Hindi ko alam kong panaginip lang ba iyon. Ngunit nakita ko sa aking panaginip na hinalikan ni makisig ang aking labi. Marahil ay isa lamang iyong panaginip. Hindi naman siya umuwi kagabi. Hindi ko alam kung saan siya namamalagi. Kasi pag gising ko ay wala naman siya sa aking tabi kaya hindi maaring hindi iyon panaginip.
Napaka bigat sa pakiramdam, ginawan ko siya ng haponan. Nag effort ako para sa kanya, tumupad ako sa aking pangako ngunit hindi naman siya interesado doon.
"Magandang umaga mahal na arami." Bati sa akin ni andula, wala akong gana kaya naman ay tumango na lamang ako sa kanya. Kailangan ko pa palang matuto kung paano sumulat ng Philippines script na badlit. Buti nalang talaga at masunurin akong bata kaya ginagaw
Amira's POVMalaki ang ngiti ko sa nakita ko. Hindi lamang si maisog ang nakita ko, kundi kasama niya din ang butihin kong kaibigan si maganda. Hindi na siya nag taka, marahil ay sinunod nito ang payo niya sa kaibigan na, mapapalapit ang loob niya sa ginoo pag kusa na siyang kumilos para dito. At sa totoo lang ay ang kaibigan na niyang ito ang namimitas ng halaman para sa kanya. Ngunit sa araw na ito nais ko lang talaga lumabas sa aking silid upang makapag isip isip."Narito ka pala ganda.'' saad ko may ganda. Tumango siya sa akin. Narito na ako sa harden ni maisog at kasalukoyan ko silang nakikitang sabay na nag uusap habang abala sa papatubig ng mga halaman. Masaya panga silang nag tatawanan nang dumating ako. Feeling ko tuloy na abala ko sila sa moment nila. Naku naman oh.Agad naman akong sinalubong nung dalawa pero mas nauuna si ganda. Nginitian ko silang parehas at ganon din sila sa akin."Oo, at bakit ikaw narito ka?" tanong niya. nakibkit ba
Amira's POVNagising ako nang may iniinadang sakit sa aking ulo. Kasalanan ko naman kung bakit ko ito nararamdaman. Kahit hindi ako masyadong nalasing kagabi ay nataaman parin ako ng alak na iyon. Damn!Napa hilot na lamang ako sa sintido ko. Nais ko ng tubig kung kaya't naisipan kong tuloyang imulat ang aking mata. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang mabigat na bagay sa aking bewang. Naka pulopot ito ng sobrang higpit. Agad naman akong na alarma. Fuck!Nanlaki ang mata ko dahil, hindi lamang ako ang nag iisang tao na naka himlay sa kama ko. Kasama ko ang lalaking hindi ko inaasahan.Dahil sa gulat ko ay wala sa sariling na sipa ko ito dahilan upang mahulog siya sa kama at lumagapak sa kawayan na sahig.Nagising ang ginoo sa aking ginawa at agad na tumayo. Naka kunot noo siya sa akin."Bakit mo ginawa iyon?!" inis na saad niya, ngunit kahit ganon hindi parin mawala sa boses niya ang nakaka pang akit na tinig. Napa kagat labi na lamang ako,
Amira's POVTinahak ko mag isa ang banwa nila lolo, nag lakad ako ng mag isa sa gubat. Ano naman? Wala naman akong kinatatakotan, I can protect myself!Na miss ko bigla yong bata at ang masayang bayan nila. Maybe maari naman ata akong bumisita sa kanilang tagong banwa. Tanging ang pag tama ng paa ko sa tuyong dahon at ang pag dampo ng hangin sa mga puno ang maririnig ko. Kung sana hindi low bat yung phone ko magagamit ko iyon pag lakbay, habang naka earphone.Nadaanan kona ang butas kung saan kami nahulog ni maisog. Unting lakad na lamang at makikita kona ang naturang banwa.Napa ngiti na ako nung nakita ko ang maari kong pasokan, ang lagusan, may mga halamang naka tabon sa butas ng kweba kaya naman hindi agad nakikita ito. Buti na lang at nilagyan ko ito ng marka.Wala na akong inaksayang oras at agad kong hinawi ang mga halaman at pumasok sa naturang lagusan. Binalik ko din naman agad ito sa dati para hindi halata. Ito iyong dahilan kung bakit, tago ang kanilang lugar.
Amirah's POVNaka higa kami ngayon sa kama, naka patong ang ulo ko sa balikat niya. Naka harap ako sa kanya habang niyayakap siya. Hindi pa tuloyan natapos ang kasiyahan pero kami ito nag papa hinga na. Maaga pa kasi kami bukas aalis. Kailangan na naming umuwi, sabi ni Hubby Hunky nakapag paalam naman daw siya kay andula pero, kailangan parin naming maka uwi. Baka kasi may maka pansin pag kawala namin.Naka yakap kami ngayon sa isa't isa, dinama ko ang mainit niyang katawan. Hindi ko alam kung maliiy lang ba talaga ako para yakapin niya ako ng parang unan lamang. Kasi saktong sakto ako sa bisig niya. Sobrang saya ko, wala akong pag sisidlan sa saya ko. Ganito ba talaga ang feeling pag mahal ka nang mahal mo? Napaka bilis ng pangyayari, parang kisap mata lang. Hindi ko akalain na nararamdaman niya ang nararamdaman ko. Gusto kong mag tanong tungkol sa nararamdaman niya kay marikit pero baka masaktan lang ako. Ayokong mag overthink, paniniwalaan ko siya sa sinabi niya. Pang hahawakan ko
First of all daghang salamat sa pag babasa ng istoryang ito. Sana ay may matutunan kayo at masiyahan. Hindi po ako sure sa ibang impormasyon na inilagay ko. Kasi nga fiction lang naman po ito kaya naman po, sana kung may nakikita kayong pag kakamali o mga impormasyon sa tingin niyo ay hindi naman nangyayari sa taong 1500s ay sana po isipin niyo na lamang na dinagdag ko na lamang iyon at gawa gawa ng aking imahinasyon.At pag may nakita kayong mali, please correct me in the nice way!Nice!Nag susulat po ako ng mabait kaya sana po mag basa pa kayo din ng mabait.Ang akda na ito ay gawa gawa ko lamang. Wala po itong katotohanan, hindi naka saad sa kasaysayan sa pilipinas. This work of fiction was inpired of AMAYA at ang ibang mga impormasyon ay nagagaling dito,Ang mga pangalan, pangyayari, tauhan, lugar at
Naririnig ko ang malakas na sigawan ng arena, naramdaman ko ang sakit sa aking buong katawan habang patuloy na tinatanggap ang suntok at sipa na galing sa aking kalaban. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay malakas kong sinipa ang tiyan nito kung kaya napa talsik ito papunta sa kabilang dulo ng ring. Tumayo ako ng matuwid at mas ikinuyom ang aking mga kamao ng mahigpit. Hinintay ko siyang maka tayo at atakihin ako muli, pinagmasdan ko ang bawat galaw na kanyang gagawin, binabasa ko ang susunod niyang magiging atake sa akin.Masyado na akong nag tatagal sa loob ng ring, kailangan ko na itong tapusin ayon sa pinag usapang oras. Sinuntok niya ako ngunit na ilagan ko kaagad iyon, pag ilag ko ay kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay bago niya pa tuluyan mabawi iyon. Nilagay ko ang aking lakas sa aking buong paa, at buong lakas na binuhat sabay binalibag ang aking kalaban sa sahig at s
May mga utang na kahit anong takbo at pag tago natin ay kailangan pag bayaran, malaki ang utang na loob ko sa taong nag aruga at tumanggap sa akin ng buo. Hindi siya nagkulang sa pag paparamdam sa akin kung ano nga ba ang pagmamahal, kung ano nga ba ang pag papahalaga. Ang mundo kong walang buhay ay binigyan niya ng kulay at binigyan niya ako ng bagong pag asa. Naging sandigan ko siya sa masalimuot 'kong mundo, at hindi ako nagsisisi na makilala ang isang katulad niya. Mahigit apat na taon na ang nakalipas simula nung mawala ang taong iyon, apat na taon na ang lumipas nang makarating sa akin ang masamang balita na tuluyan na siyang inagaw ng mundo sa akin at kahit sa huling pagkakataon ay hindi ko siya makikita pa.Kasabay ng kanyang pagkawala, ay naiwan sa akin ang malaking halaga na kanyang pagkakautang at hanggang ngayon sa kasalukuyan ay aking binag babayaran. May kumatok na la
Unti unti kong inimulat ang aking mga mata at napa upo galing sa pagkakahiga. Ang sakit ng buong katawan ko, marahil sa pag bagsak ko ito sa bisikleta, tuluyan ko nang minulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko galing sa ako mahabang pagtulog, sa tuluyang pagmulat ng aking mata unang bumungad sa akin ay ang kakaibang silid. Napa kurap ako ng ilang beses, hindi ba nasa tulay lang ako kanina? May tumulong ba sa akin upang dalhin ako sa hospital? Klarong klaro sa isipan ko ang huling nangyari sa akin.Hindi ko alam kung nasaan ako, ngunit masasabi 'kong wala ako sa isang ospital dahil gawa sa nipa ang aking nakikitang bubong ng silid at ang kama na hinihigaan ko gawa sa kawayan, sino naman kaya ang mag dadala sa akin rito? Mayroon pa bang ganitong uri ng tahanan sa kasalukuyang panahon? Bakit ganito? Napatingin ako sa paligid ko, purong gawa sa