“Hijo… pwede ba kitang tanungin?” basag ng kanyang Mama sa kanilang katahimikan habang pauwi ng mansyon. Ihahatid niya lang ito doon at muli ring babalik sa ospital.“What is it Mama?” tanong niya habang nakatutok ang mga mata sa daan.“What’s your plan now? Ngayong natagpuan mo na si Liana at nalaman mong may napakaganda at bibo pala kayong anak, anong balak mong gawin?” pag-uusisa nito. At hindi naman nakaligtas sa kanya kung paano nito purihin si Leyra.Bahagya siyang napangiti at pagkuwa’y nagseryosong muli.“I’ll just follow what Liana wants. Kung ipapahiram niya sa atin si Leyra, then maganda. Pero kung hindi naman, I’ll see to it na makakasama ko pa rin siya sa mga araw na itatakda ng kanyang ina. Hindi naman namin pwedeng biglain si Leyra dahil sa sitwasyon niya and you understand that naman, ‘di ba?” aniya dahil alam niyang sabik na sabik din itong makapiling ang apo.“Of course, hijo. Naiintindihan ko ang bagay na iyon,” kaagad na tugon nito. “But… it would be nice kung magk
“Hindi ba kami nakakaabala sa ‘yo? Alam kong busy kang tao at malayo ang byahe papunta ng La Consolacion. Pwede ko namang kausapin si Leyra na ipagpaliban mo muna ang pagsama sa amin,” basag ni Liana ng nasa kalagitnaan na sila ng byahe. Tulog na si Leyra kaya malaya na siyang kausapin si Henry.She was still contemplating on this idea na isama ang binata sa kanila dahil marami na namang magtataas ng kilay sa kanya. Isa pa, nahihiya rin siya dito.They may have a better life now compared to before, pero sapat lang iyon at napakasimple. Baka isipin nito na hindi niya naiibigay ang mga pangangailangan ng anak nila.Saglit siyang nilingon ng binata sa rear-view mirror pagkuwa’y itinuon na ulit nito ang pansin sa daan. Sa likod silang mag-ina naupo dahil kailangang alalayan niya si Leyra doon. Nagmukha tuloy driver si Henry ngunit wala naman siyang reklamo na narinig mula dito.“What do you mean nakakaabala?” tanong nito sa seryosong tinig. “Noon at ngayon hindi ka naging abala sa ‘kin, l
Nagtatakang iginala ni Liana ang paningin sa buong salas. Wala na doon si Henry at Leyra. Nagmamadaling binuksan niya ang pintuan sa may terrace at sinilip kung naroroon ang dalawa, ngunit wala naman. Sandali siyang nag-isip ng bigla'y may bumundol na kaba sa kanyang dibdib. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng kanilang bahay at ng makita na naroon pa rin ang sasakyan ng binata, t’saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Akala niya kasi itinakas na nito si Leyra, ngunit alam naman niyang hindi iyon gagawin ni Henry. Muli siyang bumalik sa loob at ipinagpatuloy ang paghahanap sa mga ito. Wala namang ibang pupuntahan ang dalawa kundi ang… Napatigil siya sa gitna ng sala at mabilis na napatingin sa kanilang silid ng anak. Dahan-dahan siyang lumapit doon at pinakiramdam kung may tao sa loob. Wala naman siyang marinig mula sa labas kaya maingat niyang binuksan ang pinto. Mabilis niyang tinakpan ang bibig upang di-kumawala doon ang malakas niyang pagsinghap ng tumambad sa kanya ang dalawa. M
Isang malakas na busina sa labas ng bahay nina Liana ang nagpabalik sa kamalayan ni Henry.Kunot-noong lumabas siya ng silid ng kanyang mag-ina at naabutan pa niyang papasok ng bahay si Jake. May dala-dala itong kung ano-ano sa magkabilang kamay.Agad naman itong sinalubong ni Liana.“Ang aga mo naman yata?” tanong nito sa lalaking kararating lang.“May iniutos sa akin si Papa kaya naisipan ko na rin na dumaan dito tutal nasa malapit lang naman ‘yung pinuntahan ko,” tugon nito sabay lingon sa kanya.Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya.“Maupo ka muna at ipagtitimpla kita ng kape,” anang dalaga dito na hindi yata naramdaman ang namumuong tensyon sa pagitan nila ng lalaki.Tumango naman ito at tahimik na naupo.S’ya naman ay lumabas ng bahay para tawagan ang kanyang mama pati na rin ang kanyang sekretarya. May mga kailangan kasing asikasuhin sa hotel at ang kanya munang ina ang pinapunta niya doon.Hindi naman siya nagdalawang salita dito, bagkus ay tuwang-tuwa pa ito dahil
“I think this is really a goodbye…” ani Jake isang araw na pumunta itong muli sa bahay nina Liana.Naabutan na naman nito doon si Henry na hindi naman talaga umuuwi pa simula ng ihatid sila nito.Nasa may terrace silang dalawa habang nasa loob naman sina Henry at Leyra at nanonood ng favourite cartoons ng kanilang anak.Malungkot niyang tiningnan ang lalaki. “I’m really sorry, Jake… I already told you my reasons at hindi na magbabago pa iyon. Ayoko talagang paasahin ka pa,” aniya.Mapait na ngumiti ang lalaki. “He’s really so lucky to be loved by you. You’re one of a kind Liana… Sana lang huwag ka na niyang sasaktan because if that’s happen, ako mismo ang bubura sa mukha niya,” may himig pagbabantang wika nito.“Jake…” marahang saway niya dito.“I know, Liana… I know…” mahinang saad nito. “Ama s’ya ng anak mo and it will never changed the fact that he will forever be part of your life… not just because he’s Leyra’s father, but because you still love him. Hindi iyon nagbago sa paglipas
Sunday. And every Sunday, ayon na rin sa mga kwento ni Leyra ay nagsisimba ang mga ito.Bihis na bihis na ang lahat ng lumabas siya sa may terrace. Nakangiting mabilis na lumpit sa kanya ang anak at kumapit sa kanyang kamay.“Tala na Daddy,” anito at hinila na siya palabas ng bahay.Nagpapahinuhod na sumunod naman siya dito. Pagtapat sa kotse niya ay agad niya iyong binuksan. Nagtataka namang nagkatinginan ang apat.“Why?” nagtataka ring tanong niya sa mga ito.“Lakad tayo Daddy. Lapit lang naman eh,” si Leyra ang sumagot sa kanya na sinabayan naman ng tango nang tatlong nasa likuran nito.“Ganoon ba?” desimulado ang mukhang tugon niya at isinara na ulit ang pintuan ng kanyang kotse. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang patagong pagngiti ni Liana bago ito tumalikod.Napapailing na lang na sumunod siya sa mga ito habang nakahawak sa kamay niya si Leyra.Ngunit, ang sinasabi ng mga ito na malapit lang ay malayo rin pala. Siguro malapit na iyon sa mga ito dahil sanay na silang nil
“Manang Perla! Liana!” humahangos na tawag sa kanila ng kapitbahay na si Ka Maring.Magkapanunod namang napalabas sila sa may terrace ng kanilang bahay.“Bakit Maring? Anong problema?” tanong ng kanyang Nanay Perla dito.“May gulo sa court!” anito na bahagya pang hinihingal.“Gulo? At sino naman?” salubong ang mga kilay na tanong muli ni ‘Nay Perla.“’Yung asawa nitong si Liana hinamon ni Baldo!” pagbabalita nito.“Ano ho?” nanlalaki ang matang tuluyan na siyang napalabas ng kanilang bahay.Si Baldo ay isang dakilang tambay sa lugar nila. Malimit itong pinagmumulan ng gulo dahil sa palahamon nitong ugali kaya maraming taga-roon ang ilag dito.Malalaki ang mga hakbang na nagtungo siya sa court kasunod sina Nanay Perla at Ka Maring. Madami ng tao doon na nag-uusyuso sa nangyayari. Kandahaba naman ang leeg niya na hinanap si Leyra at Lester dahil ito ang kasama ni Henry ng lumabas kanina.“Go Daddy! Go Daddy!” narinig niyang pagche-cheer ni Leyra sa ama kasabay ng pagpalakpak nito.“Gali
“’Nay nakita n’yo ho ba si Henry?” nag-aalalang tanong ni Liana ng hindi niya makita ang binata.Medyo gumagabi na at hindi naman ito masyado pang kilala sa lugar nila. Baka mamaya ay mapagtripan ito doon.“Lalabas lang daw siya sabi kanina,” tugon naman nito na abala sa tinatahing punda ng unan.Mabuti na lang at tulog na ang anak nila. Sigurado kasing hahanapin ito ni Leyra at baka mag-iyak na naman kapag hindi nakita ang ama.“May sinabi ho ba kung saan siya pupunta?” tanong niyang muli.Nasa labas ang kotse nito kaya alam niyang hindi lumayo ang lalaki.Nilingon siya ni Nanay Perla.“Wala namang nabanggit. Anong oras na ba?”Tiningnan naman niya ang orasan. “Alas-diyes na ho,” tugon niya na lalo lang kinabahan.“Aba’y gabi na pala. Saan naman kaya pupunta ang isang iyon,” nag-aalala na ring sabi nito. “Ang mabuti pa ay hanapin mo na sa may labasan. Baka mamaya ay nakita na naman si Baldo,” dugtong pa nito.Mas lalo lang siyang nabahala dahil sa sinabi nito.Noong isang araw lang n