Share

Chapter 4

Author: Miss Virgo
last update Last Updated: 2023-07-14 07:22:58

***VINCENT***

"Eh bakit? Ikaw? Hindi ka rin naman mabait ah, pinatulan mo nga ako. Kung mabait ka ide sana hindi mo ako dinala sa condo mo," singhal nito sa akin. 

"Edi sana kung hindi kita dinala sa condo at hinayaan kita dun sa dalawang lalake, edi na rape ka na!" Paliwanag ko naman sa kanya.

Napatingin siya sa akin at agad akong hinampas sa braso kaya napahagikhik ako ng tawa.

"Bakit kaba nandito, sinusundan mo ba ako?" Mataray na tanong nito sa akin habang naka kunot ang noo.

"Para malaman mo, regular costumer na ako sa gym na ito. Nagkataon lang na nakita kita rito kahapon," paliwanag ko sa kanya, ngunit ang totoo niyan ay kaibigan ko ang may ari ng gym na ito. “Eh ikaw, bakit ka nandito?” Dagdag ko pa.

"May nag rekominda kasi sakin na dito raw magandang pag insayuhan. Hinihintay ko lang na ma meet ang lalakeng mag t-training sakin, mamaya pa daw darating," sambit nito.

"Bakit ka naman mag ensayo? Sasabak kaba sa giyera?" Pabiro kong tanong sa kanya.

"Parang ganun narin, inihahanda ko lang ang aking sarili. Para sakaling makatagpo ko ang taong nagpapatay sa magulang ko, eh may laban ako," sambit niya habang seryuso ang mukha, bahagya pa nitong itinikom ang kamao na tila umigting ang panga.

"Seryuso pala ang problema mo, idinamay mo pa ang katawan mo. Bweno gusto mo ba na sabay na tayong mag insayo? Parang pariho kasi tayo ng pakay. May mas alam akong lugar para pag insayuhan, interisado kaba?" Saad ko kay Shariena.

Agad naman siyang sumangayon sa akin. Porsigido yata itong matuto para maihanda ang sarili.

Dinala ko siya sa isang warehouse sa cavite, malawak ang loob nito at merong mga gym equipment. Ito ay tagong lugar, at tanging siya pa lamang ang dinala ko rito sa aking secret place.

"Sayo ba ang lugar na ito?" Tanong niya sa akin.

Tumango naman ako. "Yes, dito ako laging nag eensayo pag may misyon ako," sang ayon ko sa tanong niya. 

Bigla na lang siyang napatungin sa akin na kunot ang noo.

"Bakit nagpupunta kapa sa gym?" Aniya.

"Tulad mo hinihintay ko rin si Brandon. Ang taong magtuturo sa iyo mag ensayo, may importanteng pakay ako sa kanya," sagot ko.

"Ano ba trabaho mo at ano ang misyon mo?" Magkasunod nitong tanong. Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o mananatili nalang lihim. Ngunit magaan ang loob ko sa kanya at nais ko rin sabihin kung ano ang aking trabaho.

"Baka katakutan mo ako kung sasabihin ko sayo ang tunay kong pagkatao," sambit ko sa kanya  at seryoso akong tumingin sa kanya.

"Kung magiging katulad mo ako bakit naman ako matatakot sayo?" Pabero nitong sagot sa akin.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa gitna ng pag eensayuhan namin, nakaupo sa gitna ng malapad at kwadradong carpet. Tumayo ako at may kinuha akong brown envelope sa aking bag,  naglalaman ito ng detalye ng taong misyon kong patayin. Ibinigay ko ito sa kanya para makita niya, agad naman niya ito kinuha at nagtataka na binuksan ang envelope para tingnan ang laman.

"Ano ito?" Tanong niya habang binubuksan ang envelope.

"Isa akong hitman at siya ang huli kong misyon na binigay ng amo ko bago ako tumiwalag sa trabaho ko." Saad ko.

***Shariena***

Nang buksan ko ang envelope ay agad kong kinuha ang laman nito, ngunit nagulat ako ng makita ko ang nilalaman nito. Hindi ako makapaniwala sa lalaking nakikita ko sa litrato, napa ngisi ako.

"Kilala mo ba siya?" Tanong niya sa akin.

"Yes, personally. Actually, siya rin ang taong gusto kong pag higantihan. Ngayon alam ko na kung ano ang dahilan bakit niya kami ipinapatay, masyerte lang akong nakaligtas. Pero nadali niya ang mga magulang ko. Hindi ako titigil hanggat hindi ako makapag higante," sambit ko sa garalgal na tono at matalim ang mata kong kinusot ang litrato. Tela tumaas ang dugo ko ng makita ko ang mukha ni Frances.

Galit na galit ako sa lalaking nasa litrato, hindi ko akalain na iisang tao lang pala ang pakay naming puksain. 

Maya-maya ay niyaya niya ako sa likod ng warehouse. 

Sa gilid ng pader ay may mga lata na nakatayo binigay niya sa akin ang baril at itinuro ang mga lata na nagsisilbing target. Agad ko naman itong binaril ngunit hindi tinamaan ang lata, napatingin ako sa kanya at kita ko siyang nagtakip ng bibig. “Kalma lang, hindi ganyan ang tamang paghawak ng baril,” aniya at lumapit siya sa akin. 

Hinawakan niya ang aking kamay mula sa aking  likod at hinawakan niya ang aking isang kamay at kinulong niya ito ng kanyang kamay habang hawak ang baril at tinutok ito sa target.

Mayamaya ay ipinutok ang baril sa target at tumalsik ang isang lata dahil tinamaan ito ng bala. "Relax, nanginginig ang kamay mo," bulong niya sa akin. Talagang nanginginig ang kamay ko na patayin si Francis, naisip ko.

Ngunit tela mas nanginig ang buo kong katawan. "A-Ahm, a-ako nalang, hindi kasi ako komportable na nasa likod ka," nauutal kong sambit. 

Paano ba naman eh magkadikit na magkadikit ang aming katawan, ramdam na ramdam ko ang matigas na bagay na parang tumutusok sa aking  pwet. Tela nakukuryente ang buo kong katawan dahil sa matigas na bagay na iyon.

"Oh! Sorry,” aniya at bahagya na siyang lumayo sa akin. 

“Hhmmmm!” Tikhim ko.

Tumabi siya sa akin at tinuro ang lata na nagsisilbing target. 

"Sige subukan mo ulit targetin ang isang lata," utos niya sa akin habang tinuturo ang isang lata.

Inangat ko naman ang dalawa kong kamay habang hawak pa rin ang baril at tinutok ko ito sa target saka ko pinutok ang baril. 

Napangiti ako ng tamaan ko ang isang lata, napa palakpak naman siya na tela humanga sa akin. 

"Sige go, magsanay ka para gumaling ka mag asinta ng kalaban," utos pa niya sa akin.

***VINCENT***

Hindi ko maintindihan kung paano ko nagawa na  turuang bumaril si Shariena kahit alam kong masama iyon. Naisip ko na lamang na mabuti na rin yun para may self defence siya kung sakaling dumating ang araw na iyon.

Ilang minuto ang lumipas at kasalukuyan kaming nagpapahinga sa isang medyo mahaba na bangko dito sa loob ng warehouse, ng maalala ko na bago pala kami tumuloy dito ay dumaan muna ako sa isang convenience store para bumili ng beer in can.

Tumayo ako para kunin sa bag ang beer, hinugot ko sa bag ang anim na perasong beer na naka supot at may kasama itong dalawang klase ng potato chips.

Inilapag ko ito sa bilog na mesa na gawa sa kahoy. 

"Beer? Let's pass the time while resting," alok ko kay Shariena. 

Bigla siyang nag angat ng ulo at tumingin sa akin at  umiling habang nakangiti.

"Uhmm, it looks like you need a strong plea before you can get me to drink that," saad niya sa akin.

Bigla naman akong napahilot sa aking sintido, hindi ko naalala na mga branded whisky pala ang iniinom niya. 

Naekwento niya pala sa akin na isa siyang heridera, lumaki siya na mayaman na lahat ng luho ay nakukuha niya, binibigay ang lahat ng kanyang magulang, kaya naman hindi ito sanay sa mga mumurahing pagkain at inumin, tulad ng beer. Ayon sa kanya. 

"Sorry, but just try it, you might like it, the beer is okay. The only problem is that it is not cold anymore," saad ko.

Pagka sambit ko ay kumuha ako ng isang latang beer at binuksan ko ito, sumirit pa ang laman dahil siguro naalog ito kaya naman ay napailag siya ng bahagya dahil medyo natalsikan siya ng beer.

"Oops.. I’m sorry,” natatawa akong napatingin sa kanya. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 34

    “Hello mommy?” “Anak, kumusta ka na diyan?” “I'm okay mommy, I have good news for you mom.”“Ano yun anak?”“I'm the top student mom!” Masaya nitong balita sa akin. “Wow, congratulations baby! Siguradong matutuwa ang daddy mo nito anak…” “Mom!” “Sorry, anak… namimiss ko na ang daddy mo eh.” “Mom, I told you so many times that daddy is dead, okay? Wala na si Daddy kaya wag mo na siya banggitin.” “I'm sorry anak, diko lang mapigilan kasi.” “Okay, so mommy… I want you to come here on my Graduation day, okay, please tell lolo Francis.” “Okay baby,” para na naman pinagsakluban ng langit at lupa ang aking kalooban. Naging magaan ang pakiramdam ni Viana kay Francis dahil simula ng ikulong kami ni Francis ay naging magaan nga ang aming buhay kasama siya. Naging mabait siya sa anak ko, itinuring niya itong tunay na apo. Sa akin naman ay naging mahinahon siya, oo nga at bawal kaming lumabas sa hacienda pero pwede kaming gumala sa loob ng hacienda. Simula ng mag highschool si Viana ay

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 33

    Napahaba ang usapan namin ni Hugo Renante at Jessa, sa una ay naging malungkot hanggang sa napalitan na ito ng tuwa at tawanan. Ramdam ko pa rin ang hirap at sakit na pinagdaanan ni Hugo sa kamay ni Francis. Ang buong akala ko noon ay naging kakampi si Hugo ni Francis, ngunit nagkamali ako. Kailangan lang pala sumunod ni Hugo sa mga utos ni Francis para mabuhay siya hanggang sa makawala sa kamay ng walang puso na si Francis. “Oh, pano? Mauna na ako… Renante, ako na ang bahala sa inyo. Mag-ingat kayo dito, babalik na ako sa mag-ina ko.” Nagpaalam ako sa kanila matapos ko silang ihatid sa condo, bumili ako ng condo unit na sakto sa kanilang tatlo at maging komportable silang makakapag pahinga. Malaki ang tuwa ni Renante ng malaman na mag-ama kami ni Hugo, labis ang kanyang pag iyak dahil natupad na ang hiling niya para sa kanyang kinikilalang tatay ngayon. “Maraming salamat po boss, pasensya na po kayo kung pinagnakawan ko ang inyong hardware, hayaan mo at makakabawi din ako sa mga n

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 32

    Habang pabalik sa school ni Viana ay nakatanggap ako ng tawag mula sa manager ng aking hardware. Sinagot ko ang tawag, “yes, Remon?” “Boss, kailangan mong pumunta dito sa hardware ngayon. Si Renante,” sabi nito sa kabilang linya. Sa tono ng salita nito ay parang may malaking problema na nagaganap ngayon sa hardware. Agad kong kinabig ang manibela at nag U-turn ako para makabalik sa street kung saan patungo sa aking hardware. Ilang minuto lang ay narating ko ang hardware. Habang tahimik lang si Shariena na nakasunod sa akin. Sa isang malaking gusali na may pangalang Quinn Hardware ay nagmamadali akong pumasok. “Boss,” bulalas ni Remon ng makita ako. Nakahawak ang mga kamay nito sa magkabilang tagiliran at tila galit. Nakita ko naman si Renante sa labas ng office na nakatayo at nakayuko lang. Agad na akong nag tanong, “anong problema Remon?” “E… boss, nahuli ko si Renante na nagpupuslit ng mga alambre. Hindi niya siguro alam na may cctv dito. Alam ko rin kung iilan lang ang d

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 31

    VINCENT Kasalukuyan kaming tatlo nasa living room habang ako ay abala sa pag s-scroll sa social media gamit ang aking laptop. Nang may dumaan sa news feed ko na balita. Dala ng curiosity ay n-play ko ito. Isa itong balita mula sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa public market. May isang babaeng reporter ang nagsasalita mula sa screen, may mga mamimili rin sa kanyang likuran. Ngunit habang ako ay nanonood ay may napansin akong isang tao na hindi ko makakalimutan ang mukha, five years ago. Ilang beses kong inulit-ulit ang tagpong iyon sa naturang video para masiguro ko na siya nga ang taong iyon. N-pause ko ang video at i-zoom ko ang screen. Nanlaki ang aking mata dahil sa gulat. Siya nga; siya nga ang lalaking iyon. Kahit naka sumbrero siya ay kilalang-kilala ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha, ang mukha ni Hugo Branson. Ang aking amo noon. Pero bakit siya naroon? Bakit parang napakalayo na ng itsura nito kumpara noon? Napaka-luma na ng damit niya? May hawak siyang gulay na s

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 30

    JESSA“Mom,” umiiyak ako sa puntod ng aking ina. “Nakita ko na siya,” nakangiti ako ngunit patuloy na lumuluha. Hinahaplos-haplos ko ang larawan ng aking ina na nakapatong sa puntod nito habang umiiyak. Muli ko na naman naalala ang nakaraan bago nalagutan ng hininga ang aking mommy. Namatay siya sa sakit na cancer, ginawa ni daddy ang lahat ng paraan para gumaling siya pero kahit milyon na ang nagastos noon ay hindi talaga gumaling si mommy. Hanggang sa dumating ang araw na kahit hirap siyang magsalita ay nagawa pa niyang mamaalam sa akin. “Anak,” sabi niya. Meron siyang tinuturo. “Mommy, ‘wag ka na magsalita, mas lalo kang mahihirapan pag pinilit mo pang magsalita…” umiiyak ako dahil sa awa sa kalagayan ng aking ina. “Ku-kunin mo a-ang bag ko,” hirap niyang sabi sa mahinang boses habang tinuturo ang kanyang bag na nasa sofa dito sa loob ng kanyang kwarto dito sa ospital. Tumayo ako at nagtataka na kinuha ang kanyang bag na hindi iniiwan kahit saan siya mapunta. “Ku-kunin mo a

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 29

    SHARIENA“Mommy, mommy… can i have this one?” Napatingin ako sa batang babae habang hinihila ang laylayan ng aking t-shirt at tila nagmamakaawa na bilhin ang hawak nitong food for kids na popping candy with lollipop. “Princes, that's unhealthy food,” sabi ko at hinawakan ko ang kanyang kaliwang pisngi at hinaplos ito. “But mommy I want to try this, I saw this on the internet yesterday,” bagsak balikat niyang sabi. “Sorry na bakla, ayaw kasi makinig sa akin eh,” nakanguso at kumakamot naman sa ulo na sabi ni Dave. Ang kaibigan kong bakla. “Please mommy…” pagmamakaawa niya sakin. Pinagdikit pa ang magkabilang palad niya na parang nagdadasal na pagbigyan ang kanyang hiling. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at itinaas bahagya ang aking suot na sumbrerong itim at sinuklay pataas ang aking nakalugay na mahabang buhok pagkatapos ay sinuot ko rin ang aking sumbrero sa ulo. “Okay baby, but only this time ha? Sa susunod hindi na ako papayag,” desmayado kong tugon sa aking anak n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status