Share

VLV 1

Penulis: Lovemarian
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-27 20:17:23

"Yes, Mom. Ok sige, see yahh," matapos sabihin ang mga katagang iyon ay binaba na ni Veronica ang cellphone na hawak niya, saka ibinalik sa handbag niya.

Hinawakan na rin niya ang handle ng trolley bag niya saka hinila iyon. Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan niya sa airport. Ang tumawag rin sa kanya kanina ay ang ina-inahan niya na si Rosita.

Habang humahakbang si Veronica ay sumasabay ang indayog ng balakang niya. Kapansin-pansin rin ang mapuputi nitong mga binti na lantad dahil sa soot niyang red bodycon dress na hanggang kalahating hita lang ang haba. Hapit na hapit ang suot nito sa kanyang balingkitang katawan. Nasa kanya na rin ang attention ng lahat ng mga kalalakihan at kababaihan na nasa paligid at mga kasabay niyang pasahero.

Hindi maipagkakaila ang takaw attention na kagandahan ni Veronica. Hindi lang katawan nito ang maganda kun'di pati na rin ang mukha niya at bumagay ang mahaba at animo telephone wire na kulot na buhok nito.

Minsan pa siyang natawa ng may isang lalaking muntik ng masubsub sa sahig dahil sa kakatitig sa kanya at hindi nito namalayan ang nakaharang na maleta. Dahil ang pansin nito ay nakatutuk lang kay Veronica. That is how magnetic her beauty is. Kahit sino mapapalingon, kahit sino mahuhumaling. Especially her seducing smile that everybody will nail down.

After a several minutes ay nakarating na siya sa exit ng Airport. Malapad ang mga ngiti nito ng tanggalin ang itim na shades nito mula sa mata. Kumaway pa siya ng makita ang limang tao habang hawak hawak ang isang banner na may nakasulat na 'Welcome home Veronica '. Kabilang sa mga taong iyon ay ang mommy Rosita niya. Naroon rin sina Sheila at Princess, mga katulong ito na malapit sa kanya. Nandoon rin si Gray na manliligaw niya at si Kris na personal bodyguard ni Rosita.

"Welcome home self," bulong niya sa sarili. Saka mas lalong binilisan ang paglalakad papunta sa gawi ng mga taong inaabangan ang pagdating niya.

"Anak," halos maiyak na salubong ni Rosita kay Veronica. They hugged each other.

Si Rosita ang kumupkop kay Veronica, limang taon na ang lumipas. Nakita niya si Veronica na hinang hina na habang nahiga sa tabi ng puntod ng namayapang ina. Halos panawan ng ulirat si Veronica ng mga sandaling iyon dahil maulan rin at ilang araw na si Veronica sa memorial na pinaglibingan ng ina. May lagnat rin ito. Kaya nang malaman ni Rosita na nag-iisa na lang sa buhay si Veronica at wala ng ganang mabuhay pa ay si Rosita ang nagbigay rito ng pag-asa. Apa't na po't anim na taon na si Rosita pero wala pa rin itong asawa at makakasama sa buhay kahit na multi-millionaire ito. Kaya naisipan nitong kupkupin na lamang si Veronica, na no'ng umpisa ay tinanggihan ng dalaga. Ngunit kalauna'y pumayag rin.

And there she is, a sophisticated, seducing, pretty woman. An educated one.

Galing siya sa Canada at doon nag-aral ng Business course for 4 years. And now she is back bilang isang babaeng independent, matapang at matatag.

Nakipag-biso na rin si Veronica sa ibang naroon, including her long term suitor. Na wala naman siyang planong sagutin dahil hindi iyon ang priority niya.

"Hello, Ver Welcome back," anito matapos makipag beso.

Guwapo naman ito, mayaman at matalino na parang bobo, dahil kahit anong taboy ang gawin ni Veronica ay nagmistulang langaw si Gray, na bumabalik pa rin sa kanya. And she had nothing to do about it but to let him do whatever he wanted to do. To be honest, wala naman siyang pakialam kaya wala lang sa kanya kahit magpakahirap at magpakamatay ito sa kakahabol sa kanya.

"How was the trip, Veronica?" anang Mommy niya.

"It was good, Mom," sagot nito.

Nagyaya na si Veronica na umuwi, dahil aniya gusto na niyang maamoy ang preskong hangin sa Mansion ng Saavedra. Kaya agad na umalis sila sa airport.

"So anak dito ka na ba titira sa atin?" tanong ni Rosita habang lulan ng kotse.

Ang ibang kasamahan nila ay naroon sa kotse ni Gray sumakay. Ang personal body guard nito ay siya ring driver nito.

"Yes, Mom for good." Nakangiti niyang saad matapos umabresyete sa braso ng Mommy niya at inihilig ang ulo sa balikat nito.

Kahit hindi siya tunay na anak nito, ay ramdam ni Veronica ang pagmamahal at malasakit nito na parang tunay na anak. Napamahal na rin si Veronica kay Rosita dahil sa kabutihang pinapakita nito sa kanya.

"Well, that's good to hear, "she said with a smile.

Hindi na nagsalita si Veronica at nanatili lang sa posisyon nito. Nobody said a word until…

"Anyway, anak kailangan mo ba sasagutin iyang si Gray? Tatlong Taon na 'yang nanliligaw sa 'yo." Basag ni Rosita sa katahimikang namagitan sa kanila.

Napaayos siya ng upo saka bumaling sa ina.

"Mom, wala akong balak na sagutin siya, wala pa sa mga priorities ko ang mga ganyang bagay, and besides hindi naman lingid iyon sa kaalaman niya. Hindi ko rin siya pinapaasa dahil sinabi ko na sa kanya ang tungkol do'n. Siya lang naman iyong ayaw paawat." Mahabang litanya niya.

"Kawawa naman kasi, at saka 'di mo ba siya type? Na sa kanya na lahat, mayaman ,guwapo, mabait matalino."

Alam naman ni Veronica na boto ang mommy niya kay Gray, totoo naman ang sinasabi nito pero hindi niya mahal si Gray saka ayaw rin niyang paasahin ang tao. Dahil masasaktan lang ito. Kahit anong bait at pagmamahal na ipakita ni Gray ay hindi niya kayang suklian iyon.

Ayaw naman niyang maging unfair sa binata kung sasagutin niya ito.

Napa-smirk si Veronica. "I'm sorry mom, hindi ko siya type."

"Ikaw talagang bata ka, mauubusan ka ng lalaki niyan. Baka matulad ka sa akin." Himig nagbibirong turan nito.

"Parang tinataboy n'yo na ako, Mom." Ganting biro nito.

Nagtawanan naman ang dalawa.

After a several minute ay nakarating na sila. Veronica is surprised when she enter inside the house at bumulaga sa kanya ang pagputok ng confetti at ang mainit na pa-welcome home at congratulations ng iba pang kasambahay nila. Wala siyang friend kaya halos mga kasambahay lang rin ang naroon at mga ilan kang ring amiga ng Mommy niya. Nagbiso pa ang mga ito sa kanya at binati siya.

"My God, Mom. Nag-abala ka pa talaga?" Nakangiti niyang saad ng balingan niya si Rosita, parang hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ng ginang.

"Naku, okay lang 'yan masaya ako for you," she said with a smile saka niyakap ang anak-anakan. Gumanti rin si Veronica ng yakap rito.

"Ahm, Ver here," sabi ni Gray nang kumalas siya sa pagkakayakap ni Rosita. May inabot itong isang box. Na sa tantiya ni Veronica ay regalo iyon.

Nakangiti niyang tinanggap iyon. "Ano 'to?"

"My gift for you, I'm sorry dahil hindi ako nakapunta no'ng graduation para sana batiin ka. By the way congratulationsfor being a cum laude." Animo nahihiyang turan nito habang panay ang kamot sa ulo.

Kahit naman ayaw niya kay Gray ay nirerespito pa rin niya ito marahil siguro kaya lagi itong bumabalik sa tuwing ni rereject niya ang panliligaw nito.

"Naku baka nanliligaw ka na naman." Himig nagbibirong saad nito.

"N-no, it's really just my congratulatory gift for you. At saka magpapaalam na rin ako." Ngumiti ito sa kanya ng matamis.

Kumunot naman ang noo ni Veronica dahil sa sinabi nito. Napansin rin niya ang pag-alis ni Rosita sa tabi niya at nakipag-chikahan sa mga amega nito. Maybe she's giving them some privacy.

"Aalis ka na? Ayaw mong kumain muna?" Maang na tanong ni Veronica.

Ngumiti ng malapad si Gray kaya lumitaw ang dalawang biloy nito sa magkabilang pisngi.

"I mean, aalis ako, I'm going back to London to continue my masteral at the same time para pamahalaan ang isa naming negosyo doon. I don't think kung kailangan ako babalik or maybe not anymore." May halong lungkot ang boses nito.

Hindi rin naman mapigilan ni Veronica na malungkot. Kahit papaano masasabi niyang kaibigan niya si Gray. Dahil mabait ito sa kanya. Pumupunta ito dati sa Canada para lang makita siya, minsan pinapasaya siya nito. Mukhang mamimiss niya yata ang pangungulit nito.

"Gano'n ba? You know what to be honest, mamimiss kita.."

"Really? Eh, hindi na lang ako tutuloy." Sumigla bigla ang boses nito ng marinig ang sinabi ni Veronica.

Kaya binatukan ni Veronica ang lalaki.

"Sira ulo. Umalis ka, ang kingkoy mo!" Kunway inis na sabi ni Veronica.

Natatawa na lang si Gray, tumawa na rin si Veronica.

Tuluyan na silang pumasok sa loob ng mansion at nakipagsaya sa welcome party niya. Nag-swimming na rin sila hanggang sa sumapit ang gabi at kapwa mga pagod saka pa tumigil.

****

Humihikab pa si Veronica habang humahakbang pababa ng hagdan para tunguhin ang kitchen. Pagdating doon ay kumuha siya ng isang basong maligamgam na tubig sa water dispenser saka inisang lagok iyon. Napatingin siya sa wallclock na nasa ibabaw ng pintuan ng kusina. Pasado alas 10 na pala, kakagising lang kasi niya wala pa nga siyang ligo. Umupo muna siya sa harap ng dining table saka kumalumbaba at tumingin sa kawalan. Ang tahimik naman ng mansion. Iniisip niya ang puwedeng gawin sa araw na ito. Hindi siya sanay na walang gagawin. Dati kasi noong nasa Canada pa siya ay lage siyang may ginagawa sa condo niya, like nag-e-study. Minsan naman nag sho-shopping. Minsan gumagala with classmates. Dito wala siyang kaibaigan na puwedeng isama sa gala. Malapit naman siya sa mga katulong na kaedaran niya pero may trabaho ang mga 'yon.

Tumayo siya at mabilis na tumungo sa likurang bahagi ng mansion. Magdidilig na lang siya ng halaman.

Perp napasimangot siya ng makitang basa na ang mga halaman sa likod at harapan ng mansion. Oo, nga pala marami pala silang kasambahay. Kaya bumalik na lang siya sa kanyang kwarto at naligo. Nang muli siyang bumaba ay nakahanda na ang almusal para sa kanya.

"Inday si Mommy nga pala nasaan?" tanong niya sa katulong na naroon sa kusina.

"Ah, Señorita pumunta po ng opisina may appointment raw po," anang katulong. Tumango lang siya bilang ganti rito.

Gusto na niyang magtrabaho sa companya ni Rosita Saavedra pero binigyan muna siya nito ng isang linggong pahinga bago siya nito tanggapin sa trabaho, bilang Presidente ng kompanya.

"Señorita, pinabibigay pala ito ni Madam sa 'yo," anang Inday sabay abot sa kanya ng isang black glittery envelope.

Kunot noong tinanggap niya ito saka kinuha ang lamang card roon.

"Your invited to my birthday party on friday @7:oo pm on Madrigal's mansion"

Lalong lumalim ang gitla ng noo ni Veronica ng mabasa niya ang pangalang Madrigal, lalo na ng basahin niya kung saan galing ang invitation card na iyon. It came from Raphael Madrigal. Napalunok siya nang muli niyang ibalik ang papel sa loob ng envelope.

"Raphael Madrigal.." bulong niya sa hangin.

Animo may sariling isip ang kamay niya ng kumuyom iyon. Muling naglandas sa ala-ala niya ang gabi kung kailan nawala ang ina niya. At ang pangalang binanggit nito na siyang bumaboy at nagpahirap sa ina. Si Raphael Madrigal. Hinding hindi niya makakalimutan ang pangalang 'yon. Ilang linggo pa lang nagtatrabaho ang nanay niya sa Mansion ng mga Madrigal ay gano'n na agad ang ginawa nila. Kaya siguro ayaw ng nanay niya na pumunta si Veronica doon sa mansion dahil hayok sa laman at magagandang babae si Raphael.

Mabilis na dumapo ang palad niya sa kanyang mata para salubungin ang pagbagsak ng luha niya. Hindi lingid sa kaalaman ni Rosita ang tungkol sa ginawa ng mga Madrigal sa nanay niya. Kilala rin ni Rosita si Raphael Madrigal dahil nasa parehong industry sila.

No'ng una ay sinubukan niyang sampahan ng kaso si Raphael Madrigal, pero hindi pa nga ito naiimbitahan sa presento at hindi pa sila nagkaharap ay nabasura na ang kaso. That's how powerful the madrigal is. Pero ngayon sa pagbabalik ni Veronica, tutuparin niya ang pangako niya sa nanay niya. Kahit pa sa anong paraan.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Veronica’s love Vengeance    VLV EPILOGUE

    7 months Later Nakatingin lang si Veronica sa mga punong kahoy sa harap ng veranda ng mansion ng Saadvedra. Habang hinihimas ang maumbok na tiyan niya, ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumaban. Nagbunga ang matamis na pag-iibigan na pinagsaluhan nila ni Vince. Isang buwan simula ng ilibing si Vince ay nalaman niyang nagdadalang tao siya. Kaya naisip niyang ipagpatuloy ang buhay at magpatawad. Naisip niyang tama si Rosita na hindi maitatama ang isang kamalian sa isa pang pang kamalian. At hindi sagot ang paghihigante para pagbayarin ang may kasalanan, dahil hindi natutulog ang diyos. Walang mabuting maidudulot ang paghihiganti, bagkos ay nagpapalala lang ito ng sitwasyon at nag-uudyok sa 'yo para mahulog ka sa isang kasalanan. "Anak," tawag ni Rosita kay Veronica kaya naman napalingon si Veronica. "Oh, umiiyak ka na naman masama iyan sa baby mo, ikaw talaga." Ngumiti si Veronica ."May naalala lang ako, Mommy," she said. "Oh, siya halikana at naghihi

  • Veronica’s love Vengeance    VLV 20

    Pagdating nila sa kuwartomg kinalalagyan ni Vince ay agad sumalubong sa kanila ang malamig na paligid. Tanaw ni Veronica ang nag-iisang bangkay roon na natatabunan ng puting kumot. Dahan-dahang humakbang si Veronica at bawat hakbang niya ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya na halos hindi na niya kaya pang humakbang. Nanghihina ang bawat ugat niya sa katawan, nanginginig ang mga kamay niya ng dalhin niya iyon sa labi niya. Dahan-dahang binaba ni Veronica ang kumot nito at nakita niya ang namumutlang mukha ni Vince. Halos panawan siya ng ulirat ng makita ang walang buhay na si Vince. Buti na lang at naalalayan siya ni Rosita na nakasunod lang pala sa kaniya. "Mommy, s-si Vince." "Alam mo, Anak alam ko," anang Rosita habang hinihimas ang likod ng anak. Nanginginig ang kamay ni Veronica ng haplusin niya ang malamig na mukha ni Vince. "Vince," tawag niya rito saka tinapik ang pisngi nito. "Gumising ka, kailangan kita Vince. Kailangan ko pang pagbayaran ang kasalana

  • Veronica’s love Vengeance    VLV 19

    "V-Veronica…" "V-Vince!" Sigaw ni Veronica ng makita ang dugo sa dibdib ni Vince na tinagusan ng bala mula sa likod nito. Nanginginig ang mga kamay niya na kinapa ang naghugis tatlong bilog na dugo at unti-unting kumalat iyon sa damit niya. Animo bumagal ang takbo ng oras niya dahil sa nakikita. Lumakas rin ang tibok ng puso niya na halos ikabingi na niya ang lakas niyon. "N-no, no…" Napapaiyak na si Veronica dahil sa nakikita niya. Hindi niya kakayanin kapag nawala si Vince sa kan'ya. Nanatili pa ring nakatayo si Vince sa harap niya, nagsilabasan na rin ang dugo nito sa bibig. Itinaas ni Vince ang kan'yang isang kamay at hinaplos ang mukha ni Veronica. "K-kahit anong gawin mong kasalanan, Mahal pa rin kita," anang Vince. "Vince," napakagat labi si Veronica dahil sa narinig niya kaya niyakap niya si Vince, hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng katawan ni Vince. Napaupo na siya habang yakap pa rin ang duguang lalaki. "No!" Sigaw niya. "Itaas mo a

  • Veronica’s love Vengeance    CHAPTER 18

    Napabalikwas ng bangon si Vince ng marinig ang ugong ng familiar na tunog ng sasakyan mula sa labas. Kanina pa siya nagising at pinagmamasdan lang niya ang mahimbing na natutulog na si Veronica sa tabi niya. Tumayo siya at sumilip sa bintana. May nakita siyang dalawang kotse sa labas, kotse iyon ng Papa niya. Nakita niya itong lumabas ng kotse na may kasamang mga tauhan. Napakunot noo siya, ang alam niya nahuli ng mga pulis ang papa niya. Pero bakit ito ngayon nandito? Alam niyang hinahanap nito si Veronica. Mabilis siyang lumayo sa bintana at tumungo sa kama kung saan naroon ang natutulog na si Veronica. "Veronica, Veronica." Tinapik niya ang balikat nito para gisingin. Pero wala siyang makitang response rito. "Veron, gising…" pukaw ulit niya. Sa mukha na niya ito tinapik kaya napaungol si Veronica. "Hmm, bakit? I'm still sleepy," anang Veronica na nakapikit pa rin ang mga mata. "Bumangon ka at magbihis nandito si Papa, alam kong ikaw ang sad'ya niya." Pagkarinig ni

  • Veronica’s love Vengeance    VLV 17

    "Pati pagkababae mo ginawa mong pain dahil sa paghihigante mo," anito at unti-unting lumapit sa kama kung nasaan si Veronica. "V-Vince…" "May nangyari na rin ba sa inyo ni Papa?!" Galit na tanong nito. Kagat labing umiling si Veronica saka sunod-sunod na pumatak ang luha niya. "Ah, bakit pa ba ako nagtatanong? Eh sinungaling ka nga pala." Pagkasabing iyon mabilis na hinablot ni Vince ang suot na dress ni Veronica na kinasigaw nito, napunit iyon. Tanging dalawang perasong saplot na lang ang natira na tanging tunatakip sa kaniyang pribadong bahagi ng katawan. Napapikit si Veronica habang yakap ang sarili. "A-ano bang gagawin mo?" Nanginginig ang boses niya ng itanong iyon. Hinablot ni Vince ang kan'yang buhok kaya napatingala siya. Ramdam niya ang sakit sa anit niya pero hindi na siya dumaing pa. "'Wag kang mag-alala, hindi kita papatayin. Pero paparusahan kita," malamig niyang tugon. Siniil niya ito ng halik sa labi, marahas ang bawat galaw niyon. Nanatiling tik

  • Veronica’s love Vengeance    VLVL 16

    CHAPTER 16MABILIS na nilisan ni Leah, ang secretary ni Veronica ang operating room. May binigay kasi siya sa operator ng MGC para i-play mamaya kapag nag-umpisa na ang meeting. Iyon ang utos sa kaniya ni Veronica ng tinawagan siya nito kahapon.Flashback…Sinamahan ni Leah si Rosita sa police station para ereklamo ang pandurokot ni Rafael sa anak niya. Habang naghihintay ay narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone kaya naman dinukot niya ito sa loob ng bag niya at sinagot ang tawag ng makita ang panagalang naka register sa screen ng cellphone niya.“Hello, Maam, nasaan ka? Kumusta kayo?”sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya.Nang marinig naman ni Rosita si Leah ay mabilis niya itong nilapitan.“Si Veronica ba iyan?” Mabilis na tanong nito.Tumango naman si Leah.“Akin na kakausapin ko…”“No Leah, makinig ka muna. I don’t have enough time for this,” anang kabilang linya ng akma na sanang ibibigay nito kay Rosita ang cellphone. “I need to talk to you na walang tao.”NNag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status