LOGIN"SINO ba ang matutuwa sa ganitong sitwasyon ng pamilya? Sige nga magsalita kayong lahat!" sigaw ng padre de-pamilya ng mga Valderama o si Don Fausto."Calm down, Daddy. Alalahanin mong masama sa iyong kalusugan ang pagtaas ng iyong dugo. Makapag-isap naman po tayong lahat na hindi nagsisigawan." Maagap na pagitna ni Mayla.Maaring adopted child siya ng mga Valderama. Ngunit legally adopted. Kaya't may lakas ang loob niyang pumagitna sa ama. At isa pa ay siya ang nag-iisang prinsesa ng pamilya simula noong pinalayas ang tunay na bunso."I know it's inappropriate to say these words now, Daddy. Ngunit tama si bunso. Health is wealth. Kung ano man po ang nawala sa mga assets natin ay mapapalitan po. Iyan ay kung mapanatili mo ang iyong kalusugan." Pagsegunda rin ni Daniel."Daddy, stable pa ang lahat ng kumpanya at assets natin. Kaya't maari po bang makinig ka sa amin? Mas natatakot ki sa iyong kalusugan kaysa ang kasalukuyan nating kinakaharap. Please, Daddy," saad pa ni Lucas.Sa pahaya
"HINDI ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko, Miss Valderama. Sam ako at iyan ang tawag ng karamihan sa akin maliban sa mga tauhan at kasamahan ko. By the way, bakit hindi ka nagparamdam noong nandito ka sa bahay? Ang sabi ni Mommy ay ilang buwan ka rin dito bago mo isinilang ang anak natin.Dahil hindi matukoy ni Sam Colt ang nadarama sa oras na iyon matapos saluhin mula sa pagsimplang ng babaeng nakaulay halos pitong taon na ang nakalipas ay iyon ang nanulas sa kaniyang labi."Hmmm... Actually, mas nauna pang nalaman ni Peter Henrik na ikaw ang kaniyang ama kaysa sa akin. Noong sinabi niyang namukhaan ka niya o ang kasama ng nakapulot sa kaniyang kuwentas. Dahil hindi naman sumagi sa isip kong buksan ang pendant ng necklace. Iyan ang sagot sa tanong mo. Sa madaling salita ay hindi ko inakalang ang Ginang na tumulong sa akin upang makapag-settle down ay Mama mo pala. How about you, Mr Cohen? How have you been all those years? Simula noong umalis ako rito ay nawalan na ako ng balita
****DAHIL sa pakikipagtulungan ng pamilya Valderama at pamilya Cohen o mas tamang sabihin na buong angkan at ang mga alagad ng batas, military na kinabibilangan ni Sam ay madali nilang nahanap ang lugar na sinabi Lando."Huwag ka nang sumama, sis. Aba'y baka mapaano pa kayo ni baby." Pagpipigil ni Margarette sa hipag to be.Kaso!"Ha? Sino'ng baby dragon, sis?" Dahil wala namang kaalam-alam si MaCon sa ganoong tawagan ng magpipinsan ay hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin. Mabuti na lamang at naging maagap ang ina ng mahal niya."Masanay ka na, anak. Dahil dragon ang tawag nilang magpipinsan sa mga anak ko short for Mondragon. By the way, dito na lang tayo sa bahay n'yo maghintay. Trust them, anak. Dahil sisiw lang iyan para kina Janellah at Jameston," saad nito.Kaya naman napakamot na wala sa oras ang dalaga. Aba'y ano ba ang malay niya sa bagay na iyon? 'Rence naman kasi ang tawag niya sa binata.Kaso!"Tama naman sila, anak. Huwag mo nang ipagpilitang sumama lalo at buntis
"EDWARD, ano'ng nangyayari? Paano naging back up ng mag-ina ang taong iyon?" bakas ang pagtatakang tanong ni Annie sa kababatang si Edward o mas tamang sabihing kabit.Tama!Mayroon silang bawal na relasyon. Ngunit upang pagtakpan ito ay binaliktad nila ang sitwasyon. Kaya nga laging nag-aaway ang tunay na mag-asawa. Subalit unexpected naman ang kaganapan sa harapan mismo ng paaralan."Hindi ko alam, Annie. Ngunit sa naulinigan ko sa kanilang usapan ay hindi ang gag*ng iyon ang ama ni Peter Henrik. Malinaw din ang pagkasabi ng lalaking basta sumulpot na Mrs Cohen. Ibig sabihin ay kilala nila si Samantha," tugon nito habang panay ang pagbuga ng malalalim na hininga."Hmmm... May paraan pa para magantihan natin ang mag-ina, Edward. Kailangan natin silang maibalik dito sa bahay ninyo. Kumbaga reverse psychology. Kapag mangyari iyon ay makuha natin ang kuwentas--- Pero, saglit lang, love. Paano mo nalamang pag-aari ng mga Cohen ang necklace na iyon?"Nagmistula tuloy na jeep na nawalan ng
"HINDI lang kayo mga hampas-lupa kundi magnanakaw pa! Alam n'yo ba kung kanino ang kuwentas na ito? Pag-aari ito ng mga Cohen!" sigaw ng basta na lamang sumipa kay Samantha at walang iba kundi asawa.Maaring susunduin din nito ang kanilang anak. Ngunit sa kasamaang palad ay nagpang-abot silang lahat. Ang masaklap pa ay sinaktan siya sa harap ng maraming tao."Kahit hindi naging madali ang buhay ko sa labas ng aming tahanan hanggang sa nakilala kita ay hindi sumagi sa aking isipan na magnakaw. Kung paano man napunta sa akin ang kuwentas ay wala ka ng pakialam. Kaya't akin na iyan dahil sa aming mag-ina iyan!" ganti niyang sigaw.'Hindi nila maaring malaman kung paano napasaakin ang kuwentas. Dahil kung totoo ang sinabi ni Peter Henrik na si Brigadier General Cohen ang may-ari ay baka madamay pa ito sa panghihiya sa akin ng hay*p na ito,' pipi niyang sambit."Paanong naging sa inyong mag-ina ang bagay na hindi n'yo kayang bilhin? Kasasabi ko lang na ang kuwentas na ito ay pag-aari ng mg
DAHIL Outdoor beach ceremony ang pinili nila sa kasal ay talaga namang kakaiba ang venue. It's scenic and romantic where vows are often exchanged on the sand with the ocean as a backdrop, capturing romantic sunrises or sunsets. Barefoot and casual where the guests can have a relaxed experience, and some couples may choose a barefoot ceremony. Themed elements: Decorations often incorporate coastal themes, using natural elements to create a beautiful, seaside atmosphere."Ano ba, bayaw. Gusto mo bang mabulilyaso ang lahat ng ihinanda mo? Aba'y kanina ka pa halatado eh!" mariing bulong ni Crown Prince Erick sa kaibigang halatang aligaga."Maari bang huwag ka ng padagdag, Your Highness? Hindi na nga ako mapakali eh," pasimple namang tugon ng groom.Kaso!"Kayong dalawa, maari bang manahimik kayo? Tsk! Tsk! Oras na hindi ko makita sa takdang panahon ang apo ko ay kasalanan n'yo. Kanina pa kayo bulungan nang bulungan eh!" pasinghal na saad ni Ginang Cohen.Maaring mahina ang pagkasabi ngu







