Share

Chapter 40

Sunod-sunod na tunog ng doorbell ang narinig ni Liana habang naliligo nang mga sandaling iyon. Mag-isa lang siya doon dahil nagyaya sa clubhouse si Lester kaya sinamahan ito ng kanilang ina. Si Aling Perla naman ay nagpunta sa palengke.

May pagmamadaling binanlawan niya ang katawan, pagkatapos ay nagsuot ng roba at pabasta na lang ipinulupot ang basang buhok sa tuwalya. Nagulat pa siya ng pagbukas ng banyo ay mabungaran si Henry na siya namang papasok sa kanyang silid.

Napangiti siya at mabilis na nilapitan ito.

"Kanina ka pa ba?" tanong niya dito.

Hahalikan sana niya ito sa pisngi na nakasanayan na niyang gawin, pero tuloy-tuloy lang ang lalaki sa may kama at inilapag doon ang mga bulaklak na hindi niya napansin na dala nito.

Hindi naman pinansin ni Liana ang inaktong iyon ng binata. Mas lumapad pa ang pagkakangiti niya ng makita ang mga bulaklak. Sinundan niya ito at dinampot ang mga iyon at sinamyo.

"Para sa 'kin ba 'to?" tanong niya at nilingon ito.

Nagkibit-bal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status