Share

CHAPTER SIXTY THREE

last update Dernière mise à jour: 2023-07-04 06:17:01

“LIGAWAN mo si Andeng!” Halos sabay pang turan ng mag-asawa kay Vincent.

Napamaang uli ang binata. Expected niya na iyon. Alam niyang gusto talaga ng mga ito na magkatuluyan sila ni Andrea, pero parang nasorpresa pa rin siya na ganoon talaga ang hangad ng mga ito. Na magkamabutihan silang dalawa gayong may iba palang naghahangad na masungkit ang puso ng nanay ng anak niya. At sa palagay niya ay deserving naman para kay Andrea.

Sino ba siya kumpara sa politiko na nauugnay ngayon sa dalaga? Likas na mayaman din pala ang angkan na pinagmulan nito. Kilala at prominente sa lipunan ang pamilya. At kung papalarin ito na maging Gobernador, baka lalo siyang walang binatbat dito.

Tila may narinig uli si Vincent na bumulong sa utak niya – ‘ano ba! Huwag mong minemenos ang sarili mo! Nakahihigit ka roon!’

“P-pumayag kaya si Andeng na ligawan ko siya…?”

Kinikilig na napatingin si Meldy kay Toto. “Toto! Heto naaa! Manliligaw na si Vincent Valderama sa kaibigan kooo!!!”

“Over acting ka, Imelda!” k
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (5)
goodnovel comment avatar
Angelita Nobelista
antabay lang kayo kina vincent at andeng dear readers, ha? kahapon pa kasi kami wala internet. ang hina ang aking data kaya di pa ako maka-post ng update...
goodnovel comment avatar
Jean ella
Hahahhah selos malala
goodnovel comment avatar
Eden
Thanks author s update,..kelangan ni andeng ng yakapsul para mwala ang tampo nya vincent,naku wag o ng pabagal bagal
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY EIGHT

    ANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY SEVEN

    PAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY SIX

    NAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY FIVE

    BAGAMA’T pumayag siya na makipag-usap si Vincent kay Trina, hindi itatanggi ni Andrea sa sarili, nagseselos siya. Pero kailangan niyang pigilan ang damdaming iyon dahil naniniwala siya na tapos na talaga ang kabanata ni Trina sa buhay ni Vincent. May isa lang na ipinagkukukot na mabuti ng kalooban niya. Kung bakit hindi man lang siya nagawang ipakilala ni Vincent kanina sa dati nitong kasintahan. Na-excite ba ito nang muling makita si Trina? Nataranta, kaya nakalimutan nito na ‘ibida’ siya nito sa dating nobya na siya na ang babaeng pumalit sa kan’ya sa puso ni Vincent at siya nitong pakakasalan? Ibig mag-init ng mga mata ni Andrea sa pagdaramdam sa tatay ng anak niya. Sumulyap siya sa relo niya sa bisig. Mahigit kalahating oras nang wala si Vincent. Ang tagal naman yata nang pag-uusap ng dalawang iyon? Malinaw na sabi ni Vincent kanina, wala na silang dapat pag-usapan ni Trina. Pero bakit ang tagal na ay hindi pa ito bumabalik? Ibig sabihin, hindi totoo na wala na silang dapat pan

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY FOUR

    SA BUROL ng asawa ni Liz na si Mario, pormal na ipinakilala ni Vincent si Andrea sa mga kamag-anakan nilang naroroon. At katulad nang dapat asahan, nagulat at nagtaka ang lahat kung paanong nangyari na may anak na si Vincent bagay na hindi naman pinag-aksayahan ng panahon ng binata na ipaliwanag sa mga ito ang dahilan. Hindi niya ilalagay sa kahihiyan at lalong hindi niya hahayaang husgahan ng mga ito ang nanay ng kan’yang anak.Kaswal lang si Liz nang ipakilala ni Vincent si Andrea rito. Napansin ni Andrea na may pang-uuyam ang tingin nito sa kan’ya. Winalang bahala na lamang niya ang napansin na iyon sa tiyahin ng mapapangasawa, at sa halip, nag-abot pa rin siya rito ng pera bilang abuloy sa namayapa nitong asawa.“Salamat.” ani Liz kay Andrea nang abutin nito ang sobreng ibinigay ng dalaga. Matabang ang pagtanggap niya sa presensiya nito.Medyo malayo noon si Vincent at kausap ang isa nitong pinsan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Liz na usisain ang dalagang ina, habang magkalapit

  • WHEN I FOUND YOU MY LOVE   CHAPTER SEVENTY THREE

    LAKING pasasalamat ni Toto dahil isang linggo bago dumating ang bagyo ay nakaangkat na uli ng abaka ang Team Vincent kaya kaunti lamang ang mga tanim niyang nasira nang nagdaang bagyo. Nakaka-panghinayang din kahit paano pero ganoon talaga ang hanapbuhay. Minsan ay inaabot din ng pagsubok, ika niya. Ang mahalaga'y ligtas silang mag-anak.Masayang-masaya ang mag-asawa na dumating si Vincent, hindi lamang sa buhay ni Andrea kun’di maging sa buhay din nila. Isang biyayang maituturing ang isang katulad ni Vincent na kasalukuyan ding nagbibigay ng magandang kita sa kanilang hanapbuhay. At wala rin silang masasabi sa ipinakikita nitong kabutihan sa kanila.Napag-usapan na rin nila na tutulungan sila ni Vincent na magkaroon ng kotse. Si Vincent mismo ang nagpursige na makapundar si Toto ng magandang sasakyan na para rin sa pamilya niya. At cash iyon na babayaran ng binata na huhulugan na lamang ni Toto ayon sa kakayanan nito na wala ni bahagya mang tubo, kaya ganoon na lamang ang katuwaan n

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status