Share

CHAPTER SIXTY SIX

last update Last Updated: 2023-07-14 14:02:37
“RJ…”

“T-tita Liz…” atubiling sagot ni RJ nang sagutin niya ang tumawag sa kan’yang telepono.

“For God’s sake, RJ! Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na baguhin mo na ang tawag mo sa akin? Hindi mo ako tiyahin. Matagal mo nang alam na nanay mo ako!”

Napangiwi si RJ. Makirot sa tenga ang malakas na boses ni Liz, pero parang mas makirot ang sinabi nito.

Makirot dahil – kelan ba ito nagpaka-ina sa kan’ya ng literal?

Hindi na lang siya kumibo at hindi pinansin ang sinabi nito. Mahirap na. Baka makasagot lang siya ng kapwa nila hindi magugustuhan.

“N-napatawag ho kayo?”

“Nakakapagtaka bang tawagan kita uli? Na kumustahin ka uli bilang anak ko?”

Napailing si RJ. ‘Heto na naman…’

“M-may kailangan ho kayo? Kulang ba ‘yong pinapadala ko sa inyo? Dadagdagan ko…!”

“Hindi pera ang kailangan ko, RJ! Ikaw!” umiyak si Liz. “Kelan ka babalik dito?”

“H-hindi ho puwede. Inaasahan ako ni Papa. Tinuruan niya na ako ng pasikot-sikot sa negosyo. Kailangan niya ako rito.”

“At ako? Paano ako? Hi
Angelita NOBELISTA

My dear readers, maraming salamat po sa matyagang paghihintay sa update kay Vincent at Andrea, ha? Nailibing na po ang mother ko kahapon. Medyo nagbawi rin ako ng mga naging puyat ko nang nagdaang mga araw habang waiting kami sa sched.ng libing ng ashes niya after cremation. Siyanga po pala, bawas kilig muna ang update natin ngayon, ha? Kailangan po na pasadahan muna natin ang mga tao sa paligid nina Vincent at Andeng na may mahalagang mga ganap sa buhay nila katulad nina RJ at Mary na magkakaroon ng importanteng papel sa buhay ng tatay at nanay ni Vince...again, maraming salamat po. Til tom po sa next update uli...wag po kayong magagalit pag hindi agad ako naka-update, ha? Hindi po madaling magsulat at bumuo ng kuwento, hahaha! Saka, hindi pa po ako nakakabawi sa pagod at puyat ko nang nagdaang mga araw. Maraming salamat po...! God bless!

| 1
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
MaLessandra De Asis Goki
bkit wla pa rin update ms.author
goodnovel comment avatar
Angelita Nobelista
maraming salamat sa inyo...
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
love na tlga ni RJ c Mary
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY EIGHT

    ANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY SEVEN

    PAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY SIX

    NAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY FIVE

    BAGAMA’T pumayag siya na makipag-usap si Vincent kay Trina, hindi itatanggi ni Andrea sa sarili, nagseselos siya. Pero kailangan niyang pigilan ang damdaming iyon dahil naniniwala siya na tapos na talaga ang kabanata ni Trina sa buhay ni Vincent. May isa lang na ipinagkukukot na mabuti ng kalooban niya. Kung bakit hindi man lang siya nagawang ipakilala ni Vincent kanina sa dati nitong kasintahan. Na-excite ba ito nang muling makita si Trina? Nataranta, kaya nakalimutan nito na ‘ibida’ siya nito sa dating nobya na siya na ang babaeng pumalit sa kan’ya sa puso ni Vincent at siya nitong pakakasalan? Ibig mag-init ng mga mata ni Andrea sa pagdaramdam sa tatay ng anak niya. Sumulyap siya sa relo niya sa bisig. Mahigit kalahating oras nang wala si Vincent. Ang tagal naman yata nang pag-uusap ng dalawang iyon? Malinaw na sabi ni Vincent kanina, wala na silang dapat pag-usapan ni Trina. Pero bakit ang tagal na ay hindi pa ito bumabalik? Ibig sabihin, hindi totoo na wala na silang dapat pan

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY FOUR

    SA BUROL ng asawa ni Liz na si Mario, pormal na ipinakilala ni Vincent si Andrea sa mga kamag-anakan nilang naroroon. At katulad nang dapat asahan, nagulat at nagtaka ang lahat kung paanong nangyari na may anak na si Vincent bagay na hindi naman pinag-aksayahan ng panahon ng binata na ipaliwanag sa mga ito ang dahilan. Hindi niya ilalagay sa kahihiyan at lalong hindi niya hahayaang husgahan ng mga ito ang nanay ng kan’yang anak.Kaswal lang si Liz nang ipakilala ni Vincent si Andrea rito. Napansin ni Andrea na may pang-uuyam ang tingin nito sa kan’ya. Winalang bahala na lamang niya ang napansin na iyon sa tiyahin ng mapapangasawa, at sa halip, nag-abot pa rin siya rito ng pera bilang abuloy sa namayapa nitong asawa.“Salamat.” ani Liz kay Andrea nang abutin nito ang sobreng ibinigay ng dalaga. Matabang ang pagtanggap niya sa presensiya nito.Medyo malayo noon si Vincent at kausap ang isa nitong pinsan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Liz na usisain ang dalagang ina, habang magkalapit

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY THREE

    LAKING pasasalamat ni Toto dahil isang linggo bago dumating ang bagyo ay nakaangkat na uli ng abaka ang Team Vincent kaya kaunti lamang ang mga tanim niyang nasira nang nagdaang bagyo. Nakaka-panghinayang din kahit paano pero ganoon talaga ang hanapbuhay. Minsan ay inaabot din ng pagsubok, ika niya. Ang mahalaga'y ligtas silang mag-anak.Masayang-masaya ang mag-asawa na dumating si Vincent, hindi lamang sa buhay ni Andrea kun’di maging sa buhay din nila. Isang biyayang maituturing ang isang katulad ni Vincent na kasalukuyan ding nagbibigay ng magandang kita sa kanilang hanapbuhay. At wala rin silang masasabi sa ipinakikita nitong kabutihan sa kanila.Napag-usapan na rin nila na tutulungan sila ni Vincent na magkaroon ng kotse. Si Vincent mismo ang nagpursige na makapundar si Toto ng magandang sasakyan na para rin sa pamilya niya. At cash iyon na babayaran ng binata na huhulugan na lamang ni Toto ayon sa kakayanan nito na wala ni bahagya mang tubo, kaya ganoon na lamang ang katuwaan n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status