Share

Wrong Room 43

Author: Batino
last update publish date: 2026-07-28 08:36:50

“So… ikaw pala ang dalaga ni Mrs. Versailles!” napapangiting sabi ni Domingo habang tuluyang humaharap sa kanya. May pilyong kilig at pang-aasar sa boses nito.

Bahagyang bumaba ang tingin ni Domingo at pabalik-balik na sinuri ang buo niyang kaanyuan.

“And wow… look at your body! Sinadya mo ba talagang punitin 'yang damit mo para lang mapansin kita?

Pwes… pansin na pansin na kita, Miss Versailles!” nakangising dugtong nito, na tila basang-basa ang pagnanasa sa mga mata.

Namutla sa takot at gali
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 73

    “ARAaaaayyy!!”daing niya.Napahawak agad si Celine sa noo niya matapos itong tumama sa gilid ng dekorasyong kahoy na nakaharang sa pasilyo.“Aray ko naman,bwisit ka!” daing niya, sabay napapikit nang mariin.Ilang segundo siyang nakatayo roon habang hinihimas ang kanyang noo.“Ang sakit!” Kasalanan lahat ito ng babaeng yun ehh!Napalingon siya sa magkabilang direksyon nang marinig ang bahagyang yabag mula sa malayo.Agad siyang napayuko at kunwaring may hinahanap sa kanyang bag.Huminga siya nang malalim bago muling napatingin sa direksyon ng office ni Madam Rosefina.Ang sakit ng pagkakauntog niya ay agad napalitan ng matinding galit nang muling sumagi sa isip niya ang narinig.“Buntis si Crystal…” bulong ni Celine, hindi pa rin makapaniwala sa kanyang narinig.“At si Bash ang ama?!”Biglang kumuyom ang kanyang mga kamay.Naningkit ang kanyang mga mata at napalalim ang paghinga.“Ang kapal ng mukha mo, Crystal…”Hindi niya maitago ang matinding inis na sumiklab sa kanyang dibdib.Fia

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 72

    "Si Mama, dumating na," saad ni Celine mula sa malayo nang makita niyang kakapasok pa lamang ng mansion si Madam Rosefina.Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo."Mom, Dad, may pupuntahan lang ako sandali. Babalik din ako agad," paalam niya habang inaayos ang kanyang gamit."Saan ka naman pupunta, anak?" tanong ng kanyang ina. "Baka hanapin ka ni Bash.""Don't worry, Mom," mabilis niyang sagot. "Kapag hinanap ako, sabihin n'yo na bumili ako ng surprise gift para sa kanya."Bahagyang ngumiti ang kanyang ina."Okay... iha."Ngumiti rin si Celine bago palihim na sinundan ng tingin si Madam Rosefina.Habang pinagmamasdan niya itong naglalakad patungo sa loob ng mansion, agad siyang gumawa ng paraan upang hindi mahalata ang tunay niyang pakay.Lihim siyang pumasok sa loob at kunwari'y kinuha ang kanyang bag. Ngunit sa halip na lumabas agad, tahimik niyang sinundan si Madam Rosefina.Ayaw niyang palampasin ang pagkakataong malaman kung ano ang pag-uusapan ng mag-ina.Maya-maya, napahinto si

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 71

    "Sa tingin mo ba mapapaniwala mo ako sa kasinungalingang iyan?!" mariing singhal ni Rosefina. "Kaya ka siguro binigyan ng anak ko ng sampung milyon ay para itikom mo ang bibig mo!""Ayy... hindi naman po, Mama," mabilis na sagot ni Crystal, sabay pilit na ngumiti."MAMA?!"Halos mapahawak sa sentido si Rosefina sa sobrang inis."Mahihimatay ako sa sobrang inis!" singhal niya. Agad siyang humarap kay Drake. "Drake, alalayan mo ako. Iuwi muna ako.""Opo, Madam," mabilis na sagot ni Drake habang lumalapit upang alalayan siya."At ikaw na ang mag-asikaso ng tirahang ito!" dagdag ni Rosefina. "Ayokong makita pa silang mag-ina na nakatira rito, malapit sa mansion namin!""Idedemanda ko kayo!" biglang sigaw ni Crystal."Anak!" mabilis na sabat ni Emelda. "Tumigil ka na. Hindi na 'yan nakakatuwa."Ngunit tila wala nang pakialam si Crystal. Patuloy pa rin siya sa kanyang pag-iinarte, pilit na itinataboy si Rosefina sa kanilang lugar.Sa isip niya, iba naman ang tunay niyang dahilan."Wala akon

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 70 EMELDA VERSAILLES VS ROSEFINA DEL ROSARIO

    "Mrs. Rosefina Del Rosario?" Gulat na bigkas ni Ginang Versailles. Halos hindi siya makapaniwala sa babaeng nakatayo sa bungad ng kanilang maliit na laundry shop. Napatingin naman si Crystal sa kanyang ina, halatang naguguluhan. "K-kilala n'yo po siya, Inay?" Hindi agad nakasagot si Ginang Versailles. Nanatili lamang itong nakatitig kay Rosefina, habang unti-unting bumabalik sa kanyang alaala ang mga pangyayaring matagal na niyang pilit kinalimutan. Bahagyang tinaas ni Rosefina ang kanyang kilay. "Well..." malamig niyang saad. "Ganyan ba kayo tumatanggap ng bisita?" Saglit niyang tiningnan ang paligid. "Hindi n'yo man lang ba ako papapasukin sa maliit n'yong tirahan?" Walang makapagsalita. Bahagyang ngumiti si Rosefina, ngunit walang init sa kanyang ngiti. "Matagal na panahon na rin, Emelda Versailles." Huminto siya sandali bago idinugtong, "At talagang pinagtagpo ulit tayo ng kapalaran." Napayuko nang bahagya si Ginang Versailles. Dating magkaibigan sina Rosefina at Em

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 69

    "Sir..."Maingat na tawag ni Drake habang nakatayo sa harap ng kanyang boss. Bahagya siyang nag-atubili, tila hindi alam kung paano sisimulan ang nais niyang sabihin.Agad siyang tiningnan ni Sebastian."Alam na ba ni Crystal ang tungkol sa pagbabago ng kasal?"Napatigil si Drake.Sandali siyang napayuko at hindi agad nakasagot."Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? O magsisinungaling ako sa amo ko?" tanong ng kanyang isip.Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang alaala ang nakita niya kanina—si Crystal, kasama ang isang lalaki, at ang paraan ng pag-akbay nito sa kanya.Kung sasabihin niya kay Sebastian ang kanyang nakita, tiyak na magtatanong ito.Ngunit kung magsisinungaling naman siya, alam niyang hindi rin iyon madaling itago sa kanyang boss."Bakit hindi ka makasagot?" tanong ni Sebastian.Bahagyang kumunot ang noo nito. Ramdam niyang mayroong hindi sinasabi si Drake."Anong problema?"Agad na napatingin si Drake sa kanya."W-wala naman, Sir..." sagot niya, bahagyang nauutal. "Nasabi

  • WRONG ROOM, RIGHT MAN    Wrong Room 68

    "Magpapalit lang ako," kalmadong saad ni Domingo.Marahan niyang inalis ang tuwalyang nakapatong sa kanyang balikat at tumalikod na tila papasok sa kanyang silid.Ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis, muli siyang huminto at lumingon kay Crystal. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi."Oopss..." ani Domingo. "May tiwala naman ako sa'yo, Crystal."Lumapit siya sa center table at kinuha ang isang makapal na brown envelope."Kaya ibibigay ko na sa'yo ang kontrata namin ng ama mo."Iniabot niya ang envelope kay Crystal na agad naman itong tinanggap. Mahigpit niya itong niyakap sa kanyang dibdib, na para bang iyon na lamang ang natitirang pag-asa nilang mag-ina."Pwede na kayong umalis," dugtong ni Domingo. "Ah, by the way... hintayin n'yo na lang pala ako. Ipapa-encash ko lang ang tsekeng ito."Umiling si Crystal at agad na umatras ng isang hakbang."Hindi... uuwi na kami. Wala na tayong dapat pang pag-usapan."Pagkatapos ay lumingon siya sa kanyang ina."Tara na, I

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status