Share

Chapter 3

Author: Miss Virgo
last update Last Updated: 2023-07-14 07:22:01

Hindi ko man tiyak na magagawa ko ang aking trabaho ng walang palya ay gagawin ko na lamang ang lahat para magampanan ko ng maayos ang aking trabaho. Buhay ko ang nakataya dito.

Malalim ang aking iniisip ng mahinto ako sa isang park. Naisip kong tingnan ang envelope sa loob ng aking bag, pinag-aralan ko ang bawat detalye ng target, maigi ko rin pinagmasdan ang litrato ng lalaki. Pinagmasdan ko ito hanggang sa mamemorya ko ang itsura nito.

May edad na ito, at sa tantya ko ay nasa ika anim naputlimang taong gulang na ito at nag ngangalang Francis Villaruel. Sa Pampanga nakatira. Isang malaking hasyenda ang kinatitirikan ng mansyon nito at napapalibutan ng CCTV ang bawat sulok ng pader ng mansyon. Meron din itong ilang grupo ng mga tauhan na beynte kwatro oras nakabantay sa mansyon.

Kaya napaka labong makalusot ako upang makapasok ng mansyon, pero kung ito ay lalabas sa lungga ay posible na magagawa ko ang aking misyon.

Muli kong itinago ang papel sa aking bag at sumakay na ng motor saka pinaandar ito. Malayo ang iniisip ko habang nagmamaneho, kailangan kong maghanda sa panibagong misyon na aking haharapin, hindi ito madali kaya kailangan kong pag igihan ang pag eensayo. 

Naisipan kong pumunta sa gym na pag aari ng aking kaibigan dahil nais ko siyang kausapin. Bago ako tumuloy sa gym ay kumuha muna ako ng ilang damit na bihisan ko sa aking condo bago nagtungo sa gym.

"O sir, welcome back. Akala ko ba ay nasa bakasyon ka?" Nagtatakang tanong sa akin ng isang trainor ng gym na lagi kong nakakausap, si Joe.

"Nagbago isip ko ehh,"  nakangiti kong bero dito at nakipag aper ako bago nagtuloy sa loob.

“Nandito ba siya?” Muli akong bumaling sa kanya.

“Wala pa sir eh,” aniya. 

Pinulot ko ang dalawang dumbell na tig sampung kilo ang bigat bawat isa pagka lapag ko ng aking bag. Pag tayo ko ay may dumaan na babae sa aking harapan, may bitbit itong bag na may kalakihan. Seryoso ang mukha ng dumiritso ito sa locker room, sinundan ko pa ito ng tingin dahil pamilyar ang mukha ng babae, pilit kong inaaala kung saan ko ito nakita. 

Maya-maya ay bumalik ang babae, napapanganga ako sa kaseksihan nito. Nakatali ang lagpas balikat nitong buhok na blonde at nakasuot ito ng kulay itim na ligings at itim na bralet, itim din ang sapatos nito. Sumakay sa treadmill machine at nag umpisang naglakad, nakatingin lang ako dito habang kinikilala ang babae. 

Nang bigla kong naalala ang babaeng naka one night stand ko sa aking condo, siya nga ang babae na iyon. Napangiti ako at lumapit ako sa katabing treadmill at sumakay din, nagkunwaring maglakad ng mabagal. Saglit akong nakiramdam bago magsalita.

"Hi, do you remember me?" Tanong ko sa babae. Ngunit hindi niya ako pinansin, tumatakbo na ito at pabilis ng pabilis ang pag takbo nito. 

Napangiti ako ng napansin ko na naka earpad pala ito, kaya pala hindi ako narinig. Maaaring hindi niya ako nakilala o kaya hindi siya maka alala dahil lasing ito noong gabing iyon.

"Shariena...!!" Tili ng isang bakla na patakbong lumapit sa babae. Agad naman nag tanggal ng earpad ang dalaga at pinahinto ang treadmill, bumaba ito at nakipag yakapan sa bakla.

"Bakit ang tagal mo bakla?" Tanong nito sa bakla at pinulot ang tumbler at uminom ng tubig. Nang mag angat ito ng ulo para uminom ay napalunok ako ng aking laway dahil sa kinis ng leeg nito.

"Hay nako, alam mo naman ang parents ko strict," sambit ng bakla pagkatapos ay nagtatawanan sila.

"Ikaw talaga.... nakuha mo pa talagang mag bero. Magbihis ka na nga para makapag pa sexy ka na," bahagya pa itong itinulak ng babae para umalis dahil nakasuot ito ng pang opisina na damit. Halatang kaka galing lang sa trabaho.

"Teka.... hi pogi pwedeng pa himas." Sambit nito ng balingan ako.

Akma na sana na lalapit ang bakla sa akin ngunit hinila ito ng dalaga. Siguro ay naakit ko ang bakla sa macho kong katawan, “Teka macho nga ba ako?” Napailing na lang ako sa aking naisip. Labas kasi ang abs ko at muscle sa aking suot na sando na kulay abo at itim na jagger pants.

"Hoy, bakla mahiya ka naman sa tao. Bilisan mo na, magbibihis na lang lumalandi pa!" 

Muli nitong itinulak ang bakla at tumingin sa akin, nakita ko ang paglunok ng laway ng babae ng humarap ito sa akin.

"Tulo mo lumalaway! Baklang to akala mo kung sinong malandi, ikaw rin naman!" 

Humagalpak ng tawa ang bakla saka kumaripas ng takbo bago pa ito mahampas ng dalaga. 

Bumalik sa treadmill ang dalaga at nag umpisa itong muling mag lakad sa treadmill ng dahan-dahan habang napapalingon sa gawi ko, nginingitian ko naman ito kapag nagtatama ang aming paningin. 

******************

Kinabukasan ay bumalik ako ulit sa gym dahil hindi nakarating si Brandon kahapon, ngunit natuwa ako ng makita ko ulit ang babae sa gym. Mag isa lang ito at wala ang bakla nitong kaibigan.

"Hi Shariena, hindi mo yata kasama ang kaibigan mo?" saad ko sa dalaga.

Napatingin naman sa akin ang dalaga.

“Ha? Ako ba ang tinatanong mo?” 

Tumango-tango ako habang nakangiti.

"Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Ah yun ba, narinig ko kasi kahapon na binanggit ng kaibigan mong bakla ang pangalan mo," tugon ko habang itinuturo pa ang kamay niya sa entrance ng gym.

"Ah okay, may lakad lang si Dave, marami kasing raket yun." Saad niya kahit hindi ko naman tinanong kung nasaan ang kanyang kaibigang bakla.

"Pwede ba magtanong?" Sambit ko habang bahagya akong lumapit sa dalaga.

"Yes of course," agad naman siya sumang ayon.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong ko sa kanya.

"What!? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito sa akin.

"Noong gabi na lasing na lasing ka, sa bar? Hindi mo yun natandaan?" 

Napa awang ang kanyang bibig habang namimilog ang mata na nakatingin sa akin. Maya-maya ay napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

"You mean, that night? Ikaw…?!" Hindi makapaniwala na sambit niya.

"Yes, I'm the one. I'm sorry …for that night, medyo naka inom din ako noon kaya di ako nakapag control sa aking sarili." Saad ko.

"It's okay, ako naman ang nag umpisa," nahihiya nitong sambit. Nakayuko ang kanyang mukha, tela hindi ito makatingin ng diretso sa akin.

"Ibig mong sabihin naalala mo yung gabing may nangyari sa atin pero hindi mo natandaan ang mukha ko?" Takang tanong ko sa dalaga.

Tango lang ang naging sagot niya. "Really?! Paano mo nagawa ang bagay na  yun, i mean bakit mo naman ginawa yun? Ang halikan ako bigla, lalaki ako. You know what I mean," Dugtong ko pang tanong sa kanya.

"Gusto ko lang naman na libangin ang sarili ko,” aniya. 

“As in naglilibang ka lang?” 

Tumango-tango siya. “Saka nakipag pustahan kasi ako sa barkada ko," nahihiya nitong kwento sa akin. "Sabi nila.... kapag daw birhen pa ang isang babae ay hindi pa raw ganap na dalaga," kibit balikat nitong dugtong.

"At naniwala ka naman?" Napapa iling kong tanong sa kanya, habang nakayuko siya at hindi makuhang tignan ako. "Paano kung doon ka nasama sa dalawang lalaki na gustong maka score sayo? Idi mas lalo kang napahamak!" Dugtong ko pa.

"Hindi ko nga akalain na magagawa ko ang bagay na iyon, siguro dala na rin sa mga kinakaharap kong problema at lasing na rin ako nun," saad nito na tela may lungkot na naramdaman. 

"Hindi naman yun solusyon sa problema, kahit anong problema pa iyon hindi mo dapat isa-alang-alang ang katawan mo para lang mapatunayan mo na ganap ka ng dalaga.” Sambit ko. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. “Tulad ko na uhaw rin sa sex, paano kung masamang tao ako o ang naka-siping mo nang gabing iyon at gawan ka ng masama?" Dagdag ko pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
8514anysia
oh ayan magkakilala n kau
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 34

    “Hello mommy?” “Anak, kumusta ka na diyan?” “I'm okay mommy, I have good news for you mom.”“Ano yun anak?”“I'm the top student mom!” Masaya nitong balita sa akin. “Wow, congratulations baby! Siguradong matutuwa ang daddy mo nito anak…” “Mom!” “Sorry, anak… namimiss ko na ang daddy mo eh.” “Mom, I told you so many times that daddy is dead, okay? Wala na si Daddy kaya wag mo na siya banggitin.” “I'm sorry anak, diko lang mapigilan kasi.” “Okay, so mommy… I want you to come here on my Graduation day, okay, please tell lolo Francis.” “Okay baby,” para na naman pinagsakluban ng langit at lupa ang aking kalooban. Naging magaan ang pakiramdam ni Viana kay Francis dahil simula ng ikulong kami ni Francis ay naging magaan nga ang aming buhay kasama siya. Naging mabait siya sa anak ko, itinuring niya itong tunay na apo. Sa akin naman ay naging mahinahon siya, oo nga at bawal kaming lumabas sa hacienda pero pwede kaming gumala sa loob ng hacienda. Simula ng mag highschool si Viana ay

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 33

    Napahaba ang usapan namin ni Hugo Renante at Jessa, sa una ay naging malungkot hanggang sa napalitan na ito ng tuwa at tawanan. Ramdam ko pa rin ang hirap at sakit na pinagdaanan ni Hugo sa kamay ni Francis. Ang buong akala ko noon ay naging kakampi si Hugo ni Francis, ngunit nagkamali ako. Kailangan lang pala sumunod ni Hugo sa mga utos ni Francis para mabuhay siya hanggang sa makawala sa kamay ng walang puso na si Francis. “Oh, pano? Mauna na ako… Renante, ako na ang bahala sa inyo. Mag-ingat kayo dito, babalik na ako sa mag-ina ko.” Nagpaalam ako sa kanila matapos ko silang ihatid sa condo, bumili ako ng condo unit na sakto sa kanilang tatlo at maging komportable silang makakapag pahinga. Malaki ang tuwa ni Renante ng malaman na mag-ama kami ni Hugo, labis ang kanyang pag iyak dahil natupad na ang hiling niya para sa kanyang kinikilalang tatay ngayon. “Maraming salamat po boss, pasensya na po kayo kung pinagnakawan ko ang inyong hardware, hayaan mo at makakabawi din ako sa mga n

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 32

    Habang pabalik sa school ni Viana ay nakatanggap ako ng tawag mula sa manager ng aking hardware. Sinagot ko ang tawag, “yes, Remon?” “Boss, kailangan mong pumunta dito sa hardware ngayon. Si Renante,” sabi nito sa kabilang linya. Sa tono ng salita nito ay parang may malaking problema na nagaganap ngayon sa hardware. Agad kong kinabig ang manibela at nag U-turn ako para makabalik sa street kung saan patungo sa aking hardware. Ilang minuto lang ay narating ko ang hardware. Habang tahimik lang si Shariena na nakasunod sa akin. Sa isang malaking gusali na may pangalang Quinn Hardware ay nagmamadali akong pumasok. “Boss,” bulalas ni Remon ng makita ako. Nakahawak ang mga kamay nito sa magkabilang tagiliran at tila galit. Nakita ko naman si Renante sa labas ng office na nakatayo at nakayuko lang. Agad na akong nag tanong, “anong problema Remon?” “E… boss, nahuli ko si Renante na nagpupuslit ng mga alambre. Hindi niya siguro alam na may cctv dito. Alam ko rin kung iilan lang ang d

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 31

    VINCENT Kasalukuyan kaming tatlo nasa living room habang ako ay abala sa pag s-scroll sa social media gamit ang aking laptop. Nang may dumaan sa news feed ko na balita. Dala ng curiosity ay n-play ko ito. Isa itong balita mula sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa public market. May isang babaeng reporter ang nagsasalita mula sa screen, may mga mamimili rin sa kanyang likuran. Ngunit habang ako ay nanonood ay may napansin akong isang tao na hindi ko makakalimutan ang mukha, five years ago. Ilang beses kong inulit-ulit ang tagpong iyon sa naturang video para masiguro ko na siya nga ang taong iyon. N-pause ko ang video at i-zoom ko ang screen. Nanlaki ang aking mata dahil sa gulat. Siya nga; siya nga ang lalaking iyon. Kahit naka sumbrero siya ay kilalang-kilala ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha, ang mukha ni Hugo Branson. Ang aking amo noon. Pero bakit siya naroon? Bakit parang napakalayo na ng itsura nito kumpara noon? Napaka-luma na ng damit niya? May hawak siyang gulay na s

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 30

    JESSA“Mom,” umiiyak ako sa puntod ng aking ina. “Nakita ko na siya,” nakangiti ako ngunit patuloy na lumuluha. Hinahaplos-haplos ko ang larawan ng aking ina na nakapatong sa puntod nito habang umiiyak. Muli ko na naman naalala ang nakaraan bago nalagutan ng hininga ang aking mommy. Namatay siya sa sakit na cancer, ginawa ni daddy ang lahat ng paraan para gumaling siya pero kahit milyon na ang nagastos noon ay hindi talaga gumaling si mommy. Hanggang sa dumating ang araw na kahit hirap siyang magsalita ay nagawa pa niyang mamaalam sa akin. “Anak,” sabi niya. Meron siyang tinuturo. “Mommy, ‘wag ka na magsalita, mas lalo kang mahihirapan pag pinilit mo pang magsalita…” umiiyak ako dahil sa awa sa kalagayan ng aking ina. “Ku-kunin mo a-ang bag ko,” hirap niyang sabi sa mahinang boses habang tinuturo ang kanyang bag na nasa sofa dito sa loob ng kanyang kwarto dito sa ospital. Tumayo ako at nagtataka na kinuha ang kanyang bag na hindi iniiwan kahit saan siya mapunta. “Ku-kunin mo a

  • Vincent HITMAN AGENT    Chapter 29

    SHARIENA“Mommy, mommy… can i have this one?” Napatingin ako sa batang babae habang hinihila ang laylayan ng aking t-shirt at tila nagmamakaawa na bilhin ang hawak nitong food for kids na popping candy with lollipop. “Princes, that's unhealthy food,” sabi ko at hinawakan ko ang kanyang kaliwang pisngi at hinaplos ito. “But mommy I want to try this, I saw this on the internet yesterday,” bagsak balikat niyang sabi. “Sorry na bakla, ayaw kasi makinig sa akin eh,” nakanguso at kumakamot naman sa ulo na sabi ni Dave. Ang kaibigan kong bakla. “Please mommy…” pagmamakaawa niya sakin. Pinagdikit pa ang magkabilang palad niya na parang nagdadasal na pagbigyan ang kanyang hiling. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at itinaas bahagya ang aking suot na sumbrerong itim at sinuklay pataas ang aking nakalugay na mahabang buhok pagkatapos ay sinuot ko rin ang aking sumbrero sa ulo. “Okay baby, but only this time ha? Sa susunod hindi na ako papayag,” desmayado kong tugon sa aking anak n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status