Home / All / Virginian High School / Chapter 1: Welcomed By Maniacs

Share

Chapter 1: Welcomed By Maniacs

Author: Devilheart24
last update Last Updated: 2021-08-26 11:04:58

Tell me something, girl.

Are you happy in this modern world?

Or do you need more?

Is there something else you've searching for...

"Kirsten? Ma'am?"

Uh. I rolled my eyes as I heard the maid knocking on the door. I stopped the music I am playing and got myself up.

I opened the door and saw the maid holding all the luggage that I will be using for moving tomorrow.

"Ma'am, iniutos po sa'kin ng Mama niyo na dito mo daw po ilagay ang mga gamit mo."

Tumango ako dito at kinuha ang bitbit nito.

Isang pulang maleta na di gaano ang laki at isang backpack.

"Tsaka po pala, ipinapaabot din po pala ito ng Mama niyo," aniya sabay abot sa'kin ng isang folder.

Kinuha ko iyon at agad na tinignan ang nilalaman.

Pagkabukas ko no'n ay agad na bumungad sa'kin ang salitang Virginian High School

"Mamaya po ay maaga daw po kayong aalis ni kuya Buboy para ihatid kayo sa bagong eskwelahan niyo po." Tinutukoy nito ang family driver namin.

I raised my eyebrow as an answer.

Mayamaya pa'y nagpaalam na din ito at saka umalis.

Inihagis ko 'yung folder sa kama ko at saka nagsimulang ayusin ang mga gamit ko. After several hours, natapos din ako sa mga ginagawa ko. I checked the time and it's already nine o'clock in the evening.

Habang nakahiga ako, sumagi sa isip ko kung bakit ako lilipat ng school.

It's already July, and last June pa nag-start ang classes. Not after that incident happened. Buong akala ko no'ng una, wala nang tatanggap na eskwelahan sa'kin but NO. My mom always had the power to enroll me kahit ilang beses na akong nai-expelled sa mga eskwelahang pinapasukan ko.

"You know what, Kirsten. Hindi ko lubos akalain na lalaki kang ganyan. We did everything to raised you well. But what? You always keep on disappointing us. One last mistake, Kirsten, or else pagsisisihan kong naging anak pa kita."

Tumulo ang luha ko nang muling rumehistro sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Mama kanina.

Can I blame myself for what I've done? I just protected myself from those bullies in school. I did what they deserved.

Tahimik akong tao, pero 'pag ako ang kinakanti, lumalaban ako. At yung ang problema ko, madalas nakikita ni Mama ay kung ano ang ginawa ko. Ni hindi niya ako tinanong kung bakit ko 'yon ginawa.

Bumuntong hininga na lamang ako at pinunasan ang luha ko.

Once I enter Virginian High, I promise to bring a lot of patience and ignore those people who will mess with me. Not now that my mom already gave me a one last chance.

KINAUMAGAHAN, maaga akong gumising. I did my daily routines and started to pack up. Matapos no'n ay pumunta na ako sa living room para tignan kung ando'n si Mama o kaya si Krizelle—my older sister slash my mom's favorite.

Pagkababa ko papunta sa salas, ay wala akong nadatnan ni anino nilang dalawa. Tanging maid lamang namin ang naroon.

"Umalis po sila kaninang madaling araw, Ma'am," ani maid sa'kin, wala pa man akong binabanggit.

So I can't bid a farewell to them?

Bumuntong-hininga na lang ako. Sabagay, sino ba ako sa kanila? Di naman nila ako mamimiss, eh. And aside from that, 9 months lang naman ako mawawala dito sa bahay because that school is a boarding school.

"Ma'am Kirsten..." tawag ni maid sa'kin. Nasa labas na ito ng bahay at daladala na rin nito ang lahat ng gagamitin ko. "Aalis na daw po kayo."

Sumunod na lang ako dito at muling binigyan ng sulyap ang hitsura ng bahay.

HABANG nasa byahe, pinipilit kong iwaglit sa isip ko kung bakit hindi man lang nagpakita si Mama sa'kin bago ako umalis. Ni ang pagsagot sa mga text messages at tawag ko ay di niya magawa. Gano'n na lang ba talaga ang galit niya sa'kin?

Instead of thinking of it, pinagtuunan ko na lang ng pansin yung folder na ibinigay ni nanny sa'kin kagabi.

I opened the first page and saw the name of the school. I turned it into the second page and saw the visions, missions, etc.  As I turned all the pages and read it, it was a boarding school where anything that we need are all in there. Once you enter, there is no turning back.

May nabasa pa ako, na ang school na 'yon ay para sa mga estudyante o teenagagers na hindi na kayang disiplinahin pa ng mga magulang nila. That's why the school was located in a secluded place.

It also said here that gadgets aren't allowed inside. To at least avoid contacts from the outside. And base on their missions and visions, asahan na mayroong matinding disiplina.

Sounds great. Really great. Damn!

How can my mom do this to me? Isipin ko palang, pakiramdam ko, hindi magiging sapat yung pasensyang babaunin ko ngayon.

Inilagay ko na yung folder sa bag ko, at no'n ko lang napansin na nakadikit na rin pala sa likod yung schedule ko.

Tumingin ako sa labas ng kotse at makulimlim ang langit. Ang daang dinadaanan namin ay mga bukirin na. Hindi rin ako pamilyar sa lugar. Kaya naman nagdesisyon muna akong magpahinga habang tinatahak namin ang daan papunta sa bago kong eskwelahan..

NAGISING na lamang ako nang maramdaman kong huminto na ang kotseng sinasakyan ko.

"Andito na tayo, Ma'am." Binuksan ng driver naming si kuya Buboy ang pintuan ng kotse.

Bumaba na ako ro'n. Pagkababa ko ay bumungad sa'kin ang isang malaking gate. Sa gitna n'on ay nakasulat ang pangalan ng eskwelahan, Virginian High School.

"Ito na ang simula ng bagong yugto ng buhay mo, Kirsten. Kaya mo 'to..."

Tatlong beses akong bumuntong hininga upang maibsan ang kabang bumabalot sa dibdib ko. Pagbukas ng gate na 'yan, paniguradong wala nang dahilan pa para umurong.

Patutunayan ko kay Mama na nagkakamali siya ng inakala sa'kin. Papatunayan ko sa kanyang ito na ang huling beses na magagalit siya sa'kin.

Naglakad na ako patungo sa gate ng eskwelahan. Isang security guard ang nasa gilid na siyang bumungad sa'kin. Sumunod din sa'kin si kuya Buboy daladala ang mga bagahe ko.

Sinipat ko saglit ang mukha ng security guard. Matipuno ang katawan nito at napakatangkad. Mayroon itong pilat sa bandang kanan ng mata niya. Maiitim ito, maging ang labi nito ay tuyot at itim.

Napalunok na lang ako dahil sa anyo nito ay mas lalo nitong dinoble ang kabang kanina ko pa nararamdaman pagkababa ko sa kotse.

"Ikaw ba si Kirsten Encarlight?" Malalim ang boses at maawtoridad na aniya.

Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni kuya Buboy.

"Siya nga. Narito ang mga gamit niya," ani kuya Buboy. "Nasabi sa'kin ng aking amo na hindi ako maaaring pumasok sa loob kaya't kayo na lamang ang magbantay sa alaga ko." Masayang dagdag pa nito.

Tumango na ang guard sa kanya. "Makakaasa kayo," wika nito. Ngumiti ito at lumitaw ang nga dilaw na ngipin nito.

Naningkit ang mga mata ko sa uri ng ngiting pinakawalan nito. Ako lang ba o sadyang may napansin lang akong iba?

"Mag-iingat ka dito, Ma'am. Mauuna na ho ako sa inyo." Nagpakawala ng ngiti sa'kin si kuya Buboy.

Alanganin akong ngumiti rito at saka nagpaalam.

"Tara na sa loob," singit ng gurad.

Bago ako sumunod dito ay tinignan ko muna si kuya Buboy na makasakay sa kotse hanggang sa tuluyan na nga itong umalis.

Ngayon pa lang ay mas lalo na akong nilamon ng kaba. Gustuhin ko mang umuwi na lang sa bahay ngunit alam kong malabo na dahil narito na din naman na ako.

Inilihis ko sa utak ko ang lahat ng isipin ko.

Sinipat ko ang hitsura ng labas ng eskwelahan. Talaga ngang nasa liblib na lugar ito. Mukhang wala ring mga sasakyan ang napaparito. Tanging mga naglalakihang puno lamang at mga damo ang narito. Ang kalsada ay hindi rin sementado. Tanging ang narito lamang sa entrada ang sementado.

Kinuha ko na ang maleta ko at saka isinuot ang backpack ko. Mabigat ito kesa sa inaasahan.

Naputol ang pag-aayos ko sa mga gamit ko nang marinig kong bumukas na ang gate. Nakakabingi ang tunog niyon.

"Pumasok ka na—" naputol ang sasabihin nito nang makita kong nakatitig ito sa'kin.

Bigla akong nailang rito. Napayuko na lang ako.

"Akin na ang cellphone mo." Inilahad nito ang kanyang palad.

Sa isip isip ko'y napamura na lang ako. Ibinigay ko ito sa kanya at sa tingin ko ay naniniwala ito na ang batas dito ay batas.

Nang makuha iyon ay nauna na itong naglakad sa'kin papasok.

Isang malamig na hangin ang siyang bumungad sa'kin. Nang makabawi ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Napakaganda ng eskwelahan. No'ng una, akala ko'y puchu puchu lang ang narito ngunit nagkamali ako.

"Maupo ka muna sa waiting area habang hinihintay ang susundo sa'yo dito."

"Sige po." Sa unang pagkakataon ay nakapagsalita ako.

Muli itong lumabas at sinara ang gate ng eskwelahan.

Nagtungo ako sa upuan na narito sa waiting area. Katabi lang nito ang guard house ngunit walang tao roon. Maging sa kinalalagyan ko dito ay wala akong makita ni isang tao.

Sabagay ay linggo ngayon at alas siete pa lang ng umaga. Marahil mga tulog pa sila.

Imbes maghanap ng tao dito ay tinignan ko na lamang ang kabuuan ng eskwelahan. Nadako ang tingin ko sa fountain na siyang nasa pagitan ng hallway. Disenyong anghel ang naroon at mayroon ding bermuda grass sa paligid no'n.

Ang mga naglalakihang school building naman ay may pinturang kulay puti na siyang mas lalong nagpaaliwalas sa maberdeng paligid.

Puno ng iba't ibang klaseng halaman at bulaklak ang narito. Malayo man ako sa mga ito ngunit dahil umiihip ang hangin ay naaamoy ko ang mga ito.

Inayos ko ang buhok ko na ngayon ko lang napansing magulo. Ipinusod ko iyon upang hindi magulong tignan.

Kinuha ko ang salamin ko sa backpack, mabuti na lamang ay hindi na ako nahirapan pang hanapin iyon. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at saka ngumiti.

Pakiramdam ko tuloy ay para na akong nakapikit dahil singkit ang mga mata ko at dumagdag pang hindi ganoon kahaba ang tulog ko.

"Oy, pre. Chick, oh!"

Ibinaba ko 'yung salamin na hawak ko at napatingin ako sa nagsalita.

Tatlong kalalakihan na nakasuot pambahay. Lumapit ang mga ito sa'kin.

Marahil sila na 'yung maghahatid sa'kin sa magiging dorm ko.

Alanganin akong ngumiti sa mga ito. "H-hi.." bati ko sa kanila. Pilit hindi ipinapakita ang peke kong ngiti.

"Hi, Miss," mayabang na anas ng isang lalaki. Mukha itong adik dahil mayroon itong mga hikaw sa dila at tadtad din ng mga hikaw ang tenga nila.

Ang buhok nila ay nakatayo at mga pormahang tarantado talaga.

Damn it. Seriously? Of all people, bakit sila pa yung inutusan nilang maghatid sa'kin? They don't look like a student. They're more look like a goons. Tss.

I managed my composure and act normally. "Kayo ba yung inutusang sumundo sa'kin?" I asked.

Nakita kong nagtinginan silang tatlo. Parang tinginan na sila lamang 'yong nagkakaintindihan.

"O-oo, kami nga. " I heard them hesitant and laugh hard after.

"Akin na 'yung gamit mo." Isa sa kanila ang kumuha ng maleta ko at ang isa naman ay ang backpack ko.

Nagpatiuna nang naglakad ang dalawa. Habang ang isa naman ay nasa likod ko lang.

I don't know but I felt something's wrong.

Naririnig ko pang nag-uusap 'yung dalawang nasa harap ko ngunit hindi ko naman maintindihan.

Sumulyap ako sa likod ko at nakita ko ang pagngisi nito sa'kin. Agad nito iyong binawi at ngumiti ng malawak nang tinaasan ko siya ng kilay.

Habang naglalakad kami ay hindi ko na nagawa pang pagmasdan ang kabuuan ng eskwelahan. Ang tangin alam ko lang ay masakit na ang paa ko dahil kanina pa kami naglalakad.

Kaya hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko at saka nagtanong. "Malayo pa ba tayo?"

"Wag kang mag-alala, malapit na tayo," wika ng lalaki sa likod ko at saka umakbay.

Pinigilan ko ang ginawa nito ngunit hindi ito nagpatinag.

"Hindi ka na naman makapaghintay, pre, ah," halakhak na sabi nung dalawang nangunguna sa'min sa paglalakad.

Hindi ko ito pinansin dahil nagpupumiglas pa rin ako sa pagkakaakbay ng lalaki sa'kin. Nang malapit ko na itong matanggal ay saka nito pinisil ang hinaharap ko. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko, ang biglaang pagtaas ng init ng ulo ko.

Sinampal ko ito at di ko na kaya pang pigilan ang sarili ko sa pagmumura.

Hindi nagkamayaw ang tawanan ng dalawang nasa harap namin.

"Hawakan niyo na s'ya, pre. Pwede na siguro dito. Wala pa namang tao."

Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi nong lalaking nanghipo sa'kin.

Bago pa man tuluyang rumehistro sa utak ko ang sinabi nila ay nagulat na lamang ako nang mabilis nila akong hinawakan.

"Birhen 'to, pre. Pustahan!"

Sinubukan kong pumiglas mula sa pagkakahawak ng dalawa sa'kin ngunit wala akong sapat na lakas para gawin 'yon. Babae pa din ako at tatlo sila.

"Tulong!!!" tanging naisigaw ko na lamang. "Tulung—" bago ko pa man pakawalan ang sigaw ko'y tinakpan na ito nung lalaking nanghipo sa'kin kanina

Muli ay sinimulan nitong gamitin ang kayang hintuturo upang hagudin ang aking pisngi patungo sa baba. Itinaas nito ang mukha ko't pinanlalakihan ako ng mata.

Takot at labis na pangamba ang dumadaloy sa katawan ko. Nakakatakot ang hitsura nito dahil nanlilisik ang mga nito na tila uhaw na uhaw sa laman.

"P-please, p-parang awa niyo n-na. Tigilan niyo 'to." Naiiyak na ako. Hindi ko akalaing sa unang araw ko dito ay ganito kaagad ang mararanasan ko.

Tumawa lang sila nang tumawa. Nakakabingi sa pandinig. Tila mga demonyong hayok na hayok sa laman.

Dahan-dahang lumapit ang mukha ng lalaki sa'kin. Ang mabaho nitong hininga ang siyang di ko kayang sikmurahin. Umiiyak na lang akong pumikit dahil hindi ko kaya pang atimin ang nangyayare sa'kin.

"Uy, pre! Takbo, pre. Andiyan na yung pakialamerong president ng student council!"

Hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod na nangyare. Naramdaman ko na lang ang biglaang pagbitaw ng mga ito sa'kin na siyang naging dahilan upang bumagsak ako sa lupa.

Mama, tulong!!!

Bumuhos ang luha ko at niyakap ang sarili ko.

Ayoko na. Gusto ko nang umuwi...

May naririnig akong yapak ng mga paa patungo sa direksiyon ko.

Napasinghal ito. "The last virgin standing. Tsk. Mag-iingat ka sa kanila, lalo na sa'kin..."

Inaninag ko ang bulto niyon ngunit sawi ako dahil nanlalabo na ang aking mga mata. Tanging ang nakapukaw lang ng atensyon ko ay ang malamig nitong pagtitig at ang asul nitong nga mata...

I don't know what happened next. All I know is that everything went black...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Virginian High School   Epilogue

    Kirsten Encarlight's P.o.V.Ten years later...Maganda ang panahon ngayon. Hindi gaanong mainit at malamig ang simoy ng hangin. Pinanuod ko ang mga dahon sa puno na tila sumasayaw at sinasabayan ang pag-ihip ng hangin."Honey!" Natanaw ko sa di-kalayuan ang asawa ko kasama ang anak ko.Sampung taon na ang nakalilipas ngunit ang pagmamahal ko para sa kan'ya ay hindi nagbago. Hindi naglaho.Araw-araw sa buhay ko ay napakasaya ko sa t'wing nakikita ko si Raijin at ang anak naming si Rain. Sa totoo lang ay hindi ko lubos akalain noong pagka-graduate ko ng high school ay nagdadalang tao na rin ako. At heto na nga, narito na sila ngayon sa harapan ko."Kanina ka pa hinahanap ng anak mo. Nandito ka lang pala." Napakamot si Raijin sa ulo nito.Natawa naman ako sa kan'ya. Alam kong sa edad ni Rain ay napakakulit niya

  • Virginian High School   Chapter 150

    Kirsten Encarlight's P.o.V.One week later..."Okay lang ba kayo diyan?"Tumamgo sila sa'kin."Kumalma lang kayo, okay? Magiging okay na din ang lahat," 'ka ko pa sa kanila.Narito kaming lahat ngayon sa Social Hall at tila ba nagkaroon ng medical mission ngayon dito sa dami ng mga narito. Ang bawat isa ay nakahiga sa mga solo bed na narito. Lahat ng mga positive sa HIV, STD, at AIDS ay narito lahat upang mabigyang lunas ang mga karamdaman nila."Your father will surely be proud of you, anak."I looked behind me and saw my Mom. Kasama nito si Krizelle habang nakakrus ang mga kamay nila at naglalakad palapit sa akin.I smiled at them. My Mom and my sister Krizelle opened their arms and aiming to hug me. I walk towards them and hugged them."Masaya ako, anak, at proud na

  • Virginian High School   Chapter 149

    Raijin Steel's P.o.V.Napapagod na ako sa dami nila. Aaminin kong nauubos na ang lakas ko at hindi ko na kaya pa. Kaunti na lamang ang natitira sa kanila. Kaunting laban oa ay tiyak na ang pagkapanalo namin.Masakit na rin ang katawan ko ngunit mabuti at ni isa sa amin ay walang lubhang natamo. Maliban kila Jacob, Trixie, at Leppy na ngayon ay nasa loob na ng isa sa mga kwarto dito. Batid kong kakayanin nila iyong tama nila ng baril dahil may nag-aasikaso naman sa kanila."Raijin!" Napatingin ako kay Zenre na patuloy pa rin sa pakikipagbarilan. Mabilis akong tumakbo palapit sa kan'ya."Kuya...""Nasa'n si Kirsten?!"Natigilan ako. Napatingin ako sa tabi ko ngunit wala siya. Luminga ako sa paligid ko ngunit nawawala siya. Napamura ako sa isipan ko dahil sa sarili kong kapabayaan. 'Tangina!'"Go and find

  • Virginian High School   Chapter 148

    Kirsten Encarlight's P.o.V."Sugod!!!" Malakas kong sigaw.Napansin kong napakarami nang natumbang tauhan ng Dark Room sa labas kanina kaya inasahan ko nang narito pa rin sila.Wala mang dalawang armas ang mga kasama kong estudyante, mga guro, at may mga katungkulan sa Virginian High, ay alam kong mas marami kami kumpara sa kanila. Bago kami nagtungo kanina dito ay kumuha sila ng mga kahoy sa gubat at ang ilan sa kanila ay namulot ng mga bato bilang armas laban sa mga kaalyado ng Dark Room.Hinanap ng mga mata ko si Raijin. Hindi ako nabigo nang makita ko siya kaagad. Tumakbo ako palapit sa kan'ya at mahigpit ko itong niyakap."Raijin..." Masaya akong okay siya at wala akong nakikitang sugat sa kan'ya maliban sa marumi na yung suot nitong white shirt na ginamit nitong panloob."Kirsten..." sambit nito sa'kin.Inunaha

  • Virginian High School   Chapter 147

    Raijin Steel's P.o.V.Tahimik kaming lahat at nagpapakiramdaman. Bawat isa ay walang balak magsalita ngunit nakatuon ang atensyon sa mga nakapaligid. Narito kami sa unang bahagi ng Dark Room kung saan matatagpuan ang Punishment Area. Isa itong malawak na bulwagan na sa bawat paligid ay puno ng mga pintuan kung saan hinahatol sa mga estudyante ng Virginian High ang kaparusahan nila.Dalawang palapag ang lugar na ito. Nasa gitna kami habang si Margaux ay nanatili nakatayo dulo kung saan matatagpuan ang hagdan patungo sa silid ng Master ng Dark Room.Nakapaligid sa'min ngayon ang napakaraming tauhan ng Dark Room. May mga tauhan sila na nasa itaas at nakatutok ang mga baril sa'min. Meron din dito sa baba na nakapalibot sa'min.Natumba na namin ang iba sa kanila ngunit hindi biro ang bilang nila ngayon. Matalino ang Papa ko at alam kong inasahan nitong susugod kami rito kaya bago pa

  • Virginian High School   Chapter 146

    Kirsten Encarlight's P.o.V.They should be here. Tatlong oras na ang nakalipas at nababahala na ako. Hindi ko magawang matulog dahil nag-aalala ako para sa kanila.Halo-halo ang nasa isip ko. Natalo ba sila? Napasakamay na naman ba sila ng Master? Hindi ko na alam! Mababaliw na ako sa kakaisip. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko!Tinignan ko si Krizelle na nahihilo kanina lamang at ngayon ay nakatulog na. Nagulat din ako nang may ipakita ito sa'king test kit. Isa pala iyong pregnancy test kit at tama nga ang napapansin ko sa ikinikilos nila kanina ni Zenre.My sister was pregnant. Masaya ako para sa kanila, actually. Pero hindi ko man lang maipakita kay Krizelle yung kagalakan ko dahil sa nangangamba ako para kila Raijin.Hindi ko rin sinabi sa kan'ya yung namagitan sa amin ni Raijin dahil tiyak kong magagalit ito.Tinignan ko ang mga kamay ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status