“Dion Reighnlyn!” my father's hoarse voice echoed as soon as I stepped inside our house.
Hawak nang mahigpit ang strap ng bag ko at nakataas ang noo ay lumapit ako sa hapag kainan namin. Nandoon silang dalawa ni Mommy. Naghihintay sa akin. Disappointed sila at galit na naman sa akin. Hindi ko alam na malalaman kaagad nila ito pero narito na eh, haharapin ko na lang. “What is this?! Ha?! Ano ba ang mga ito?!”Nakita ko ang mga papeles na hawak niya. Iyon ang ilang requirements ko para maka pag-enroll sa isang Unibersidad na gusto ko. Iyong masusuportahan ang pangarap na bubuuin ko. “Dad, I told you. I want to be an artist! Magfa-fine ar—”“And how many times do I need to tell you that you can't?!” he roared. His knuckles were almost white while holding my documents.“What do you mean I can't, Dad?!” I calm myself to remain mMedyo miss ko na sina Lilo.Talagang naging routine ko na na maalagaan sila. Hindi na rin ako masyadong tini-text ni Osmond. We don't really have something to talk about though...This week, I already sell three of my artworks. Isa na lang ang natitira pero nabalot ko na iyon, kailangan na lang ng magke-claim. Hindi siya kamahalan pero sapat na para sa hirap at dedikasyon ko habang ginagawa iyong akda. Pakiramdam ko lahat ng gawa ko ay isang malaking parte ko, lahat galing sa puso.Dati naalala ko kung gaano kalakas ang panghihinayang ko kapag magbe-benta kasi pakiramdam ako mababawasan ako. Iyong may parte na mawawala pero ngayon ay may saya na sa bawat customer. Natuto ako na hindi naman pala siya kawalan, recognition siya, appreciation, at ang mga gawa ko ay mayroong karapatang mapunta sa ibang lugar at makita ng madami.Tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko iyong nakita. Sana ay may
Kalmado talaga akong tao. Hindi ako madaling magalit. Kung magagalit man ay panandalian lang, o mas pipiliin ko na lang na huwag magsalita pero ngayon ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang kaharap ko si Osmond. It was like he summoned someone inside me to fire up all my triggers.Kakamot-kamot siya sa ulo habang nakayuko sa harap ko. Pinapakain ko na sila nang pumasok siyang kusina.Nanlaki ang mga mata niya at naging mailap nang makita ako. “Oh. You're here... good morning.”“Walang good sa morning. Tanga ka ba?” I couldn't hear myself. Ni hindi ako nagsasalita ng ganito noon.“A-ano?”“Bakit ka umiinom-inom, hindi mo ba naiisip 'yang mga anak mo ha? I am really disappointed towards you. You're so stupid.” I tried to count in my head to calm myself.“Oh my gosh,” I whispered. This
After what happened… everything just went back to what it is. Hindi na ako nagtanong o nag-imbestiga. Wala na rin siyang nasabi pa.Kung gusto naman kasi niyang sabihin sa akin ay dapat kaagad na niyang ginawa.And just like my usual days, I am back at being Lala and Lilo‘s nanny.“Hello?” sagot ko sa cellphone ko na nakaipit na sa balikat at mukha ko dahil naglulumikot si Lala sa higa niya. Pinapalitan ko siyang cloth diaper at inaabot niya ang kapatid niya.“Behave, Lala.”“Bakit? Makulit ba si Lala?”Inilagay ko na ang huling tape at pinakawalan na si Lala para gumapang palapit sa kambal niya.Tinanggal ko na ang cellphone sa pagitan ng balikat at hinawakan. “Oo eh, ang likot nila ngayon.”Narinig ko siyang bahagyang natawa. “Kaya pa?”
Muntik nang malaglag ang ngiti ko kaya lang ay nakita ko sa likod ng babae ang lalaking pakay ko sa pagpunta.“Hello!” bati ko rin sa kanya.Nakangiti pa rin ang babae at nagbigay daan para sa amin. “Sino 'to?” narinig kong pabulong na tanong niya kay Osmond.Tinignan ko si Osmond na siyang nakatingin din sa akin. Mukha siyang hindi sigurado kung paano sasagutin ang tanong. Alam naman namin kung ano iyon. Alam naman niya ang dapat na isagot.Tumawa ang babae at napailing. “Huwag na nga! Baka makagulo pa ako.” Mabilis siyang bumaling sa akin. “Hi again! I am Hera!”Kinuha ko ang kamay niya na mabilis niyang sh-in-ake hands. Napangiti na lang din ako ng totoo sa ngiti niya. Nakakahawa kasi at naalala ko rin sa kanya si Eury.“Hi, ah... Ako si Dion.”Napahinto siya sa paghawak sa kamay ko at kaagad na napahawak sa
Hindi pa ako nagkakagusto kahit na noon. Hindi ko alam kung ano ang crush hanggang sa mag-grade five dahil tinanong ako ng classmate ko kung sino ang tipo kong lalaki sa klase namin. Pero kahit na ganoon ay hindi naman ako hirap na malaman kung ano ang nararamdaman ko. Alam ko kapag gusto ko ang isang bagay o tao. Ang kaibahan lang ay kapag bagay ang gusto ko alam kong pwede kong makuha pero ang tao? Walang kasiguraduhan.I am always passionate about what I like and want but it won't be the same with this situation. No matter if he likes me... I don't think it would be okay. I am just too glad earlier to have thought that this would end well and it's fine... but thinking about it deeply, Osmond still has issues about her and himself. He is not fully fixed.I like him. I like Osmond. I still can't confirm if this is beyond like, but I am sure that I cannot fathom how much I adore him. I just suddenly felt that I like him so much.Tul
Nakatitig ako sa paa kong nasa damuhan at ginalaw-galaw ito.“Bakit mo naisip 'yan? Dahil ba sa kanina?” malumanay ang boses niyang tanong.Alam ko ang tinutukoy niya pero ayaw kong iyon ang ibigay na sagot. “Sigurado ka ba talaga sa nararamdaman mo?”“Oo. Sigurado ako, Dion. Hindi ako magsisinungaling tungkol sa nararamdaman ko.”Mayroong pa ring nakalibot sa puso ko. Ayaw niya pa ring rumupok.“Hindi mo na ba siya mahal? 'Di ba nasabi mo noon na kaboses ko siya? Baka naman nakikita mo lang siya sa akin.”Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap sa kanya. “Before, I would be guilty because that is true, I saw you as her… that is... the reason why I helped you when you got drunk and offered you this job... but as I see you more, I began to get to know you, I began to see you, Dion. Hindi ka siya, hindi ko na siya nakikita sa 'yo
Naabutan kong pinapatawa ni Osmond sina Lala gamit ang laruan nito. Napupuno naman ng hagikhik nila ang hangin dahil dito. Ang sigla ng mga tawa nila na parang mayroon talagang hidden joke sa ginagawa ni Osmond pero pinagbabangga lang naman niya ang mga laruang kotse.Hindi ko maiwasang mapangiti. Talagang nakakahawa ang pag bungisngis nila. Kahit si Osmond ay grabe kung makatawa. Maaga na naman siyang umuwi ngayon. Wala pang seven ng gabi ay madalas nandito na siya katulad na lamang nitong mga nakaraang araw.Hindi naman ako nag-a-assume. Pero alam kong parte talaga ako sa mga dahilan niya sa maagang pag-uwi.Pinanood ko lang silang mag-aama habang nagtatawanan hanggang sa dumako ang tingin niya sa akin.Ganda mo. Basa ko sa buka ng labi niya.Napairap na lamang ako. Ganyan na siya simula nang umamin. Wala atang araw ang lumampas na hindi niya sinabi na maganda ako. I feel flattered, it i
Kinabukan ay medyo nagmamadaling umalis si Osmond dahil mayroon daw maliit na problema. Na siya ring sa tingin kong dahilan kung bakit wala pa siya ngayon. Malapit nang mag-eight ng gabi at wala pa rin siya.Inayos ko na lang muna ang lamesa pero hindi pa nag-hain dahil baka dumating na siya. Ilang minuto pa akong naghintay. Ilang buntong hinga at tapik na ako sa sarili. Nadidismaya ako na hindi siya makasabay ngayon. Nakasanayan ko na kasing kasama siya sa hapunan.Tumayo na lang ako kahit na bagsak ang balikat at walang gana. Pakiramdam ko ay ang bigat ng katawan ko.Naiintindihan ko naman siya. Mayroon siyang trabaho at siguro hindi talaga maliit ang emergency na iyon dahil inabot na siya ng ganitong oras.Narinig ko ang seradura ng pintuan. Ang kaninang patay kong katawan ay nagbalik sigla. Napangiti pa ako ng malawak dahil sa naririnig na mga tunog. Kumakabog ang dibdib ko sa kaalamang si Osmond na ito.