LOGINPOV: SEBASTIAN
"Shit... anong gagawin ko?" Mahina kong bulong habang palinga-linga sa hallway. Hindi nila ako puwedeng makita nang ganito. Kailangan kong alisin ang disguise ko bago pa ako may makasalubong na empleyado. Mabilis akong lumingon sa babaeng kasabay kong naglakad kanina. "Excuse me... mauuna ka na lang. Kailangan ko lang mag-restroom," mahinahon kong paalam. Tumango lang siya. "Sige." Hindi na siya nagtanong at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makalayo siya, agad akong nagtungo sa isang pribadong silid kung saan maaari kong alisin ang disguise ko. Ginawa ko ang disguise na ito para personal kong mahuli ang mga pabayang empleyado. Gusto kong makita kung sino ang tunay na masipag at kung sino ang nagpapanggap lang kapag kaharap ang mga boss. Pero hindi ko inaasahang ganito pala kahirap ang magkunwaring ordinaryong empleyado. Habang isa-isang inaalis ang makapal na kulot na wig at ang pekeng makakapal na kilay, narinig ko ang nag-uusap ng mga empleyado sa labas. "Magsisimula na ang meeting! Where is Sebastian, the Chief Executive Officer?" tanong ng isa sa kanila. "Hindi ba nakakapagtakang wala pa ang CEO? Alam naman niyang napakahalaga ng meeting na ito," saad ng isang tauhan niya sa kumpanya. Napatingin ako sa suot kong relo. "Looks like... napatagal yata ang undercover mission ko." Napabuntong-hininga ako. "Kapag hindi ako lumabas ngayon... baka ako pa ang mapagalitan sa sarili kong meeting.” Maya-maya pa, may narinig akong muling nagsalita sa labas. "Miss... excuse me. Bago ka lang ba rito?" tanong ng isa sa mga manager sa isang babaeng bagong empleyado. "Opo. Good morning po. Ako nga po pala si..." Hindi pa man niya natatapos ang pagpapakilala, mabilis siyang pinutol ng manager. "Wala akong pakialam kung sino ka." Natigilan ang babae. "Hanapin n'yo ang CEO ng kumpanya. Alam kong nagtatago lang 'yon dito. Imposibleng hindi pa siya dumarating sa ganito kaimportanteng meeting," mariing utos niya sa bagong empleyado. "O-Opo, sir!" sagot ng bagong empleyado. Sa loob ng silid, hindi ko napigilang mapailing. "Nagtatago raw ako..." bulong ko sa sarili habang bahagyang napangisi. Kung alam lang nila... Isang pader lang ang layo ko sa kanila. Hanggang sa narinig ko na lang na unti-unting umalis ang mga tauhan ng kumpanya ko. Nang masigurado kong wala nang tao sa labas, doon na ako nagsimulang magtanggal ng disguise ko. Mula ulo hanggang paa, isa-isa kong inalis ang lahat ng suot kong pampanggap. Ilang segundo lang ang lumipas, tuluyan ko nang naalis ang lahat ng disguise. Sakto namang may narinig akong yabag na papalapit sa silid kung saan ako nagtatago. "Haynaku naman! Ano ba'ng klaseng CEO ang nagtatago sa sarili niyang kumpanya? Nakakaloka!" Napasinghap ako. "Mr. CEO, nandiyan ka ba?" tawag ng isang babae habang papasok sa silid. "SHIT!" Taranta akong napalingon sa pintuan. "Kapag pumasok siya ngayon..." Mabilis kong hinablot ang pinakamalapit na tela at nagtago sa likod ng isang malaking divider, pilit na hindi gumagawa ng kahit anong ingay. "Please... huwag ka munang pumasok dito," bulong ko sa sarili habang pinipigilan ang paghinga. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang tumigil ang pagbukas ng p***o, dahilan para makahinga ako nang maluwag. "Thank God..." Agad akong lumabas mula sa likod ng divider at mabilis na kinuha ang damit kong pang-CEO na nakasabit sa gilid. "Konti na lang talaga..." bulong ko sa sarili habang nagmamadaling magbihis. Makalipas lamang ang ilang segundo, natapos na akong magpalit ng damit. Inayos ko ang kurbata, isinukbit ang mamahalin kong relo, at mabilis na inayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Sa isang iglap, naglaho ang anyo ng isang ordinaryong empleyado. Bumalik na ang dati kong hitsura. Si Sebastian Del Rosario. Ang gwapo, seryoso, at astig na CEO ng Del Rosario Group of Companies. Napangisi ako sa sarili. "Much better." Huminga ako nang malalim at inayos ang amerikana ko. Panahon na para harapin ang mga empleyadong kanina pa ako hinahanap. POV: CRYSTAL "Oh my God!" Nanlaki ang mga mata ko sa bahagyang nasilayan ko sa loob ng silid. "Nananaginip na naman ba ako?!" Parang bumalik sa isip ko ang lahat ng napanaginipan ko kagabi. "Jusko... hindi maaari!" Mabilis kong natakpan ang sariling bibig habang namumula ang buong mukha ko. "No... no... no!" Hindi ko na itinuloy ang pagbukas ng p***o. Agad kong binitiwan ang doorknob at dahan-dahang isinara ang p***o, na parang walang nangyari. "Hindi ko nakita 'yon... hindi ko talaga nakita 'yon," paulit-ulit kong bulong sa sarili habang napaatras ng ilang hakbang. "Kalma, Crystal... baka maling silid lang ang napasukan mo." Pero kahit anong pilit kong kalimutan ang mabilis kong nasilayan sa loob... Paulit-ulit pa rin itong nagre-replay sa isip ko. "Jusko naman..." napahawak ako sa noo ko. "Bakit parang sinusundan ako ng panaginip ko?" hindi ko naman yun ginusto ehh.” reklamo ko. Bigla kong narinig ang mahinang tunog ng pagbukas ng p***o. “SHIT!” Nanlaki ang mga mata ko. "Lalabas na siya!" Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Agad akong nagtago sa kabilang bahagi ng opisina bago pa tuluyang bumukas ang p***o. "Diyos ko..." mahina kong bulong habang sapo ang nag-iinit kong mga pisngi. "Hindi niya ako puwedeng makita..." Hindi dahil sa may ginawa akong masama... Kundi dahil nakita ko siyang ganoon kanina. "Jusko... nakakahiya!" Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at napailing. Nanatili akong nakubli sa pinagtataguan ko habang pilit pinapakalma ang sarili ko. Hindi ko namalayang ang bilis na pala ng tibok ng puso ko. Maya-maya pa, narinig ko ang mahinang tunog ng pagbukas ng p***o. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero dahan-dahan akong sumilip mula sa pinagtataguan ko. At sa isang iglap... Parang huminto ang mundo ko. Nanlaki ang mga mata ko. "J-Jusko..." kusang napalabas sa bibig ko. "Ang gwapo niya!" Siya... ang lalaking nasa loob ng silid kanina. "Grabe..." halos mapahawak ako sa dibdib ko. "Ibang klase talaga..." Maayos ang buhok niya, napakakisig ng tindig, at napakaangas niyang tingnan. "Grabeeee..." napalunok ako. "Hindi ko na yata kaya ang nararamdaman ko ngayon." Pakiramdam ko, anumang oras ay lalagnatin ako sa sobrang init ng mukha ko. "Crystal Versailles!" mahinang saway ko sa sarili. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Unang araw mo pa lang sa trabaho, parang gusto mo nang mag-file ng leave!" Napailing ako at marahang tinapik ang magkabilang pisngi. "Kalma... kalma... baka high blood lang 'to." Huminga ako nang malalim. Pero ang traydor kong mga mata... Ayaw pa ring tumigil sa pagsilip. "Grabe..." mahina kong bulong. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. "Crystal..." saway ko sa sarili. "Tama na ang kakatitig." Pero parang ayaw makinig ng mga mata ko. "Jusko naman..." napahawak ako sa noo. "Bakit ba kasi ang gwapo niya?" Mabilis kong iniling ang ulo. "Hindi! Hindi ako mababaliw sa unang araw ko sa trabaho!" Huminga ako nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata. "Kalma lang... empleyado ka. Magtatrabaho ka. Hindi ka nandito para humanga sa kung sino man." Pagdilat ko... Nandoon pa rin siya. "Ay, nakakaloka naman talaga!" impit kong bulong sa sarili. "Miss... excuse me?" Bigla akong tinawag ng isang empleyado. "AYYYY! PWET NG KABAYO!" halos mapasigaw ako sa sobrang gulat. Napatalon pa ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa dibdib. "Jusko! Muntik nang kumawala ang kaluluwa ko!" reklamo ko habang hinihingal. Napalingon ang ilang empleyado sa direksiyon ko. Kasabay no'n, napalingon din ang lalaking kanina ko pa palihim na tinitingnan. "Patay..." mahina kong bulong. "Anong ginagawa mo, Miss..." pagtatangkang tanong ng empleyado. Ngunit bigla itong natigilan nang mapansing papalapit na ang kanilang CEO. Agad siyang tumuwid ng tayo, at kasunod niya'y nagsituwid din ang ibang empleyado. Samantalang ako... Parang gusto ko na lang maging halaman sa sulok. "Lagot na..." mahina kong bulong habang pilit nagtatago sa likod ng pinakamalapit na empleyado."OH MY GOD!"Napabulong na sigaw si Crystal habang nanlalaki ang mga mata."My dream... is coming true?!"Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo.Kung ano mismo ang napanaginipan niya...Iyon din ang tila nakikita niya ngayon."OH MY GOD..." napahawak siya sa sariling bibig."Seryoso ba 'to?""May... may lalaking nagpapalit ng damit sa kabilang silid!"Halos hindi na siya makahinga sa sobrang gulat."Hindi maaari...""Huwag mong sabihing...""Siya na naman?!"Nanigas siya sa kinatatayuan habang hindi maalis ang tingin sa maliit na butas."Crystal..." saway niya sa sarili. "Umalis ka na."Ngunit parang may sariling isip ang mga paa niya.Hindi man lang siya makagalaw."J-Jusko...""Panaginip ba talaga 'yon...""O warning na pala?”Napalayo agad si Crystal sa maliit na butas na para bang napaso."J-Jusko!" impit niyang bulong habang hawak ang mabilis na tumitibok niyang dibdib.Mariin niyang ipinikit ang mga mata."Hindi... hindi puwedeng ganito."Mabilis niyang iniling ang ulo."Crystal
"S-Seryoso po kayo, Inay?" nag-aalinlangan niyang tanong. "Sa Del Rosario Residence po talaga ako magde-deliver?""Oo!" diretso nitong sagot. "Bakit? Aangal ka ba?""A-Ako? Hindi po!" mabilis na iling ni Crystal.Napatingin sa kanya ang kanyang ina."Baka gusto mong sipain pa kita palabas ng bahay!""Hindi na po, Inay!" mabilis niyang sagot sabay taas ng dalawang kamay. "Mas takot pa po ako sa inyo kaysa sa CEO na 'yon..."Mahina niyang ibinulong ang huling salita."Hmm? May sinabi ka ba?" kunot-noong tanong ng kanyang ina."W-Wala po!" mabilis niyang sagot.Tahimik siyang napaisip."Sandali..." bulong niya sa isip."Bakit naman sa Del Rosario ang ipapadeliver ni Inay?"Bigla siyang napailing."Hindi... baka nagkataon lang.""Crystal, huwag kang praning."Huminga siya nang malalim."Oo nga naman.""Del Rosario lang naman ang apelyido.""Marami namang Del Rosario sa Pilipinas."Bahagya siyang napangiti."Tama ka, Crystal.""Kaapelyido lang siguro iyon.""Walang kinalaman 'yon sa boss k
Isang tawag sa cellphone ang biglang pumukaw sa pag-iisip ni Sebastian. Kring... Kring... Kring... Napatingin siya sa screen. Mom Calling... Napabuntong-hininga siya bago sinagot ang tawag. "Hello, Mom." "Sebastian," masiglang bungad ng kanyang ina. "Uuwi kami ng dad mo sa susunod na mga araw." Napangiti siya nang bahagya. "That's good, Mom." "And don't forget your promise." Bahagyang kumunot ang noo ni Sebastian. "What promise, Mom?" "Aba, anak!" may halong tampo sa boses ng kanyang ina. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo na." "Diba sinabi mo sa amin na may girlfriend ka na? Nangako kang ipapakilala mo siya sa amin pag-uwi namin." Biglang natigilan si Sebastian. Agad siyang napabuntong-hininga. "Ah... ah, oo nga pala, Mom..." "Don't tell me..." putol agad ng kanyang ina. "Niloloko mo lang kami ng dad mo?" "No, Mom. Hindi naman sa gano'n. Ang totoo kasi..." "Uhmm..." muli siyang pinutol ng kanyang ina. "No explanation, Sebastian." "Kapag dumating kami riyan ng da
"What do you think you're doing?!" galit na galit na sigaw ni Mr. Sebastian Del Rosario. Kagagaling lang niya sa isang event sa labas ng kumpanya. Umuwi lang siya para mag-lunch dahil hindi niya ugaling kumain sa mga lugar na pinupuntahan niya. Napatingin siya sa mamahalin niyang suit na ngayon ay nabasa ng sabaw ng binagoongang gulay. Lalong nagdilim ang ekspresyon ng mukha niya. "You're fired!" Parang tumigil ang mundo ni Cystal sa kanyang narinig. "F-Fired...?" nanginginig na ulit ni Crystal. "As in... tanggal na po ba ako sa trabaho?" Hindi niya namalayang napaatras siya ng isang hakbang. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa lalaki. At doon ...tuluyan niyang nakita nang malinaw ang mukha ng lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata. "D-Diyos ko..." Siya! Siya pala ang lalaking nakita niya kanina sa loob ng private room! Pakiramdam niya'y gusto na lang niyang mawalan ng malay sa sobrang hiya. "Hindi maaari..." sigaw ng isip niya. "Siya pala ang CEO?! Hindi lang pala
POV: CRYSTAL VERSAILLES Pagpasok ko sa karinderya, agad kong inilabas ang maliit na papel na ibinigay sa akin ni Manager David. Paulit-ulit ko pa iyong binasa para makasiguradong tama ang bibilhin ko. Lumapit ako sa tindera. "Ale, mayroon po ba kayong pritong isda... saka binagoongang gulay?" "Huh?" gulat na saad ng ale habang nakahawak sa isang nakabalot nang pagkain na para bang may naalala siya. "S-Sandali lang, Ma'am," nakangiti niyang sabi. "Kukuha lang ako ng diningding." Tumango naman ako at matiyagang naghintay, pero hindi mapakali ang mga paa ko. Paulit-ulit akong sumisilip sa relong nasa pulso ko. "Ale, pakibilisan lang po, ha?" pakiusap ko. "Baka pagalitan ako ng boss namin. Mag-aalas-onse na po, at hindi ako puwedeng ma-late sa lunch ng CEO namin." "Opo, ineng," sagot niya habang inaayos ang pagkain. Maya-maya'y napatingin siya sa akin. "Bago ka lang ba sa trabaho? Doon sa malaking building?" "Opo." "Ay, kaya pala..." mahina niyang bulong habang napapangiti. N
"Mr. SEBASTIAN DEL ROSARIO."Agad na lumapit si Manager David at magalang na yumuko."Good morning, Sir."Tumango lamang si Sebastian bilang tugon."Sir, kanina pa po kayo hinihintay ng ating mga bisita. Kumpleto na rin po ang mga board members at senior executives sa conference room. Handa na po ang lahat para sa meeting."Isang tango lang ang isinagot ni Sebastian."Let's proceed.""Yes, Sir."Agad na nauna si Manager David sa paglalakad, habang tahimik namang sumunod ang CEO.Samantalang ako...Napabuntong-hininga na lang."Salamat, Lord..." mahina kong bulong. "Hindi niya ako pinansin.”"Wait, Manager David."Malalim at malamig ang boses ng CEO."Yes, Mr. CEO?" magalang na tugon ni Manager David.Huminto silang dalawa.Mula sa kinatatayuan ko, nakita kong bahagyang yumuko si Manager David habang may ibinulong sa kanya ang CEO.Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila."Ha? Ano kaya 'yon?" bulong ko sa sarili habang pilit inuunat ang leeg ko para marinig ang usapan nila.Kaso wala t







