Share

VLV 3

Author: Lovemarian
last update Last Updated: 2022-10-27 20:19:14

Napahinto si Veronica ng makalabas siya sa mansion ng mga Madrigal. Nakatingin siya ng mariin kay Rafael Madrigal na masayang nagkukuwentuhan sa mga kasamahan nito sa mesa. May babae ring panay himas sa balikat nito. 

  Nagsimulang lumakad si Veronica pabalik sa mesa nila, habang hindi pa rin naaalis ang titig kay don Rafael Madrigal. Ipinagdarasal niya na sana lumingin ito sa kanya.

    Kaya naman sumungaw ang matamis na ngiti niya sa labi ng animo na hypnotized niya ang birthday celebrant, dahil habang nakikipag tawanan ito sa mga kausap ay unti-unting lumingon sa gawi niya ang 'di masyadong katandaang mukha ng lalaki. Nasa singkuwenta'y otso anyos na ito pero hindi halata sa mukha. Well, gano'n talaga 'pag mayaman, they can hide their oldness through medication. 

    Malakas rin ang sex appeal ng matanda, kitang kita pa rin ang ka guwapuhan nito pero nasusuka pa rin si Veronica sa tuwing naaalala niya ito sa Comfort room dati, at mas lalo lang siyang namuhi dito dahil sa ginawa nito sa ina niya.

   Bago pa man siya makarating sa mesa nila ay isang makahulugang titig ang iginawad niya sa lalaki saka ginagat niya ang ibabang labi, bago inialis ang tingin roon. 

 Pero kahit na hindi na nakatingin si Veronica kay Don Rafael, ay ramdam pa rin niya ang paninitig nito sa kanya, such pathetic criminal womanizer. She felt disgusted, over and over again.

 "Ang tagal mo naman yata," anang Roseta ng mapansin si Veronica na umupo sa tabi niya.

 "Nag-retouch lang ako, Mom," aniya na may ngiti sa labi.

  Napakunot-noo naman si Roseta dahil sa nakikitang kasiyahan sa mukha ni Veronica.

 "What?" takang tanong ng dalaga, ng mapansin ang pagkakakunot ng noo ng ina-inahan.

  "Amm, nothing," sabi nito saka nag-iwas ng tingin. Inisang lagok nito ang laman ng kaniyang wine glass. 

      Maraming pakulo sa birthday party ni Rafael, may sayawan may mga nag pe-perform, animo party ng teenager. Pero hindi iyon pinapansin ni Veronica dahil nanatiling nakatuon ang pansin niya sa mesa nila Rafael habang panay ang simsim ng wine sa copita niya.

 "Mom, sino iyang kasama ni Rafael?" tanong ni Veronica kay Roseta nang makabalik ito sa mesa nila.

  Ilang lalaki ang nagyaya sa kan'yang Mommy na makipagsayawan at panay paunlak naman siya sa mga lalaki.

 Habang si Veronica panay rin snob sa mga binatang gusto siyang maisayaw.

  Kanina pa niya napapansin ang lalaking katabi ni Rafael.  May kasama itong magandang babae, mukhang may lahi ang babaeng kasama  nito. Lage itong nakadikit sa lalaki.

 "Anak 'yan ni Rafael, si Vince Gabriel Madrigal at iyang babaeng kasama niya si Xandra fiancé niya."

 Awtomatikong napataas ng isang kilay si Veronica ng marinig ang huling sinabi ni Roseta.

    Nilagok niya ang laman ng wine glass niya saka humarap sa Mommy niya.

 "Mom, hindi mo ba babatiin si Rafael?" 

  Nagulat naman si Roseta sa narinig.

"B-baka kasi maging uncomfortable ka kapag lumapit ako sa kanya." 

"No it's okay. Ipakilala mo na rin ako."

Nagtataka man ay pinilit ni Roseta na ngumiti sa anak-anakan.

"Sigurado ka?" tanong niya. Pero aminin man at sa hindi ni Roseta ay iba ang kutob niya. 

 Ang pagkakaalam niya kay Veronica ay namumuhi ito kay Rafael. Dati-rati sa tuwing binabanggit nito si Rafael ay mukhang pinapatay na niya ito sa isipan  niya but now. What a sudden change.

Masiglang tumango si Veronica kay Roseta. Hindi mababakasan ng pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga.

Tumayo na sila at tinungo ang mesa ng mga Madrigal.

  "Hello, Mr. Madrigal," bati ni Roseta ng makalapit.

 Nasa likuran lang niya si Veronica.

 Agad namang nagtaas ng noo si Rafael saka tumayo ng makilala ang tumawag rito, palihim pa itong sumilip sa likurang bahagi ni Roseta kung saan naroon si Veronica. 

"Hey," anito saka nakipag beso. "Sit down." Yaya  nito at iminuwetra ang kamay sa bakanteng upuan.

 "Thank you by the way, happy birthday. " 

 "Thank you, and who is this beautiful lady beside you?" tanong nito ng mapansin si Veronica na umupo sa tabi ni Roseta.

   Magkakilala si Rafael Madrigal at Roseta Saavedra, dahil aside sa nasa pareho silang industriya ay isa ring stockholder si Roseta sa Madrigal group of company, isa sa mga company ng mga Madrigal. 

  Nasa pang-apat sa pinakamalaking shareholder si Roseta Saavedra. 

 "By the way she's my adopted daughter, Veronica and Veronica this is Mr. Madrigal and beside him is his son Vince. " 

 "Hello Iha." Inabot niya si Veronica para makipag beso rito.

Nakita rin niyang tumango si Vince ng tignan niya ito.

 "Hello po, happy birthday," aniya. 

Titig na titig sa kaniya ang matanda, habang nakangiting nilalakbay ng mga mata nito ang kabuuan ni Vernica. 

 "Good evening to you, Young Madrigal," bati ni Roseta sa anak nito. 

Malapad na ngumiti si Vince kay Roseta saka tumango-tango.

 Nakaharap si Veronica kay Vince habang si Rafael naman ay kaharap si Roseta. 

   Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito habang siya ay tahimik na nakikinig lang. Pinag-aaralan bawat kilos ng dalawang mag-amang Madrigal.

   Naagaw ng pansin niya si Vince, hindi maipapagkailang taglay ng lalaki ang mukhang almost perfect. Masigla ang mga kulay dark brown nitong mga mata, katamtaman ang kapal ng kilay nito na bumagay lang sa kan'yang matangos na ilong at mamula mula ang hugis puso nitong labi, lalo na kapag ngumiti ito. He also has this perfect strong jaw na may papatubong balbas, which is nagpadagdag sa sex appeal nito. Animo isang spanish actor ito. Walang babaeng hihindi sa lalaking ito, he will attract a woman effortlessly.

 Napadako ang tingin niya sa braso nito, kahit naka American suit ito ay mahahalata ang kakisigan nito, napakunot-noo pa siya ng makita ang kamay ng babae na tudo kapit sa braso nito.

 No wonder, kung bakit ganiyan makakapit ang fiancé niya. Well, makatarungan naman ang pag-animo linta ng babae dahil puwede ngang maagaw ang fiancé niya ng iba. Dahil sa tingin niya madali lang matukso ang lalaking ito, dahil nahuli niya itong tumingin sa dibdib niya.

 Bahagya namang napa-smirk si Veronica saka nag-iwas ng tingin.

 

 "What's so funny?" mataray na sabi ng babae, kaya napatingin siya rito.

    Irritable ang makikita sa mga mata nito habang nakatitig sa kan'ya.

   Napangiti ulit siya, and she rolled her eyes. 

"What do you mean?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Veronica. 

   Mas lalo lang siyang natatawa dahil mas lalo lang rin sumama ang titig nito sa kan'ya.

 "What's wrong, baby?" tanong ni Vince sa fiance niya ng mapansin ang pagsasagutan nila.

Veronica looked so stunned when she heard the man's voice and the way he talked. Pati boses nito may appeal, malakas ang dating and so undeniable masculine, dahil buo ang boses nito pero masarap sa pandinig. It's so sweet to hear.

Ipinilig ni Veronica ang ulo para iwaksi ang isiping iyon. Hindi siya dapat maakit ng lalaking ito, ito dapat ang maakit niya.

 "She is looking at you and then she smirk," pagsusumbong nito. 

  Mariin pa siyang tiningnan ng babae.

What a childish, brat. Sa isip niya.

    "Look Miss… ah soon to be Mrs Madrigal, wala akong intention na kung ano sa pag-smirk ko. May naalala lang ako, at nagkataon lang na kaharap ko ang boyfriend mo," kaila pa ni Veronica. 

    Hindi naman na umimik ang babae, nang gawaran siya ng boyfriend ng isang halik sa noo. Isang mapagmalaking tingin na lang ang pinukol ni Xandra kay Veronica na kinailing niyang talaga.

   "Anak, anong nangyayari sa inyo?" bulong ni Roseta. 

  "Nothing, mom don't bother it," sagot niya sa pabulong ring paraan.

 "Can I have a dance with your beautiful princess Miss Saadvedra?" 

 Mabilis ang mga mata ni Veronica na tumingin kay Mr. Old Madrigal nang sabihin nito iyon.

   Bumaling naman siya sa ina na noo'y nakatingin sa kaniya, those eyes were asking for her permission. Nagkatitigan silang mag-ina as if they were talking eyes to eyes. Saka siya bahagyang tumango. 

 

  Bumalik naman ang tingin ni Roseta kay Rafael at nakangiting tumango rin. 

 "Sure, you can," masiglang sagot nito.

 "May I, young lady?" sabi naman ni Rafael na bumaling sa kaniya.

 Ngumiti siya ng matamis rito, kahit ang totoo diring-diri siya sa matandang ito. And she has nothing to do but to give her hand to the old man. 

Inabot naman ng matanda ang kaniyang kamay at hinalikan ang likurang bahagi ng palad niya. Gusto niyang mangilabot at masuka sa ginawa nito, pero pinigilan niya ang sarili at nanatiling nakangiti at kalmado. 

Kailangan niyang magtiis because this is a part of her plan.

   Ramdam niya ang pananayo ng balahibo niya ng dumampi ang malambot na labi ni Rafael sa likod ng palad niya, habang ang mga mata niti ay nanatiling nakatingin sa kan'ya.

 Womanizer! Sigaw ng isip niya.

 Tumayo siya at giniya naman siya ng matanda sa gitna ng crowed. Narinig niya na nag-iba ang tugtugin, naging sweet music ito, habang ang pabilog na ilaw ay nakafucos sa kanila. Ramdam ni Veronica ang animo nanunusok na mga titig ng mga taong naroon. 

  Ang matanda na rin mismo ang naglagay ng mga braso niya sa balikat nito, napapitlag pa ng kunti si Veronica ng maramdaman niya ang nanunuot na init ng palad ni Rafael ng dumapo ito sa kaniyang baywang.

 "Is this your first dance?" anang Rafael habang hindi mawala wala ang makahulugang ngiti nito.

   Marahang tamango si Veronica na mas lalo lang ikinangiti ni Rafael.

  Napasinghap pa siya ng bigla siyang kabigin ni Rafael dahilan para dumikit ang katawan nito sa kaniya. Animo niyayakap na siya ng matanda.

   Nagsimula na silang sumayaw kasabay ng malamyos na tugtugin na hindi feel ni Veronica. Because right at this moment, gusto na niyang masuka rito. Lalo na nang minsang idinidiin pa ni Rafael ang katawan niya sa katawan nito. Ramdam niya na pasadyang kinikiskis ng lalaki ang dibdib nito sa maumbok niyang dibdib, at naghatid iyon ng goosebumps sa kaniya. 

 "I think you're still a virgin," bulong ni Rafael sa punong tainga niya. 

 Nagpagting naman ang tainga niya sa narinig, ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya sa inis. Mas lalo pa siyang nainis ng haplusin ng matanda ang likod niyang nalantad dahil sa backless na suot niya. Mas lalo lang siyang pinanayuan ng balahibo.

  Napakawalang hiya mo talagang matanda ka. Gustong gusto na niyang ibulalas ang mga salitang iyon, pero nanatili siyang tikom bibig.

  Pakiramdam niya namuo lahat ng dugo niya sa ulo niya. Gusto na niyang sampalin ito pero pinigilan niya ang sarili niya, bagkos ay tinulak niya ito.

  "I'm sorry Mr. Madrigal, but I feel so dizzy this time. Naparami yata ang inom ko, gusto kong maupo. May I?" aniya rito. Pilit tinatago ang disgust na nararamdaman niya.

   She act like she was telling the truth dahil dumako ang mga daliri niya sa sintido niya at kunwaring hinihilot iyon. 

Nakita pa niya ang nakakalukong ngiti ni Rafael, na mas lalo lang magpakulo ng dugo niya.

 Nang tumango si Rafael ay mabilis niya itong tinalikuran at bumalik sa upuan. Nakita naman niya ang babaeng katabi ni Rafael kanina na tumayo at tinungo si Rafael. Nakita niya pa itong umirap sa kaniya.

 "Ang bilis niyo naman yatang natapos hindi pa nangangalahati ang tugtug," nakangiting saad ni Vince ng makaupo ang dalaga.

    Napatitig siya kay Vince habang naroon pa rin sa upuan nito at nilaladi ng fiancé. 

Tss.

Hindi niya maiwasan ang mandiri din dito sa isiping ama nito ang manyak na iyon.  

   Manyak rin kaya ang lalaking ito?

 

 She shrugged her shoulder and said, "nakaramdam ako ng hilo eh, baka tumalab na ang ininom kong wine kanina, mababa ang tolerance ko sa alak." Pagsisinungaling niya, pero tungkol sa mababa ang tolerance sa alak ay totoo iyon.

 He nodded. "I see namumula ka na nga."

Napahawak naman siya sa pisngi niya. Totoong, marami ang nainom niya kanina pero hindi naman iyon tumalab sa kaniya dahil mild lang naman ang wine na ininom niya. At ang dahilan lang naman ng pamumula niya ay dahil sa ginawa ng manyak niyang tatay.

  "Ayos ka lang anak?" narinig niyang tanong ni Roseta kaya bumaling siya rito na may ngiti sa labi.

 "Yes, of course kunting hilo lang to, Mommy," she said with a smile and then tapped her mother's shoulder.

 "Sigurado ka?"

 "Mommy naman sobrang maalalahanin. Ikaw huh, nakakarami ka na." Pabiro niyang saad.

Napatawa naman sila sa sinabi nito.

   Kinalma niya ang kaniyang sarili, hindi siya puwedeng magpadala sa personal na nararamdaman niya. Kailangan niyang mabitag si Rafael, iyon ang kailangan niyang gawin. Kailangan niyang makuha ang loob nito, kailangan niyang sirain reputation na pinakaiingatan nito, kailangan niyang sirain ang buhay nito. At ang madalas na paglapit niya rito ang siyang paraan.

  Napakuyom si Veronica sa mga isiping iyon. Wala siyang pakialam kung anong mga susunod na mangyayari, o anong mangyari sa kaniya. All she want is justice, sa kamay niya ilalagay ang batas para makuha ang katarungan sa kahayupang ginawa ni Rafael sa kan'ya at sa nanay niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Veronica’s love Vengeance    VLV EPILOGUE

    7 months Later Nakatingin lang si Veronica sa mga punong kahoy sa harap ng veranda ng mansion ng Saadvedra. Habang hinihimas ang maumbok na tiyan niya, ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang lumaban. Nagbunga ang matamis na pag-iibigan na pinagsaluhan nila ni Vince. Isang buwan simula ng ilibing si Vince ay nalaman niyang nagdadalang tao siya. Kaya naisip niyang ipagpatuloy ang buhay at magpatawad. Naisip niyang tama si Rosita na hindi maitatama ang isang kamalian sa isa pang pang kamalian. At hindi sagot ang paghihigante para pagbayarin ang may kasalanan, dahil hindi natutulog ang diyos. Walang mabuting maidudulot ang paghihiganti, bagkos ay nagpapalala lang ito ng sitwasyon at nag-uudyok sa 'yo para mahulog ka sa isang kasalanan. "Anak," tawag ni Rosita kay Veronica kaya naman napalingon si Veronica. "Oh, umiiyak ka na naman masama iyan sa baby mo, ikaw talaga." Ngumiti si Veronica ."May naalala lang ako, Mommy," she said. "Oh, siya halikana at naghihi

  • Veronica’s love Vengeance    VLV 20

    Pagdating nila sa kuwartomg kinalalagyan ni Vince ay agad sumalubong sa kanila ang malamig na paligid. Tanaw ni Veronica ang nag-iisang bangkay roon na natatabunan ng puting kumot. Dahan-dahang humakbang si Veronica at bawat hakbang niya ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya na halos hindi na niya kaya pang humakbang. Nanghihina ang bawat ugat niya sa katawan, nanginginig ang mga kamay niya ng dalhin niya iyon sa labi niya. Dahan-dahang binaba ni Veronica ang kumot nito at nakita niya ang namumutlang mukha ni Vince. Halos panawan siya ng ulirat ng makita ang walang buhay na si Vince. Buti na lang at naalalayan siya ni Rosita na nakasunod lang pala sa kaniya. "Mommy, s-si Vince." "Alam mo, Anak alam ko," anang Rosita habang hinihimas ang likod ng anak. Nanginginig ang kamay ni Veronica ng haplusin niya ang malamig na mukha ni Vince. "Vince," tawag niya rito saka tinapik ang pisngi nito. "Gumising ka, kailangan kita Vince. Kailangan ko pang pagbayaran ang kasalana

  • Veronica’s love Vengeance    VLV 19

    "V-Veronica…" "V-Vince!" Sigaw ni Veronica ng makita ang dugo sa dibdib ni Vince na tinagusan ng bala mula sa likod nito. Nanginginig ang mga kamay niya na kinapa ang naghugis tatlong bilog na dugo at unti-unting kumalat iyon sa damit niya. Animo bumagal ang takbo ng oras niya dahil sa nakikita. Lumakas rin ang tibok ng puso niya na halos ikabingi na niya ang lakas niyon. "N-no, no…" Napapaiyak na si Veronica dahil sa nakikita niya. Hindi niya kakayanin kapag nawala si Vince sa kan'ya. Nanatili pa ring nakatayo si Vince sa harap niya, nagsilabasan na rin ang dugo nito sa bibig. Itinaas ni Vince ang kan'yang isang kamay at hinaplos ang mukha ni Veronica. "K-kahit anong gawin mong kasalanan, Mahal pa rin kita," anang Vince. "Vince," napakagat labi si Veronica dahil sa narinig niya kaya niyakap niya si Vince, hanggang sa maramdaman niya ang unti-unting pagbagsak ng katawan ni Vince. Napaupo na siya habang yakap pa rin ang duguang lalaki. "No!" Sigaw niya. "Itaas mo a

  • Veronica’s love Vengeance    CHAPTER 18

    Napabalikwas ng bangon si Vince ng marinig ang ugong ng familiar na tunog ng sasakyan mula sa labas. Kanina pa siya nagising at pinagmamasdan lang niya ang mahimbing na natutulog na si Veronica sa tabi niya. Tumayo siya at sumilip sa bintana. May nakita siyang dalawang kotse sa labas, kotse iyon ng Papa niya. Nakita niya itong lumabas ng kotse na may kasamang mga tauhan. Napakunot noo siya, ang alam niya nahuli ng mga pulis ang papa niya. Pero bakit ito ngayon nandito? Alam niyang hinahanap nito si Veronica. Mabilis siyang lumayo sa bintana at tumungo sa kama kung saan naroon ang natutulog na si Veronica. "Veronica, Veronica." Tinapik niya ang balikat nito para gisingin. Pero wala siyang makitang response rito. "Veron, gising…" pukaw ulit niya. Sa mukha na niya ito tinapik kaya napaungol si Veronica. "Hmm, bakit? I'm still sleepy," anang Veronica na nakapikit pa rin ang mga mata. "Bumangon ka at magbihis nandito si Papa, alam kong ikaw ang sad'ya niya." Pagkarinig ni

  • Veronica’s love Vengeance    VLV 17

    "Pati pagkababae mo ginawa mong pain dahil sa paghihigante mo," anito at unti-unting lumapit sa kama kung nasaan si Veronica. "V-Vince…" "May nangyari na rin ba sa inyo ni Papa?!" Galit na tanong nito. Kagat labing umiling si Veronica saka sunod-sunod na pumatak ang luha niya. "Ah, bakit pa ba ako nagtatanong? Eh sinungaling ka nga pala." Pagkasabing iyon mabilis na hinablot ni Vince ang suot na dress ni Veronica na kinasigaw nito, napunit iyon. Tanging dalawang perasong saplot na lang ang natira na tanging tunatakip sa kaniyang pribadong bahagi ng katawan. Napapikit si Veronica habang yakap ang sarili. "A-ano bang gagawin mo?" Nanginginig ang boses niya ng itanong iyon. Hinablot ni Vince ang kan'yang buhok kaya napatingala siya. Ramdam niya ang sakit sa anit niya pero hindi na siya dumaing pa. "'Wag kang mag-alala, hindi kita papatayin. Pero paparusahan kita," malamig niyang tugon. Siniil niya ito ng halik sa labi, marahas ang bawat galaw niyon. Nanatiling tik

  • Veronica’s love Vengeance    VLVL 16

    CHAPTER 16MABILIS na nilisan ni Leah, ang secretary ni Veronica ang operating room. May binigay kasi siya sa operator ng MGC para i-play mamaya kapag nag-umpisa na ang meeting. Iyon ang utos sa kaniya ni Veronica ng tinawagan siya nito kahapon.Flashback…Sinamahan ni Leah si Rosita sa police station para ereklamo ang pandurokot ni Rafael sa anak niya. Habang naghihintay ay narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone kaya naman dinukot niya ito sa loob ng bag niya at sinagot ang tawag ng makita ang panagalang naka register sa screen ng cellphone niya.“Hello, Maam, nasaan ka? Kumusta kayo?”sunod-sunod na tanong nito sa kabilang linya.Nang marinig naman ni Rosita si Leah ay mabilis niya itong nilapitan.“Si Veronica ba iyan?” Mabilis na tanong nito.Tumango naman si Leah.“Akin na kakausapin ko…”“No Leah, makinig ka muna. I don’t have enough time for this,” anang kabilang linya ng akma na sanang ibibigay nito kay Rosita ang cellphone. “I need to talk to you na walang tao.”NNag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status