LOGIN"WHAT HAPPENED, Miss? Buntis ka ngunit bakit mukhang may tinatakbuhan ka. May problema ba?" maagap na tanong ni Sam sa babaeng basta na lamang tumawid sa daan. Mabuti na nga lang at nakapag-preno kaagad ang bodyguard/driver niya.
Kaso bago pa ito makasagot ay dumating ang halatang lango sa dr*ga. Mabuti sana kung nag-iisa ito ngunit may ilang kasama. Kaya naman ay muli niyang kinausap ang babaeng buntis. "Kung gusto mong tulungan ka namin ay magtapat ka. Ano ba ang koneksyon mo sa kanila? Bakit ka nila hinahabol? Sagutin mo ako ng maayos kung gusto mong makalayo sa kanila. Iyan ay kung hindi ka tumatakas." Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kapwa niya. Ngunit sa uri ng kaniyang trabaho ay palaging advance mag-isip. Who knows! Maybe it's just a ploy to trap him. "Bata, kung mahal mo ang iyong sarili ay umalis na kayo ng kasama mo rito. Dahil talagang tumatakas ang babaeng iyan sa akin. Hah! May asawang tao ngunit nagagawa pa ang makipagkita sa iba!" "Aiza, kung ako sa iyo ay bumalik ka rito. Huwag kang mandamay ng kapwa mo. At isa pa, sa pag-aakala mo ba ay may magkakagusto pa sa taong tulad mo? Tsk! Tsk! Mag-isip ka, Aiza!" Malakas nitong sabi kasabay nang paglipat-lipat ng paningin mula sa kaniya at ang babaeng buntis na tinawag sa pangalang Aiza. "Hinding-hindi ako babalik sa iyo, Orlando! Kaya't hayaan mo na akong makaalis!" ganting-sigaw ng babae. Ngunit sa tinuran nito ay mas naging wild ang lalaki. Kaya naman ay muling pumagitna si Sam Colt. "Kung mayroon kayong problemang mag-asawa ay aysuin ninyong dalawa. Huwag iyong naghahabulan pa sa daan. Hindi ba kayo nahihiya sa maaring sasabihin ng mga tao?" "Ikaw, lalaki ka, kahit ano man nag kasalanan ng asawa mo sa iyo ay huwag mong suklianng pagkabayolente. Tandaan mong babae pa rin siya." "At ikaw naman, Misis, alalahanin mong hindi mo pag-aari ang iyong buhay. May baby sa loob ng tiyan mo. At kung ako sa iyo ay umuwi ka na lamg or dumiretso ka na sa pagamutan." Inis na inis man ang binata dahil sa kamalasang nangyari sa lakad niya. "H-help me, please. Ayaw ko ng bumalik sa kaniya. He is a beast, not a human," wika ng babae ng sa wakas ay nagsalita na. "Huwag mong pakinggan ang babaeng iyan, bata. Dahil isa siyang sinungaling! Kung ako sa iyo ay iwanan mo na siya!" sigaw naman ng kapwa lalaking halatang nasa ilalim ng ipinagbabawal na gamot. Kaya naman ay pasimple siyang tumingin sa bodyguard. "Mister, wala kaming balak makialam sa problema ninyong mag-asawa. Subalit sa nakikita ko ay nakaranas ng maltreatment ang iyong asawa. Ngayon ay ibalik ko ang salita mo sa boss ko. Huwag mo siyang habulin at sumama kayong dalawa sa presinto ng maayos. Iyan ay kung gusto ninyong mapag-usapan ang problema ninyo," pahayag nito. Subalit nabuwesit lang sila dahil sa isinagot ng lalaki. "At sino kayo upang manduhan kami sa nararapat na mangyari? Hah! Problema para sa mag-asawa ito mga bata. Kaya't huwag kayong makialam. Sa hitsura n'yo pa naman ay mga edukado kayo. Layas! Umalis kayo rito ngayon din! Ah, iyan ay kung gusto ninyong makaalis dito na buhay in onr piece!" anito saka sinabayan ng pagtawa na nagmistulang isang demonyo. Tuloy! Hindi na nagdalawang-isip ang bodyguard ni BG Sam Colt. He pulled out his gun and pointed to them as he walked forward. Hindi lang iyon, pumito pa ito. At hindi nga naglipat segundo ay nagsilabasan ang ilang shadows. "Fellows, seize them all! Let's hand them to the police headquarters nearby. Those men need to pay for their crimes. Move, fellows!" Mando nito na wari'y nasa actual na drill. Kaya naman! Ang mga bangang ay hindi na nakawala. "MISS, saan ka namin ihahatid? Kung totoo man ang sinabi ng lalaking iyon na mag-asawa kayo ay mas wala kaming maitutulong kundi ang makuha mo ang hustisiya. Pero hindi na safety kung babalik ka sa tahanan ninyo." Baling at paliwanag ni Sam Colt makalipas ng ilang sandali. "H-hindi ko alam, Sir. Dahil sa katunayan ay ilang beses na rin akong tumakas sa piling ng ng taong iyon. Ngunit dahil marami namang alipores ay nahuhuli rin nila ako. Kung hindi ko nga siguro kayo nakabanggaan ay naibalik na man ako sa bahay," pahayag nito. "Kung ganoon ay halika muna rito sa sasakyan. Bukas ka na namin ipapahatid kung saan mo gustong magtungo," sabi niya. 'Kung nagbunga ang gabing iyon sa amin ng babaeng iyon ay siguradong malaki na rin ang tiyan o pagbubuntis. It's been a while since then. Hindi na talaga siya nawala sa aking isipan,' lihim niyang sambit saka nauna ng pumasok sa sasakyan. Sa kaniyang isipan ay kailangan muna niyang tapusin ang aksidenteng iyon. Kaya naman imbes na umuwi ay sa presinto nagtungo. SAMANTALA dahil hindi naman siya sanay sa gawaing bahay ay aminadong nahihirapan si Samantha sa bago niyang buhay. Ilang buwan na simula umalis siya sa kanilang mansion. Ngunit kailanman ay hindi niya binalak bumalik sa kanila kahit anong hirap ang dumating sa kaniya. "Hija, bakit nandito ka pa? Diba't due date mo na ngayon? Dapat ay nagtungong hospital kaysa ang magtrabaho." Tinig ng isang butihing Ginang ang bumulabog sq kaniyang isipan. "Good morning, Madam. Mamaya po pagkagaling ko rito. Dumaan po ako upang kunin ang naiwan kong gamit. Dahil matagal din po ang dalawang buwan bago ako makabalik sa trabaho," magalang niyang wika kasabay nang pagharap dito. "Kahit matagal ang mahalaga ay makabalik ka. Kagaya nang sinabi ko sa iyo dati ay maari mong dalhin dito ang isisilang mong sanggol kaysa ipagkatiwala mo sa ibang tao. At least dito ay kahit na maari mong tanaw-tanawin. Ilagay mo lang sa stroller," muli ay wika ng Ginang. Dahil dito ay napangiti siya. Masasabi niyang mabait pa rin ang langit sa kaniya. Pinalayas siya sa mansion ngunit sarili niyang bangko o ATM lamang ang kinuha. Kailanman ay hindi niya ginalaw. Ang dahilan niya ay magagamit niya kapag manganak na siya. Nabuhay siya ng payak at malayong-malayo sa kinalakhan ngunit wala siyang pagsisihan. "Maraming salamat po, Madam. Sige po at baka ma-late pa ako sa admission ko roon. Mauna na po ako," aniya saka bahagyang yumuko bilang pamamaalam. "Would you mind staying for a while, Samantha? My son is coming home--- Ah, nandiyan na yata siya. Halika, Hija, salubong---" Kaso tuluyan na nitong hindi natapos ang sinasabi dahil lumapit ang guwardiya. "Madam Cohen, Brigadier Cohen, and his bodyguard have arrived. According to him, prepare the guestroom for his friend," anito. Kaya naman ay sinamantala niya ang tuluyang nagpaalam. "Sayang, gusto pa naman sana kitang ipakilala sa anak ko. No girlfriend since birth ang taong iyon. Hala, kung hindi na kita mapigilan ay humayo ka na, Samantha. Heto, kunin mo ang halagang ito para sa iyong panganganak. Tulong namin sa iyo ng Sir mo iyan. Huwag mong isiping utang dahil bilang pasasalamat namin sa iyo." "Guard, help her to have a cab or talk to the driver to take her in the hospital. She will be in labour any moment from now." Pinaglipat-lipat nito ang paningin sa knailang dalawa ng guwardiya. "Again and again, thank you very much, Madam Cohen. God will surely bless you and your family," magalang niyang tugon saka tuluyang hinila ang bag. Then... "WHO'S that woman, Mommy? Aba'y kanina pa ako daldal nang daldal sa tabi mo ngunit mukhang wala ka sa hulog." Pukaw ni Sam Colt sa inang kulang na lamang ay mabali ang leeg sa pagtanaw sa kanilang tarangkahan. "Tsk! Tsk! A pitiful lady who was cast out from their home for having a child out of wedlock. Kung hindi ka lang dumating ay baka naihatid ko pa sa hospital kung saan manganganak," taas-kilay nitong sagot sa kaniya. Kaya naman ay mas napantiskuhan siya sa inasta nito. Kaso bago pa man siya makapagsalitang muli ay lumapit ang kasambahay kasama ang babaeng tinulungan. "M-magandang araw po, Mrs Cohen. Ako pala si Aiza Garcia." Nautal na pagbati nito sa ina. "Oh, umalis ang babaeng buntis na nagkasambahay dito ng ilang halos limang buwan ngunit may pumalit kaagad. Is she your future wife, son?" Maagap na binalingan ng Ginang ang panganay na anak. "Dito muna siya, Mommy. Ihahatid ko siya sa kanila later today after ng meeting ko sa Camp Borderland. No, she's not my future wife, Mommy. Nagkataon lamang na ako ang tumulong sa kaniya mula sa mapang-abusong asawa." "Miss Aiza, sumama kang muli kay Millet. Ihahatid ka niya sa guestroom. Feel at home. At pasensiyahan mo na ang pananalita ni Mommy. She is pushing me to get married again." Maagap niyang pagitna dahil hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pagtaas ng kilay ng ina. Well, hindi naman niya ito masisisi. Dahil siya ang panganay sa kanilang magkakapatid ngunit siya rin ang nag-iisang lalaki at nahumaling sa military. Kung hindi siya mag-aasawa ay end of their bloodline na raw. "Okay, Hija. Go and have a rest. Ipatawag kita kay Millet kapag oras na ng kainan." Pagtataboy pa nito sa kaawa-awang babae. Hinintay lamang din nilang nawala ang mga ito sa kanilang imahe. "Don't say any word to me right now, Sam. Kung si Samantha pa siguro ay ako mismo ang gagawa ng paraan upang maging asawa mo siya. Mothers know the best for their children. Kaya't dumiretso ka na rin sa iyong silid at maghanda sa lakad ninyo." Baling ni Mrs Cohen sa anak. "Well, mag-uusap pa rin po tayo mamayang pagdating ko, Mommy. Aba'y hindi ka---" "Heh! Kako asawa ang idulog mo sa akin hindi ang buntis na may asawa! Hala, lumayas na sa aking harapan!" Pinandidilatan na nga niya ito ay talaga namang ipinagtabuyan pa. Tuloy! Napailing na lamang din ang bagong dating na si Brigadier Sam Colt Cohen. What a fate!"OKAY lang ba, babes? I mean, ayaw ko namang isilang mong muli ang baby natin na hindi pa tayo ikinasal. Maaring nasa Catholic Country tayo ngunit wala namang batas na bawal ang mag-Civil wedding muna bago sa simbahan."Kung makailang beses nang tinanong ni Sam Colt ang bagay na iyon sa fiancee ay hindi na mabilang.And, yes, it is!Nagkagulo-gulo silang muli sa party na ihinanda ng grupo ng Lady C.E.O dahil nawalan ito ng malay. Subalit napawi ang lahat ng kanilang pag-aalala nang ipinahayag ng doctor ang dahilan kung bakit ito hinimatay.'Wala kayong dapat ipag-alala sa kaniya, Mr Cohen. Dahil buntis ang iyong asawa. Maaring hindi niya alam na nagdadalang-tao siya kaya't hindi nasabi sa iyo. She is on her first trimester of her pregnancy. Kaya't huwag n'yo siyang hayaang ma-stress. Dahil sa unang tatlong buwan ay talagang maselan. All and all, they are both in perfect shape,' paliwanag nga ng doctor."Babes, kahit saan man ikasal ang mga tao ay walang kaso. Kagaya ko, sa simbahan ma
"MAGSISIMULA na ang party, friend. Saan ka pupunta? Ilang minuto na lamang ay oras na para sa opening." Pagpipigil ni Alex sa kaibigang madilim ang mukha.Well, hindi naman din niya ito masisisi kung bakit galit na galit. Bukod sa nasa paligid ang mga taong naging dahilan ng pagbulusok nito sa nakaraang taon ay binastos pa ang future in-laws nito."Don't worry, friend. Dahil sabi mo nga ay oras na upang simulan natin ang party. Nang dahil sa mga insektong nakakalat sa paligid ay nadisturbo na ang lahat," tugon nito saka nagsimulang lumakad patungo sa mini-stage na ginawang hagdan.Kaya naman ay sumunod siya rito."Magandang gabi sa ating lahat. Oras na upang simulan natin ang pagtitipong ito. Kaya't ating tawagin ang panauhing pandangal sa ating party."Pansamantalang tumigil si Samantha sa panimulang salita saka iginala ang paningin. Nang tumango-tango ang taong binanggit bilang pagsang-ayon sa pagsimula ng party ay muli siyang nagpatuloy."Your Royal Highness, Crown Prince Erick---"
"SINO po kayo? Bakit n'yo po ako itinulak?" maang at bakas sa boses ni Peter Henrik ang pagkagulat at sakit."Tama naman ang apo ko. Ano ba ang kasalanan niya at basta mo siya hinablot at itinulak?" tanong din ni Mrs Cohen."Bulag ka ba o nagbubulag-bulagan, Mrs? Hah! Hindi mo ba nakitang binanangga niya ako kaya't nadumihan ang aking damit! Bago ko kayo ipadampot sa mga pulis ay lumuhod kayong mag-lola sa aking harapan at humingi ng paumanhin. Ngayon na!" sigaw ni Mayla.Dahil sa sunod-sunod na kumusyong kinasangkutan ng mag-lola kahit hindi nila gusto ay nakatawag na sila ng pansin sa ibang nandoon.'Ano bang kamalasan ng dalawang iyan. Kanina ay sa main door ng hotel at ngayon naman ay dito sa loob.''Tama ka, friend. Namukhaan ko silang dalawa. Ang pamilya Carlsen ang nakasagutan. At ngayon ay pamilya Valderama. Si Miss Mayla Valderama iyan. Ang nag-iisang anak na babae ng pamilya.''Tsk! Tsk! Mukhang sila pa ang magdudulot ng kahihiyan sa lady C.E.O eh. Bali-balita pa naman sa bu
DUMATING ang pinakahihintay ng lahat. Ang party ng renowned and young lady C.E.O. Dahil marami ang nagnanais makadaupang palad ang hindi nakikilalang young achiever ay dagsa ang mga negosyanteng dumalo sa nasabing party. Kasama na roon ang pamilya Valderama at Carlsen."Sa unang pagkakataon ay makikita ko sa personal ang Crown Prince at Crown Princess ng bansa natin.""Bongga at napakasuwerte ng lady C.E.O dahil kakilala pala ang Royal family. Huh! Bihira ang ganitong pagkakataon.""Tama ka. Ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa ang lady C.E.O?"Usapan ng isang grupo na nadaanan ng mga Valderama."Mga negosyante tayong lahat. Kaya't sigurado akong alam ninyo kung gaano kaabala ang C.E.O." Hindi tuloy napigilan ni Don Fausto ang sumabad. Dahil talaga namang abalang-abala ang mga tulad nilang negosyante."Oh, ikaw pala, Mr Valderama. Sabi ko na nga ba at magkikita tayo sa party na ito. By the way, may idea ka ba kung sino itong renowned lady C.E.O?" Baling ng isa sa nga nag-uusap."No
"HINDI ba't nararapat na naging masaya ka, my love? Dahil sa wakas sy divorced na kayo ng babaeng iyon?" tanong ni Annie sa kalaguyo at kababata."Well, ilang taon din kaming nagsama bilang mag-asawa, Annie. Kaya't hindi ko rin lubos maisip kung bakit humantong sa hiwalayan ang pagsasama namin," tugon nito.Ngunit sa kaloob-looban ni Edward ay nag-aalala siya. Hindi lang niya maamin-amin sa sarili ang totoong nangyari.'D@mn!t! Ano ba itong iniisip ko? Hindi ba't matagal ko ng ginusto ang makipaghiwalay sa g@g@ng iyon? Pero bakit ngayong nangyari na ay halos hindi na matanggap ng damdamin ko? F*ck!' Lihim niyang ngitngit."My love, maari bang huwag kang ganyan? Tama, naging mag-asawa kayo ng halos pitong taon. Ngunit ako naman ang kasiping mo gabi-gabi simula noong nanganak siya. Kaya nga araw-araw kayong nag-aaway noon upang mapagtakpan ang relasyon natin, diba? Huwag mong sabihing pinagsisihan mo na ngayon ang naging desisyon mo?" wika pa nito.Kaya naman ay muli siyang natigilan. P
"MASAYA akong dumalaw kayo rito ng kaibigan mo, babe. Ngunit nais ko naman yatang kabahan sa maaring dahilan kung bakit napasugod kayong magkaibigan," ani Sam Colt sa pinakamamahal na babae.And, yes, it is!Walang ibang kumutsaba sa mga tauhan ng Brigadier General kundi ang magkaibigang Alex at Samantha.'Wow! Finally! Nakadaupang palad na run namin ang babaeng bukambibig ng amin bossing. How do we address you, by the way?''Call me by my name, Sir. Samantha Valderama is my name.'"No, Miss Valderama. Iyan ang hindi maaring mangyari. Dahil sa tuwing bukambibig ka ni Sir BG ay my beloved Samantha. Kaya't Miss Valderama na lamang kahit pa sabihin mong masyadong formal. Let's say it is a way of showing our respect.'Sa tinurang iyon ng isang military Captain ay unti-unting sumilay ang ngiti sa maamo at magandang mukha ni Samantha. Kaso bago pa niya maibuka ang labi upang salungatun sana ang naging pahayag ng kausap ay naunahan na siya ng baklita niyang kaibigan.'Bagay na bagay sa inyo
"SINO ba ang matutuwa sa ganitong sitwasyon ng pamilya? Sige nga magsalita kayong lahat!" sigaw ng padre de-pamilya ng mga Valderama o si Don Fausto."Calm down, Daddy. Alalahanin mong masama sa iyong kalusugan ang pagtaas ng iyong dugo. Makapag-isap naman po tayong lahat na hindi nagsisigawan." Ma
"HINDI ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko, Miss Valderama. Sam ako at iyan ang tawag ng karamihan sa akin maliban sa mga tauhan at kasamahan ko. By the way, bakit hindi ka nagparamdam noong nandito ka sa bahay? Ang sabi ni Mommy ay ilang buwan ka rin dito bago mo isinilang ang anak natin.Dahi
"EDWARD, ano'ng nangyayari? Paano naging back up ng mag-ina ang taong iyon?" bakas ang pagtatakang tanong ni Annie sa kababatang si Edward o mas tamang sabihing kabit.Tama!Mayroon silang bawal na relasyon. Ngunit upang pagtakpan ito ay binaliktad nila ang sitwasyon. Kaya nga laging nag-aaway ang
"HINDI lang kayo mga hampas-lupa kundi magnanakaw pa! Alam n'yo ba kung kanino ang kuwentas na ito? Pag-aari ito ng mga Cohen!" sigaw ng basta na lamang sumipa kay Samantha at walang iba kundi asawa.Maaring susunduin din nito ang kanilang anak. Ngunit sa kasamaang palad ay nagpang-abot silang laha







