Share

Chapter 21

♣♣♣

Tirik na tirik ang sinag ng araw, tanging huni ng mga salagubang lang ang maririnig mo pati ang lagaslas ng mga dahong unti-unting nahuhulog sa lupa. Ganito ang paligid sa kakahuyan.

Bagamat may mga malalagong punong nakapalibot sa amin, hindi ko pa rin mapigilang mapapikit lalo na kung sinisilayan ng sinag ang aking mukha na siyang tumatagos sa magalaw na puno.

Uhaw, pagod at bigat ang tanging nararamdaman ko. Nakakasiguro akong malayo na kami mula sa warehouse na pinanggalingan namin ngunit kahit pa man ganoon, hindi pa rin ako makampante.

Gewang-gewang na ang lakad ko habang pasan ang walang malay na katawan ng lalaki. Kahit ako nagulat din dahil hindi ko inakalang kaya ko pala itong buhatin ng ganito kalayo.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status