Share

Kabanata 25.2

Ilang buntong hininga ang nagawa ko. Ilang araw din akong naguguluhan pa rito… papalapit na nang papalapit ang susunod na linggo pero takot pa rin akong tingnan ang email na s-in-end sa akin. 

Maayos na si daddy. Halos isang araw lang din ay medyo um-okay ang kondisyon niya. Kalahati pa rin ng katawan niya ang hindi makagalaw pero nag-improve iyon kaagad dahil nakakasalita na siya. 

Hindi man malinaw pero naiintindihan.

“Dion… wa.. ter,” tawag ni daddy. 

Lumapit ako na may dalang baso ng tubig. Tinulungan ko siyang inumin iyon, itinapat ko rin ang isang kamay ko sa ilalim ng baba niya upang hindi siya mabasa kung sakali. Hindi niya kasi masyadong nagagalaw ang itaas na labi, halos hirap din maging ang panga niya. 

Naupo ako sa kama niya nang matapos siya. Kinuha ko ang kamay ni daddy at hinilot gaya ng ginagawa ng therapist na pumupunta rito sa tuwing hapon. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status