LOGINChapter 5
Nagdadalawang-isip ako kung papasok ako sa office ni Sir Azrael. Naiilang pa rin ako sa nangyari pero may mga documents na kailangang ihatid para mapirmahan niya. Wala akong ibang pagpipilian kundi pumunta sa office nito. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Pero hindi ko inasahan ang bumungad sa akin. May isang sexy na babae sa kandungan ni Sir Azrael at nakapalibot ang braso nito sa leeg niya. Tumikhim ako ng malakas para mapansin nila ako. Kaagad namang naitinulak ni Sir Azrael ang babae nang makita ako. “Canna, it's not…” “I'm sorry for interrupting you, sir. Mamaya na lang ako magpapapirma, tapusin n’yo muna ang ginagawa ninyo,” sabi ko at tahimik na isinara ang pinto. Patakbong tinungo ko ang restroom paglabas ng office. Sumandal ako sa pinto matapos kong maisara. Pakiramdam ko biglang humapdi ang dibdib ko sa nakita. Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon? Alam kong namang matagal ng babaero ang Boss ko at wala akong pakialam noon. Ang mahalaga sa akin ay ang aking trabaho. Nakakapagtakang nakaramdam ako ng kakaiba ngayon. Ang isiping pinagpatuloy nila ang nakita ko kanina ay parang lalong sumasakit ang loob ko. “Why am I feeling this way?” bulong ko. Lumapit ako sa sink at naghilamos para mahimasmasan ako. Hindi ako dapat makaramdam na gano'n. Wala akong karapatan, may nangyari lang sa amin pero hindi ibig sabihin niyon ay titigil na siya sa pagiging babaero. Hindi niya naman ako girlfriend. Ilang minutong nagkulong ako sa loob ng restroom bago napagpasyahang lumabas. Pero nagulat ako nang makita si Sir Azrael sa labas ng banyo. “A-anong ginagawa ninyo sa labas, sir?” Hindi siya sumagot. Sa halip ay mabilis niya akong isinandal sa pader. Gulat akong napasinghap sa ginawa niya. I stared into his eyes with my heart almost ripping out of my chest. “Ano bang ginagawa mo? Pakawalan mo nga ako!” nagpupumulit akong makaalis pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa akin. “It was a misunderstanding. Trust me, hindi ko siya hinalikan. Siya ang gumawa niyon sa akin,” paliwanag niya. “Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?” “Because it looks like you misunderstood us.” “I didn't,” sabi ko, pilit na iniiwasan ang mga mata niya. “You did, Canna. And I'm sorry about that,” he muttered. “Hindi mo kailangang magpaliwanag, sir. Hindi mo naman ako girlfriend—” “Then, be my girlfriend para may karapatan akong magpaliwanag sa ‘yo,” putol niya sa iba ko pang sasabihin. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Parang lumukso ang dibdib ko sa lakas ng tibok niyon. “Pinagloloko mo ba ako? Hind po kayo nakakatuwa, sir,” malamig kong sabi. “Gusto ko may karapatan ako, Canna. Tangina! Gusto kitang angkinin ng buong-buo—” Nasampal ko siya ng wala sa oras. Pakiramdam ko pinaglalaruan niya lamang ako. Matapos ko siyang makitang may kahalikang babae biglang mag-aalok na maging girlfriend ako? Iniwan ko siya at bumalik sa aking desk. Uwian na rin kaya mag-aayos na ako ng gamit. I was already done with the day's work. Sir Azrael came out of the office. Napaayos ako ng tayo. "I want to remind you about our trip tomorrow," sabi niya sa malamig na boses. Oo nga pala, kamuntikan ko nang makalimutan. "Ihanda mo na ang lahat ng gamit mo. Maaga tayong aalis bukas." I nodded. "Yes, sir..." "Ilang araw ba tayo mananatili doon?" tanong ko. "Three days," pagkatapos niyon ay tinalukuran na ako nito, hindi man lang nag-abalang tignan ako. Somehow, I felt hurt by his actions. Pero kasalanan ko din naman. I shook the thought off and walked to the elevator. "I don't have to bother about him," I mumbled to myself. Mabuti na 'yong ganito kami. Siya na mismo ang umiiwas sa akin baka kasi manganib ang puso ko sa kanya. Bago pa ako makapasok sa elevator, naunang pumasok sa loob si Sir Azrael kaya sumarado na ang pinto. Wala akong ibang nagawa kundi hintaying magbukas ulit. Hindi ko rin naman gustong makasabay siya. Paglabas ng elevator. Naabutan ko si Sir Azrael at Sir Jaric. "Club tayo, it's been a long time since we had fun." Rinig kong sabi ni Sir Jaric. Babalewain ko na sana pero ayaw naman makisama ng paa ko. Gusto kong marinig kung anong isasagot ni Sir Azrael. Wala akong narinig na salita sa kanya. Tahimik lamang siya naglakad patungo sa sasakyan ni Sir Jaric. Marahas akong napagkawalang ng hangin nang mawala sa paningin ko ang sinasakyan nila. Kinagabiham, pabaling-baling ako sa higaan. Hindi ako makatulog. My mind went to Sir Azrael and Sir Jaric's discussion. I bit my lips. Pupunta talaga siya doon? The image of him kissing and caressing another girl filled my mind and I slapped myself twice. "Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba gano'n ang naiisip ko?" I groaned. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip ang ulo ni Scaxy doon. Nakalimutan ko pa lang may kasama ako dito. Nagtalo si Scaxy at ang boyfriend niya kaya sa akin siya nakikitulog. "Matutulog ka na?" tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka ba marunong kumatok?" Scaxy smiled sheepishly and entered the room. "May hindi ka sinasabi sa akin, couz." Kumunot ang noo ko. "Ano naman 'yon?" "Mukhang may kakaiba akong napansin sa inyo ni sir Azrael." She wiggled her brow teasingly. "Anong pinagsasabi mo?" Umirap siya. "Naglilihim ka na sa akin, ha?" "W–What?" "May relasyon ba kayo ng Boss mo?" Bahagyang umawang ang labi ko sa tanong ng aking pinsan. "Lumabas ka na nga! Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa utak mo." Pinagtutulakan ko siya palabas ng silid. "Canna, ano ba?! Tinatanong pa kita," reklamo niya. Kaagad kong isinara ang pinto nang maitulak ko siya palabas. Kinukulit niya pa rin ako sa labas ng pinto, nagpupumilit pumasok. Naiiling na bumalik ako sa kama. “Matulog ka na, Scaxy!” sigaw ko dito. Huminto ang pagkatok nito. I laid on the bed and hugged the pillow to myself. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako sa damdaming pinupukaw ni Sir Azrael. Sa kakaisip ko, hindi ko namalayang nakatulog na ako. Maaga rin ako nagising para maghanda sa flight namin patungong Singapore. My luggages was packed already. "Be careful there, okay? I'm gonna miss you." Yumakap si Scaxy sa akin. Halos mapairap naman ako habang niyayakap siya. Para namang ilang buwan akong mawawala, tatlong araw lang naman kami doon. "Uuwi din ako." Ngumuso siya. "Alam ko. Don't forget may pasalubong, ha?" Tumango ako. 'Yon naman talaga ang hindi ko makakalimutan sa tuwing lalabas ako ng ibang bansa. Palagi akong may pasalubong sa kanya. Gano'n din siya sa akin, nagdadala ng pasalubong pag-uwi. We heard a knock outside. "Mukhang nandito na ang sundo mo, couz." "Bye!" hinalikan ko siya sa pisngi. I dragged my traveling bag. Nang makalabas ako sa condo umaasa akong si Sir Azrael ang bubungad sa akin. Pero ang mukha ng driver ni Sir Azrael ang nakita ko, si Renje. "Inutusan ako ni Boss na sunduin kayo, Ma'am. Sa airport na siya maghihintay sa inyo," sabi nito. I felt sad. Iniiwasan niya ba ako? Dati naman ito ang sumusundo kapag may pupuntahan kami. Minsan lang akong sinusundo ni Renje. Galit pa siguro siya sa ginawa kong pagsampal sa kanya kahapon.Habang naglalakad sila papunta sa master bedroom, biglang bumukas ang pinto sa dulo ng hallway.“There you both are!” an excited voice exclaimed. Si Zaire iyon, pregnant glow and all, habang hinahaplos ang baby bump nito. “Jai and I just arrived! We’ve been looking for you both everywhere. But first of all, where are those two little devils, huh?”Agad silang napatingin sa isa’t isa. Sabay-sabay nilang hinarangan ang pinto.“Uh... they’re, uh, getting ready,” Thara blurted out, forcing a smile. “Gusto nilang surpresahin ang lahat, so they asked us to… allow them to make uh—”“Entrance,” Rozein finished for her. “You know how dramatic they can be, right?”“Yes, yeah, of course,” Zaire laughed softly. “I seriously wanted to see them though.”“Oh, you will. They’re just getting ready,” mabilis niyang sabi.“Yes, they are,” dagdag ni Rozein. “They really wanted you to see them, but they wanted to surprise you with their, you know, new dresses and stuff.”“Right… I totally get it. Nasa iba
“Dana, pakidala mo nga ang mga orange sa kabilang table. I want someone to start making the fresh juice now,” tawag ni Thara habang abala sa kusina.“Alright!” sagot ni Dana. Muntikan pa nitong mabangga ang isang katulong.Napangiti si Thara, saka muling bumalik sa paghiwa ng mga kamatis.Sino nga ba ang mag-aakalang ang simpleng family dinner ay magiging ganito ka-stressful? Matagal na niyang pinaplano ang gabing ito. Simula pa noong dumating sa buhay nila sina Elara at Thaliene, ang kanilang kambal. Four years have passed, eksaktong ika-anim ng Hunyo. Dalawang munting anghel na babae na parehong kopya ni Rozein.So much for wanting a baby boy, naisip niya habang napangiti ng bahagya.Ngayong araw ay ikaapat na kaarawan ng kambal. She and Rozein planned to make it special. Isang malaking family dinner kung saan lahat ng kamag-anak ay naroon.Darating sina Freiah kasama si Franco at si Frances, ang kanilang cute na anak na tatlong taong gulang. Si Zaire at Jai ay kasal na rin ng dalaw
Sa loob ng kotse, walang nagsasalita. Tahamik lamang na nakatingin sa bintana si Thara habang nilalaro ang mga daliri, tila may mabigat na iniisip.Alam ni Rozein na may bumabagabag sa isip ng asawa. He wanted to speak, but he knew she wasn’t ready yet. Marahan niyang inilapat ang kamay sa nanginginig na mga daliri ni Thara. Tumigil ito, sabay lingon sa kanya.“Are you okay?” tanong niya.“Yeah. Just tired.” Pinilit nitong ngumiti. “You sure?”“Yes. I’m sure.” Sinalubong nito ang kamay niya at marahang pinisil.Pero alam niyang nagsisinungaling ito. Kita naman sa mga mata ng babae.Pagdating nila sa mansion, tahimik pa rin si Thara. Habang kumakain sila ng hapunan, nakipag-usap ito ng kaunti kina Dana at sa mga kasambahay, pero halatang wala ito sa sarili. Wala na ang dati nitong sigla, ang tawang nakakahawa.As they lay in bed, Rozein turned off the bedside lamp. Si Thara ay nakatalikod na sa kanya. Huminga siya nang malalim at inayos ang unan, pero bago tuluyang pumikit, napatingin
The air hostess heard the instruction for them to disembark. She was ready to help them with their bags, pero tinanggihan nila. Sila na mismo ang nagbuhat ng mga iyon at sabay lumabas sa private plane area.“So, where are you headed now? The Montefiore's estate?” tanong ni Rozein habang naglalakad sila palabas.“I don’t know… pero pwede naman akong tumuloy sa Silvana mansion for a few days, right?” sagot niya sa pagod na boses.“Hindi ba delikado?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ng lalaki.“Yes, it is… But we just got married personally, Rozein. We need to spend some personal time together,” paliwanag niya.“What would Allesandro think about that?”“I wouldn’t like it one bit!” Isang matalim at pamilyar na boses ang biglang sumingit. Parang kidlat na dumaan sa pandinig nila.Nagulat silang pareho nang makita si Allesandro, galit na galit, at may hawak na baril. Nakatutok iyon diretso sa kanila. Mabigat ang bawat hakbang nito habang papalapit.“Back from your London loving trip?” mapanu
“Thank you,” bulong nito, bago siya halikan ng mainit na parang iyon ang huling halik na ibibigay nila sa isa’t isa.“I can’t believe it. thought you didn’t want to marry me anymore. I thought I ruined everything,” sabi niya habang nakatingin pa rin dito. “You almost did, actually,” biro ni Rozein.“I’m sorry.”“It’s okay. Let’s not waste any more time, shall we?” Hinawakan nito ang kamay niya.Tumaas ang kanyang kilay. “What do you mean?” Sa halip na sagutin siya, ngumiti lamang ito.“Remember the time I told you that I wanted to buy time?” “Yeah?” she asked, brows furrowing.“Well, come with me. You’re about to find out why.”“Teka lang, Rozein—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang hilahin siya nito palabas ng banyo.“What is the meaning of this?” Nanlalaki ang mga mata ni Thara habang sinusundan ito ng tingin.“I didn’t know how long it would take. But I can’t wait any longer. I want to marry you. Here. And now,” sagot ni Emeliano, mahinahon pero puno ng damdamin,” sagot ni
There's something wrong, na parang may kulang, at ramdam na ramdam niya iyon. Parang may invisible gap sa pagitan nila, isang puwang na pumipigil sa kanila na maging buo.Rozein seemed to have a built-in cold wall in their relationship. He wasn’t open with her like he used to be, not even on the flight back home, hindi nito ginagawa na special o memorable. Ang init ng pagmamahal, mga biro, ang maliliit na haplos ay wala na.Kinagat niya ang ibabang labi at sumulyap kay Rozein. He was focused on his laptop, typing as if nothing else mattered.Napabuntong hininga siya at umupo ng maayos.“Hey,” her voice was soft but firm, trying to bridge the distance between them.Ngunit parang walang narinig si Rozein.“Rozein.” Nilakasan niya ang pagtawag sa pangalan nito.Pero wala pa rin.“Mr. Montefiore,” tawag niya na unti-unting nauubos ang pasensya.Tumingin ito kaagad sa kanya na parang nagising sa concentration. “What?”She smiled a little, teasingly.“Okay, fine. I’ll just pretend like you







