“Dar…………. takbo!” Sigaw ng kaibigan ni Darlene na barker ng jeep. Alam na agad ng dalaga kapag ganun ang mga eksena. Malamang kumang May mga buwayang naglipana sa daan. Mabilis na sinamsam ni Darlene ang paninda saka walang kemeng binitbit sa kanyang balikat. Pero nakita ni Darlen na hirap si Aling Semang na hakutin ang mga paninda nitong talbo at petchay kaya Tinulungan muna ito ni Danlene.
“Hoy! Tigil..!" sabi ng mga bukang buwaya ng kanlang barangay.
Sa katarantahan ni Darlen at sa kagustuhang wag mahuli ang matandang kasama ay agad niyang binitbit ang paninda ni Aling Semang saka pinasan ang matanda sa nayang likuran. Magaan ang matanda dahil sa kapayatan nito kaya madali kay Darlene ang tumakbo at lumayo sa mga asang ng kalsada.
“Haayst, mga tinamaan ng lintek!" Sabi ni Darlene matapos ibaba ang matanda at inabot dito ang mga panindanitong naisalba niya.
“Ay putcha” abi ni Darlene sabay tapic sa kanyang sariling noo.
“Ouch! Aray naman self alakas hah!” bulong ni Darlene sa sarili. Sa kagustuhan niyang mailigtas si nanay Semang ung paninda naman niya ang naiwan.
Mabuti na lang at alam niyang hind mapapansin ng mga ito ang paninda niya. Dahil kumot ang pinagbalutan niya at hindi bayong o kaya aytolda tulad ng disarte ng iba. Iisipin ng mga ito na da mit na blutan lamang ang laman niyon at hindi na pagiinteresan.
“Dar. labas na umalis na ang mga tinamaan ng lintek” sabi ng kaibigan niyang si Betong.
“Sure, ka ba? Kukunyatan kita kapag nandyan pa. minsan mo na akong inahamak betong” sabi ni Darlene pero unti unti rin namang lumabas.
Napangiti ang dalaga ng makitang malinis na nga ang kalsada kaya tuluyan na itong lumabas ng pinagtataguan. Papatalikod na si Darlene ng mabungo niya ang isang malapad na amoy sigarilyong dibdib.
“Akala mo makakalusot ka na naman kulit ha. Not this time beautiful” sabi ng may edad ng pulis
Napatiim bagang si Darlene saka Hinanap ng mata si Betong mumurahin na sana niya ang kaibigan ng makita niya pati eto ay hinuli din pala ng mga buwayang. Sa presinto humatong si Darlene at ilang pang illegal vendors na kasama niyang nasakote ng araw na iyon.
“Boss chief baka naman pwede mo kaming pagbigyan.Para ka namang othere eh konti lang ang tubo dito oh” pakiusap ni Darlene.
“Pagbigyan na naman, hoy miss Ilang ulit ka na naming pinagbibigyan. Kung hindi lang kami naaawa sa nanaya mo at kung hndi lang masarap ang suman na bigay mo hindi ka namin pakakawalan”
"Hindi na rin namin tatanggapin ang suman ng nanay mo sawa na kami” sabi ng payatot na pulis na Ang sarap tusukin ng malaing mata.
“Darlene, magiba ka na kase ng linya.Eh kung sinasaghot mo ba kase ako di sana hayahay na ang buhay mo”
Bulong sa kanyan ng medyo nakakataas doon sabay buga ng hininga sa kanyang tenga.
“Yak! Sa isip isip ni Darlene. Eh lima lima asawa mo eepal pa ako di na oi choosy to kahit ganito lang ako.
“Cge mga bossing, kulong mo na kami total masarap matulog dito daming electric fan saka masarap kumanta dito umeeko” pangiinis ni Darlene. Last time kase na hinuli siya ay pinakawalan din siya dahil request siya ng request ng pagkain at kumanta siya ng kumanta. Nabingi na sa kanya ang matabang pulis kaya pinakawalan na siya un nga lang tinangya ng mga buwakaw ang paninda niya.
Kaya ayun sideline na naman siya sa pier para maka ipon ng puhunan. Pero this time ay hindi umubra ang Style ni Darlene. Kalabosos talaga sila.
“Mga boss, sa inyo na ang paninda ko payag din akong dito na lang basta kung maaari pakawalan nyo na si nanay Semang maawa na kayo. Mga bosing naman wala ba kayong mga magulang eh” sabi ni Darlene.
“Nangunsensya ka pa. Oh, sige pakakawalan namin ang matanda pero ikaw hanggat walang piyansa walang labas labas"
Biglang namoroblema si Darlene. Walang nagawa angh dalaga kungdi ang matulog sa police station ng gabing iyon.
Kinaumagahan, Alas siyete pa lamang ay laman na ng presinto ang kanyang ina. As usual umiiyak na naman ito aty pilit ipinapakiusap na palabasin na siya. Ipinagpipilitan din nitong ibihgay ang suman na alam niyang paninda nito. Ayaw ni Darlene sa mga eksenang ganito. Dito nawawala ang lakas ng mga tuhod niya. Sa luha ng kanyang ina siya talaga napapraning.
“Nay, itigil nyo na yan. Hindi na nila tatanggapin yan pera ang kailangan nila. Tumigil na nga kayo sa kakaiyak” galit galitang sabi ni Darlene pero deep inside gusto ng puatak ng luha niya. Lumapit ang kanyang ina sa selda kung saan naroon si Darlene.
“Nay umuwi na kayo, galing dito kagabi si Tope at ididiskarte niya daw ako ng pang piyansa. Kaya wag na kayong magalala ha” sabi nito sa ina at pinunas ng damit ang kuha ng ina.
“Cge na ilako nyo na yan makikita nyo mamaya lang sabay na tayong mananaghali eh. Takot lang ng mga to sa akin” pagbibiro pa kunwari ni Darlene.
Bagamat nagsinungaling tunglol sa pera dumating naman talaga si Tope ng umagang iyon. Pero wala itong hatid na tulong.
“Bakit kase girl hindi mo a tanggapin ang alok sayo ni sakang eh” sabi nito.
“Alin? ang maging receptionista sa pasugalan niya neverrrrrrr” sabi ni Darlene.
“Gaga, sosyal ang casino at Malaki ang kitaan dun. Hindi ka naman mabababoy dun kung ayaw mo”
sabi ni Tope.
“Para ka nga ring hostes sa bar kase nagiintertain ka ng mga nagsusugal pero bawal take out dun. Ang laban mo dun kapag nagutuhan ka ng mayaman pwede kang ibahay o sustentuhan “
pandedemonyo sa kanya ni Tope.
Minsan sa hirpa ng buhay ni Darlene, naiisip na niyang sumugal na lang. Kesa naman pault ulit ang eksena at paulit ulit siyang nakikipaghabulan sa mga bulate sa tiyan niya ang araw araw pinararamdam sa kanya na isa siyang slapsoil (Hampaslupa)
“Naku sa ganda mong iyan day, patok ka doon baka nga isang araw mo pa lang dun may papasang ka na agad. Anong panama ni Marian Rivera sayo” sabi nito
“Wow ha maka Marimar ka naman wagas” biro ng dalaga kahit malalim ang iniisip.
“Tumpak! Mag ala Darna ka na dito at baguhin mo ang takbo ng buhay day” sabi ni Tope.
“ Tapos na ang dalaw” sitang isang pulis.
“Oh, paano babatsi na ako. Hayaan mo susubukan kung utangan si Sir Philp para sayo antay ka lang babalik ako pakapananghali ha”
Tumango tango lang ang dalaga. Hindi na siya umaasa pero kung sakali ngang tulungan siya ni Tope ay ipagpapasalamat niya ito habang buhay.
Napasalampak si Darlene sa malamid na sahig. Marami na ang nagsasabi sa kanyang aganda siya at sexy pa nga ang tawag sa kanya ng ilang driver ng jeep. Hindi siya mmasyadong naniniwala dahil sa boyish siya manumit. Hndi naman dahil tomboy siya noh. Natural hindi niya lang feel magbestida habang nagtitinda ng sari sari sa bangketa diba? At aalangan namang mega lugay siya ng buhok tapos maya maya tatakas a pulis sa isip isip ni Darlene.
Halos tatlong taon na ring ganito ang araw araw na eksena ni Darlene mula ng mamatay ang kanyang ama. Isa itong Karpentero. Nahulog ito sa buildng na ginagawa ang Masakit. Barya lang halos ang ibinigay ng kontraktor nito naging sapat lang sa pagbayad ng funeral service ng ama.
Nagiisa siyang anak at pinapasalamat niya iyon dahil alam niyang kung madami sila mas mahihirapan ang ina na solong magtataguyod sa kanila.
Hindi na nakatapos ni Darlene ang high school dahil napasabak na siya sa lupit ng buhay. Bago pa man namatay ang ama ay nahinto na siya dahl kailangan nilanfgf lumipat ng bahay dahil pinalalayas na sila sa dating tirahan.
Nawalan ng trabaho ang ama ng matapos ang proyekto ginagawa nila. So kailangan ni Darlene tulungan sa pagtitinda ang ina. At doon niya nakilala sa palengke ang mga taong nasa mundo niya ngayon. Nang mamatay ang ama, ang ilang abuloy ay itinabi ni Darlen at ipnuhunan sa paninda sa tulong ni Betong. Alam nilang ilegal dahil hindi sila nagbabayad ng buwis pero sapalaran lamang naman sabi ni Darlene.
Isinumpa ni Darlene na hindi siya papaya na habang buhay na siya sa ganoong sitwasyun isinumpa ng dalaga na iaahon niya sa hirap ang ina pati na rin ang buhay niya.
Samantala nangkakagulo naman sa mansion noong isang araw dahil sa hindi pagsulpot ni Kenneth sa celebration ng kanyang kaarawan. Nanggagalaiti sa galit ang madrasta ni Kenneth dahil halos maubusan na siya ng ikakatwiran at idadalhim kong bakit wala ang mismong celebrant sa kaarawan nito. Hanggang sa samut saring bulong bulungan ang narinig niya at napahiya ito sa lahaht ng mga dumalo at pinangbintangan pa siyang scammer ng regalo. Sa kalagitnaan kase ng ookasyun ay nakatanggap ng isang mesahe mula kay Kenneth ang lahaht ng mga kakilala niya na dumalo ng kanyang kaarawa at sinabni niyang hindi niya alam ang pagdiriwang na inihanda ng madrasta at sa ikalawa pa ang pagdiriwang niya dahil sa knyang business Trip. Kaya naman galit na nangsilisan ang mga panauhin bitbit muli ang mga regalong bitbit ng mga ito. nangbayad naman ng malakinng halaga ang madrasta ni Kenneth dahil bafamamt nangsiuwian ang mga bisita ay gumastos na siyan sa pagkain at sa lahat lahat. "Pagbabayaran mo ang kahihiy
"Pinakamamahal kita Darlene" sabi ni Kenneth. "Mahal na mahal din kita Kenneth simula pa lamang ng tanungin mo kung okay lang ba ako noon sa pier" pag amin ni Darlene. "Talaga............. d*mn kung alam ko lang hindi na tayo umabot sa ganito yawa naman oh" sabi ni Kenneth "Teka paano ka natoto ng salitang ganyan?" manghang tanong ni Darlene. "Eh di sa bestfriend mong pogi din. Siya ang nagturo sa akin kung nasan ka. Naku may utang pa pala akong isang round ng beer dun talo ako sa karera eh" sabi ni Kenneth . "Ano?" naguguluhang sabi ni Darlene. Anong kinalaman ni Khael sa usapin. "Sa kanya kase ako nangpatulong para mahanap ka, hindi ko kase akalain na iniwan mo talaga kao ng ganito. Nakita ko ang wallet mo sa silid natin kaya alam ko hindi ka makakalayo. Inisip ko na baka itinatago ka niya. Nagsorry na kao sa kanya wag kang magalala. Kaya lang nangkarera kami papunta rito kapag natalo ako ay hindi niya daw ituturo kung nasana ka kaya kahit kotse lang dala ko lumaban ako siyempr
"Tapos .. tapos..... that night in the kitchen happen.I was very angy that time Darlene. Yung selos ko yung galit ko ung kawalan ko ng pagasa nagsama sama na At habang buhay kong ihihingi ng tawad ang tagpong yun Darlene. Pinangsisisihan ko yun. Hindi ko rin naman gustong umabot sa pontong iyon binulag lamang ako ng takot at selos. Hindi ko kase kayang mapunta sa iba ang atensiyon mo hinid ko kakayaning mapunta ka sa iba .Ang mawala ka sa kain Darlene ung ang lalagot ng aking hininga"madamdaming sdabi in Kenneth."Akala ko okay na tayo noong magkatabi na tayong natulog.Akala ko magiging masaya na tayo dahil nailabas ko na ang nararamaman ko. Pero kumilos ang mga gahaman and you believe them without asking me first. You leave my house again without finding the truth""Nasasaktan din ako Darlene. I was devastated kahit ipagtanogn mo pa sa mga katulong. Napakasakit na kahit isang segundo ata hindi mo ako pinagkatiwalaan .Ni minsan ba hindi mo naramdaman na mahalaga ka sa akin Darlene?
"Hindi peke ang kasal natin Darlene.. i mean yes inaamin ko pekeng marriage license ang pinakuha ko kay Attorney but it was right before i meet you. Peke lang ang pinaready ko noon dahil naniniguro akong baka pakawala ni Tita Cleofe ang magapply.Hindi ka isa sa nagapply Darlene kaya hindi ko napaghandaan yung nangyari sa atin. But i swear, noong makita kita sa demolition site and your begging for your right sa lupa nyo, noong nakita kita sa bar ng insik na iyon an halos ibenta ang sarili mo dahil lang sa utang. Right at that moment Darlene nagbago ang lahat ng naka plano ko""And when i kiss you that day sa kotse ko totoo ang sinabi dun Darlene gusto kitang itakas dahil gusto kong itama ang mali kong nagawa. Gusto kong mahalim mo ako hindi dahil sa utang na loob, gusto kitang mahalin at ariin ng hindi parang binili Darlene. But you choose to pay... You choose to pay...that d*mn depth is killing me Darlene"mahinahong paliwanag ni Kenneth na mahigpit pa rin ang yakap sa asawa."Kaya un
“Hindi naman ito tungkol sa ginawa nila noong isang araw lang Kenneth. Tungkol ito sa mga hindi tamang nangyari simula day 1 pa lang.Ikalawa tungkol din ito sa lahaht ng bagay na hindi mo magawa at hindi mo ginawa. Ang pagkaka alala ko kinuha mo ako at inupahan para ipangasar sa madrasta mo”“Tinangap ko yun pero ang nangyari ipinain mo ako para iwan at pagsolohin sa laban. Ang pagkakaintindi ko kase ibabandera mo ako para mainis ang madrasta mo at para hindi ka maipakasal sa pain niya na hindi mo gusto at hindi ka matali sa kasal. Ang naging problema Kenneth ipinain mo lang ako pero ung kontratang dapat ay asawa mo ako sa loob ng dalawang taon ay nawala. Pasensya ka na kung hindi nagtagumpay ang plano mo, kaya ako umalis at kaya ako sumuko ay dahil natalo ka. Nagpatalo ka,pinatalo kita. Wala kang magawa hindi rin ako nakatulong sayo at yun ang ihihingi ko ng tawad” Sabi in Darlene."Siyanga pala wag mo na akong bayaran madami na pala akong utang sayo. Hindi ko rin naman natapos ang k
Patago na ang araw sa ulap ng dapit hapon ng marating nila ang bahay ng nanay ni Darlene. Salamat sa kalokohan ni Khael at naabutan niyang hindi pa nakakaalis sina Darlene dito. Malamang nga ay aalis si Darlene sa bahay niya kung lalayo ito sa kanya. At posibleng alam ni Darlene na dito niya unang hahanapin ang asawa. Sa paglatuliro niya kahapon pa ay hindi niya naisip ang lugar na ito dahil malayo. Pero tama pa rin na kay Khael lumapit at humihingi ng tulong si Darlene.At tama rin na si Kahel din ang hiningian niya ng tulong. Hindi man niya nasabi sa lalaki but he is thankfu that Darlene meet a good and decent man. Nakapagtatakang biglang wala na siyang selos na maramdaman ngayon. Kung sabagay matagal naman niyang alam ang totoo hindi lamang niya matanggap noon. Matapos ang huling p********k nila ni Darlene parang lahat ng agam agam. mga selos at insecurities at takot ay nag volt in na ng gabing iyon sa shower room. Naiinis man sa sarili dahil umabot sa ganito ang lahat to the point
Pinagmasdan ni Khael si Kenneth Dela Serna. The man is a mess. Gulo ang buhok niton hindi ata nasukay maghapon, nakabukas ang dalawang botones ng white polo at nakaloose ang necktie. Malayong malayo ang hitsura nito sa Kenneth na nakikita niya sa front page ng Bussiness magazine at sa Kenneth na sumundo kay Darlene noong nakaran lamang.The man is a picture perfect of a devastation. Yung parang abogadong natalo sa malaking kaso o kaya natalong ahente sa isang banking deal.Pero Heto nang lalaki walang paki alam sa hitsura walang pakialam sa repotasyun at sasabihin ng iba. Muling nagbabaka sakaling makita ang asawa.Kenneth Dela Serna speaking using his eyes, marahil yun ang isang assest nito that made Darlene fall for him harder. Deretso kase sa mga mata tumingin si Kenneth so anuman ang lumabas sa bibig nito ay tiyak na makikitang mong totoo. This man is very ttransparent at makikta mo yun sa kanyang mga mata."So why Darlene never see those?" Si Darlene ba ang bulag sa katotohanan o
Mas mahalagang mahanap niya si Darlene kesa ang makipagtalo sa mga oportunistang iyon. Sa palengke dinala ng kanyang mga paa si Kenneth. Nasa iisang tao lamang ang pagasaa niya para malaman kung nasaan ang asawa. Alam niyang ang kaibigang iyon ang tatakbuhan ni Darlene. Nababalot man ng panibugho ay nagtitiwala siyang kaibigan lang ito ng asawa.Kung sana hindi siya nagpadala ng selos takot at insecure hind sana umabot ng ganito ang lahat sa kanila ni Darlene."Napadalaw ka ata Mr.Dela Serna may special cut ka bang hinahanap?"Tanong ni Khael na hindi naka tiis na hindi lapitan ang asawa ng babaeng itinatangi. kanina pa niya ito nakikitang palingalinga at pasilip sili na tila may inaabangang makita.Malabong mamamalengke ito dahil hapon na, hindi na oras ng sariwang baboy at karne at kelan pa namalengke si Kenneth Dela Serna."You knew why I'm here" sabi ni Kenneth nahihiyang nakita siya nito."Alam mo may kailangan ka na mayababang ka pa. Wag mong sabihing porke nakaisa ka sa akin ma
Hindi na alam ni Kenneth kung anong speed na ang tinatakbo niya .Wala na siyang panahon para usisain pa. Malayo ang Manila patungong Villa, ngayon niya lalong isinumpa ang sarili kung bakit niya dinala si Darlene sa mansion samantalang kayang kaya naman niyang ibili ng bagong mansion si Darlene yung mas malapit sa kanya. Hindi niya halos lubos maisi na napakalaki niyang tanga, naging bulag siya sa lahat.Hindi halos mapaniwalaan ni Kenneth na kinailangan pang umabot sa ganito ang lahat. Isang malaking sampal sa kanyang ang katotohanan na ipinagkaloob ni Darlene sa kanya ang iniingatan nito noon pa. Na umabot pa sa puntong magkanda kulong kulong ang asawa noon wag lamang maipangbayad ang katawan. bakit siya mismo ang naging bulag sa totoong Darlene na hinangaan niya at minahal.Nang nasa alabang na si Kenneth ay halos umusok ang ilong nito."F*ck" halos mabasag ang dashboard ng sasakyan ni Kenneth ng makitang lahat ng sasakyan sa harap niya ay nakared light, it means heavy traffic ahea