Share

WRONG ROOM 5.

Author: Batino
last update publish date: 2026-07-12 22:49:06

"Mr. SEBASTIAN DEL ROSARIO."

Agad na lumapit si Manager David at magalang na yumuko.

"Good morning, Sir."

Tumango lamang si Sebastian bilang tugon.

"Sir, kanina pa po kayo hinihintay ng ating mga bisita. Kumpleto na rin po ang mga board members at senior executives sa conference room. Handa na po ang lahat para sa meeting."

Isang tango lang ang isinagot ni Sebastian.

"Let's proceed."

"Yes, Sir."

Agad na nauna si Manager David sa paglalakad, habang tahimik namang sumunod ang CEO.

Samantalang ako...

Napabuntong-hininga na lang.

"Salamat, Lord..." mahina kong bulong. "Hindi niya ako pinansin.”

"Wait, Manager David."

Malalim at malamig ang boses ng CEO.

"Yes, Mr. CEO?" magalang na tugon ni Manager David.

Huminto silang dalawa.

Mula sa kinatatayuan ko, nakita kong bahagyang yumuko si Manager David habang may ibinulong sa kanya ang CEO.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

"Ha? Ano kaya 'yon?" bulong ko sa sarili habang pilit inuunat ang leeg ko para marinig ang usapan nila.

Kaso wala talaga.

Tanging ang pagtango ni Manager David ang nakita ko bago muli silang naglakad.

"Ay, nakakaloka naman..." mahina kong reklamo. "Kung magbulungan, akala mo may pinaplanong sakupin ang mundo.”

Habang papalayo ang CEO kasama ang iba pang executives, napansin kong naiwan si Manager David.

Akala ko susunod na rin siya.

Pero hindi.

Dahan-dahan siyang lumingon sa direksiyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

"H-Ha?"

Tumingin pa ako sa magkabilang gilid.

Baka may iba siyang tinatawag.

"Miss Crystal Versailles."

Parang biglang huminto ang mundo ko.

"Po... ako?" nanginginig kong tanong sabay turo sa sarili.

Tumango si Manager David.

"Yes, you."

"L-Lord..." mahina kong bulong habang napalunok.

Ano'ng ginawa ko?

Nahuli na ba niya akong nagtatago?

O... may nakapagsumbong bang ang lakas ng sigaw ko kanina?

Pakiramdam ko, unti-unting nanghina ang mga tuhod ko.

"Diyos ko..." impit kong dasal. "First day ko pa lang... matatanggal na ba agad ako?"

Huminga ako nang malalim at pilit ngumiti, kahit ramdam kong nanginginig na ang mga labi ko.

"P-Po... Manager?" maingat kong tanong habang dahan-dahang lumalapit sa kanya.

Habang papalayo si Manager David, hindi ko mapigilang mapakamot sa ulo.

"Ha? First day ko pa lang... uutusan na agad ako ng CEO?"

Napabuntong-hininga ako.

"Sana lunch lang talaga ang ipapabili niya..."

Pero sa isang iglap...

Parang may kusang nag-play sa utak ko ang eksenang hindi ko naman gustong balikan.

"J-Jusko..." napatakip ako sa namumula kong mukha.

"Bakit ba kasi 'yon pa ang naaalala ko?"

Mariin kong iniling ang ulo.

"Hindi, Crystal! Tigilan mo nga ang kakaisip!"

Pero kahit anong saway ko sa sarili...

Paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang sandaling palihim ko siyang nasilayan kanina.

"Patay..." mahina kong bulong. "Paano ako bibili ng lunch para sa kanya kung hindi pa nga ako makatingin nang diretso sa mukha niya?”

“Ito ang mga listahan ng mga gusto niya! Make sure okay, pasalamat ka at ikaw ang napili niya, Galingan mo Gudluck!

"Sir... mabait ba siya?" hindi ko napigilang itanong.

Bahagyang napangiti si Manager David.

"Yes... mabait siya."

Napangiti rin ako.

"Talaga po?"

"...Kasing-bait siya ng dragon."

Nawala agad ang ngiti ko.

"...Kapag hindi mo nagawa nang tama ang trabaho mo."

Parang may malamig na tubig na biglang ibinuhos sa ulo ko.

"H-Ha?"

"Mahilig siyang sa detalye. Ayaw niya ng palpak, ayaw niya ng late, at higit sa lahat, ayaw niya ng dahilan."

Napalunok ako.

"L-Lord..."

Napakamot ako sa batok.

"Manager..." mahina kong tawag.

"Yes?"

"Pwede pa bang mag-resign kahit first day pa lang?" inosente kong tanong.

Napatingin sa akin si Manager David bago bahagyang napailing.

"Hindi ka pa nga nagsisimula."

Napangiwi ako.

"Tinatanong ko lang naman po..."

"Maghanda ka na lang. Mamayang alas-onse, huwag kang mahuhuli."

"O-Opo..."

Pagkaalis ni Manager David, napabuntong-hininga ako.

"Patay..."

Hinawakan ko ang dibdib ko.

"Dragon pala ang CEO..."

Bigla namang nag-flash sa isip ko ang gwapong mukha ng lalaking nakita ko kanina.

Napapikit ako.

"Hindi, Crystal! Huwag kang magpapaloko sa mukha! Baka gwapo nga... dragon naman ang ugali!"

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Lord... lunch lang ang ipapabili, 'di ba? Sana lunch lang talaga…”

"Paano kung..."

Napahinto ako sa paglalakad.

"Paano kung sinabi lang niyang lunch... pero ang totoo, papagalitan niya ako dahil sa... nangyari kanina?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Jusko!"

Napahawak ako sa ulo ko.

"Paano kung nakita niya talaga akong nakasilip? Tapos ngayon, gusto niya lang akong papuntahin sa opisina niya para sermunan?"

Napakagat ako sa labi.

"Hala..."

Bigla akong napalingon sa pintuan ng kumpanya.

"Uuwi na ba ako?"

Napaisip ako.

"Or else..."

Huminga ako nang malalim.

"Hindi! Hindi puwede."

Mariin kong iniling ang ulo.

"First day ko pa lang. Kapag umuwi ako ngayon, si Inay ang unang magpapagalit sa'kin."

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Hay naku, Crystal Versailles..." sabay tapik ko sa noo ko. "Bahala na si Batman."

Pagkatapos ng lahat ng iyon...

Isa lang ang naisip ko.

"Sana hindi niya ako nakita kanina.”

Makalipas ang ilang oras, nagpaalam na ako sa mga ka-workmate ko.

"Mauna na muna ako. May ipapagawa kasi si Manager David," paalam ko habang bitbit ang perang ipambibili ko ng lunch.

"Good luck!" nakangiting sabi ng isa sa kanila.

Napangiti na lang ako nang pilit.

Kung alam lang nila kung gaano ako kinakabahan...baka hindi nila ako sabihan ng Gudluck.

Lumabas ako ng kumpanya at nagtungo sa isang malapit na karinderya.

Inilabas ko ang maliit na papel na ibinigay ni Manager David.

"Ano ba'ng nakasulat dito?"

Inilapit ko pa ito sa mukha ko.

"'Pritong isda...at sinabawang gulay .. at isang tasang kanin para sa lunch.'"

Napakurap ako.

"Ha?"

"Seryoso?"

Napakamot ako sa ulo.

"Nagda-diet ba si Mr. CEO?"

Napatingin pa ako sa papel, baka mali lang ang basa ko.

"Wala man lang fried chicken? Steak? O kahit burger?"

Napailing ako.

"Sa yaman niyang 'yon... pritong isda lang pala ang gusto niyang tanghalian?"

Hindi ko napigilang mapangiti.

"Simple rin pala ang panlasa ni Mr. Dragon.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Analee Labandero
...️...️...️...️...️...️...️...️...️
goodnovel comment avatar
Batino
Opo... may oras po pag watch ads pag nakuha niyo na po yung limit... ...️
goodnovel comment avatar
Rechille Mandigma
bakit lage nakaunlock tapos nagkakaroon ng oras bago pa ulit mabasa ang kasunod na page nakakabitin
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 86

    Unti-unting bumagsak ang katahimikan sa maluwag na sala. Natahimik sina Samuelson, Diego, at Dante nang maramdaman nila ang biglang pagbabago ng hangin sa pagitan ng dalawa. Ang mga pilyong ngiti sa kanilang mga labi ay napalitan ng kuryosidad. Alam nilang pwedeng magbiro si Crystal, pero sa klase ng titig nito kay Bash ngayon, may kakaibang seryosong kulay na nakakubli.Inilapag ni Crystal ang maliit na twalya sa ibabaw ng single sofa, saka muling tumingin nang diretso kay Bash. Nawala na ang bakas ng pamumula dahil sa hiya; ang natira ay ang matatag na ekspresyon na para bang handa na nitong harapin ang anumang gulo na kanina pa nila pinag-uusapan.“Seryoso ka ba talaga, Boss?” basag ni Crystal sa katahimikan, mababa at seryoso ang tono ng boses. “Gusto mo talagang malaman ang totoo?”Hindi nag-alis ng tingin si Bash. Mas lumalim ang kunot ng noo niya habang mahigpit na pinagsalikop ang kanyang mga daliri. “Kailan ba ako nagbiro sa mga ganitong bagay, Crystal? Kung may dapat pag-usa

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 85

    Nang makabalik si Crystal sa loob ng SUV—maputla, nanghihina, at halatang hiyang-hiya sa nangyari—tumahimik ang buong sasakyan. Para bang biglang nawala ang lahat ng ingay at biruan na kanina lamang ay pumupuno sa loob nito. Walang nangahas magbiro kina Samuelson at Dante. Ang ina naman niya ay tahimik na nag-abot ng panyo bago muling ibinaling ang tingin sa labas, marahil ay ayaw na ring dagdagan pa ang kahihiyang nararamdaman ng anak.Hinawakan ni Bash ang manibela nang medyo mahigpit. Bahagyang nanigas ang mga daliri niya sa paligid nito habang pilit na pinananatiling kalmado ang sarili. Pinandilatan niya ng mabilis na tingin sa rearview mirror ang tatlo niyang pinsan para siguraduhing sarado ang mga bibig nila, bago lumingon nang bahagya kay Crystal na nakasandal habang nakapikit.“Okay ka lang ba?” basag ni Bash sa katahimikan, mas kalmado ngayon ang boses kaysa kanina.Tumango si Crystal nang hindi nagmumulat ng mga mata. “Medyo nahilo lang siguro sa byahe kanina… at sa mga pina

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 84

    “Hoy, sandali lang! Huwag mong buhatin ’yan, mabigat ’yan sa likod!” mabilis na awat ni Crystal nang makitang bubuhatin na agad ng lalaki ang isang sako na naglalaman ng kanilang mga damit. Hindi pinansin ni Bash ang babala nito. Diretso niyang tinungo ang likurang bahagi ng itim na SUV at inilapag nang maayos ang sako. Kasunod niya sina Samuelson at Dante, na agad ding lumabas ng sasakyan para tumulong sa pagbubuhat ng natitirang mga kahon. Halatang hindi sanay ang mga ito sa ganitong gawain, pero pilit pa ring nagpapakitang parang sanay na sanay. “Wala ka bang tiwala sa muscles ko, Crystal?” seryosong tanong ni Bash habang nagpupunas ng bahagyang pawis sa noo gamit ang likod ng kanyang kamay. Namula nang bahagya si Crystal—hindi dahil sa init ng panahon, kundi sa paraan ng pagkakatingin ng binata. Mabilis niyang iniwas ang kanyang paningin. “Hindi sa muscles mo, kundi sa buhok mo. Baka madumihan ka pa rito sa tapat ng laundry shop namin, eh mas mahal pa yata ang pomade mo kaysa

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 83

    Napakunot-noo si Bash. “Anong ‘tapos na tayo’?” seryosong tanong niya. “Wala namang tayo.” Napatingin si Crystal kay Bash. Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa pagiging literal ng lalaki. “Uhmmm…” mahina niyang bulong, saka napailing. “Basag ka naman sa drama.” “Ano?” tanong ni Bash. “Ang corny mo, Boss!” mabilis na bawi ni Crystal, sabay hawak sa sariling batok para itago ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi. “Kung wala naman palang tayo, bakit parang kailangan mo pang kontrahin? Sinabi ko lang naman na tapos na ang usapan natin!” “Hindi ko kinokontra,” malamig na sagot ni Bash. “Nililinaw ko lang.” “Eh, ’di malinaw na!” “Hindi sa akin.” Napatingin si Crystal sa kanya. “Hay naku! Ikaw talaga!” Samantala, sa loob ng nakaparadang itim na sasakyan, halos magkandasubsob na sa kakasilip sa bintana sina Samuelson, Dante, at Diego. “Hala!” bulalas ni Dante. “May debate na!” “Hindi debate ’yan,” singit ni Samuelson. “Par

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 82

    Ngunit bago pa tuluyang makababa si Bash ng sasakyan, biglang may ilang itim na sasakyan ang huminto sa tapat ng laundry shop.Napakunot ang noo ng magpipinsan nang makitang bumaba mula roon ang mga tauhan ng pamilya ni Bash.“Kuya Bash, mga tauhan nina Tito at Tita,” sambit ni Samuelson.Napabuntong-hininga si Bash at muling isinara ang pinto ng sasakyan.“Mukhang hindi muna ako makakababa.”Nanatili muna siya sa loob ng sasakyan habang pinagmamasdan ang mga tauhan na mabilis na lumapit sa kinaroroonan ni Crystal.“Miss Crystal!”Napalingon si Crystal.Lumapit ang isa sa mga tauhan at seryosong tumingin sa kanya.“Miss, kayo po ang nakita namin kanina sa venue kasama ni Sir Bash. Kayo rin po ang sumakay sa sasakyan kasama niya. Kayo po ba ang kasama niya sa pagtakas sa kasal?”Biglang nanlaki ang mga mata ni Crystal.“Ako?!”“Opo. Kayo po mismo ang nakita namin.”Agad na umiling si Crystal nang mariin.“Hindi ako ‘yon!”Napakunot ang noo ng tauhan.“Pero nakita po namin kayo mismo sa

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 81

    “Nakakainis, Mama! Tinakasan ako ng fiancée ko! Nakakahiya…!” Inis na wika ni Celine habang halos mangiyak-ngiyak at mapaluhod sa tindi ng hiyang dinadanas sa gitna ng marangyang bulwagan. Namumula ang kanyang mukha sa galit at kahihiyan, habang ramdam pa rin niya ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanila kanina. Para bang bawat bulong at tingin ng mga bisita ay lalo lamang dumudurog sa kanyang pride.Lumapit ang kanyang ina, hinawakan nang mahigpit ang nanginginig niyang mga kamay, at seryosong tumingin sa kanyang mga mata. Bakas sa mukha nito ang galit, ngunit higit na nangingibabaw ang determinasyon.“Huwag kang mag-alala, anak! Gaganti tayo. Pero sa ngayon, umalis na muna tayo rito at huwag na muna nating pag-aksayahan ng panahon ang paghabol kay Bash.Ang pinakamahalaga ngayon ay mapapayag mo ang mga magulang ni Bash na matuloy ang kasal niyo kahit wala ang kanilang anak. Kaya bumalik na tayo sa venue!”Tumigil sandali si Celine, pinahid ang gilid ng kanyang mga mata, at tila m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status