BAGO magpananghali ay narating nila ang Palawan.
Sa isang maganda at first class na resort sila nagtuloy kung saan agad na inagaw ng magaganda at modernong cottages ang atensyon ni Lana.
“Wow bongga!” ang narinig ni Lana na ibinulalas ni Rodora.
Isa sa masasabi niyang pinakamalapit sa kanya sa trabaho. Katulad niya, regional manager rin ito at hawak naman ang buong region three. Mas matanda nga lang ito sa kanya na edad twenty eight.
“Baka sakaling dito ko makilala si Mr. Right. Magpaiwan nalang kaya ako para dito manirahan?” dugtong pa nito saka sinundan ang sinabi ng isang malakas na tawa.
Natawa narin ng mahina si Lana sa sinabing iyon ng Ate Rodge niya.
Agad na inihiga ni Lana ang sarili sa malambot na kama nang nasa loob na siya ng kwarto ng maliit na cottage na naka-assign para sa kanya.
Every regional manager kasi ay may sariling maliit na cottage, for privacy at isa iyon sa maraming magagandang privilages ng kompanya nila.
Ilang sandali at bumangon si Lana.
Tinungo niya ang veranda saka itinulak pabukas ang sliding sliding glass door palabas doon. Napakaganda ng tanawin.
Ilang metro mula sa cottage niya ay naroon ang katabing cottage niya na mas magara at mas malaki. Sa harapan nito ay naka-park ang Land Cruiser na kulay puti.
“Mayaman siguro ang nandoon,” nasambit niya saka ngumiti.
Ilang sandaling nanatili roon si Lana.
Nakatayo at tahimik na pinagmamasdan ang magandang kapaligiran.
Banayad ang sariwang hangin na dumadampi sa kanyang balat. Masarap ang ihip niyon na tinatangay ang hanggang baywang niyang buhok.
Nasa ganoong ayos siya nang maramdaman na para bang may kung sinong nagmamasid sa kanya. Noon wala sa loob na iginala ng dalaga ang paningin.
Malakas ang naging pagkabog ng dibdib niya nang mula sa veranda ng cottage kung saan may naka-park na Land Cruiser ay mamataan ang isang mukhang ngayon ay nakangiti sa kanya.
At nang marahil mapansin nito ang mabilis na reaksyon ng kilig sa kanya dahil sa maluwang niyang pagkakangiti at kumaway ito.
Lord, kung panaginip lang po ito. Please lang, ayoko nang magising!
Ang kabilang bahagi ng isipan niya.
AMUSE na pinagmasdan ni Andrew ang babaeng maganda ang pagkakangiting kumaway rin sa kanya.
Napakaganda nito, itim na itim ang mahaba at tuwid nitong buhok na halatang napakalambot. Hindi naman ganoon kalayo ang distanya ng cottage nito sa kanya kaya nagawa niyang bistahan ng husto ang mukha ng babae.
Matangos ang ilong, mabibilog ang mga mata na hindi lang niya masabi kung ano ang mga kulay. Mestisahin at nangingintab ang kutis gawa ng bahagyang nasisinagan ng araw ang kinatatayuan nito. Matangkad at higit sa lahat maalindog ang pangangatawan.
Maliit ang baywang, tama ang laki ng mga dibdib nitong maganda ang pagkakatayo na halata sa suot nitong simpleng sleeveless hanging blouse na kulay puti.
Mahahaba at magaganda ang hugis ng mga binti at hita nitong nahantad naman sa suot nitong floral short na kulay dilaw. Dahilan kaya lalong tumingkad at kapansin-pansin ang puti at kinis ng mga iyon.
“I like this girl,” aniyang tumayo para sana kausapin ang babae pero nagulat siya nang bigla itong pumasok sa loob ng cottage nito. “tipikal na Pinay. Shy but I find her sweet, also,” bulong ulit niya.
Nagkibit ng mga balikat niya si Andrew saka pagkatapos ay nagbalik na sa loob ng kanyang cottage. Ang bukas na laptop sa kaniyang kama ang binalikan at hinarap ng binata.
Naroon siya sa resort na iyon para sa isang private vacation.
Katatapos lang kasi ng huling teleserye na pinagbidahan niya na tumagal sa telebisyon ng kulang isang taon dahil nga sa pagtangkilik rito ng publiko.
At bago pa man niya simulan ang isa na namang serye kung saan makakapareha niya ang bago at batang aktres na si Amber Sanches ay minabuti niyang magbakasyon na muna.
Sa resort na iyon naroon ang isa sa mahigit dalawampung branches ng coffee shop na pag-aari nila ng kapatid niyang si Samantha. Sa huling naisip ay napangiti ang binata.
Itinayo ng mga magulang nila ang Scotts Café noong bagong kasal ang mga ito. Mahilig kasing magkape ang tatay nilang si William Scott na isang sundalong Briton na nagbakasyon sa Pilipinas. Sa probinsya ng Batangas kung saan ipinanganak ay lumaki ang kanilang ina na si Zenaida o Zeny.
May taniman ng kape ang pamilya ng mama nila. Ang nanay nito na kaniyang lola ay kilalang artista noong kabataan nito.
Maganda rin ang ina niya, pero sa halip na sundan ang yapak ng kanilang lola sa pag-aartista ay mas pinili ni Zeny ang normal na buhay at iyon ay ang pag-aasikaso nga sa coffee farm ng mga ito.
Dito sa Pilipinas ikinasal ang mga magulang niya.
Alam niya kung bakit, mas pinili rito ng Papa nila dahil walang deborsyo. Mapait ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew sa huling naisip.
Nauunawaan niya ang kaniyang ama. Dahil siya man ay binalak na rin niyang pakasalan sa Pilipinas ang isang babae na sa hindi inaasahang pagkakataon ay binawi sa kanya ng biglaan dahil sa pakikialam ng kamatayan.
Mabilis na ipinilig ni Andrew ang ulo saka iwinala sa isipan ang mapait na alaalang iyon.
Ang unang branch ng Scotts Café ay nasa Batangas.
Iniwan lang ito ng mga magulang nila nang mag-migrate sila pa-United Kingdom kung saan sa city ng London nanirahan ang mga ito dalawang taon matapos maikasal.
Hindi kasi kinaya ng Mama nila ang pangungulila sa kanilang ama kapag nasa serbisyo ito. Kaya pasamantala ay ang tiyuhin nilang si Cesar ang humawak muna ng café hanggang sa napalago nga nito ito at unti-unting dumami.
Mahigit limang taon narin mula nang magpasya sila ni Samantha na umuwi ng Pilipinas para pag-aralan ang pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Gusto narin kasi magretiro ng tiyuhin nila at dahil kanila naman talaga ang business ay minabuti nilang sundin ang advice nitong umuwi nalang sila para maturuan sila ng tamang pagpapatakbo nito.
Sa ganoong paraan, kahit paano ay nabaling din naman doon ang atensyon niya at ang lahat ng masasakit na pangyayari na gusto niyang kalimutan.
Business ang kursong tinapos niya sa London kung saan siya lumaki at ipinanganak dalawang taon matapos ang pagma-migrate ng mga magulang nila doon. Dahilan kaya hindi naman siya nahihirapang pag-aralan ang lahat ng itinuro sa kaniya noon ng tiyuhing si Cesar na nasa Canada na ngayon kasama pamilya nito.
Masyado nga lang siyang abala dahil narin sa karera niya sa pag-a-artista pero kinakaya naman niya.
"Wala ka bang planong mag-asawa? Eh ni walang nagtatagal ng taon sa mga babaeng nauugnay sa’yo?”
Nang minsang makausap niya sa isang video call ang Mama niyang si Zeny ay iyon ang itinanong sa kanya. Iyon ay matapos na mapabalita ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Beth Cortez. Ang leading lady sa katatapos lang na teleseryeng pinagbidahan niya.
“Ma, parang hindi mo alam sa ganitong trabaho, mas marami ang de-kontrata. Kaya once na natapos ang isang project, tapos din ang relasyon. If you know what I mean,” nakita niyang umangat ang isang kilay ng Mama niya nang makuha ang ibig sabihin ng huli niyang sinabi.
“So ibig sabihin isa rin ang Beth na iyon sa mga babaeng naging contract girlfriends mo?” ang Mama niya.
“Ma, naging contract boyfriend din naman niya ako. Saka sa pagkakaalam ko nasa-satisfy ko naman siya kaya patas lang ang lahat,” paliwanag pa niya habang nagpipigil ng isang pilyong ngiti.
Bumuntong hininga ang Mama niya.
“Anyway, parte iyon ng trabaho ninyo bilang mga artista. Maswerte ka lang at hindi mo kailangang mamili dahil wala kang real-life sweetheart.”
Sa huling sinabi ng Mama niya ay malungkot na napangiti si Andrew.
“Mas pipiliin ko parin ang pribado kaysa lime light, Ma,” ang may katiyakan niyang sagot.
Matamis siyang nginitian ng Mama niya. “I know, kaya proud ako sa’yo,” anito pa na nasa tono ng boses ang sinabi.
AGAD na nag-init ang mga mata ni Lana nang matanawan ang isang pamilyar na cottage na sa loob ng halos limang taon ay ngayon lamang niya muling nabalikan. Iyon ay sa kaparehong resort sa Palawan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Andrew ng personal. "Are you okay?" noon siya natigilan nang marinig niya ang amuse na tanong na iyon mula sa kaniyang asawa. Naluluha ang mga mata na tiningala ni Lana ang kaniyang kabiyak. Sa lahat ng pagkakataon palaging sinisikap ni Lana ang hindi maging emosyonal. Lalo na kapag para sa anak niya. Dahil para sa kaniya, hindi siya makakapag-isip ng maayos kung magpapatangay siya ng husto sa kaniyang emosyon. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. O dahil ba iyon sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya? Kaya parang gusto niyang yumakap kay Andrew, isubsob ang mukha niya sa malapa
TWO MONTHS LATERMalungkot na pinagmasdan ni Andrew ang hanggang ngayon ay wala paring malay na si Lana. Dalawang buwan matapos ang aksidenteng si Patricia mismo ang may kagagawan ay nanatili ito sa loob ng ospital. Sa ICU kung saan niya araw-araw na hinihintay ang pagbabalik sa kaniya ng babaeng pinakamamahal niya.Sa naisip ay wala sa loob na naikuyom ni Andrew ang sariling kamay. Nakakulong na si Patricia sa ngayon at wala siyang balak na iurong ang demanda laban dito. Sinaktan nito si Lana at tama lang na pagbayaran nito ang masamang ginawa nito sa babaeng pakakasalan niya."Sweetheart, bumalik kana, miss na miss kana namin ni Andrea" bulong niya habang nanatiling nakatanaw sa glass wall ng ICU.Hindi niya alam kung ito ang karma niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya noon. Kung siya nalang sana ang naghihirap, okay lang. Pero dahil sa kaniya pati si Lana ay nagdurusa. At hindi niya matanggap ang bagay na iyon.Alam niya na sa kundisyon ni Lana ngayon ay may chance na paggisin
UMIIYAK habang nanginginig sa galit na sinaid ni Patricia ang lamang alak ng kaniyang baso. Pagkatapos ay muling pinakatitigan ang bagong issue ng isang magazine kung saan nasa cover ang mukha ng pinakakinasusuklaman niyang babae sa buong mundo. Si Lana. Isang buwan narin ang nakalilipas mula nang huli silang magkausap ni Andrew sa opisina nito at katulad ng sinabi ng binata sa kaniya. Hindi na nga ito nag-renew ng kontrata sa agency nito. Suminghot si Patricia saka umiiyak na muling sinalinan ng alak ang kaniyang baso. Alam niyang totoo ang lahat ng sinabi ni Andrew. Alam niyang hindi niya kayang magalit sa binata kahit ano pa ang gawin nito. Pero masyado siyang nasasaktan at hindi niya pwedeng isisi ang lahat sa lalaki dahil sa labis na pagmamahal niya para rito. "Isa lang ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Ikaw animal kang babae ka!" ang galit na galit niyang sigaw na ang tinutukoy ay si Lana saka umiiyak na ibinato ang hawak na baso. Gusto niyang maghisterya, gusto na niyang
"I PROMISE" si Lana na matamis munang ngumiti bago hinaplos ang mukha ng binata.Iyon lang at hinalikan na siya ni Andrew. Kasabay niyon ang muling paglilikot at panggagalugad ng kamay ni Andrew sa bawat parte at kurba ng katawan ni Lana.Ilang sandali lang at mula sa pagkakapikit ay naramdaman
"L-LOVE? Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Lana habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi.Noong tuluyang lumuhod sa harapan niya ang binata saka sinapo ng mga kamay nito ang kaniyang mukha. "Sobrang mahal na mahal Lana" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya saka siya masuyong hinalikan.
PASADO alas-seis na nang gabi nang matapos sina Andrew at Sam. Dahil sa pagod ay ipinasiya na lamang ng binata na condo unit na lamang niya siya magpalipas ng gabi dahil doon naman siya mas malapit mula sa branch ng Scott's na pagmumulan niya. Kasasakay lang ng binata sa kotse niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Si Sam kasi ay nauna nang umuwi at nagpasundo na lamang sa kanilang family driver.Agad na napangiti si Andrew nang mabasa kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen ng kaniyang telepono. Pakiwa