เข้าสู่ระบบThey were secretly married for two years and she held onto her foolish thought that maybe her husband will eventually love her, but that hope shattered when he handed her a divorce agreement. “She’s back.” Just two words but that left her shattered into pieces. Ni hindi na niya nagawa pang sabihin dito ang kanyang pagbubuntis at umalis. Eight years later, they met again as her new CEO. The funny thing part? He saw their child unexpectedly. “Tell me, is he our son?” Hindi niya alam ang gagawin niya ng mga oras na iyon, pero may dahilan ba para aminin niya na anak nila ito? Wala. “No, he’s not.” Wala siyang balak na aminin ang totoo but life had always unexpected turns, lihim itong nagpa-DNA test at doon siya nahuli. “Your coming with me o ilalayo ko sayo ang anak natin, mamili ka.” Handa ba siyang itaya ang puso niya na minsan na nitong winasak alang-alang sa anak nila?
ดูเพิ่มเติม“Sign this…” ibinaba ni Logan ang isang papel sa harapan niya. She was smiling minutes ago, pero ang ngiti sa mga labi ay dahan-dahang naglaho. Pinulot niya ang papel na inabot nito. Divorce agreement ang nakalagay doon.
A sudden pain flick into her chest. Masaya siya kanina bago siya umupo sa harap ng mesa dahil sa wakas ay buntis na siya pagkatapos ng dalawang taon nilang pagsasama ng kanyang asawa. Gulat at pagtataka ang naramdaman niya ng mga oras na iyon. Ibinuka niya ang kanyang bibig ngunit walang salita ang lumabas mula rito.
“She’s back.” dalawang salita lang ang sinabi nito ngunit parang daan-daang kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya.
“Ah, is that so?” mapakla siyang ngumiti at halos manginig ang kamay niyang dinampot ang ballpen na nasa ibabaw ng papel.
Parang ayaw gumalaw ng kamay niya ngunit sa huli ay nagawa niya pa ring pirmahan ang tapat ng pangalan niya. Pagkatapos niyang pumirma ay nagawa niya pang ngumiti rito. “Can I excuse myself? Medyo masama ang pakiramdam ko.” sabi niya at bago pa man ito makasagot ay tumayo na siya saka tumalikod.
Nakaisang hakbang pa lang siya ay ngunit tumulo na kaagad ang luha sa kanyang mga mata. Dalawang taon na silang kasal at alam niya sa sarili niya na una pa lang, ang kasal na namagitan sa kanila ay dahil lang sa isang kontrata. Dalawang taon lang sila magsasama bilang mag-asawa ngunit sa panahong iyon ay umasa siya na mamahalin siya ng lalaki dahil siya ay nahulog na rito matagal na.
Akala niya ay may nararamdaman din ito para sa kanya ngunit mali pala siya. Kahit na may naririnig siyang mga salita galing sa ibang tao ay hindi niya pinakinggan dahil ang buong akala niya nga ay matututunan siya nitong mahalin. Bukod pa doon ay umasa siya na kapag sinabi niya rito ang magandang balita ay baka sakaling magbago ito ngunit paano niya pa sasabihin dito ngayon ang tungkol sa pagbubuntis niya?
Ni hindi na siya lumingon para tuloy-tuloy na naglakad hanggang sa makarating siya sa kanyang silid, oo, may sarili siyang silid. Hindi siya natutulog sa masters bedroom dahil saka lang siya nagpupunta doon kapag kailangan siya ni Logan.
Dahan dahan siyang dumausdos sa nakasarang pinto. Napatakip siya sa kanyang bibig para supilin ang kanyang mga hikbi. Tama naman na pirmahan niya ang divorce agreement hindi ba? Lalo at alam niyang hindi siya nito mahal. Magpapakalayo-layo na lang siya lalo na at walang naman siyang pamilyang uuwian na.
Bubuhayin niya na lang mag-isa anak niya at wala siyang balak na ipaalam ito kay Logan dahil alam niyang hindi rin nito matatanggap ang bata.
********
“Anak, huwag kang malikot dito sa school huh? Palagi kang makinig kay Teacher.” bilin ni Kayla sa anak niyang si Brix. pitong taong gulang na to at nasa grade one na. Ito ang unang araw nitong pumasok kaya medyo excited siya sa totoo lang na medyo kinakabahan. Paano naman kasi ay napakapilyo ng anak niya na hindi niya alam kung saan nagmana.
Tumango lang ito. “Promise?” tanong niya ulit dito.
Muli lang itong tumango at pagkatapos ay hinalikan na niya ito sa pisngi at nagpaalam.
Hinintay niya munang makapasok sa classroom ang kanyang anak bago tuluyang magmadali para sumakay sa kanyang kotse. Kailangan niyang habulin ang oras dahil medyo late na siya. Nagtatrabaho siya bilang isa sa mga sekretarya ng Central Corporation.
Sa araw na iyon ay darating ang bagong CEO ng kumpanya na hindi pa nila pinangalanan kaya kailangang maging maaga ng lahat. Napatingin siya sa kanyang suot na relo at halos mapamura dahil late na siya. Ito pa naman ang unang araw ng bago nilang boss! Baka mamaya ay tanggalin siya nito bigla sa trabaho at hindi pwedeng mangyari iyon dahil doon lang siya kumukuha ng panggastos nila ng anak niya.
Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone kung saan ay dali-dali niya itong kinuha mula sa kanyang bag at sinagot. Ang tawag ay galing kay Kelly, ang kapwa niya sekretarya sa kumpanya.
“Nasan ka na ba? Alam mo naman na ngayon ang dating ng bagong CEO diba? Mamaya pagalitan ka na naman ni Miss Anne. alam mo namang sobra ang galit nun sayo.” sabi nito sa kaniya. Well, masasabi niya na isa na ito sa mga naging kaibigan niya sa tagal niyang nagtatrabaho sa kumpanya kaya alam niyang concern lang ito sa kaniya.
Hindi niya ba kasi alam kung anong meron sa kaniya at napaka init ng dugo ng babaeng iyon sa kaniya, na para bang kapag nakikita siya nito ay kumukulo na kaagad ang dugo nito sa kaniya. Maraming beses na rin nitong tinangka na tanggalin siya sa trabaho ngunit palagi itong bigo at ngayon na iba ang kanilang boss ay tiyak na malaki ang posibilidad na baka matanggal na siya lalo na at mas mataas ito sa kaniya.
Napa buntong hininga ng na lang wala sa oras si Kayla. “Hayaan mo siya. Hinatid ko pa kasi sa school si Brix. alam mo naman na first day niya ngayon, ayoko naman na maramdaman ng anak ko na palagi akong walang time para sa kaniya.” sagot niya rito.
“Sige na, bilisan mo na lang okay?” sabi nito bago tuluyang ibinaba ang tawag. Dahil dito ay mas binilisan lang naman ni Kayla ang pagpapatakbo ng kanyang kotse sa kahabaan ng highway ngunit dahil nga rush hour ng mga oras na iyon ay medyo nahirapan talaga siya na sumingit.
“Shit, hindi ako dapat ma-late ngayon!” bulalas niya habang kinakabahan.
Pag-uwi ni Kayla at ng anak niya ay hindi na sila nakapag-usap pa dahil kaagad na itong nagpunta sa kwarto nito at sinabiing matutulog na. Napa buntong hinina na lang talaga si Kayla dahil pakiramdam niya ay lumalaki at tumatanda na talaga ang anak niya. Parang unti-unti na rin itong nagbabago. Hindi na lang siya nagsalita sa halip ay kaagad siyang nag-post sa f@cebook kung sino ang pwede niyang makuhang kasama sa bahay.Kailangang kailangan na niya ngayon ng kasama dahil nga sa magiging busy na siya kung sakali. Bukas ay mag-uumpisa na siya bilang isang opisyal na sekretarya ni Logan. Napahilamos siya sa kanyang mukha at ngayon pa lang ay parang gusto na niyang pagsisihan ang ginawa niyang pagpayag sa gusto ng lalaki.Pero iniisip niya kasi si Brix lalo na ang future nito. Pagod siyang napasandal sa sofa. Wala naman siya gaanong ginawa sa opisina ngunit pagod na pagod siya. Napa buntong hininga na lang na naman tuloy siya. Ni hindi niya nagawang makipag-usap kay Xander dahil medyo na
Kanina pa hindi mapakali si Kayla mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya kaya hindi siya komportable. Kahit na kwento ng kwento si Xander sa kaniya ay hindi niya magawang mag-enjoy. Napakaraming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon sa totoo lang.Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang anak niya tungkol sa pagsagot niya kay Xander. Kung kailan naman buo na ang loob niya ay saka naman mukhang nagdadalawang isip ang anak niya. Pag-uwi nila mamaya ay kakausapin niya ng mabuti ang anak niya. Hindi niya pa pwedeng sagutin si Xander ngayon katulad ng napagplanuhan niya kanina.“Is the food not to your liking?” tanong ni Xander sa kaniya ng mapansin nitong hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya. Nagulat siya kaya sa halip ay ngumiti na lang siya ng bahagya. “Ah, hindi naman sa ganun. Medyo madami lang akong iniisip.” sagot niya.Napuno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Nahihirapan ka ba sa t
Napatigil sa paghakbang si Kayla ng marinig niya ang tanong ni Logan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito ng mga oras na iyon. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras e di sana ay hindi na niya hinayaan ang anak niya pagala-gala kanina. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung aalis siya at hindi ito sasagutin ay baka mas lalo pa itong mag suspetsa kaya haharapin niya na lang ito. Umikot siya at hinarap ang lalaki saka ngumiti. “Bakit mo naman nasabi na anak natin siya? Ikaw lang ba ang lalaking pwedeng maging ama ng anak ko?” tanong niya rito na puno ng panunuya. Pinilit niyang maging matapang sa harapan nito kahit na ang totoo ay halos matumba na siya dahil dahan-dahan ng nangangatog ang mga tuhod niya. “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko para magtanong ka ng ganyan?” ngumiti siya at napuno ng lamig ang mga mata. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay ay bahagya
“Nandito ako sa baba.” sabi ni Xander kay Kayla. Pagkasabi lang nito iyon ay ibinaba na nito ang tawag kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumaba. Napakarami niyang trabaho sa totoo lang at halos hindi na nga siya makatayo mula sa kanyang upuan pero bigla na lang tumawag ang lalaki at sinabi nitong nasa baba ito. Si Xander ay isang taon na niyang manliligaw. Mabait naman ito at gwapo, higit sa lahat ay tanggap nito si Brix at ilang beses na rin itong nakita ni Brix. wala namang problema sa kaniya at ilang beses na siyang sinusulsulan ni Kelly na sagutin na ito pero hindi niya pa rin magawang sagutin ito. “Hi!” kaagad na bati nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang bulaklak na hawak nito. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at at tinanggap ang bulaklak. “Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa Xander.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba, you deserve more than that.” sabi nito sa kaniya. “Here.” ma












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.