WARNING: [R18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT CONTENT She considered herself as Andrew's number one fan. Si Andrew Scott, isang sikat na actor at dito lamang umikot ang mundo ni Lana mula pagkabata. Pangarap niya itong makita at mayakap. Pangarap niya itong pakasalan. Pero hindi niya inakala minsan man na ang lahat ng pangarap at pantasya niya tungkol kay Andrew ay maaaring magkaroon ng mas nakakakilig pa palang mga eksena. Mas higit pa sa inakala niya.Hindi lang madali dahil magkaiba sila ng mundo, kaya napilitan siyang lumayo. Pero tunay nga na nagiging maliit ang mundo sa mga taong itinakda ng tadhana para sa isa't-isa. Dahil muli silang nagkita ng binata makalipas ang tatlong taon. At sa pagkakataong ito alam niyang wala na siyang magagawa pa, kundi ang ipakilala ang binata kay Andrea, ang anak nila na naging bunga ng isang gabing para kay Lana ay siyang katuparan ng matagal na niyang pag-ibig para sa hinahangaang artista.
View MoreMALALIM na ang gabi at mahimbing na ang tulog ni Andrea sa kwarto nito nang marinig ni Lana ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto.
Mula sa pagiging abala sa harapan ng kanyang laptop ay nagsalubong ang mga kilay niya saka sinulyapan ang wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng refrigerator.
"Sino naman kaya ito at pasado alas-nueve na ay naisipan pa akong puntahan?" bulong niya saka tumayo.
Sinilip muna niya sa peep hole ng pintuan ang kumakatok saka agad na niragasa ng kaba ang kanyang dibdib nang makitang si Andrew ang nakatayo sa labas.
Matagal bago nakakilos si Lana dahil doon. Kaya naman nagulat pa siya nang muling kumatok si Andrew pero sa pagkakataong ito ay sa mas mapilit at tila ba hindi na makapaghintay na paraan.
"Anong kailangan mo at bakit ka nandito? Gabi na," ang pormal niyang bungad matapos mapagbuksan ang binata. "tulog na si Andrea kaya kung pwede umalis ka na at bumalik nalang bukas?" pagtataboy niya sa lalaki.
Pero hindi siya pinansin ni Andrew at sa halip ay umangat lang ang sulok ng labi nito saka nagsalita. "Pwede ba akong pumasok?" ang sa halip ay isinagot nitong inilapit pa ng husto ang mukha sa kanya.
Masarap na kilabot ang mabilis na naramdaman ni Lana nang bumalandra sa mukha niya ang amoy ng alak sa hininga ni Andrew. At iyon ang nakita niyang dahilan kung kaya parang wala sa sarili siyang kusang napatango.
"G-Gusto mo ba ng kape?" ang naitanong pa niya matapos isara ang pinto at nasa loob na ng kabahayan si Andrew.
Hindi nakaligtas sa kaniyang pandinig ang mahinang tawa na pinakawalan ni Andrew. "Sounds like a real wife," anito saka sinimulang humakbang palapit sa kinatatayuan niya.
Awtomatikong naalarma si Lana sa ginawang iyon ni Andrew kaya minabuti niyang kumilos na at nagtuloy sa kusina para ipagtimpla ng kape ang binata.Pero hindi niya inakalang sinundan pala siya doon ni Andrew kaya nabitiwan niya ang hawak na kutsarita na gumawa ng ingay sa tiled floor nang magsalita ito sa likuran niya.
"Are you okay, Lana?" amusement ang nasa tono Andrew nang malingunan niya itong nakatayo isang hakbang lang yata ang layo mula sa kaniya.
Magkakasunod siyang napatango saka pagkatapos ay muling tinalikuran ang binata para ipagpatuloy ang patitimpla niya ng kape. Pero lalong naghurumentado ang dibdib niya nang maramdaman niya ang dalawang kamay ni Andrew sa kanyang baywang.
"Lana," anas nito sa kanyang tainga kaya marahas siyang napasinghap.
"B-Baka magising si Andrea," aniyang pinagsikapang pakawalan ang sarili mula sa pagkakahapit sa kanya ng binata at nagtagumpay naman siya doon.
Lumayo siya kay Andrew nang dalhin niya sa sala ang tasa ng kape nito saka iyon inilapag sa center table. "Inumin mo na ito tapos umalis kana" mahinahong pagtataboy niya sa lalaki.
Tinitigan lang siya ni Andrew saka pagkatapos ay parang walang anuman binasa ang nito ang mapupulang mga labi. Maya maya pa ay humahakbang na muli ang binata palapit sa kanya. Kaya naman siya ay agad na napa-atras nahagyang nakabukas na pintuan ng kanyang mismong silid.
"Ayoko niyan," anitong ang tinutukoy ay ang tinimpla niyang kape saka nagpatuloy sa ginagawang paghakbang palapit sa kanya.
Napalunok si Lana. At dahil nga kwarto niya ang nasa kanyang likuran ay wala siyang ibang uurungan maliban doon. "A-Ano bang gusto mo?" ang kinakabahan niyang tanong.
Umangat ang sulok ng labi ni Andrew saka pagkatapos ay tuluyan na siyang hinawakan sa magkabilang balikat at marahang itinulak papasok ng kwarto. Mabibilis ang mga kilos nitong nagawang itulak pasara ang pinto saka diniinan ang lock ng knob.
"Hindi pa ba obvious sa'yo na ikaw ang gusto ko?" si Andrew na hinila ang braso niya kaya siya napakayakap rito.
Nagpumiglas siya para pakawalan ang sarili pero dahil nga mas malakas ang lalaki sa kanya ay wala rin siyang nagawa nang itulak siya nito sa dingding saka niyuko at mariing hinalikan sa mga labi.
Parang naparalisa ang kabuuan ni Lana nang muli ay natikman niya ang mga labing minsan nang nagpawala sa kanya sa sarili niyang katinuan. Ang mga labing mula nang matuto siyang humanga ay kanya ng pinangarap. Ang mga labing naging dahilan kung kaya dumating si Andrea sa buhay niya.
Alam niyang hindi iyon ang unang pagkakataon na nahalikan siya ni Andrew. Dahil kung tutuusin mas higit pa sa ganoon ang nagawa ng lalaki sa kaniya. Pero hindi niya maunawaan kung bakit ganoon katindi ang panghihina niya nang mga sandaling iyon.
Dahil ba inamin nito mismo sa kaniya na gusto siya nito?
Hindi niya tiyak at hindi rin niya maunawaan ang lahat.
Matagal at mariin ang halik na iyon sa kanya ni Andrew. Hindi niya kaya ang lalaki kahit anong pagpupumiglas ang gawin niya. Lalo nang hawakan nito ang dalawang kamay niya saka itinaas sa kanyang ulunan.
Higit pang naging mapusok si Andrew sa pagkakataong iyon.
Marahas ang singhap na pinakawalan niya nang idikit nito ng husto ang katawan nito sa kanya habang patuloy siyang hinahalikan. Hanggang sa naramdaman na lamang niya ang isang kamay ng binata na sumapo sa kanyang puwitan saka siya itinaas niyon.
Nanlaki ang mga matani Lana nang maramdaman niya ang matigas na bagay na nakabukol sa harapan ng pantalon ni Andrew.
Magkakahalong emosyon ang naramdaman niya nang sa tila nanunuksong paraan ay ikiniskis iyon ng binata sa bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita at kasalukuyang nakadaiti ngayon sa nakaumbok nitong unahan.
"I want you so bad, Lana," bulong ni Andrew nang pakawalan nito sandali ang mga labi niya saka muli ring inangkin pagkatapos.
Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na ngang bumigay ang lahat ng pagpipigil ni Lana.
Siguro gawa na rin iyon ng katotohanang siya man ay palaging nasasabik para sa pagkakataong ito.
Kaya naman kung gaano katindi ang pagpupumilit niyang makawala mula sa mga bisig ng binata kanina, ay siya namang higpit ng pagkakapulupot ng mga braso niya sa leeg nito ngayon.
Tinugon niya ng maiinit ring halik ang mga labi nitong parang wala yatang planong lubayan ang kaniya.
At hindi nagtagal, tuluyan na nga siyang napaungol nang maramdaman ang banayad na pagkagat ni Andrew sa pang-ibaba niyang labi.
Kasabay ng ginawing iyon ng binata ay ang muling pagbabalik ni Lana sa kaniyang huwisyo.
Dahil doon ay pinadapo niya ang isang malakas na sampal sa pisngi ni Andrew na ikinagulat naman nito kaya nagawa niyang kumawala sa tila bakal na mga bisig ng lalaki.
"U-Umalis ka na, hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari kaya ka nagpunta dito pero mas maganda kung aalis ka na ngayon," aniyang nabasag ang tinig.
Tinitigan lang siya ng lalaki. "Alam kong gusto mo rin ako, Lana," ang isinagot nito sa sinabi niyang iyon pagkuwan.
Ang totoo magulo ang isip ni Lana at litong-lito siya.
Siguro iyon ang dahilan kaya mabilis na nagbabago ang emosyon niya. At iyon rin ang dahilan kaya madali siyang bumibigay at nagiging marupok sa mga simpleng halik at yakap lang ni Andrew sa kaniya.
Umiling siya saka nagpahid ng mga luha. "Hindi na importante kung gusto kita o hindi Andrew. Ang gusto ko ngayon ay umalis ka na, ayokong makita ni Andrea na nandito ka sa ganitong oras at gabi pa," sagot niya.
Nangalit ang bagang ni Andrew sa sinabi niyang iyon. "Hindi mo pwedeng ilayo sa akin si Andrea," mariin nitong sabi.
"Hindi ko naman siya ilalayo sa iyo. Pero para sa kaalaman mo, gusto ko lang ipaalala sa iyo na nabuhay kami ng wala ka! Inilabas ko siya sa mundo nang wala ka! Kakayanin namin kahit kaming dalawa lang!" aniya sa mababa subalit matatag na tono.
"Nangyari ang lahat ng iyon kasi itinago mo siya sa’kin!" mariing tugon ni Andrew sa mababa ring tono.
"Kasi iyon ang mas tama!" sagot naman niya.
Tumawa ng mahina si Andrew. "Babalik ako," anitong pagkasabi ay tuluyan nang lumabas ng silid.
Nang marinig niya ang ugong nang umalis na sasakyan ay tuluyan na ngang pinakawalan ni Lana ang kanyang mga luha. Habang sa isip niya ang maraming katanungan doon. At ang pag-aalala hindi lang para sa sarili niya kundi lalong higit kay Andrea.
AGAD na nag-init ang mga mata ni Lana nang matanawan ang isang pamilyar na cottage na sa loob ng halos limang taon ay ngayon lamang niya muling nabalikan. Iyon ay sa kaparehong resort sa Palawan kung saan sila unang nagkita at nagkakilala ni Andrew ng personal. "Are you okay?" noon siya natigilan nang marinig niya ang amuse na tanong na iyon mula sa kaniyang asawa. Naluluha ang mga mata na tiningala ni Lana ang kaniyang kabiyak. Sa lahat ng pagkakataon palaging sinisikap ni Lana ang hindi maging emosyonal. Lalo na kapag para sa anak niya. Dahil para sa kaniya, hindi siya makakapag-isip ng maayos kung magpapatangay siya ng husto sa kaniyang emosyon. Pero sa pagkakataong iyon, hindi niya alam kung dahil ba sa labis na kaligayahan na nararamdaman niya. O dahil ba iyon sa lahat ng paghihirap na pinagdaanan niya bago niya nakasama ang lalaking pinakamamahal niya? Kaya parang gusto niyang yumakap kay Andrew, isubsob ang mukha niya sa malapa
TWO MONTHS LATERMalungkot na pinagmasdan ni Andrew ang hanggang ngayon ay wala paring malay na si Lana. Dalawang buwan matapos ang aksidenteng si Patricia mismo ang may kagagawan ay nanatili ito sa loob ng ospital. Sa ICU kung saan niya araw-araw na hinihintay ang pagbabalik sa kaniya ng babaeng pinakamamahal niya.Sa naisip ay wala sa loob na naikuyom ni Andrew ang sariling kamay. Nakakulong na si Patricia sa ngayon at wala siyang balak na iurong ang demanda laban dito. Sinaktan nito si Lana at tama lang na pagbayaran nito ang masamang ginawa nito sa babaeng pakakasalan niya."Sweetheart, bumalik kana, miss na miss kana namin ni Andrea" bulong niya habang nanatiling nakatanaw sa glass wall ng ICU.Hindi niya alam kung ito ang karma niya sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya noon. Kung siya nalang sana ang naghihirap, okay lang. Pero dahil sa kaniya pati si Lana ay nagdurusa. At hindi niya matanggap ang bagay na iyon.Alam niya na sa kundisyon ni Lana ngayon ay may chance na paggisin
UMIIYAK habang nanginginig sa galit na sinaid ni Patricia ang lamang alak ng kaniyang baso. Pagkatapos ay muling pinakatitigan ang bagong issue ng isang magazine kung saan nasa cover ang mukha ng pinakakinasusuklaman niyang babae sa buong mundo. Si Lana. Isang buwan narin ang nakalilipas mula nang huli silang magkausap ni Andrew sa opisina nito at katulad ng sinabi ng binata sa kaniya. Hindi na nga ito nag-renew ng kontrata sa agency nito. Suminghot si Patricia saka umiiyak na muling sinalinan ng alak ang kaniyang baso. Alam niyang totoo ang lahat ng sinabi ni Andrew. Alam niyang hindi niya kayang magalit sa binata kahit ano pa ang gawin nito. Pero masyado siyang nasasaktan at hindi niya pwedeng isisi ang lahat sa lalaki dahil sa labis na pagmamahal niya para rito. "Isa lang ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Ikaw animal kang babae ka!" ang galit na galit niyang sigaw na ang tinutukoy ay si Lana saka umiiyak na ibinato ang hawak na baso. Gusto niyang maghisterya, gusto na niyang
"I PROMISE" si Lana na matamis munang ngumiti bago hinaplos ang mukha ng binata.Iyon lang at hinalikan na siya ni Andrew. Kasabay niyon ang muling paglilikot at panggagalugad ng kamay ni Andrew sa bawat parte at kurba ng katawan ni Lana.Ilang sandali lang at mula sa pagkakapikit ay naramdaman
"L-LOVE? Mahal mo ako?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Lana habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha sa magkabila niyang pisngi.Noong tuluyang lumuhod sa harapan niya ang binata saka sinapo ng mga kamay nito ang kaniyang mukha. "Sobrang mahal na mahal Lana" si Andrew na inilapit ng husto ang mukha sa kaniya saka siya masuyong hinalikan.
PASADO alas-seis na nang gabi nang matapos sina Andrew at Sam. Dahil sa pagod ay ipinasiya na lamang ng binata na condo unit na lamang niya siya magpalipas ng gabi dahil doon naman siya mas malapit mula sa branch ng Scott's na pagmumulan niya. Kasasakay lang ng binata sa kotse niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang telepono. Si Sam kasi ay nauna nang umuwi at nagpasundo na lamang sa kanilang family driver.Agad na napangiti si Andrew nang mabasa kung kaninong pangalan ang nakarehistro sa screen ng kaniyang telepono. Pakiwa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments