“Ano ka ba naman Domeng? Di ba sinabihan na kita na huwag kang pupunta dito ng ganitong oras?” paasik na wika ni Cely sa kanyang boyfriend. Nasa silid niya ito. Tumalilis kanina ng maiwan siyang mag-isa doon. “Cely naman…” reklamo nito habang panay ang halik sa braso niya. “Ang tagal-tagal kong hinintay ang sandaling ito, pagbabawalan mo pa ba ako? Isa pa, hindi ka naman nila mahuhuli. Kahit nandyan na sila, hindi naman sila pumapasok sa kwarto mo,” anito na ang tinutukoy ay ang pagdating din nina Liana. Hindi natuloy sa pamamasyal ang mga ito dahil sa lakas ng ulan. At as usual, nag-paiwan siyang muli sa bahay. “Kahit na! Paano kung biglang pumasok dito ang isa sa kanila?” angil pa rin niya. “Hindi ‘yun mangyayari, ano ka ba? T'saka anong oras na ba? Umuulan pa ng malakas sa labas. Papauwiin mo ba ako sa ganyang panahon?” pangongonsensya nito. Umirap siya dito. “Sige na! Sige na!” pagpapahinuhod niya. “Pero huli na ito. Ayokong mauulit ang ganito. Masisira ang mga plano ko,” paa
Mula ng mangyari ang insidenteng iyon at maipakilala na ni Cely sa mga anak si Domeng, napadalas na ang pagpunta nito sa bahay nina Liana. Henry never liked it, but he cannot voice it out to her. Pero ramdam naman ni Liana ang pagkadisgutong iyon ni Henry.Maging si Aling Perla ay palaging nakanguso sa tuwing naroroon ang nobyo ng ina. Hindi nito gusto ang nakikita at hayagan naman nitong ipinapakita sa kanyang ina ang pagkadisgusto kay Domeng. Gaya ng hapong iyon. Naroroon na naman ang lalaki, na kung makatawa at makapag-utos kay Aling Perla ay parang siya ang may-ari ng bahay. “Ako'y nanggigigil na d'yan sa lalaking ‘yan at d'yan sa nanay mo, Liana. Kapag hindi ako nakapagpigil makakatikim ‘yang si Cely ng salita sa akin,” tumatahip ang dibdib na wika nito habang naglilinis ng basong ininuman ni Domeng. Humingi ito ng juice kanina habang kasamang nanonood ng tv si Lester. Siya naman ay naghahanda ng hapunan nila. Huminga siya ng malalim at nagpapaumanhing tiningnan ang matanda.
Gaya ng sinabi ni Liana kay Henry, naghanap siya ng trabaho ng hindi humihingi ng tulong dito. She made the list of all the available jobs that suits on her from the newspaper at isa-isa iyong pinuntahan to pass her resume. Bawat puntahan niya, palagi na’y sinasabi ay tatawagan siya and she hopes that one of them will do. Dahil sa totoo lang, hindi naman talaga madaling humanap ng trabaho. Kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom bago pa matanggap. Sa pangatlong araw ng job hunting ni Liana, nakita niya sa labas ng subdivision si Domeng sakay ng motorsiklo nito. Tumigil ito sa tapat niya ng makita siya. “Mukhang makikipagkita ka ngayon kay Henry, ah… Pusturang-pustura!” palatak nito at nakalolokong hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Saglit pang may nakiraang matinding pagnanasa sa mga mata nito na hindi na napansin ni Liana dahil sa kanyang ginawang pag-ingos. “Ang suplada mo naman, Liana… Ganyan mo ba itrato ang magiging ama mo?” sarkastikong tanong nito. Nami
“Hey! What are you doing here? Akala ko ba mamaya pa tayo magkikita?” gulat na tanong ni Henry sa kanya ng makita siya nito sa lobby ng hotel. May ilang kalalakihan itong kasama na pawang naka-business suit at palagay niya’y mga kliyente nito iyon. Nilapitan siya nito at mabilis na ginawaran ng halik sa pisngi. Bigla namang nahiya si Liana ng makitang pinagtitinginan sila ng mga kasama nito pati na ng ilang empleyado ng binata. “Importante yata ang pinag-uusapan niyo. Doon na lang muna ako sa lounge,” nahihiyang tugon niya kay Henry at muling sinulyapan ang mga lalaking kausap nito kanina. Sinundan naman iyon ng binata at ngumiti ito sa mga iyon at pagkatapos ay muli siyang hinarap. “Okay. Patapos na rin naman kami,” imporma nito at iniwan na siya doon at muling binalikan ang mga kasama. Nagtungo naman siya sa lounge. Nang matapos siyang makapag-report sa trabaho kanina, napagpasyahan niyang sa hotel na tumuloy. Excited siyang ibalita kay Henry ang good news na iyon at hindi na
“Pare, I have an exciting news for you,” ani Fred ng sagutin niya ang telepono. Napataas ang kilay ni Henry. Nararamdaman niya ang kasiyahan ng kaibigan hanggang sa may opisina niya sa hotel at bigla ay na-curious siya sa sasabihin nito. “And what is it?” tanong niya. “She’s here, Pare!” bulalas nito. Naririnig pa niya mula sa kabilang linya ang nililikhang ingay ng mga daliri nito sa ibabaw ng mesa. “Who?” nagungunot ang noong tanong niya sa kaibigan. “The innocent woman from Dhane’s bar! Remember her?” pagpapaalala nito sa kanya. Napahugot naman siya nang malalim na hininga sa sinabi nito. He didn’t know that Liana’s boss will turned out to be his friend, Fred. Walang nabanggit sa kanya ang dalaga kung saan ito magtatrabaho kahapon. She just said that she’s hired and nothing else. Hindi naman na siya nagtanong pa. “Hello? Henry? Are you still there?” untag ni Fred sa kabilang linya. “Yeah. I’m still here,” malamig na sagot niya. Natahimik naman ang nasa kabilang linya sa
“Liana come with me,” ani Fred paglabas nito ng opisina. Malalaki ang mga hakbang na nagtuloy-tuloy ito sa may elevator. May pagmamadali namang binitbit ni Liana ang sariling bag at ang planner ng boss niya. Wala itong naka-schedule na kahit anong meeting sa araw na iyon at mag-aalas diyes pa lang nang umaga. Sinabayan niya si Fred sa elevator ng hindi umiimik. Ang lalaki naman ay panay ang tipa sa telepono nito. Napansin niya rin ang pagsasalubong ng mga kilay nito na parang aburidong-aburido. May nangyari siguro, sa loob-loob niya. Hindi naman sila lumabas ng building na iyon sa halip, nagtungo sila sa studio kung saan ginagawa ang mga ads ng kanilang mga nagiging kliyente. Minsan na rin siyang isinama doon ni Miss Gina kaya kabisado na niya ang buong building. “Sir Fred!” alalang-alalang salubong sa kanila ng baklang si Vie, na sa pagkakaalam niya ay isa sa mga in-house director ng kompanya nila. “Naku, Sir Fred, buti dumating na kayo… hindi ko na malaman ang gagawin ko dito,”
“What are you doing here? Bukas pa ang meeting natin ‘di ba?” takang tanong niya sa kaibigang si Fred ng pumasok ito sa kanyang opisina.“I just drop by to give you this,” nakangiting wika nito at iniabot sa kanya ang isang brochure. “That’s just a sample,” dagdag pa nito. Kunot-noong tiningnan ni Henry ang iniabot nito sa kanya, at hindi niya napigilang mamangha sa nakikita. Was he really seeing Liana on that brochure? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Ang pagtataka at pagkamangha ay napalitan ng pagdidilim ng kanyang mukha. “Why? Don’t you like it?” nag-aalalang tanong ng kaibigan ng makita nito ang pagpapalit-palit ng kanyang emosyon. “Why is she here?” malamig ang tonong tanong niya. Nawala ang mga ngiti ni Fred. “May problema ka ba sa kanya, Pare?” seryosong tanong naman nito. Umiling siya. “Don’t you hire models to do this campaign? Iba ang nasa brochure na ito sa napagkasunduan natin,” mariing wika niya. Napabuntong-hininga naman ang kaharap. “I’m sorry Henry, but th
“It’s alright, Liana…. I’m already here… Walang mangyayari masama sa ‘yo habang naririto ako,” masuyong wika ni Henry sa dalaga. Nararamdaman pa niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito. Tiningala siya ng dalaga. “How did you know that he uses it?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang ipinagbabawal na gamot. “Matagal na akong naghihinala sa kanya. I asked someone to investigate him at doon ko nalaman na gumagamit pala siya. Hindi ko agad ito nasabi sa ‘yo dahil busy ka sa trabaho mo. But, I should have warned you ahead of time para hindi na umabot sa ganito,” aniya kasabay ng isang malalim na buntong-hininga. Kung nahuli pa siya ng kaunti, baka kung ano na ang nagawa ni Domeng sa dalaga at pagsisisihan niya iyon habang-buhay. “It’s okay… Dumating ka naman sa tamang oras, eh.” Mahinang usal ng dalaga at inilayo ang sarili sa kanya. “Ano nga pala ang importanteng sasabihin mo at kahit late na ay nagpunta ka pa rito?” nagtatakang tanong nito. Hinila niya muna ito paupo sa sofa