Share

Kabanata 1

Author: yayykathy
last update Last Updated: 2021-08-10 11:23:04

Gaya ng sabi ko, I'm a gloomy loner guy. Mas gusto kong manahimik na lang sa iisang anggulo ng kwarto habang nakikinig ng mga paborito kong japanese pop. Isa akong Otaku, mahilig akong manood ng anime movies or anime series. Nahiligan ko na ring magbasa ng mga libro. Sa ganoong paraan ay naililibang ang sarili ko. This is how I escape my life for awhile.

    

    I also love to drink coffee pero hindi ako nerbyoso o magugulatin. Sa isang araw nakaka-pitong tasa ako ng kape o higit pa. Kahit madaling araw na ay mulat pa rin ang mga mata ko, hindi nga lang halata dahil singkit ako. Sabi nila kapag singkit ka attracted ka, oo tama naman 'yon. Lahat ng tao napapansin ako, sa paraang pinagtatawanan at inaasar. Suki yata ako ng mga bully, mahilig nila akong gawing punching bag kapag naiinis sila.

    

    Simpleng pamilya lang ang mayroon ako. Sa walong magkakapatid, ikatlo ako. Marami man kami sa bahay ngunit masaya kami. Sila ang pamilyang hinangad ko sa buong buhay ko, kapag may problema, nagtutulungan kami hindi p'wede 'yong may naiiwan. Swerte ako sa pamilya, malas nga lang pagdating sa pakikipagsalamuha sa ibang tao. Matanda na 'ko pero takot pa rin akong makipagsabayan sa iba.

    

    Naalala ko 'yong mga panahong nasa elementarya pa lamang ako. Kinawawa ako ng mundo noon. Alam kong lahat ng tao sa paligid ko ay hindi ako gusto. Walang gustong makipaglaro sa akin dahil weirdo raw akong tao, hindi raw ako anak ng nanay at tatay ko kundi demonyo raw. Kung ano-anong pangungutya ang natatanggap ko mula sa kanila, ngunit binaliwala ko lang mga iyon. Wala akong paki sa kung anong sasabihin ng iba, ang importante nabubuhay ako sa sarili kong mundo. Sa mundo gaya ng anime na hindi naman nag-eexist sa totoong buhay.

    

    Sana naging anime character na lang ako sa isang anime world.

    

    Nakayuko ako habang naglalakad sa hall. Pinagmamasdan ko ang mga sapatos at pinapakinggan ang sarili kong yapak. Hindi ko marinig 'yong ibang tao. Para akong nasa ilalim ng madilim na karagatan, unti-unting nahuhulog at lumulubog, sumisigaw ngunit walang nakakarinig.

    

    Sa loob ng klase, sa tabi ng bintana ako naka-upo. Sa t'wing natatapos ang pagdidiskusyon ng guro ay lagi akong tumitingin doon. Sa t'wing titingin naman ako sa mga kaklase ko, ang nakikita ko sa mga mukha nila ay kulay itim at malabo. Hindi ko alam kung bakit gano'n. Siguro hindi sila ang tamang tao na p'wede kong lapitan.

    

    Natapos na naman ang isang araw. Ganito ka-boring ang buhay ko, walang kumaka-usap sa akin, walang lumalapit, isa akong invisible man sa paningin nila. Ganiyan tumatakbo ang araw ko sa eskwelahan, pa-ulit-ulit na lang. Hindi naman na ito bago sa akin, sa katagalan, nasanay na rin ako.

    

    Naupo ako sa isang bangko, malayo sa field kung saan napakaraming estudyante ang nakatambay. T'wing hapon ay nagdadagsa sila, habang ako naman ay nasa isang bangko malapit sa hardin, pinagmamasdan ang mga bulaklak at paru-parong lumilipad.

    

    Wala akong emosyon. Lagi lang akong naka-poker face sa ibang tao. Ni hindi ko alam ngumiti, magalit, o 'di kaya naman tumawa. As in blanko, wala kang makikitang maganda sa akin. Kaya siguro sila naiinis, dahil sa pagmumukha ko, agad silang nababadtrip kaya mas gusto na lang nilang saktan ako.

    

    "BBBOOOOOO!"

    

    Naalarma ako sa kung sinong tao ang gumulat sa akin, hindi ko 'yon pinahalata. Ngunit hindi siya nagwaging gulatin ako dahil tiningnan ko lang siya ng seryoso.

    

    "Hindi ka nagulat?" nagtatakang wika ng isang babae. Maganda siya, simple lang manamit, mukhang laging hyper kaya may lakas loob siyang gulatin ako ng gano'n.

    

    Hindi ko siya kilala kaya umiling na lang ako at ibinaling ang atensyon ko sa mga bulaklak na 'di kalayuan sa pwesto ko. Tumabi siya sa bangko pero agad akong umusog palayo sa kanya. Nasa gilid ako ng bangko at siya naman ay nasa kabila upang mabalanse ang upuan namin at hindi kami mahulog.

    

    "Bakit nag-iisa ka? Maraming estudyante roon oh, bakit 'di ka makisalamuha sa kanila?" Ngayon nagtataka siya. Hindi ko ito pinansin, nanatiling nasa bulaklak ang atensyon ko. "Bakit 'di ka magsalita? Maliit lang ba dila mo? Pipi ka ba?" ang dami niyang tanong, naririndi na 'ko sa sobrang ingay niya. "AAAHHH! Alam ko na! Hindi ka pa tuli 'no? Hahahaha!"

    

    Sinulyapan ko siya sa kanan ko. Tiningnan ko siya nang mabilisan at agad kong binawi ang atensyon ko. Kinuha ko na 'yong bag ko at dali-daling umalis.

    

    "Uyyy! Teka lang! Nagbibiro lang e," sinusundan niya ako sa likod ko. Wala akong nagawa, sa kagustuhan kong iwasan siya ay mas lalo niyang pinipilit ang sarili niyang lumapit sa akin. "Gusto lang naman kitang maka-usap. Saka, napapansin ko wala kang mga kaibigan, kaya lumapit ako sa iyo. Hindi ko naman inakalang magagalit ka sa akin e, sorry na,"

    

    Binagalan ko ang lakad ko nang marinig ko ang intensyon niya. Napabuntung hininga na lang ako ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. Ngayon ay magkasabay na kaming naglalakad. Napansin kong napangiti siya.

    

    "Alam mo, matagal na kitang napapansin. Hindi lang talaga ako lumalapit sa iyo. Ngayon lang ako naglakas loob. Masyado kang tahimik, hindi ka ba nalulungkot?"

    

    Nalulungkot. Kahit ikwento ko pa sa iyo, hindi mo lang din maiintindihan ang gusto kong iparating.

    

    Nanatili akong tahimik. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya kinikibo. Nasa daan ang atensyon ko.

    

    "Ako si Kate, ikaw? Sino ka? Anong pangalan mo?" Ibinigay niya 'yong kamay niya sa akin. Tiningnan ko lang iyon. Nakangiti siya na para bang gusto niya talagang makipagkilala sa akin. Ang ganda ng ngiti niya, kakaiba.

    

    Iniwas ko ulit 'yong tingin ko. Ganyan ba siya kadisperada para makilala ako? Makikipagkaibigan kayo sa una pero sa huli sisiraan niyo rin naman ako. Mga galawan niyo bulok!

    

    Hinarang niya ako sa harapan kaya napahinto ako. Ano bang ginagawa niya? Naglabas siya ng kapirasong papel at ballpen, may kung ano siyang isinulat doon. "Hayan!" Inilagay niya 'yong papel sa kamay ko kaya hinawakan ko na 'yon. "Dito na 'yong daan papunta sa bahay namin." Sabay turo niya sa isang eskinita. "Nakasulat diyan 'yong number ko, tawagan mo ako, ah! Byeeeee!" Nakangiti siyang kumaway-kaway sa akin at tumakbo na palayo. "Tawagan mo 'ko, ha?! Huwag mong kalimutan! Tawag ka ha!! Byeeeee!" sigaw niya habang tumatakbo papalayo.

    

    Napatingin ako sa papel na ibinigay niya, number niya ang mga 'yon. Bahagya akong napangiti dahil do'n. Sa buong buhay ko, siya lang ang taong nagtangkang kausapin ako ng ganito. Akalain mo 'yon, hindi siya nagsawang kulitin ako ngayong hapon. Gusto ko siyang kausapin kanina ngunit gusto ko munang estimahin kung gaano niya kagustong kausapin ako. Nagiging protective lang ako sa sarili ko this time, ayoko na ulit saktan ako ng mga tao. Ayoko na ulit.

    

    Kasalukuyan na akong naghuhugas ng mga pinggan ngayon. Habang sinasabunan ang mga 'yon, hindi maalis sa mata ko ang cellphone kong nakapatong sa mesa at 'yong papel na ibinigay sa akin ni Kate. Iniisip ko kung tatawagan ko ba siya o hindi. Natatakot ako.

    

    "Ako na po mag-aayos diyan, ma," sambit ko kay mama nang makita ko 'yong mga bitbit niyang plastik. Kararating niya lang dahil namili ito sa palengke.

    

    "Ako na, nak. Pagkatapos mo riyan puntahan mo na lang ang ate mo sa sala, hinahanap ka yata,"

    

    Tumango ako at dali-dali ko nang tinapos 'yong paghuhugas ng pinggan. Nadatnan kong nag-aayos ng gamit si Ate, mukhang nagmamadali siya. "Mond, paki-sundo naman si Hanna sa playground. Paniguradong ang dumi na naman niyon. Late na kasi ako sa trabaho e, ha?"

    

    "Sige," mahinang sagot ko.

    

    "Salamat," rinig kong wika ni ate.

    

    Naglakad na ako papunta sa playground na malapit sa amin. Tuwing hapon maraming mga bata rito kasama ang kanilang mga yaya. Maganda nga namang pumasyal dito tuwing hapon, maraming mga vendors ang nagtitinda lalo na kapag gabi, maraming magagandang pailaw.

    

    "Hanna!" sigaw ko habang nililibot ang kabuuan ng playground. Malikot 'yon at kung saan-saan sumusuot. Palibhasa'y maliit. "Hanna!" sigaw ko ulit.

    

    "Tito, Mond!"

    

    Napalingon ako sa isang batang babaing nakadapa sa damuhan. Tama nga si ate, ang dumi-dumi na niya. Ilang oras na ba siyang naglalaro?

    

    Itinayo ko ito at binuhat. Mahirap na baka takasan niya na naman ako. "Saan ka ba nagsususuot, ha? Tingnan mo 'yang damit mo, madumi ka na,"

    

    Ngumuso siya. "Tito! Tingnan mo, oh?! May balloons at ice cream!"

    

    Napalingon ako sa itinuro niya. "Gusto mo ba?!" tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumango habang nakangiti. Kinurot ko 'yong pisnge niya at pinuntahan na namin 'yong nagtitinda. "Manong, magkano po?" sabay turo sa ice cream.

    

    "Limang piso lang,"

    

    Humugot ako ng barya sa bulsa ko at binayaran si Manong. "Gusto ko rin ng balloons!" Napakamot batok na lang ako. Ang daming gusto ni Hanna, ako ba tatay mo ha?

    

    "Kuya? Magkano po sa balloons?"

    

    Napalingon ako sa gilid ko, boses babae iyon. Laking gulat ko na lang nang makita ko siya ulit. Si Kate, nakangiti lang siya habang binabayaran 'yong lobo. "Ito oh," nakangiting sambit niya at ibinigay nito kay Hanna 'yong lobo na binili niya.

    "Yay! Mayroon na akong balloons!" hiyaw ni Hanna. Sobrang lawak ng ngiti nito dahil sa ibinigay ni Kate na lobo. Nakakahiya naman dahil siya pa ang nagbayad niyon. 

    Baka isipin niyang wala akong pera.

    

    "A—Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko.

    

    "Naglalaro rin kasi rito 'yong kapatid ko. Hinahanap ko siya kasi pinapasundo na ng mama ko," pagpapaliwanag niya habang hindi mawala-wala sa labi niya ang ngiti. Ano bang mayroon sa labi niya? Natawa siya ng kaunti, "Hahaha! Himala! Nagsalita ka na,"

    

    Binaliwala ko ito. Kinuha ko na 'yong ice cream kay Manong at ibinigay iyon kay Hanna. "Salamat po," sabi ko sa tindero. Akmang aalis na kami ni Hanna nang marinig kong magsalita si Kate.

    

    "Uyy! Teka! Akala ko ba tatawag ka?" nakangusong aniya. "Hinintay ko kaya tawag mo,"

    

    Anong mayroon sa ngiti niya? Bakit hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mga labi niya? Para akong namamagnet ng pagka-hyper niya.

    

    "Ano bang kailangan mo?" seryosong tanong ko sa kanya habang nakakunot noo.

    

    "Gusto kitang maging kaibigan bago ako mamatay," at ngumiti ulit siya

    

    Nawalan ako ng gana sa sinabi niya. "Kalokohan," nakangising sabi ko at tumalikod na ulit sa kanya.

    

    "Uyy! Teka! Tawagan mo ko, ha!" rinig kong sigaw niya sa likod ko.

    

    Hindi ko na siya pianansin at umuwi na kaming dalawa ni Hanna. "Sino 'yon, tito?"

    

    "Wala, baliw yata," sagot ko sa pamangkin ko. Bahagya akong napangiti. Ewan ko ba, parang ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Ang sabi ko nga, buong buhay ko, walang nagtangkang kausapin ako ng ganito, tanging si Kate lang talaga.

    

    Nagtataka ako sa binanggit nitong salita kanina. Ano bang ibig sabihin niya sa "Gusto kitang maging kaibigan bago ako mamatay," ? Does it make sense? O nagpapapansin lang siya para kausapin ko siya? Siguro nga wala rin siyang kaibigan dahil sa ugali niya, masyado siyang feeling close sa mga tao kaya siguro ako 'yong pinagdidiskitahan niya.

    

    Kasalukuyan akong nasa kuwarto ko ngayon at umiinom ng kape habang pinagmamasdan iyong mga artworks ko. Mahilig akong gumuhit ng mga anime at mukha ng mga artista. Masyado akong nawiwili sa mga anime, buong oras ko ay dito ko na lang itinutuon.

    

    "Teka, nasaan na ba 'yong cell phone ko?" bulong ko sa sarili ko habang kinakapa-kapa 'yong bulsa ko.

    

    Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Agad kong nakita iyon sa ibabaw ng mesa, rito ko lang pala inilagay, nakalimutan ko na naman. Kinuha ko 'yon at bumalik sa loob ng kwarto. May study table kasi ako kaya dito ako lagi naka-upo. Pinagmamasdan ko 'yong kapirasong papel na ibinigay ni Kate. Should I call her or no?

    

    May kung anong tumulak sa akin na i-type 'yong number ni Kate, hindi pa ako tapos nang binitiwan ko ang cell phone ko.

    

    "H'wag," wala sa sariling sambit ko sabay kagat ng kuko ko. Kinuha ko ulit 'yong phone at nagpatuloy sa pagta-type. Binitawan ko ulit 'yon at tumayo sa kinauupuan ko. Napasabunot ako sa buhok na para bang hindi makapag-isip ng tama. "Mond, please, h'wag mo siyang tatawagan kahit anong mangyari," bulong ko ulit sa sarili ko.

    

    Nababaliw na 'ko!

    

    Kinuha ko ulit 'yong phone ko sa pangatlong pagkakataon. Tinapos ko na 'yong pagta-type sa number niya at nang mapindot ko iyong call kaya agad na nag-ring.

    

    "Hello? Sino 'to?" sagot nito sa kabilang linya.

    

    Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya kung anong gusto niyang sabihin. "Hello? Ikaw ba 'to? 'Yong lalaki sa playground? Hoyyyyyy!"

    

    Agad kong pinatay 'yong phone call. Hindi ko alam sa sarili ko pero kinakabahan akong makipag-usap sa kanya. Nahihiya? Natatakot? Nangangatog 'yong mga tuhod ko kapag nagsalita na siya lalo pa kapag ngingitian niya na ako. Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. Ayokong umasa sa kanya. Baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ma-in love sa babaing 'yon. Ayokong masanay sa mga pinapakita niyang kabutihan sa akin lalo na kung aalis o iiwan niya rin ako.

    

    Napalingon ako sa phone ko, nag-riring iyon at alam kong si Kate ang tumatawag dahil naka-save na sa contact 'yong number niya. Nanginginig kong kinuha 'yong phone ko at sinagot iyon.

    

    "Salamat naman at sinagot mo! Hoyyyy! Bakit ang tagal mong sagutin? Tumatae ka ba?"

    

    Napabuntung hininga ako nang dahil sa pinagsasasabi niya. Minsan kung ano-ano na lang talaga 'yong lumalabas sa bibig niya. Minsan nakakairita

    

    "Ano bang kailangan mo?" malamig na tanong ko sa kanya.

    

    "Gusto nga kitang makasama." Kahit sa kabilang linya ay ramdam ko pa rin na nakangiti siya. Bakit ba siya laging ganiyan?

    

    "Sira ka ba?! Lahat ng tao ayaw sa akin. I'm just a nobody, binubully nila ako. Kaya p'wede ba? Layuan mo na 'ko. Baka madamay ka pa sa kamalasan na dala-dala ko,"

    

    Ilang segundo siyang nanahimik pero agad ding nagsalita. "E, ano naman? Ikaw ang gusto kong maging kaibigan bago ako mamatay. Saka, gusto kitang makasama. Habang nabubuhay ako, ikaw ang magiging senior ko. Tutal mukha ka namang matanda e, hahahaaha!"

    

    Binanggit niya na naman iyong salitang ayaw na ayaw kong marinig. 'Mamamatay' na raw siya. Ano bang sinasabi niya? "Nagpapapansin ka ba? Masama akong tao, kaya kitang saktan kaya p'wede ba? Lumayo ka na lang. Ano bang mahirap intindihin do'n? Bakit 'di ka na lang magpakamatay para may magawa ka sa buhay mo,"

    

    "Gu—Gusto lang naman kitang makilala," humina na ang boses niya. "Gusto ko lang magkaro'n ng kaibigang kagaya mo. Alam kong nalulungkot ka at nakikita ko 'yon sa mga mata mo. Pero sana hayaan mo akong maging parte ng buhay mo. Narito lang ako para tulungan ka, hindi naman kita iiwan hangga't kaya ko pang manatili sa mundong 'to,"

    

    Natigilan ako sa sinabi niya. Ano bang meron sa babaing 'to? Lahat ng sinasabi niya ay nagkakaroon ng punto. Lahat ng mga binibitawan niyang salita parang nakakonekta sa buhay ko. Kate, sino ka ba talaga?

    

    "Bye, inaantok na 'ko," walang ganang paalam ko sa kanya at ibinaba na 'yong linya.

    

    Humiga na ako sa higaan ngunit hindi pa rin mapakali ang utak ko. Kung ano-ano na naman 'yong naiisip ko. Ano bang gusto niyang mangyari? Pero may punto siya. Gusto ko na ring makawala sa buhay na mayroon ako ngayon. Gusto ko na ring makulayan ang madilim kong mundo.

    

    Hindi naman siguro masama kung lagi kong kasama si Kate. Kahit papa'no ay may nakaka-usap ako, pagtyatyagaan ko na lang siguro 'yong pagka-radyo niya. Sa sobrang ingay at walang prenong pananalita niya ay sumasakit ang ulo ko. Ngayon ko lang din alam na hindi lang pala siya bungangera, may laman din pala ang mga sinasabi niya.

    

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • We're So Connected   Kabanata 18

    "BAKIT? Mamamatay ka na ba?" Nakangising tanong ko. "Malapit na." Nakangiting tumingin ito sa akin. Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin upang hindi niya iyon mapansin. Totoo ba talagang mamamatay na siya? Lagi niyang binabanggit ang salitang iyon at hindi rin ako mapakali sa kai-isip kung anong dahilan. Hindi kaya, tungkol lahat kay Kate iyong mga napapanaginipan ko? Imposible 'yon! Hindi siya iyon. Nagkataon lang siguro na magkamukha 'yong papa niya at kapatid nito sa panaginip ko. Hindi mangyayari 'yon. Hindi siya mawawala at lalong hindi siya mamamatay. She's so rare, hindi ko kayang mawala siya. "Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" In

  • We're So Connected   Kabanata 17

    WALA sa sarili na lang akong napahinto. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakangiti ako. Pinapanood ko ang bawat galaw niya. Parang may kakaiba talaga kay Kate na hindi ko maintindihan. She is amazing. Pero mapapatanong na lang ako sa sarili ko kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon. She changed a lot in me. I became more stronger and braver because of her. Sinulyapan ako nito sa hindi kalayuan at ngumiti. Ang mga ngiting iyon, walang katulad sa buong mundo. Her dark eyes, her long eyelashes, her lips are so perfect. Mas lalong bumagay sa kanya ang itim at mahaba nitong buhok. I hope I could confess my feelings right away. "We're here," aniya sabay turo sa bahay namin. "Hindi ka muna ba papasok?" Umiling siya. "Hindi na. Magkita na lang tayo sa school.

  • We're So Connected   Kabanata 16

    NAPAKUNOT ang noo ko. Medyo naguluhan ata ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" Sumandal ito sa kinauupuan niya at nag-krus ng mga braso. "You will know the answer soon. Ngayon hahayaan ko lang na mag-isip ka ng kung ano-ano." "Hindi ka naman mawawala, 'di ba?" seryosong tanong ko sa kanya. Nagseseryoso talaga ako kapag si Kate ang pinag-uusapan. She's a diamond that needs to be treasured. Mahalaga siya sa akin. "I don't know. Pero posible," nginitian niya ako. "Gagawin ko ang lahat para hindi mangyari 'yon," matapang na sagot ko. Halata namang hindi ito naniniwala. "Kapag oras mo na, oras mo na. Hindi mo mapipigilan ang isang bagay na matagal ng itinakda." "So, itinakda ka

  • We're So Connected   Kabanata 15

    UNTI-UNTI nang nanghihina ang mga tuhod ko. Bumabagal na rin ang aking pagtakbo. Humahangos at habol-habol ang hininga ko. Bigla na lang akong natumba. Nagkaroon ng gasgas ang magkabilang tuhod ko. Kahit ang mga palad ko ay nakalapat na sa mismong sahig. Pagod na ako. Pero hinding-hindi ako susuko. Tumayo akong muli at sinubukan kong tumakbo. "Kate!" Hindi ako tumigil. Sige, takbo lang! Tumakbo ako nang tumakbo. Hanggang sa makarating ako sa dalampasigan. Ito iyong dagat na pinuntahan namin noon ni Kate. Malalakas na ang hampas ng alon mula doon. Ang kalangitan naman ay madilim pa rin. Ni sinag ng araw ay wala akong makita. Naglakad-lakad ako sa tabi ng dagat. Ito 'yong dagat na akala ko kakainin ako ng buhay. Na akala kong hinihila ako ng mga tubig nito. Ngunit hindi pala, mali ako. Nangyari iyon dahil ito ang kinatatakutan ko. Ang tubig. Ang bagyo. Takot ako sa mga ito. Nara

  • We're So Connected   Kabanata 14

    NORMAL na araw lang ang nangyari ngayon. Kanina habang papunta sa eskwela ay hindi ko napansin si Kate. Dati-rati ay nagkakasabay kaming dalawa sa pagpasok. Ngayon ay hindi ko na nakita ang anino niya. Hanggang sa makarating na ako sa eskwela ay hindi ko pa rin ito nakita. Siya lang talaga ang nakakahanap sa akin kung saan ako naroroon. Gusto ko man siyang puntahan at hanapin ay hindi ko naman alam kung saan ko uumpisahan. "Talaga ba? Wow! Congrats sa atin!" Nagkakasiyahan sina Danny at iba pa naming kagrupo sa research. Matapos ang ilang linggo ay lumabas na ang resulta nito. Kami ang may pinaka-mataas na grado. Masaya ako nang dahil doon. "Raymond!” Ibinaling sa akin ang tingin ni Danny. Nasa likod lang ako nito. Magkasunod lang ang upuan namin. "Congrats," bati nito. "Congrats din sa iyo," sa

  • We're So Connected   Kabanata 13

    KAHIT anong iyak ang gawin ko ay walang Kate ang dumating. Ni hindi ako nito pinuntahan kung nasaan ako. Sinubukan kong tumayo ngunit natumba ulit ako. Nakaramdam ako ng pananakit sa kanang paa ko. Hindi ko iyon inintindi. Dapat maging malakas ako, maging matapat. Iyon ang gusto ni Kate. Ayaw niyang nakikita akong sinasaktan o inaapi ng ibang tao. Hila-hila ko ang kanang paa ko habang iika-ikang naglakad pa-uwi sa bahay. Ang lungkot. Parang may kusang nagpapatugtog ng nakakalungkot na musika. Hindi ko lang talaga maintindihan ang nangyayari. Gusto kong malaman ang lahat para hindi na ako nag-a-adjust ng ganito. I want to help myself and also Kate. Ayokong mawala siya sa paningin ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin. Naka-upo ako sa kama ko habang may tuwalya sa likod ko. Basang-basa ako. Ramdam ko ang bawat patak ng tubig na nagmumula sa buhok ko. Nakakabinging katahimikan. Hindi k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status