Share

Kabanata 9

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-07-10 21:26:02

Kinabukasan, maaga pa lang ay nagmamadaling pumasok sa Monteverde Group si Trixie Velasco. Nakasuot siya ng corporate dress na mas maiksi kaysa sa nararapat, naka-high heels na tila handang makipagdigma sa media. Pagdating niya sa opisina ni Rhaedon, tahimik na itong nakaupo sa harap ng kanyang laptop habang tinitingnan ang galaw ng stocks.

“Bumaba na naman ang confidence rate,” ani Rhaedon, hindi man lang lumingon. “Tatlong investor pa ang hindi sumasagot sa tawag.”

“Then it’s time,” sagot ni Trixie, inilapag ang brown envelope sa mesa ni Rhaedon.

“What’s that?”

“Evidence,” mariin ang boses niya. “About Vionne. Lahat ng kahinaan niya. Pati ang pagkakakulong niya noon sa isang private psychiatric facility—na hindi niya alam, ay may naiwang record.”

Napalingon si Rhaedon. “You got this legally?”

“No,” sagot ni Trixie. “Pero kung may interes ka pa talagang sirain ang career niya, you’ll let me handle this.”

Tumayo siya at lumapit sa malapit na printer, kinuha ang ilang print-out ng mga
Deigratiamimi

❎ I-post sa social media ang panloloko.😆 ✅ Ipa-billboard ang asawa at kabit. 🔥

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Micthiyeos Eos
awwwww may nakuha ako dis time Na aral para sa kabit at manluluko na husband ipa billboard pla dapat hahahahahahhaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 15

    Hindi mapinta ang mukha ni Vionne nang tumapak siya sa loob ng Angeles Group. Sa bawat hakbang ay parang gusto niyang lumubog sa sahig. Hindi dahil sa kaba o takot sa mga taong nandoon, kundi dahil sa suot niya ngayong araw—lalo na sa loob na hindi nakikita ng iba.Napatingin siya sa kanyang katawan. Ang corporate dress na pinasuot ni Levi ay mukhang disente naman, medyo fitted at eleganteng kulay navy blue. Pero ang alam lang ng mga kasamahan niya ay simple at classy siya. Ang hindi nila alam—ang suot niyang underwear ay kulay pula, lace, at sobrang revealing.At hindi siya ang pumili noon. Si Levi.“Ano ‘to, prank?” bulong niya sa sarili habang tumitingin sa paligid, sinusubukang ‘wag magmukhang balisa.Naaalala pa niya kung paano siya pinilit ni Levi kaninang umaga habang nagbibihis. Wala siyang choice kundi magsuot ng mga isinantabi nito at i-abot sa kanya. Wala siyang ibang dalang damit, at for some reason, ang red lace set pa talaga ang isinama nito.Hindi niya maintindihan kung

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 14

    Paglabas ni Vionne ng banyo ay halos hindi niya tiningnan si Levi na ngayon ay nakahiga na sa kama, nakatalikod at tila natutulog. Bitbit ang tuwalya sa katawan, dumiretso siya sa closet ni Levi at tahimik na bumuklat ng mga damit.Isa-isang hinila ni Vionne ang mga plain shirt at boxer shorts ng lalaki. Wala siyang ibang opsyon kundi magsuot ng isa sa mga ito, lalo na’t hindi siya nakapagdala ng damit pambahay. Isa pa, ni wala siyang dalang underwear. Napamura siya sa isipan niya habang hinahalughog ang drawer.“Tangina, Vionne. Paano ka makakatulog kung wala kang suot sa loob?”Napatingin siya sa hawak na boxer shorts. Kinuha niya ang isa na tila pinakamaliit. Pero nang sukatin niya ito, maluwag pa rin. Literal na hanggang pusod ang garter at parang isang hakbang lang ay bibigay na.Hindi siya mapakali, kaya agad siyang kumuha ng pangtali ng buhok mula sa bag niya. Itinali niya ang magkabilang gilid ng boxer, pinilit na ipasikip para lang magmukha itong panty. Nang medyo komportable

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 13

    Tahimik ang biyahe pauwi. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita nang ilang minuto. Abala si Levi sa pagmamaneho habang si Vionne naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Ilang beses na niyang sinubukang buwagin ang katahimikan, pero nauudlot siya tuwing makikita ang seryosong ekspresyon ng binata.Makalipas ang ilang minuto, napilitan na siyang magsalita.“Padaan mo na lang ako sa hotel. Nando’n pa ang mga gamit ko,” mahinang sabi niya habang iwas ang tingin.Tumingin saglit si Levi sa kanya, pero hindi siya sumagot. Imbes i-preno ang sasakyan sa direksyon ng hotel, tuluy-tuloy ito sa pagliko pa-uwi sa isang exclusive village.Napakunot ang noo ni Vionne. “Levi, sabi kong ihatid mo ako sa hotel. May tinapos lang akong damit doon. Hindi pa ako ready tumira sa—”“Hindi ka na babalik sa hotel,” putol ni Levi, kalmado pero may diin sa tono. “We’re supposed to be engaged, Vionne. Hindi maganda sa image kung magkahiwalay tayo ng tirahan. Lalo na’t pinagmamasdan na tayo ng media, ng pamil

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 12

    Tahimik na umiinom si Vionne habang pinagmamasdan ang mga bisitang nagsasayawan sa gitna. Walang anumang emosyon sa kanyang mukha, pero sa loob-loob niya, alam niyang sinusuri siya ng maraming tao. Ang dating CEO na tinanggal sa sariling kumpanya, ngayon ay nasa isang high-profile party bilang “fiancée” ng anak ng may-ari ng Angeles Group. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga matang sumusukat, mga bulungan na pilit inaalam kung totoo ba ang relasyon nila ni Levi o bahagi lang ng isang mas malaking palabas.Bigla siyang napatigil nang lumapit si Levi sa kanya at iniabot ang kamay.“Sumayaw tayo,” yaya ng binata.Napakunot ang noo niya. “Levi…”“Don’t say no,” sabat nito. “You already gave me permission to dance with Michelle. Now, it's your turn.”Walang nagawa si Vionne kundi tanggapin ang kamay nito. Tumayo siya, tahimik, at hinayaan si Levi na akayin siya papunta sa dance floor.Pagdating nila sa gitna, agad na napalingon ang mga tao. Hindi inaasahan ng lahat na makikita nila sa gi

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 11

    Maagang umaga nang makatanggap si Levi ng tawag mula sa kanyang ina habang kasalukuyang nasa opisina ng Angeles Group.Pagkababa ng tawag, saglit siyang napabuntong-hininga at saka tumingin kay Vionne na abala sa pagre-review ng contracts. Lumapit siya sa mesa nito.“Vionne,” mahinahon ang tono ni Levi.Napatingin si Vionne. “Bakit?”“Birthday ni Michelle,” diretsong sagot ng binata. “Pinapapunta ako sa bahay ng mga Mendoza mamayang gabi.”Tumigil sa pagsulat si Vionne at tumango lang. “So?”“I’m going… pero hindi ako pupunta mag-isa. We'll go together.”Napakunot ang noo ni Vionne. “Bakit kailangan mo pa akong isama?”“Para ipakita sa kanila na hindi mo ko tinik sa lalamunan,” sagot ni Levi, medyo nakangisi. “At para matahimik na ang pamilya ko.”“Ano naman ako sa 'yo, damage control?”“Hindi. Ikaw ang gusto kong makita nilang kasama ko,” mariin ang sagot ng binata.Napatingin si Vionne sa kanya. Tila nag-aalangan, pero kita sa mukha ni Levi ang kaseryosohan. Pagkatapos ng ilang segu

  • Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back   Kabanata 10

    Pagkagising ni Rhaedon kinabukasan, halos hindi niya maintindihan ang dami ng notifications sa kanyang phone. Mga missed calls, email alerts, media mentions, at personal messages mula sa mga kasosyo sa negosyo.“Rhae! Bumangon ka na! Trending pa rin tayo!” sigaw ni Trixie mula sa living room.Agad siyang bumangon at tinungo si Trixie, na hawak-hawak ang tablet habang pinapakita ang sunod-sunod na news coverage.Nakahain sa headlines:“Monteverde CEO and PR Head Caught in Scandal – Caught Kissing in Office?”“Billboard Exposé: Real Footage or AI Generated Hoax?”“Public Calls for Resignation After Viral Video”“Masyado nang malala ‘to,” mariing sabi ni Rhaedon habang hinahagod ang kanyang buhok. “Kailangan nating gawan ng paraan.”“Kausapin natin ang legal team,” sabi ni Trixie. “Sabihin nating deepfake lang ‘yon. AI-generated. Walang katotohanan.”Agad silang nagtawag ng emergency press conference. Sa harap ng media, pinanatili nilang kalmado ang ekspresyon. Naglabas ng prepared state

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status