. Basa pa ang buhok niya at kahit anong suklay ang gawin, hindi pa rin maayos ang itsura niya.

“Pwes, deadma,” bulong niya sa salamin habang pinipilit ang sariling ngumiti. “Wala namang alam sina Lola, ‘di ba?”

Pagbaba niya sa kusina, agad siyang sinalubong ng matamis na amoy ng tinapang bangus at garlic rice. Halos mapasandal siya sa pintuan nang makita ang eksena sa dining area.

Nandoon na si Levi. Nakaupo na sa lamesa, suot lang ang white shirt at boxers at walang effort ang kaguwapuhan. Para bang wala lang nangyari kagabi. Tila sobrang chill. Samantalang siya… naglalakad na parang may itinatagong krimen.

“Good morning, iho! Good morning, iha!” masiglang bati ni Lola Virginia habang nagsasalin ng kape. “Sige, upo ka na riyan, Vionne. Mainit pa ‘yang sinangag. Masarap ‘yan, pampalakas!”

Nakangiting inakay siya ni Levi papunta sa upuan sa tabi nito, pero bago siya makaupo, mabilis pa sa kidlat ang bulong ng binata sa kaniyang tainga. “Mukhang kailangan mo pa ng pampalakas, babe.”

Napairap si Vionne. “Try me, I’ll break your ribs with this kutsara,” aniya sa tonong pabulong, habang ngumiti peke sa mga matanda.

“Wala ba kayong planong lumipat sa guest room?” tanong bigla ni Lolo Emil habang ngumunguya. “Kawawa naman ang anak ko’t apo ko kung gabi-gabi kayong ‘nagpapakasal’ sa kabilang kwarto.”

Halos mabulunan si Vionne sa sinangag. “A-Ah, h-hindi po—"

“Lolo!” sabat agad ni Levi, napatawa. “Okay lang po kami sa kwarto. Mas… private.”

“Mas productive,” dagdag ni Lola sabay kindat, parang may ibig sabihin.

Napaubo si Vionne at halos mapatayo sa kinauupuan. Ramdam niya ang init ng pisngi niya habang pilit na pinipigilan ang sarili na lumubog sa sahig. Lihim siyang sumulyap kay Levi na abalang-abala lang sa paghahain ng itlog sa plato niya.

“Here, babe. Protein,” ani Levi. “You’ll need that.”

Tahimik na kumain ang apat habang paminsan-minsan ay binabasag ng matanda ang katahimikan.

“So, kailan kayo magpapakasal?” tanong bigla ni Lola, parang simpleng weather update lang.

Napatingin si Vionne kay Levi.

“Kailan mo gusto, Lola?” sagot ni Levi, sabay hawak sa kamay ni Vionne sa ibabaw ng mesa.

Nanigas si Vionne. Gusto niyang batuhin ng sinangag ang binata, pero pinigilan niya ang sarili. Lalo na’t ang dalawang matanda ay halos maiyak sa kilig.

“Basta andiyan kami ha,” ani Lolo Emil. “Baka may apong darating nang mas maaga. Kaya bilisan n'yo na ang kasal.”

Hindi alam ni Vionne kung matatawa ba siya o mapapahiya.

Pagkatapos ng almusal, habang naghuhugas ng pinggan si Vionne, lumapit sa kaniya si Levi. Tumayo ito sa likuran niya, halos idinikit ang katawan sa kaniya.

“You’re surprisingly quiet,” aniya sa malambing pero mapanuksong tono.

“May choice ba ako? Ang init ng tanong ng mga lolo’t lola mo.”

Levi chuckled. “Well, they love you.”

“I wonder why.”

“Maybe because you look good in my shirt. Or maybe because I look good beside you.”

Tumigil si Vionne sa paghuhugas. Sumulyap sa kanya sa gilid. “Levi…”

“Yes, my fake future wife?”

“Tumigil ka nga. Isa pa, ihahampas ko sa 'yo ‘tong kawali.”

Tumawa si Levi at tinapik ang bewang niya bago tumalikod. “Game. Pero next time, ako na lang maghuhugas. Ikaw na lang sa dirty work.”

“Dirty work?”

“Like kissing me back.”

Naiwan si Vionne na pulang-pula ang mukha, habang ang puso niya ay tila may sariling isip na tumitibok nang hindi niya napipigilan.

***

Hindi makapagsalita si Vionne habang nakaupo sa loob ng maluwag at eleganteng opisina ni Levi Angeles sa Angeles Group. Ang mga mata niya ay nakatuon sa papel na hawak ng binata—isang official appointment letter. Pero hindi iyon ang ikinagulat niya. Kundi ang nilalaman mismo ng dokumento.

President.

Ang nakasaad sa titulo ng papel ay President of Angeles Group’s Interior Design and Architecture Division.

“P—President?” ulit ni Vionne, hindi pa rin makapaniwala. “You’re making me President of one of your main divisions?”

“Yes,” malamig pero diretso ang tugon ni Levi. “At hindi lang basta division. The one that handles all premium infrastructure partnerships and government projects. You’ll be in every room that Rhaedon wants to be in. You’ll sit in tables that he used to dominate. And now, he’ll have to see you at the top.”

Napalunok si Vionne. Sa dami ng planong gumanti kay Rhaedon, hindi niya kailanman inisip na darating sa punto na magkakaroon siya ng ganitong klaseng kapangyarihan. Akala niya, magsisimula siya sa ilalim, maghahanap ng mga basurang resibo, o lihim na recordings—pero heto siya, bibigyan ng legal na kapangyarihang makabangga ang sariling ex-husband. Hindi na lang ito laban ng pusong sugatan. Isa na itong corporate war.

“Bakit mo ginagawa ‘to, Levi?” tanong niya, habang tahimik pa ring nakatitig sa papel. “Alam mong fake lang ang relasyon natin. Hindi kita asawa. Wala akong ambag sa kompanyang ‘to. I’m just—”

“You’re not ‘just’ anything,” putol ni Levi habang seryoso siyang tinitigan. “You’re Vionne Monteverde. The woman Rhaedon Thorne underestimated. The woman his mistress mocked. And you’re the woman I believe deserves to get her power back. Kung ayaw mong gawin ‘to for me, then do it for yourself.”

Huminga siya nang malalim. Para bang nagsisiksikan sa dibdib niya ang galit, tuwa, kaba, at isang bagay na hindi niya maipaliwanag. Halos hindi niya matanggap na may taong naniniwala sa kakayahan niya ngayon—lalo na’t matagal siyang pinaniwala ni Rhaedon na wala na siyang silbi. Na baliw siya. Na wala siyang lugar sa mundo ng mga elite.

“At kung nag-aalangan ka pa rin,” dugtong ni Levi, “gamitin mo ang apelyido ko. Ang pangalan ko. The board trusts me. The industry listens to me. I’ll shield you when you strike.”

Napatingin siya sa binata. Malalim ang mga mata nito, seryoso. Hindi ito nagbibiro.

This isn’t about love. This is about justice.

Dahan-dahan niyang kinuha ang ballpen. Ang mga daliri niya ay nanginginig pa rin habang nilalagdaan ang dokumento.

“Legally binding na ‘to?” tanong niya matapos pirmahan.

Ngumiti si Levi. “With my lawyers watching behind the mirror, yes. It’s done. You’re officially in.”

“Paano ang reactions ng board?” tanong niya habang inabot ang folder.

“They’ll question it at first,” sagot ni Levi, tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa kaniya. “But you’ll prove them wrong. And if anyone tries to block your way... I’ll remove them.”

Tumahimik lang si Vionne habang tinatanggap ang suot na power blazer na iniabot ng assistant ni Levi.

“Sisimulan natin sa merger meeting next week,” ani Levi habang tinatapik ang balikat niya. “Monteverde Group’s newest expansion partner is Angeles Group. Guess who’s sitting at the negotiation table?”

Napalunok si Vionne. “Rhaedon.”

Levi nodded. “Yes. And this time... you won’t be sitting beside him as a wife. You’ll be sitting across him—as a threat.”

Author's Note:

July 10, 2025

New story ulit!

Please support this book po. Sana Magustohan ninyo.

Pa-like, comment, gem vote, and rate ng book.

Maraming salamat po!

Deigratiamimi

July 10, 2025 New story ulit! Please support this book po. Sana Magustohan ninyo. Pa-like, comment, gem vote, and rate ng book. Maraming salamat po!

| 45
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (14)
goodnovel comment avatar
Wilma Garcia Bacruya
Sobra ganda hindi boring basahin perfect 5 star thanks author
goodnovel comment avatar
Roberto Bedrijo
Magandang kwento masarap basahin
goodnovel comment avatar
Bing Dugang
Ang Ganda ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 65

    Tahimik ang buong restaurant. Tanging malambing na tugtog ng violin ang maririnig sa background habang nakaluhod si Levi sa harap ni Vionne, hawak ang maliit na kahon ng singsing. Hindi agad nakapagsalita si Vionne. Namumuo ang luha sa mga mata niya habang nakatitig sa lalaking matagal nang naging sandigan niya.“Vionne…” mahinang sabi ni Levi, “I’m not expecting you to answer right away. I just want you to know that this—us—means everything to me. You don’t have to say yes if you’re not ready.”Tumango si Vionne, pero hindi niya maiwasang mapangiti. “Levi… you’ve done so much for me already. I don’t even know how to thank you enough.”Lumapit si Levi ng kaunti, hawak pa rin ang kahon. “You don’t have to thank me. I did all of this because I love you. Because I believe in you. I just want to spend my life proving that you’ll never have to face anything alone again.”Hindi na napigilan ni Vionne ang mga luha. Tumayo siya mula sa upuan at lumapit kay Levi. “You’ve always been there for

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 64

    Gulat na gulat ang buong pamilya ni Levi nang marinig mula mismo sa kanya ang desisyon na mag-invest siya sa Monteverde Group. Tahimik ang hapag-kainan. Walang kumikilos. Lahat ay nakatitig kay Levi, habang siya naman ay kalmado lang na naglalagay ng kape sa tasa.“Levi, are you serious?” tanong ng ama niyang si Roberto, hindi makapaniwala. “You’re planning to invest your own money into that company? After everything that happened?”“Yes, Dad,” sagot ni Levi, kalmado ang tono. “Vionne has already regained full ownership. The company is under her leadership again, and I believe in what she can do.”Sumingit agad ang Mommy niyang si Adelaide, halatang hindi mapigilan ang sarili. “Levi, anak, you can’t be serious! That woman brought nothing but trouble to your life. She’s the reason why our family’s reputation was dragged into that chaos before.”“Mom,” sagot ni Levi, diretsahan. “That was the past. Vionne was the victim, not the problem.”Napahampas si Adelaide sa mesa. “Victim? Don’t b

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 63

    Pagbukas pa lang ng glass doors ng Monteverde Group, huminto si Vionne sa tapat ng lobby. Napatigil siya nang makita ang mga empleyado, mga department heads, at ilang board members na tila naghihintay sa kanya. May mga nakangiti, may ilan ding halatang naiiyak sa tuwa.“Ma’am Vionne! Welcome back!” sigaw ng isa sa mga staff na unang lumapit sa kanya, sabay palakpak.Isa-isa ring sumabay ang mga tao. May mga nagdala pa ng maliit na bouquet ng bulaklak at banner na may nakasulat na ‘Welcome back, Ms. Monteverde!’Napahinga nang malalim si Vionne, halatang nabigla. “What is all this?” mahina niyang tanong habang lumapit si Mr. Velasquez, ang dating vice president ng company na siya ring pinaka-loyal sa kanya noon.“It’s for you, Ma’am,” sabi ni Velasquez, nakangiti. “You’re officially back as the rightful CEO and President of Monteverde Group. The board voted unanimously this morning again. It’s what we should’ve done a long time ago.”Natahimik nang ilang sandali bago muling nagsalita s

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 62

    Naging sobrang tense ang loob ng courtroom. Tahimik ang lahat habang nakaupo sina Vionne at Rhaedon sa magkabilang panig. Si Vionne ay kalmado, pero bakas sa mga mata nito ang determinasyon. Samantalang si Rhaedon naman ay halatang hindi mapakali.Pagpasok ng judge, agad nagsitayuan ang lahat.“Court is now in session. You may all be seated.”Muling umupo ang lahat. Si Atty. Sevilla ang unang tumayo.“Your honor, we are here today to present the remaining evidence that will confirm Mr. Rhaedon Thorne’s guilt in the charges filed against him—fraud, embezzlement, falsification of documents, and defamation.”Tiningnan ni Rhaedon si Vionne. “This is ridiculous,” mariin niyang sabi sa abogado niya. “Walang katotohanan lahat ng ‘yan.”Ngumiti lang si Vionne, marahang bumulong. “You still think you can talk your way out of this?”Napalingon si Rhaedon, galit. “You ruined my life, Vionne.”“No,” mahinang sagot ni Vionne. “You ruined yourself.”Tinaasan siya ni Rhaedon ng kilay. “Lahat ng ‘to

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 61

    Tahimik na nagmamaneho si Levi pauwi nang biglang tumunog ang phone ni Vionne. Nakita niya sa screen ang pangalan ni Atty. Sevilla. Agad niyang sinagot ang tawag.“Hello, Atty. Sevilla,” malamig pero kalmado niyang bati habang nakatingin sa daan.“Ma’am Vionne, I called to inform you something important,” mabilis na sagot ng abogado. “The warrant of arrest for Mr. Rhaedon Thorne has been approved. The police will serve it any moment now.”Napatigil si Vionne. “What? Are you serious?” mahina niyang tanong, parang hindi makapaniwala sa narinig.“Yes, Ma’am. Lahat ng kaso laban sa kaniya ay pinayagan ng korte. From misuse of company funds, falsification of documents, money laundering, up to emotional and reputational damages against you. Lahat iyon, tinanggap ng fiscal. Pati si Ms. Trixie Velasco ay included. She’s facing multiple counts of conspiracy and theft.”Napatingin si Levi kay Vionne habang nagda-drive. Kita niya sa mukha ng nobya ang gulat at ang bahagyang ngiti na pilit nitong

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 60

    Sa malaking bulwagan ng Grand Horizon Hotel ginanap ang international charity auction. Tahimik lang si Vionne habang magkahawak ang kamay nila ni Levi papasok sa venue. Nakasuot siya ng simpleng black evening gown, habang si Levi naman ay naka-formal tuxedo.“Relax,” bulong ni Levi habang naglalakad sila. “We’re here to enjoy. Forget about work, okay?”“Easier said than done,” mahinang sagot ni Vionne. “Pag puro business tycoon ang nasa paligid, mahirap kalimutan ang trabaho.”Ngumiti si Levi. “Then just focus on me tonight.”Bago pa siya makasagot, napatigil si Vionne. Nanigas ang katawan niya nang mapansin ang grupo ng mga taong papalapit. Hindi siya maaaring magkamali — sina Rhaedon, Trixie, at Dianne iyon. Pare-parehong may kumpiyansang aura, at tila ba sinadyang lumapit para lang mang-asar.“Looks like fate really loves playing games,” wika ni Rhaedon habang nakangisi. “Didn’t expect to see you here, Vionne.”Agad na humigpit ang hawak ni Levi sa kamay ni Vionne. “We were invited

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status