Share

Chapter 3

Naabutan ako ni Jessie na nakaupo sa sahig habang umiiyak. Kaya naman lumapit siya sa akin at pinaupo ako sa gilid para pakalmahin.

"Wait here, Ate June. I'll get you some water." Umalis ito habang ako ay nakatulala pa rin sa sahig at hindi matigil ang pag-iyak.

Hindi ko alam kung may katapusan pa ba 'tong luha ko, pero ang alam ko lang ay hindi ko siya mapigilang umagos. Hangga't may nararamdamang kirot ang puso ko, hinding hindi magiging kapos ang luhang manggagaling sa mata ko.

"Here, Ate. Inom ka muna."

Inabot sa akin ni Jessie ang isang basong puno ng tubig. Tinanggap ko iyon gamit ang dalawang nanginginig na kamay at sumimsim. Umupo siya sa tabi ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na humaharang sa aking mukha. Habang ako naman ay nanatili ang tingin sa sahig. Sumisikip na ang lagusan ng hangin sa aking ilong, tingin ko ay may sipon nang namumuo. Pero hindi iyon problema.

"His death is still unbelievable, right?" Napalingon ako sa kaniya, nakatingin na rin pala siya kung nasaan ang kuya niya. "I was at the school when the incident happened. The moment I heard that someone met an accident at the woods, I didn't mind it. Dahil wala sa isip ko na si Kuya pala iyon."

A tear escaped from her eyes but she's too quick to shove it away. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. She's smiling, but her eyes isn't. Pain and grief is evident.

Hindi ako makapagsalita. We're both grieving but with different intensity. Tingin ko mas masakit ang sa kaniya dahil siya ang kapatid. Magkasabay silang lumaki, lumaki sa iisang bubong, halos magkasama araw-araw. Habang ako, kaibigan lang, nang-iwan pa.

"I still can't believe that my brother will fall into that cliff. I mean, he always spend his free time at the woods, at your favorite place, reading a book. Of course alam na niya kung saan ang mga delikadong parte. Why would he go near the cliff when he already knew that he'll probably fall and die?" she explained while crying. "Tapos magkasama pa sila ni Kuya Thaft kaya bakit mangyayari iyon? Kuya Thaft will never let that to happen, it doesn't really make any sense!"

I see it, I can sense that she still can't accept July's death. Even me.

Unconsciously, I cross the distance between us and grab her into my arms. There, she weep nonstop that's why I couldn't help myself but to caress her back. Parang nabaliktad bigla ang sitwasyon namin. Kanina ako ang pinapatahan niya tapos ngayon siya naman ang inaalo ko.

We stayed like that until we both calmed down. Pinahid niya ang luha niya at ganoon din ako. Nagkaginginan kaming dalawa at napatawa ng bahagya.

"Na-miss kita, Ate," nakangiti niyang sabi.

"Na-miss din kita, Jes."

Nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga nangyari sa buhay namin. Si Jessie ang ikalawa at nag-iisang kapatid ni July. At dahil kami lang ni Thaft ang lagi niyang kasama, hindi na nakapagtataka kung bakit pati kapatid niya ay naging close namin. Isang taon lang ang pagitan ng edad naming dalawa ni Jessie kaya ate na ang turing niya sa akin.

"Kararating niyo lang pala, Ate. Bakit hindi ka muna magpahinga? May magbabantay naman dito kay Kuya eh, kaya okay lang 'yon," sabi niya.

"Sige, samahan mo ako sa taas. Hindi ko alam kung saan nilagay ni Andres yung mga gamit namin, eh."

"Doon ka na lang sa kwarto ko. Tabi tayo matulog tapos kukulutin ulit natin yung buhok mo, gaya dati."

She cling her arm into mine as we march inside the mansion. Nakita naming nasa living room ang ilang mga kamag-anak nila. Binati namin ang mga ito bago umakyat. Medyo natagalan pa kami nang higitin ako ni Mamang Nelly, ang isa sa mga kapatid ni Auntie Lucy. Hindi raw sila makapaniwala na ang laki ko na.

"Hay naku Ate, pagpasensyahan mo na sila Mamang kung bakit ang daming chika sayo. Ang tagal mo rin kasing nakabalik, eh."

"Wala pa ring pinagbago si Mamang, kwela pa rin kakwentuhan."

Si Mamang Nelly ang sumusundo dati kay July kapag nasa trabaho ang mama niya. Dahil hindi naman ako nagpapasundo kanila mama, nakikisabay kami ni Thaft sa kanila. Kaya naman nalilibre kami lagi ni Mamang ng meryenda. Kasama kasi siya ni Auntie Lucy sa pamamahala ng panaderya sa may arko.

Nang makaakyat kami ng Jessie, sobrang daming pintuan ang nasa pasilyo. Aakalain mong hotel dahil magkakatapat ang mga ito. Malaki kasi ang mansyon. Kapag may celebration, dito natitipon-tipon ang mga Ignacio. At lagi kaming sinasama ni July dito kahit pa man hindi kami magkamag-anak.

Pumasok kami sa pinakadulong pinto. Madilim ang loob ng silid kaya kinapa muna ni Jessie ang switch ng ilaw. Nang lumiwanag na, maaliwalas na silid ang nakita ko. May malaking kama sa gitna, may mga kaunting gamit din at may maliit na shelf sa gilid ng dresser.

Hinila ako papasok ni Jessie at pinaupo sa kama. "Diyan ka muna, Ate. Kuhaan kita ng pantulog mo."

Lumakad siya sa dresser na gawa sa kahoy at binuksan ito. Kaunting damit lang ang nakatupi roon. Hindi kasi sila rito nakatira.

Kumuha siya ng kulay dilaw na pares ng pajama. Binigay niya ito sa akin at kumuha ulit ng isa pa para sa kaniya.

Nang walang pasabi, bigla siyang naghubad ng damit na siyang kinagulat ko. Nagtaka si Jessie kaya naman iniwas ko na lang tingin ko sa kaniya. Hindi kasi ako sanay ng biglang may naghuhubad sa harapan ko kahit pa na parehas kaming babae.

Lumalaki na rin si Jessie. Sobrang madami ang pinagbago ng pisikal niyang anyo lalo na sa katawan. Unti-unti na siyang nagkaroon ng kurba at mas lalo siyang gumanda. Magaganda naman talaga ang mga lahi ng mga Ignacio, ewan ko lang kay July. Siguro ampon siya.

Hindi naman panget si July. Maayos din siya manamit, mabango, makinis din ang balat dahil favorite niya ang kamatis at pipino. Matalino rin, hindi nga lang pala-imik sa ibang tao. At hindi nagsusuklay. Kung tutuusin may mga nagkakagusto sa kaniya pero libro lang ata ang kayang kumuha ng atensiyon niya.

"Ate kulutin natin buhok mo!" Masiglang tumalon si Jessie sa kama. Makapal kasi ang foam kaya naman tumalbog siya. Kinalas niya ang pagkakatali ng buhok ko at sinuklay ito. "Ang lambot pa rin ng buhok mo, Ate. Anong shampoo mo?"

"Sunsilk, yung green."

"Eh sabon, anong sabon mo?"

"Safeguard na bodywash."

"Skin care?"

"Perla... tsaka dasal." Natawa naman siya sa sinabi ko at sinabing dapat daw mag-try ako ng mga beauty products. Marami naman daw iyon sa siyudad. Kung alam niyang pupunta kami ngayon, dapat daw nagpabili siya sa akin ng isang set.

Nagkwentuhan ulit kami habang nagku-kulot siya ng buhok ko. Tapos na niya ang nasa itaas, puro na mga nakakabit na curler ang nasa ulo ko.

"Ate, may tattoo ka pala?" Tinaas niya ang natira kong buhok at saka hinawakan ang bandang batok ko.

"Ah, 'yan ba?" Kinapa ko ang sinabi niyang tattoo. Saka ko lang ito nakikita kapag tinitingnan ko sa salamin. Pero dahil bawal ang tattoo sa university na pinapasukan ko, madalas nakaladlad ang mahaba kong buhok para hindi kita.

"Matagal na 'yan, Ate?"

"Matagal na 'to, hindi ko na nga maalala kung kailan ako nagpalagay nito, eh."

Pinagpatuloy niya ang paglagay ng plastic curlers sa mga natirang buhok. "Bakit 20? Anong mayroon sa number na 'yon? Birthday mo?"

"Hindi ko nga alam, eh. Basta may ganito rin si Thaft at si kuya mo. Nasa may bandang kili-kili ang kay Thaft habang kay July naman nasa tagiliran. Bale magkakasunod-sunod kami -- 18, 19 at 20."

"Gano'n? Hindi ko napansin yung kay Kuya." Pinahawak sa akin ni Jessie ang suklay. Kinuha niya naman ang nag-iisang natirang plastic curler na nasa tin can at saka inikot ang buhok ko rito. "Ayan, tapos na!"

Binigay niya sa akin ang salamin niya kaya naman tiningnan ko ito. Naging maayos naman ang kinalabasan. Walang mga hibla ang natira at lahat din ay nakadikit mismo sa ulo ko, hindi nakalaylay. Tamang-tama lang ang sikip at pagkakakabit ng mga curler para hindi agad matanggal. Mukha tuloy akong tiyahing chismosa.

Tuwang-tuwa si Jessie, sinabi niyang bukas na raw namin tatanggalin para kulot na kulot talaga. Hinayaan ko na lang siya at humiga na. Pinatay ni Jessie ang ilaw dahil hindi raw siya sanay na matulog nang maliwanag kaya hinayaan ko na lang.

Masyadong malaki ang kama para sa aming dalawa. Pwede akong gumulong-gulong kung gugustuhin ko. Pero hindi ako mapakali dahil walang kurtina ang bintana ng kwarto. May glass namang nakaharang dito pero kitang-kita mo naman ang labas. May malaking sanga ng puno na nakaharang sa madlim na langit. Masyado itong malapit sa bintana kaya naman hindi ko magawang maging komportable.

Hindi ako matatakutin, pero kakaiba ang pakiramdam ko sa puno na iyon. Tahimik na ang silid dahil mabilis na nakatulog si Jessie dahil na rin sa pagod. Ang ingay naman sa baba ay hindi abot dito pero ang sayaw ng mga dahon sa labas ng bintana ay rinig na rinig ko. Samahan mo pa ng tunog ng mga salagubang.

Tumalikod na lang ako sa bintana, nagtaklob ng kumot at saka pinilit ang sarili na matulog.

--

Kinabukasan, malaman kong na-admit pala sa ospital si Thaft. Natagpuan din daw siyang sugatan sa kakahuyan. Bagama't sinabing magkasamang pumasok silang dalawa ni July sa kakahuyan, magkalayo naman ang lugar kung saan sila nakita ng mga rescuers.

Si July ay nakita sa baba ng bangin, duguan ang ulo habang ang tiyan ay nasaksak ng matulis na dulo ng putol na sanga.

Habang si Thaft naman ay sa gitna ng gubat nakita, puro sugat, pasa at may malaking hiwa sa binti. Mabuti na lang at naabutan siya ng mga rescuers na humihinga pa, kaya naman agad itong sinugod sa ospital.

"Sigurado ka bang hindi ka magpapasama, Ate?" tanong ni Jessie sa akin. "Nasa kabilang bayan pa ang ospital. Hindi ka kaya maliligaw?" Nilahad niya sa akin ang floppy hat na ipapahiram niya dahil mainit sa labas.

Tinanggap ko ito at saka pinatong sa ulo ko. Inayos ko ang laylayan ng bestida kong nagusot. Maaraw man sa labas, pero mahangin naman. Kaya naman hinanap ko talaga ang sleeveless kong bestida na kulay dilaw. "Okay lang ako, Jes. Marunong naman akong mag-commute eh, tatandaan ko na lang yung daan pabalik dito."

Hinatid niya ako hanggang sa gate ng mansyon. Kumaway naman ako sa kaniya bago ako lumakad paalis. Bitbit ang maliit kong bag back, gumayak na ako papunta sa sakayan.

Malubha raw ang lagay ni Thaft nang makita ito. Tapos kulang pa ng mga kagamitan ang ospital ng Tierra Cota dahil kagagawa pa lamang. Kaya naman sa ospital ng kabilang bayan siya dinala.

Maraming nakapila sa sakayan. Dahil walang mauupuan, nakatayo lang silang lahat. Dumiretso ako sa likuran at saka matiyagang naghintay sa jeep.

"Hanggang sayo lang muna ang pila, miss. Dose lang kasi ang kaya nitong isakay," paliwanag ng konduktor.

"Ay, gano'n po ba?"

Kinuha ko ang pitaka ko sa bag at kumuha ng pamasahe. "Sa Arcana lang po ako bababa, manong."

Nang dumating na ang jeep, isa-isa kaming sumakay sa loob nito. Dahil ako ang masa dulo ng pila, nasa hulihan din ang pwesto ko. Hinawakan ko ng maiigi ang ibaba ng bestida pagkaupo dahil baka liparin ng hangin.

Tahimik lang akong tumitingin sa bawat punong madadaanan namin. Matapos kong malaman kung anong nangyari sa kanilang dalawa, hindi ko talaga mapigilang mag-alala. Matindi ang sinapit ni July, sana naman ay nasa maayos na lagay si Thaft. Hindi ko kakayanin kapag nawalan ako ng dalawang kaibigan.

//

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status